Chap. 12

5.9K 481 10
                                    

Chap. 12

Habang nanatili si Noah sa hospital; madalas naman s'yang dinadalaw ni Diana. Minsan, nang dumalaw si Shiloh kasama ni Aling Berna. Inabutan nilang nasa loob ng silid ni Noah si Diana.

"Noah, dinalhan ka namin ng isa sa paborito mong meryenda..ang Pineapple pie." Itinaas naman ni Aling Berna ang bitbit na paper bag.

"Salamat na 'Nay." Malambing na sinabi ni Noah.

"Hindi ako ang gumawa nito kundi si Shiloh. Pinag-aralan n'ya kung paano ito gawin."

"Aba, pinag-aralan mo ba 'yan dahil paborito ni Noah?" Makahulugan ang dating ng pananalita ni Diana kay Shiloh. At napakunot naman ang noo ni Aling Berna.

"Ah..eh..nagkataon lang po na mahilig rin akong kumain ng Pineapple pie, kaya pinag-aralan ko kung paano gawin 'yan." Sagot ni Shiloh.

"Oh, paborito ni Noah..paborito mo rin. Ano pang bagay ang paborito ni Noah na magkatulad kayo?"Sunod na tanong ni Diana.

"Po?" Hindi inaasahan ni Shiloh ang ganung mga tanong sa kanya.

"Ehem..Maam, hindi porke't magkaibigan sila maraming alam si Shiloh kay Noah. Dapat ikaw ang nakakaalam n'yan dahil magkasintahan kayo, hindi ba?" Singit ni ALing Berna.

Parang natunaw na yelo si Shiloh sa sandaling 'yon. Samantala si Noah ay nanlalaki na ang mga mata sa mga tanong ng kasintahan. Tumaas ang kilay ni ALing Berna sa kasintahan ni Noah. Ibinaba nito ang paper bag.

"Noah, napadaan lang kami dito dahil may pupuntahan kami. Siguro naman, pwede kang bantayan dito ni Maam Diana." Sabay tingin ni Aling Berna sa kasintahan ni Noah.

"Ah..sige po." Pilit na ngumiti si Noah. Nagmadaling lumabas ang mag-ina. Nang makalabas sila ni Shiloh..

"Nakita mo na...merong hindi maganda na pagtingin sa 'yo si Diana. Kaya Shiloh, iwasan mo si Noah. Kung sakaling mang bantayan mo s'ya..iwasan mo na magkalapit kayo ng husto. Naintindihan mo?"

"Nay, kahit hindi n'yo pa sabihin..talagang gagawin ko." Sagot ng anak.

Sa loob ng silid..

"Ano bang nangyayari sa 'yo Dee? Ano bang gusto mong palabasin? Ayaw ko 'yong pinakita mo kanina."

"Noah, I feel insecure. And I have doubt."

"What?"

"Yeah, I feel insecure because she has a strong connection with you. Hindi mo maiaalis sa akin ang mangamba, lalo na't pupunta ako sa malayo. Noah, hindi na s'ya bata. Babae ako. May mga sandaling nakikita ko sa kanyang mga mata at kilos na kakaiba sa normal na pakikitungo sa isang tao."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Maybe she likes you."

Biglang tumawa si Noah.

"Oh really? Ngayon ko lang alam sa matagal na panahon nagseselos ka kanya ng palihim."

"Noah, binabalaan kita..H'WAG KANG MAMANGKA SA DALAWANG ILOG."

Hindi nakapagsalita si Noah. At binaling ang tingin sa ibang direksyon.

"For Pete's Sake. H'wag kang mag-isip ng ganyan."

"You can't blame me. I gave you everything. At umaasa ako sa pagkita nating muli..AKO PARIN ang nagmamay-ari sa 'yo."

Humugot ng malalim na paghinga si Noah. Hinapit nito ang ulo ng kasintahan. Hinagkan nito ang noo.

The BearerWhere stories live. Discover now