My Personal Yaya

By Eibhline

13K 1K 67

May isang babaeng nag ngangalang Alisha Vargas, o mas kilala bilang Ali. Isang simpleng babae na ang hangad l... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
EPILOGUE

Chapter 50

201 7 0
By Eibhline

Chapter 50

Napakunot ang noo ko nang tumigil ang sasakyan ni Cheska sa harap nang restaurant na pinagtatrabahuan ni Robin. Tahimik ko siyang nilingon at naabutan ko siyang binuksan ang pintuan sa side niya at lumabas.

Bumuntong hininga muna ako bago lumabas narin.

Tahimik akong sumunod sa kanya papasok sa loob ng restaurant. Ang napili niyang cuisine ay Mexican at doon kami sa loob pumwesto. Pero kita parin namin ang nangyayari sa labas dahil glass wall naman ang salamin.

Pagkaupo namin agad nang may lumapit na waiter at binigyan kami ng tig-isang menu. Kahit na busog pa ako ay nag-order narin ako. Pagkakuha ng waiter sa order namin ay agad na itong umalis at sinabing mag-antay lang kami ng ilang minuto.

Tahimik kaming dalawa pinapakiramdaman ang bawat isa. Habang ganoon kami, nilibot ko muna ang paningin ko sa labas ng glass wall. Kung saan makikita mo ang ibang customer ay masayang kumakain kasama ang kanilang barkada o kapamilya. Nahagip rin ng paningin ko ang ilang couple na tahimik na kumakain, ang iba pa nga'y nagsusubuan at may sariling mundo.

Wala rin sa sarili kung hinanap nang paningin ko si Robin. Hindi ko kasi siya napansin nang pumasok kami dahil sa kasama ko ngayon. Masyado yata akong preoccupied sa mga iniisip kung posibleng mangyari ngayon.

Marahas akong napabaling kay Cheska nang marinig ko siyang tumikhim. Kababa niya lang sa wine glass na hiningi niya kanina bago umalis ang waiter. Napalunok ako at pakiramdam ko may nagbara sa lalamunan ko kaya kinakailangan ko pang uminom ng tubig para mawala ito.

Umayos ako ng upo at kahit kinakabahan ay itinuon ko ang buong atensyon ko sa kanya.

Sa totoo lang, wala talaga akong kaide-ideya sa kung ano ang nasa isip niya kung bakit niya ako gustong makausap. Kinakabahan at napapalunok tuloy ako sa tuwing sumasagi sa isip ko 'yung mga napapanood ko kung minsan mga drama sa telebisyon. Ganitong ganito 'yun, eh. Natatakot tuloy ako pero hindi ko 'yun ipapagalata sa kanya.

Pinilig ko ang ulo ko at pinangalahatian ang basong may lamang tubig sa harapan ko.

Tumikhim siyang muli bago nagsimulang magsalita para sa marami pa niyang sasabihin.

"How's you and Zach?"

Nagulat ako sa tanong niya at hindi agad nakapagreak. Tumikhim ako at sasagutin na sana ang tanong niya nang maunahan niya akong magsalita.

"Never mind that. I can see that you two are happy. Especially, Zach I can see it in his eyes and the way he's staring and smiling at you..." umiling siya. Mapait akong nginitian. "I didn't see that when we're together back then. Although, I see him happy with me but not as happy as I can see when you two are together."

Makikita mo sa mukha ko ang pagkamangha at gulat sa sinabi niya. Ni minsan, kahit sa panaginip ko, hindi ko maimagine na maririnig ko ito mula sa kanya.

"And I admit... you two look good... together." pagpapatuloy niya pa, matapos sumimsim sa wine glass niya.

"I'm sorry..."

Kitang-kita ko rin ang pagkakagulat sa ekspresyon ng kanyang mukha. Umawang ang labi niya at nanlaki ang mga mata niya. Narinig ko rin ang pagsinghap niya, mukhang katulad ko, hindi niya rin inasahan ang sinabi ko.

Tingin ko kasi ay kailangan ko talagang humingi nang 'sorry' sa kanya, hindi lang tungkol sa lalaking dati niya rin minahal, kundi pati narin sa lahat-lahat bilang pormalidad.

Kay Papa na alam kung sobra niyang ikinagalit dahil sa paglilihim nito sa kanya nang matagal na panahon. At malalaman niya, namin, pagkaraan ng ilang buwan na magkapatid pala kaming dalawa. Alam kung sobra niya iyong ikinagulat to the point na hindi niya iyon pinaniwalaan... ayaw niyang paniwalaan... at alam ko rin na lalo pa niyang ikinagalit. Lalo pa't una nang may namuong tensyon sa pagitan naming dalawa na mas lalo lang lumala.

Ang fiancee niya dapat ay una nang umatras at sinabing wala nang magaganap na kasalan. Na lalo pang nagpaalab sa kanyang galit nang malaman na naglihiman siya ng sarili niyang Ama.

Napuno ang kanyang puso ng pagkamuhi, galit at poot sa lahat... at hindi ko siya masisisi roon.

Hindi naman niya iyon kasalanan. Hindi namin iyon kasalanan. Hindi niya-ko-kasalanan kung bakit kami magkapatid. Walang kaming kasalanan tungkol dito, mga biktima lang rin kami ng mga maling naging desisyon ng pagmamahal ng mga magulang namin.

Kaya wala kaming kasalanan...

Tumikhim siya pagkatapos nang ilang sandali at nag-iwas siya nang tingin sa'kin. Nawala ang tingin ko sa kanya nang mapabaling ako sa waiter na dumating sa lamesa namin... si Robin.

"Oh?" gulat na saad ni Robin.

Nangunot pa no'ng una ang noo ko kung bakit siya ang naroon at hindi ang waiter na kumuha nang order naming dalawa. Bagama't, alam ko na narito siya, hindi ko naman inasahan na siya ang maghahatid ng pagkain namin. Pero sa huli at nagkibit na lamang ako ng balikat.

Napansin ko na ang pagtagal nang pagkakatulala niya kay Cheska kaya siniko ko na siya. Bahagya siyang napatalon sa ginawa ko. Tumikhim siya, mukhang natauhan narin, pero wala parin siya sa sarili niyang inilapag ang inorder naming pagkain sa aming lamesa.

Umiling ako. Mukha yatang hindi rin siya makapaniwala na magkasama kaming dalawa ni Cheska sa iisang lamesa, ah?

"Kaya pala ako ang pinag-serve ni Jerry dito, dahil siguro nakilala ka niya..." tukoy niya marahil sa waiter na kumuha ng order namin kanina.

"Siguro nga..."

"Kumain na kayo. Ang papayat niyo na, eh."

Hindi nakataas sa'kin ang pagsulyap niya kay Cheska nang sinabi niya ang huling mga salita. Lihim akong napangiti. Umirap naman si Cheska sa narinig niya.

"Ayan lang ang kakainin mo?" puna niya sa inorder ko.

At dahil sinabi kung busog pa nga ako. Dessert nalang ang kinuha ko.

"Oo. Kumain na kasi ako. Busog pa," pinakita ko sa kanya ang marahan kung pagtapik sa tiyan ko, nakangiti sa kanya.

Umirap niya. "Ikaw ibusin mo rin 'yan, ah?" bumaling siya kay Cheska. "Hindi ka makakaalis dito hangga't hindi mo ubos 'yang pagkain mo."

"Excuse me," alma agad ni Cheska, nakataas ang isang kilay.

"Maiwan ko na kayo..."

Pagkaalis niya, nagsimula na kaming kumain nang tahimik. Mukhang hindi pa yata naghapunan itong si Cheska kaya ang inorder niya ay yuong heavy meals. Nauna akong natapos sa kanya. Nagpaalam akong magpupunta muna sa restroom. Tumango siya habang kumakain parin. Pagbalik ko sa lamesa namin tapos na siya at kumakain nalang nang kanyang napailing panghimagas.

Pagkaupo ko napatitig agad ako sa wine glass na nasa harap ko.

"Drink it, para naman may kasama rin akong uminom."

Pinakatitigan ko siya, normal lang naman ang kilos niya. Binalik ko ulit ang tingin ko sa inumin at sumimsim doon. Pagkatapos, dahan-dahan ko iyong inilapag pabalik sa lamesa habang ang mga mata ko ay nasa kanya.

"Cheska, ano ba ang pag-uusapan natin?" marahang tanong ko.

Nawala ang pagkakangisi niya. Umayos siya ng pagkakaupo pagkatapos ay sumimsim rin siya sa kanyang wine glass. Ngayon wala nang makikita sa kanya kundi ang blankong ekspresyon.

Kung kanina ay bahagya nang nawala ang tensyon sa pagitan namin. Ngayon naman pakiramdam ko ay unti-unti itong bumabalik at mas humigit pa nga.

"Ah..."

Suminghap siya.

"About Dad... I'm sorry for what I did to you..." sabi niya. "I only did that because I'm jealous... I'm angry at you... I'm sorry..."

Natigilan ako roon. Mas pinakatitigan ko siya, tinatantya ang kanyang magiging ekspresyon. May kung ano kasi akong nakita sa kanyang mata, eh. Nag-iwas siya nang tingin sa'kin nang magtama ang mga mata namin.

Humugot ako ng malalim na hininga.

"Are you really sorry?"

Nakitaan ko ng bahagyang iritasyon ang kanyang mukha. Lihim pa siyang umirap pero hindi iyon nakaligtas sa'kin. Tumaas ang kilay niya. Unti unti kung nakikita ang bumabalik na Cheska'ng mataray at may ayaw sa'kin.

"Kung inutusan ka ni Papa na humingi nang sorry sa'kin at sa nagawa mo..." umiling ako sa kanya. "Sorry rin pero hindi ko tatanggapin ang sorry mo." pagpapatuloy ko.

Nagtiim bagang siya. Tila tapos na siya sa mahabang pasensiya nang pagpapanggap na maging mabait sa harapan ko.

"Then what? Do you expect me to kneel down in front of you while saying sorry?" may panunuya sa tono niya. "Hell no! Kung ayaw mo 'di wag!"

Kinuha niya ang kanyang wine glass at inubos ang natitira roon. Pagkatapos ay nagsalin ulit siya at pinangalahatian niya naman iyon. Umirap siya sa'kin.

"Hindi naman sa gano'n, Cheska..."

"Tss..."

Napapikit ako at marahang minasahe ang aking sentido. Pagmulat ko nang mata ko, nakita ko si Robin na nakamata at pinagmamasdan ang nangyayari sa aming dalawa habang nagseserve siya ng pagkain sa kanilang iilang customer.

Kahit hindi ko tingnan ay ramdam ko na kanina pa kami pinagmamasdan ni Robin. Ramdam ko na paminsan-minsan ay naglalagi ang kanyang mga mata sa amin, lalo na kay Cheska. Hindi ko lang alam kung ramdam rin ba iyon ni Cheska.

Nagtama ang mata namin. Kumunot ang noo niya. Aamba siyang pupuntahan kami, pagkatapos niyang maiserve ang inorder ng kanilang customer nang tinawag siya ng kanyang kasamahan. Bago siya tumalima ay ilang segundo niya pa muna kaming kunot noong pinagmasdan.

Binalik ko ang mata ko kay Cheska. Nakataas ang kilay niya, naabutan kaming nagkatinginan ni Robin.

Suminghap ako. "Cheska, kung ginagawa mo lang 'to dahil humingi nang pabor sa'yo si Papa... at sinunod mo lang ang kagustuhan niyang makita tayong hindi nag-aaway... dahil gusto mo na makita siyang hindi problemado sa atin dahil sa kanyang kalagayan..."

Kumurap- kurap ako para mapigilan ang nagbabadyang mga luha.

"Oo, alam ko galit ka sa amin lalo na sa akin. Kasi pakiramdam mo inagaw at kinuha ko na ang lahat nang para lang dapat sa'yo noong wala pa ako. Sorry... alam kung may kasalanan rin ako sa'yo... p-pasensiya na... humihingi ako ng dispensya sa'yo sa lahat ng kung ano man ang nagawa ko sa'yo..."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, diretso sa mga mata niya, para makita niya ang sensiridad ko sa sinabi ko. Pero siya itong hindi naman makatingin sa'kin, nakabaling ang mga mata niya sa paligid. Suminghap siya. Kita ko ang pagkislap nang nagbabadyang mga luha sa gilid ng kanyang mata.

"Ha! Hindi mo alam?" kita ko ang sakit sa kanyang mata.

"Sa totoo lang, wala akong alam dito. Kahit sa panaginip, hindi ko naisip na may koneksyon tayong dalawa. Hindi ko alam na sa mga nagdaang panahon ay may naghahanap pala sa akin, ang iyong Ama... na magkapatid pala tayong dalawa sa kanya..."

"You ruined everything! Simula nang dumating ka!" dinuro niya ako.

"Cheska, makinig ka,"

"At bakit naman ako makikinig sa isang katulad mong mang-aagaw! Ha?!"

Yumuko ako at mabilis na pinalis ang luhang tumulo sa akin.

"Simula nang dumating ka... nakuha mo agad ang atensyon ni Zach, na dating walang pakealam sa paligid niya! Si Daddy na magmula nang makita ka niya... lagi na ikaw ang bukang-bibig. Alam mo 'yung hindi ka na pinapansin kasi lahat sila nakapukos sa'yo..."

"Sorry,"

Nag-angat ako ng tingin at gaya ko ay luhaan na rin siya. Iritado niyang pinalis iyon. Pero hindi niya iyon maawat ganon din ang sa'kin.

"Pasensiya na... hindi ko naman hiniling sa mga taong malapit sa'yo na pansinin ako. Nagpunta ako dito sa Manila, walang ibang nasa isip kundi ang Mama ko, para humanap ng trabaho para maoperahan ko si Mama. 'Yun lang. Hindi ko naman inakalang makakahanap ako ng mga kaibigan dito. Pati narin ang pagpapadali nang paghahanap sa'kin nang Daddy mo. At lalong hindi ko... inakala... makapaniwala...na makikita ko dito ang Papa ko,"

Umiling lang siya.

"Naiintindihan kita,"

"Hindi mo ako naiintidihan, Alisha," matalim ang kanyang mga mata sa'kin, puno ng sakit galit at hinanakit.

Sumimsim siya sa wine glass niya. Hindi ko napansin na halos wala na sa kalahati ang laman ng bote nito.

"Trust me, Cheska, naiintidihan kita..."

Marahan kung hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa lamesa, pero hindi pa nga ito lumalapat sa kamay niya, marahas na agad niyang winaksi ang kamay ko.

"Don't touch me."

Binalik ko ang kamay ko sa kandungan ko. Lalong sumakit ang damdamin, pero naintindihan ko siya.

"Alam kung ginawa mo lang ito ngayon, hindi dahil gusto mo, kundi dahil napipilitan kalang na sundin si Papa. Kasi kahit alam kung galit ka parin sa kanya, gusto mo parin na makita na masaya siya. Ganoon mo kamahal si Papa natin, Cheska. Nakikita ko iyon sa mga mata mo. Pero ikaw pilit mo itong nilalaban sa sarili mo, pilit mong pinapakita sa kanya ang galit at matigas mong damdamin."

"Shut up!"

"See, tulad nalang nang hindi nakaattend si Papa sa conference meeting niya. Narinig mong sinabi niya na hindi siya makakapunta at pinare-schedule niya nalang ito. Pero nabalitaan namin na nandoon kana, umalis kang hindi nagpaaalam sa kanya. Mahal mo si Papa at mas mahal karin niya. Hindi mo nakita 'yung proud niyang mukha nang malaman niya ang ibinalita ng secretary niya sa ginawa mo."

Kita ko ang munting pagsilay ng kanyang pagngiti.

"Kaya wag mong sabihin na inagaw ko siya sa'yo, na sa'yo parin siya, Cheska. Kaya kong humihingi ka ng sorry sa'kin, dahil sabi niya, wag mo nang ituloy dahil hindi ko iyan tatanggapin. Gusto ko kung humingi kaman ng sorry sa'kin ay dapat bukal sa puso ang paghingi mo nang tawad 'tsaka ko lang iyon tatanggapin. Alam kung hindi iyon mangyayari ngayon kaya maghihintay ako..."

Maluwag ko siyang binigyan nang malapad na ngiti.

"At sana magkaayos rin tayo para kay Papa natin, Cheska..."

Tumaas ang kilay niya. Namutawi ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa pagkatapos noon. Siya ay nagpatuloy sa pagsimsim ng alak. Habang ako ay tahimik, pero paminsan-minsan ring napapainom sa aking wine glass, habang pinoproseso ang nangyari.

"Fine!"

Napatingin ako sa kanya nang magsalita siyang muli matapos ang mahabang katahimikan namin. Wala na ang aming mga luha, pero bakas at malalaman mo na kagagaling lang namin sa pag-iyak.

"I'll do what you said... pero matatagalan pa iyon kaya mag-antay ka,"

"Okay lang sa'kin, Cheska. Para kay Papa natin ang makita niya tayong dalawa na magkasama, hindi man gaanong kaclose, ay magkaayos naman."

"Tss,"

"Cheska tama na 'yan lasing kana..." puna ko nang medyo marami na ang nabawas niya sa ikalawang bote na pinakuha niya.

"I'm not drunk, just a little bit tipsy." Iniwas niya sa akin ang bote. "Uminom ka rin kaya, para naman may kasama ako. Kaya nga kita niyaya dito, eh."

"Cheska umuwi na tayo gabi na. Baka hinahanap na tayo ni Papa."

"Join me with this kung gusto mo na magkaayos tayo,"

Sa huli ay bumuntong hininga nalang ako at pumayag sa gusto niyang mangyari. Sa bagay, minsan lang naman itong mangyari at sa tingin ko ay kung mauulit man ito matagal pa iyon. Kaya dapat lubusin ko na rin ang pagkakataon na magkasama kaming dalawa, diba?

Kaya ayun, nag-inom kami. Nagpakuha pa ulit kami ng dalawang bote ng wine. Nang nagsawa roon ay lumipat kami at nagtungo sa mini-bar nila roon.

Pinupuntahan kami ni Robin, kada ilang minuto, para sawayin pero hindi namin siya pinakinggan. Busangot at seryuso na ang kanyang mukha lalo pa't hindi rin naman siya nagtatagal sa'min dahil sa kanilang mas dumarami na customer. Weekend na kasi bukas kaya marami sila ngayon.

"H-How are you and Zach?" si Cheska.

"Ayos lang..." suminok ako roon, nakayuko na.

"Now I know why Zach fell in love with you, huh?" biglang sabi niya.

"Hmm,"

"Ano nang ganap sa inyo ni Zach? I... guess nahalikan ka na nun?" humagikgik siya.

"Oo!" humagikgik rin ako.

"Eh... higit pa roon?"

"Wala na..." nakanguso kung saad, parang iiyak pa.

Lasing na yata talaga kami kung saan-saan na napupunta ang usapan namin. Natawanan. Hagikhikan. Para na kaming nababaliw na dalawa. Ang pagsasalita namin ay hindi na tuwid at pautal-utala pa.

"Isa pa... 'yung kaibigan mo..."

"Ah... si Robin! Alam mo tingin ko gusto 'yun sa'yo," suminok ulit ako. "P-Palagi ko siyang nakikitang nakatingin sa'yo... eh..."

"Yuck! Ayaw ko nga sa k-kanya! P-Pero gwapo siya... d-diba?"

Tumawa kaming dalawa na parang nababaliw na talaga.

"Hoy! Kayong dalawa, tama na 'yan! Lasing na kayo. Ihahatid ko na kayo. Magsasara na rin kami!" narinig ko ang boses ni Robin na palapit at galit na.

"Ayaw pa namin, eh!" parang bata na ang boses ko.

"Hoy, ikaw! Gusto mo ako?!" si Cheska.

"Putek!" si Robin. Nagulat nang hinila ang kwelyo niya ni Cheska at inilapit ang mukha niya dito. "Ay gago!" sabi niya nang makita nang nanlalabo kung mata ang paglapat nang labi nilang dalawa.

"Ayan! May kiss kana sa c-crush mo!"

Tulala lang siya. Maya-maya ay nakita kung kinakalkal na niya ang bag ko para sa kung ano. Bagsak na ang mukha ko sa counter at nakapikit na, ang mga braso ay ginawa nang unan. Habang si Cheska ay pilit parin na nakikipag-agawan kay Robin sa shot glass niya habang ang kaibigan ko naman ay may katawagan na sa aking telepono.

Ilang minuto lang ang lumipas, ay naramdaman ko nang lumulutang na ako sa ere. Dumilat ako at nakasalubong ko ang madilim na mga mata ni Zach kaya pumikit nalang ulit ako. Nakatulog narin si Cheska sa mga bisig ni Robin habang karga rin siya nito.

Hindi ko inakala, na simula sa araw na ito, ay iyon na pala ang unti-unti naming pagiging malapit ni Cheska... parang ang hiling kung magkaayos kami para kay Papa ay nahigitan pa roon...



ZACHARY

I was walking upstairs, after the little talk and just a chilling drink of wine with my parents in the garden, after we ate the dinner. For some reason, after we had the private family talk, we always end up after dinner here in the garden. Just catching up for what happened in our day and talking for what we could talk.

While, mom is sipping on her favorite red wine and while ours is beer, of course.

When my phone in my back pocket beep. I answer it with a smile plastered on my lips, when I saw who's calling.

"Hey, you still awake?"

I open my door and sat on the edge of my bed.

Continue Reading

You'll Also Like

200K 3K 17
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
584K 14.1K 58
GUN LUCIFERO MADRIGAL. He's Ruthless. He's a Demon personified. He's feared by anybody. He can kill in a snap. And lastly, He's my KIDNAPPER? *** Pa...
473K 10.1K 64
"Woman, I will be loyal to you. I will love you but please love me back " "Gusto kong magsikap at abutin ka, masyado kang mataas. Tinitingala ka ng m...
464K 6.3K 43
When she unexpectedly took on a job as a maid, little did she know that her life would undergo a significant transformation, throwing her into chaos...