Invisible Girl (Reprint unde...

By aLexisse_rOse

12.2M 195K 19K

Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and... More

Chapter One: Her Voice
Chapter Two: The Meeting
Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded
Chapter Four: The Shower Scene
Chapter Five: Unexpected Kiss
Chapter Seven: Jealous
Chapter Eight: Jealous part2
Chapter Nine: That Guy
Chapter Ten: Sick
Chapter Eleven: The Other Guy
Chapter Twelve: Chaperone
Chapter Thirteen: New Look
Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart
Chapter Fifteen: She's Jealous
Chapter Sixteen: The Light
Chapter Seventeen: Bad Dream
Chapter Eighteen: Fallin
Chapter Nineteen: Big Decision
Chapter Twenty: Last Day
Chapter Twenty One: Why Me?
Chapter Twenty Two: Back to Manila
Chapter Twenty Three: He's Curious
Chapter Twenty Four: He's Back!
Chapter Twenty Five: Face Off
Chapter Twenty Six: Mistaken
Chapter Twenty Seven: Broken Hearts
Chapter Twenty Eight: DejaVu
Chapter Twenty Nine: Careless
Chapter Thirty: Surprise Guest
Chapter Thirty One: The Confrontation
Chapter Thirty Two: Moving On
Chapter Thirty Three: Love Rain
Chapter Thirty Four: Together Again
Chapter Thirty Five: Finale
Epilogue:

Chapter Six: Stick to the Plan

328K 5.5K 256
By aLexisse_rOse

Chapter Six: Stick To The Plan


<MURIEL'S POV>

NABANGGIT sa akin ni Nana Tonya ang pagdating ni Ma'am Lorie nang hapong iyon. Pero sa halip na harapin siya, hindi ako lumabas ng kuwarto ko at nagtulug-tulugan. Siguradong hihingan niya ako ng development at wala akong maisasagot na ikatutuwa niya. Alangan namang sabihin kong lagi na lang kaming nagtatalo ng masungit niyang anak!

Ang speaking of the devil, hanggang ngayon ay hindi ako maka-get over sa 'kissing scene' namin kanina. Nakakainis. Kahit takpan ko ng unan ang mukha, hindi pa rin iyon mawala sa isip ko. Hindi iyon ang first kiss ko pero hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang impact n'yon sa akin.

Narinig ko ang mahinang pagkatok sa pintuan kasunod ang pagbukas n'yon at mula roon ay pumasok si Ma'am Lorie. Napilitan tuloy akong bumangon.

"Naistorbo ba kita?" Agad niyang tanong.

"Hindi naman po."

Humakbang siya palapit sa akin at umupo sa gilid ng kama. Ilang sandali niya akong pinagmasdan bago ngumiti... ngiti na nauwi sa mahinang pagtawa. Wala sa loob na niyuko ang sarili. Baka kasi mayroon siyang nakitang nakakatawa sa itsura ko.

"Sorry. Bigla lang akong may naalala," umangat ang kamay ni Ma'am Lorie at maingat na hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na tumabing sa aking mukha. "You remind me of myself when I was young. A typical girl who was not aware how beautiful she was."

Napakurap lang ako sa mga narinig. I was not expecting this side of Ma'am Lorie.

"Anyway, nabanggit sa akin ni Nana Tonya na hindi ka raw naghapunan."

"Sumakit po kasi ang ulo ko kaya itinulog ko na lang," nakayukong sagot ko at hindi ko magawang tumingin sa kanya.

"Si Riley ba ang dahilan?"

Hindi ako sumagot.

"Pagpasensiyahan mo na ang anak ko. I know that you are having a hard time dealing with him. Wala man ako dito, araw-araw naman akong ina-update ni Nana Tonya sa mga nangyayari. Pero, Muriel, ikaw lang kasi ang maasahan ko pagdating sa kanya. And you know what, bilib ako sa tapang mo. You're not afraid of him kahit pa sinusungitan ka ni Riley parati."

"Hindi lang po masungit ang anak n'yo, matigas din ulo, sobra!"

Muling tumawa si Ma'am Lorie. "But you're the only person who can handle him. Kahit ako ay hindi ko kayang i-tolerate ang attitute niya."

"Ma'am..."

"Call me, Tita," agap niya sa sasabihin ko habang masuyong nakatitig sa akin. "I want you to call me Tita Lorie."

Nag-aalangan man ay sinunod ko na lang siya. "'Eh, Tita, ang kasungitan niya, hindi nauubos, pero ang pasensiya ko, konting-konti na lang."

Ang lakas ng tawa ni Ma'am Lorie. Akala siguro niya ay nagbibiro ako.

"Seryoso po ako. I have a bad temper. I don't think I can make it through. Alam kong hindi n'yo ikatutuwa kung palagi na lamang kaming nagbabangayan ni Riley. Baka imbes na makatulong ako ay mas lalo pang lumala ang sitwasyon."

Biglang sumeryoso si Ma'am Lorie at hinawakan ang mga kamay ko. "I'm so sorry for dragging you in this mess. I know that I shouldn't forcing you... Kung nakumbinsi ko lang sana siya, things would be much easier."

"Ano pong ibig ninyong sabihin?" curious kong tanong.

"I met Samantha in Hongkong."

Napatuwid ako ng upo nang marinig ang pangalan ng ex-girlfriend ni Riley. Kahit paano ay nagbigay iyon ng pag-asa sa akin.

"We've talked and I tried my very best to convice her, but..."

"But she refuse?"

Halata sa mukha ni Ma'am Lorie ang disgusto. "She's asking for three to four weeks to finish her contract. Saka niya lang daw mahaharap si Riley pagkatapos ng mga commitment niya."

Hindi ko maiwasan madismaya at mainis... Inis para sa babaing iyon na napaka-selfish!

"Hihintayin po ba natin si Sam?" Naisip kong itanong.

"We don't need to wait for her. We're going to stick to our plan. Muriel, just be a little more patience with him. Sa umpisa lang naman ganyan si Riley. Hindi magtatagal ay mapapanatag rin ang loob niya sa'yo. Tiwala ako na makukumbisi mo siya na mag-undergo ng eye operation. So, please, hang on."

Hang on and goodluck to me!

HINDI ako nakatiis na hindi kumain. Kaya naman kahit pasado alas-diyes na ng gabi ay naghalungkat talaga ako ng makakain sa kusina. Kung bakit naman kasi may pa-emote-emote pa akong nalalaman?

Mabuti na lang at may nahagilap akong tinapay at chicken sandwich spread sa refrigerator. Pantawid-gutom din iyon.

Nakakailang kagat na ako nang bigla na lang may sumulpot mula sa pintuan ng kusina. Muntikan ko nang maibuga ang kinakain.

"Balak mo ba akong patayin sa takot?" asik ko kay Riley, na nagulat din nang magsalita ako.

"Sam, bakit nandito ka?"

"Ano ang dapat magtanong kung ano ang ginagawa mo rito? Teka, paano ka nakababa ng hagdan? Sino ang tumulong sa'yo?"

"Ako lang mag-isa. I told you I can do it on my own," may pagmamalaki na sabi niya.

"Ewan ko lang kung hindi mawala ang kayabangan mo kapag nahulog ka sa hagdan!" Imbes na maawa, baka pagtawanan ko pa siya! "Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko nang mapansing parang may kung anon siyang hinahanap.

"Nauuhaw ako. Gusto kong uminom ng malamig na tubig."

"Ikukuha kita."

"No! Ako na."

Hindi na ako nagpumilit at hinayan siya. Pilit niyang kinakapa ang kilalagyan ng refrigerator. Nalagpasan na nga niya iyon pero hinayaan ko na lang siya.

Nakadalawang tinapay na ako ay hindi pa rin tapos si Riley sa paghahanap ng mahiwagang refrigerator na mas matangkad pa sa kanya. "Three steps to your left," hindi ko napigilang sabihin. Ako ang napapagod para sa kanya.

Finally, nahagilap na rin niya ang hinahanap at nakainom na rin siya ng inaasam na malalim na tubig!

"Bakit nandito ka?" Muli niyang tanong.

"Nandito ako para kumain."

Umangat ang kilay ni Riley. "Na naman?"

"Excuse me! Hindi kaya ako nag-dinner kanina."

Biglang kumunot ang kanyang noo. "Wala kang gana kanina?"

"Hindi lang maganda ang pakiramdam ko kanina."

Umangat ang kamay ni Riley. "Let me touch your forehead."

Umiwas ako at tinabig ang kanyang kamay.

"Wala akong sakit. Masama lang talaga ang pakiramdam ko kanina pero okay na ako ngayon."

"Gusto kong makasiguro."

"Okay na sabi ako! Hindi ka rin makulit, no?"

Hindi na nagpumilit si Riley at bigla siyang natahimik.

"Sometimes, I wonder kung ikaw ba talaga si Samantha," he said suddenly.

Na-freeze sa ere ang hawak kong tinapay.

"You've changed a lot. Parang hindi na kita kilala, Sam."

Hindi ako sigurado pero mukhang seryoso si Riley.

"Do you want to know the truth?" Bigla na lang iyon lumabas sa bibig ko. "Hindi nga ako si Samantha. I'm just an ordinary girl who happens to have a same voice like her and pretending like her, and taking care of her ex-boyfriend, na ubod ng sungit at tigas ng ulo." Me and my big mouth! Lagot ako!

"That's not funny, Sam! Para kang baliw!"

Hindi siya naniwala?

"What if totoo ang sinasabi ko?" I challenged him.

"Stop joking!"

"Eh, totoo naman talaga."

"Hindi ka talaga titigil?"

"I'm just telling the truth."

"Hahalikan na talaga kita!"

That made me shut my mouth. Hindi dahil baka totohanin ni Riley ang banta niya, dumaan kasi sa isip ko ang nangyaring 'kissing scene' kaninang umaga at hindi ko naiwasang pamulahan ng mukha.

"Ba't natahimik kang bigla?" amuse na tanong niya na ikinasimangot ko.

"Hindi ka pa ba aalis? Nakakaistorbo ka na sa pagkain ko," pag-iiba ko ng usapan.

"Dito muna ako. Hindi pa ako inaantok."

Sinasadya talaga niya na asarin ako.

"Then don't talk to me!"

"Okay!" Mabilis niyang sang-ayon.

Hindi na siya nagsalita at ganoon din ako habang tahimik na kumakain. Kung hindi lang talaga ako nagugutom, kanina ko pa siya iniwanan.

"Gabi na, bakit nandito pa kayong dalawa?"

Bigla na lang sumulpot si Ma'am Lorie sa may pintuan. Napapitlag si Riley sa kinauupuan. Muntikan naman akong mapasigaw sa gulat.

"Bakit ayaw ninyong sumagot? Huwag n'yong sabihin nagtatalo na naman kayong dalawa?"

Lumingon ako kay Riley at ituro siya. Pagkakataon ko na para isumbong ang mga kalokohan niya sa kanyang ina.

"Tita, he's bullying me!"

"What?" gulat na react ni Riley.

"You're bullying me."

"Oy! Wala akong ginawa sa'yo."

"Anong wala? Hinulog mo kaya ako sa kama kanina."

"Ikaw ang nagtulak sa akin kaya ako ang nahulog. Dinaganan mo na nga ako, ninakawan mo pa ako ng halik."

"Ang kapal mo!" Hinampas ko siya sa balikat. "Ikaw kaya ang humalik sa akin!"

"Bakit ko naman gagawin iyon? Eh, hindi naman tayo!"

"Bakit sinabi ko bang tayo na ulit? Huwag kang assuming!"

Amuse na nakamasid lang si Ma'am Lorie sa pagbabangayan namin ni Riley at mukhang wala siyang balak na awatin kaming dalawa.

HINDI pa rin maipinta ang mukha ko at panay ang irap ko kay Riley na nakasunod sa aking likuran. Bakit kailangan pa niyang banggitin sa nanay niya ang tungkol sa nangyaring 'kissing scene'? Hiyang-hiya tuloy ako at pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap. Baka kasi isipin ni Ma'am Lorie ay sinasamantala ko ang sitwasyon ng kanyang anak, kahit ang totoo ay ako ang pinagsasamantalahan.

"Hindi mo ba ako aalalayan? Wika ni Riley na nagpahinto sa akin sa paghakbang at wala sa loob na tumingala sa mataas na hagdan.

"You said you can do it on your own. Kung nagawa mong bumaba ng hagdan mag-isa, magagawa mo rin umaakyat."

"I lied."

Awtomatikong umangat ang kilay ko at mabilis na lumingon sa kanya.

"Can you help me now?"

Wala na ako sa mood para makipagtalo uli kaya naman inalalayan ko na lang siya at kumapit sa kanyang braso.

"Wait!" pigil ni Riley bago kami humakbang paakyat. Binawi niya ang braso at inakbayan ako sa balikat. "This is much better."

Nagdududa na tumingala ako sa kanya.

"Umayos ka, Riley! Subukan mo lang pag-trip-an ako, ihuhulog talaga kita sa hagdan!"

"I'm innocent." obyus na pinipigilan niyang mapangiti at lalo pa niya akong hinapit palapit sa kanya.

"Nananadya ka ba talaga?"

"What? Ano na naman ang ginawa ko?" painosente pa niyang tanong.

"Baka akala mo magaan ka. Umayos ka, Riley! Malapit na talaga akong mapika sa'yo!"

"Sungit!"

"Mas masungit ka!"

"Mahal mo naman ako!"

Muli akong napatingala sa kanya.

"Huwag kang assuming!"

"Stop being denial!"

"Ewan ko sa'yo!

Patuloy kami sa pag-aasaran hanggang sa maihatid ko siya sa kanyang kuwarto.

"Goodnight kiss ko?" Hinabaan pa ni Riley ang nguso. At bilang tugon sa request niya, ubod ng lakas kong isinara ang pinto sa kanyang harapan.

Goodnight kiss mong mukha mo!

Continue Reading

You'll Also Like

15.3M 259K 39
Would you rather chase what you want or follow a future that's already arranged for you? Samantha was just sixteen nang malaman niyang ipapakasal siy...
270K 5.8K 31
Art of Assassination Trilogy #1: Unveil X's life is full of mystery. Who killed her mother? Why did they kill her mother? Maraming katanungan ang buh...
123K 2.6K 52
"Change is the only constant thing in this world. Feelings change. Situations change. And sadly, we did too.." Aiza and Chuck's story after College...
105K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.