The Bearer

By PurpleSwallow

313K 19.4K 1.8K

Noah Aviente ♡ Shilo Calangitan More

TEASER
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15 Brain & Heart
Chap. 16
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 24
Chap. 25
Chap. 26 Her New Love
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 29
Chap. 30
Chap. 31
Chap. 32
Chap. 33
Chap. 34
Chap. 35
Chap. 37
Chap. 38

Chap. 36

5.5K 461 16
By PurpleSwallow

Chap. 36


Sa narinig ni Noah, biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay.


"Ganun ba. Mabuti at magiging kapitbahay kana namin." Sabi ni Evon. Samantalang walang imik si Noah.

Pumasok silang lahat sa loob ng bahay. Naupo silang lahat sa sala.

"Mrs. Aviente, pwede ba nating baguhin ang pinag-usapan ninyo ni Shiloh? Gusto ko sanang sa bahay ko nalang titira si Shiloh. Kung okay lang sa inyo."

Napalingon si Evon kay Noah.

"Ah..eh.." Hindi magawang sagutin ni Evon. Hinihintay nito ang desisyon ni Noah.

"Ang ina ko ang donor ni Shiloh. At ako ang ama ng pinagbubuntis n'ya. Ang pinag-usapan ay pinag-usapan. Hindi pwedeng baliin. Nakasulat sa kontrata ang lahat."

Napatingin si Shiloh kay Noah.

"Okay, I understand." Sagot ni Kiko.

"Di bale, magkatabi lang ang bahay natin Kiko. Pupunta nalang kami ni Nanay ng madalas."

Parang sumakit ang ulo ni Noah kaya napahawak s'ya sa kanyang batok.

Lihim na natatawa si Kiko kay Noah. Alam n'yang naasar si Noah sa kanya.

——————————-

Minsan, naisipang mamasyal nina Shiloh at Oliver. Pumunta sila sa isang Mall. Nagkataong napadako sila sa Infant Section. Nang..

"Olivia..why are you here?" Lumapit ang isang bakla kina Shiloh at Oliver.

"Hello, Sis. Namasyal lang kami ng kaibigan ko." Sabi ni Oliver at sabay nakipagbeso -beso.

"This is Shiloh. Shilo this is Cristy." Pakilala ni Oliver at nagkamayan ang dalawa.

"Sis, galing ako ng Santa Catalina. Naghome-service ako doon. Dati kong suki ang pinuntahan ko sa Brgy. Bakal. Muntik pa nga akong mawala sa lugar ninyo. Ang tagal ko na kasing hindi nakapunta doon."

"Kanino ka naman pumunta?" Tanong ni Oliver.

"Ahh, kina Mrs. Diana Aviente. Kilala mo ba s'ya?"

"Of course. Mala-Diosa ang byuti nun."

"Ay naku, kahit gaano pa s'ya kaganda ngayon KUNG BALDADO NA S'YA AT HINDI MAKAPAGRAMPA..WALEY NA!"

"Ano? Pakiulit ng sinabi mo?'

"Sabi ko..Kahit ubod ng ganda si Diana Aviente, kung s'ya ay baldado na..hindi n'ya nang magawang rumampa."

"Bakit napano si Diana?" Tanong ni Shiloh.

"May sakit s'ya. 'Yon ang sabi sa akin ng katulong n'ya."

"Ah ha ha ha ha ha...tinatablan rin pala s'ya ng sakit. Bongga!" Patawa tawa pa si Oliver.

"Anong sakit ang dumapo sa kanya?"

"Ang sabi sa akin Genetic Disease daw ang sakit ni Diana. Tapos wala pang lunas ang sakit."

Napanganga sina Shiloh at Oliver.

"Ngayon nga nakawheel chair si Diana. Dinadala sa Hospital tapos inuuwi rin. Merong deformity sa kanyang mga paa at binti. Madalas narin daw nawawalan ng lakas at panimbang. Tawag nga daw sa sakit ay *** syndrome."

Kinabahan ng matindi si Shiloh at maging si Oliver.

"Ang sabi pa nga sa akin; itong mag-asawang Noah at Diana ay magkakaroon ng anak sa pamamagitan ng Surrogacy. Nilihim nga daw ni Diana ang tungkol sa sakit nito sa kanyang asawa; kamakailan lang napatunayan ni Noah na nagdadala si Diana ng genetic disease. Madalas na daw nagkakasagutan ang mag-asawa; dahil minsan na raw nasabi ni Noah -PAANO NA ANG KANILANG MAGIGING ANAK? "

Napakapit ang mga kamay ni Shiloh sa braso ni Oliver. Maging si Oliver ay nabigla sa balita. Pareho silang napatingin sa tiyan ni Shiloh.

"Oli, mauna na ako kasi meron pa akong pupuntahan.Ciao!" Paalam ng bakla. Nanghina ang tuhod ni Shiloh, muntik s'yang matumba mabuti at nakakapit s'ya kay Oliver. Naghanap si Oliver ng kanilang mauupuan.

Napaupo sila sa isang sulok.

"Oli..Paano ang magiging anak ni Noah?" Nagsimulang mamuo ang mga luha sa mata ni Shiloh. Pakiramdam n'ya apektadong apektado s'ya sa mangyayari.

"Shiloh, hindi ko rin alam eh. Mabuti pang umuwi muna tayo." Maging si Oliver ay nababahala sa kaibigan.

Mabilis silang bumalik ng bahay. Nang pumasok si Shiloh sa loob ay diretsong tinungo ang silid nito. Nasa kusina naman sina Aling Berna at Aling Trining. Narinig nila ang boses ni Oliver..

"Shiloh, h'wag kang umiyak."

Lumabas sa kusina ang ina ni Shiloh.

"Oli, anong nangyayari?" Agad kinabahan si Aling Berna sa anak, kaya agad pinuntahan ang silid nito.

"Anak, anong problema?" Nilapitan ni Aling Berna si Shiloh at hinagod ang likod nito dahil humihikbi.

"Nay..ang batang dinadala ko..may minanang sakit galing kay Diana. Natatakot ako baka maisipan nilang, hindi ito itutuloy. Nay, ayaw ko. May buhay na ang batang ito." Nagiging maligalig ang isipan ni Shiloh.

"Anong sakit? Siguro naman alam ni Noah na merong lunas din 'yan."

"Nay..walang lunas ang sakit na dadapo sa bata. Hindi man sa akin ang batang ito..PARTE S'YA NG BUHAY KO."

"Susmaryosep!" Nagulat din si Aling Berna.

Narinig ni Aling Trining ang pag-uusap na 'yon.

"Dios ko, ibig sabihin totoo ang haka-haka noon . Na may lihim na sakit ang mga Gandiola." Napatakip ang bibig ni Aling Trining.

"Trining may alam karin?"

"Noong unang dating ko palang sa bahay ng mga Miranda, narinig ko sa usapan ng mga magulang ni Kiko, na pinaghihigpitan sila ng mga matatandang Miranda; na h'wag ipagkasundo ang mga kapatid ni Kiko sa pamilya Gandiola. Ayon kasi sa Lolo't Lola ni Kiko— may sekretong sakit ang mga Gandiola. Sakit na wala pang lunas."

Napatakip ng mukha si Shiloh.

————————————-

Nakarating kay Kiko ang nangyari kay Shiloh, nag-alala ng husto si Kiko sa kasintahan. Kaya agad n'yang pinuntahan. Inabutan n'yang nakaupo si Shiloh sa balkonahe at malalim ang iniisip.

"Lilo.."

"Kiko.." Muling nabasag ang boses ni Shiloh at napayakap sa kasintahan.

"Tahan na..Wala tayong magagawa. Hindi ikaw ay may responsibilidad para d'yan. Hindi mo poproblemahin 'yon. Sina Noah at Diana ang haharap nun."

"Kiko, mag-isa si Noah na haharapin ang lahat. Dahil si Diana ay nagdadanas na ng sakit ngayon."

"Oh God.."

"Kiko, baka maisipan nilang tanggalin ang batang ito..ayaw ko. May buhay na ito."

"Lilo, alam kung masakit para sa 'yo. Mas masakit sa parte ng magulang. Pero anong magagawa mo? Magdudusa ang bata. Malupit ang mundo, Lilo."

Lalong napaiyak si Shiloh.

Pinarating ni Aling Berna kina Noah ang tungkol sa nalaman ni Shiloh; kaya agad dinalaw rin ng mga Aviente ang dalaga.

"Shiloh, kung natatakot ka sa mangyayari..kami rin. Pero wala na kaming magagawa. Nandyan na 'yan. Gustohin man naming h'wag na lamang ituloy pero..hindi namin magagawa." Maluha luha rin si Evon na sinabi kay Shiloh.

"Ito ang kapalaran ng aming anak, kapalaran ng pamilya namin. Hindi namin pwedeng talikuran." Dagdag ni Carlos.

"Paghahandaan ko na ang lahat Lilo..habang buhay." Hindi napigil ni Noah ang 'di mapaiyak. Niyakap si Noah ng kanyang ama't ina.

Naramdaman ni Shiloh ang bigat na nararamdaman ni Noah. Hindi n'ya maunawaan kung bakit ganito ang dinadanas ni Noah sa buhay. Isang malaking dagok na tila walang hangganan.

——————————————-

Araw araw maraming nararamdamang hirap sa katawan si Diana. Nararamdaman narin n'yang hirap sa pagkain at paghinga. Kadalasan, sinusubuan ni Noah si Diana, dahil wala narin itong lakas na humawak ng kutsara. Ginampanan ni Noah ang pagiging asawa kay Diana.

Damang dama naman ni Diana ang paghihirap ni Noah. At alam n'yang lalala pa ito kung sakaling ang maging anak nila ay maging katulad n'ya.

Isang gabi, nagising si Diana na wala sa kanyang tabi si Noah. Pinilit n'yan bumangon at kinuha ang kanyang saklay. Hirap man s'ya sa paghakbang ngunit pinilit parin n'ya. Nasa unang palapag ang ginawang silid ng mag-asawa dahil mahihirapan si Diana sa pag-akyat ng hagdan. Inabutan n'yang nakaupo si Noah sa sala at umiinum ng alak.

Napansin n'yang may tinitignan si Noah.

Matagal pinagmasdan ni Diana si Noah, hanggang nakita n'yang humiga ito. Dala ng pagkalasing nakatulog ito. Dahan dahang lumapit si Diana. Nakita n'yang nasa tabi ng alak ang isang lumang photo album..

Nakita n'ya ang lumang larawan nina Shiloh at Noah.

Nasasaktan si Diana sa kanyang nakita. Tandang tanda n'ya ang araw ng Santa Cruzan. Hindi n'ya akalain ang batang kasakasama ni Noah ang maging KARIBAL N'YA. Karibal n'ya sa mahabang panahon. At ito mismo ang MAGDADALA NG KANILANG ANAK NI NOAH.

At ngayon, nararamdaman n'ya ang pagbabalik ng lahat. Alam n'yang walang nagbago sa damdamin ng asawa.

———————————-

Minsan, dinalaw ni Shiloh si Diana. Naisip ni Shiloh na dalawin ito dahil, ina s'yang ng pinagbubuntis. Nagkataong nasa Hospital si Diana kaya isinama s'ya ni Noah.

Inabutan n'yang nakaupo si Diana sa wheel chair at malayo ang tingin.

Naramdamdaman ni Diana ang presensya ng isang panauhin kaya napalingon s'ya.

"Ba-kit ka na-pa-rito?" Biglang naging balisa si Diana.

"Ayaw mo bang alamin ang tungkol sa bata?"

Hindi sumagot si Diana.

"Itutuloy ko ang pagbubuntis nito. Alam kong hindi man ako ang magulang ng batang ito..mahalaga pa rin ito sa akin. Inaamin ko, naaawa ako sa posibleng mangyari. Pero sana, kung dumating man ang sandali tulad ng katayuan mo ngayon; sana meron nang lunas. Gusto ko s'yang lumigaya ng normal."

Tumulo ang luha ni Diana. Alam n'yang s'ya ang dahilan ng lahat ng paghihirap ni Noah.

"Ma..s..a..y.aa..ka ba..sa..nak-ki-ki ta-mo?" Pilit na sinasabi ni Diana.

Gulat man si Shiloh ngunit hindi nagpahalata.

"Hindi. Paano ko masasabing masaya ako; kung ang ina ng batang dinadala ko ay walang kakayahang alagaan ito? Alam kong may nagawa kang kasalanan sa akin, pero hindi ko hiniling na parusahan ka."

Sumagi sa isipan ni Diana ang salitang KARMA.

————————————-

Hinatid ni Noah si Shiloh pabalik ng bahay. Naisipan ni Noah na dalhin si Shiloh sa isang restaurant. Sa unang pagkakataon, muli silang magsasama sa isang dinner.

" I bet you're hungry. This is not a date. Alam ko namang seryoso ka sa relasyon ninyo ni Kiko." Pilit ngumiti ni Noah. At pilit tinatago ang nararamdaman.

Kumain sila ng sabay. Subo ng subo si Shiloh; kumakalam naman kasi ang sikmura n'ya.

"Pasensya kana, Noah. Matakaw siguro itong anak ninyo ni Diana. Parati akong gutom at inaantok."

Ngumiti lang si Noah at patuloy na kumain. May saya sa kanyang dibdib na hindi n'ya maaring ipaalam sa dalaga.

Nang umuwi sila. Nakita nilang nakatayo si Kiko sa pinto ng bahay.

"Lilo, saan kayo nagpunta?" Tila hindi maganda ang tono ng pananalita ni Kiko. Lalo na't nakatingin ito kay Noah.

"Galing ako sa Hospital. Binisita ko si Diana, para malaman n'ya rin ang pagbabago sa pinagbubuntis ko."

Lumapit si Kiko kay Noah.

"She is my fiancée, Mr. Aviente. Next time, ipaalam mo sa akin kung saan mo s'ya dadalhin. Hindi porke't ikaw ang ama ng dinadala n'ya, you can take her anywhere you want. I hope you undestand what I mean."

Tiim bagang nalamang si Noah.

"Kiko, mabuti pa pumasok na tayo. Wala namang masamang nangyari sa akin." Agad hinila ni Shiloh ang kasintahan. Upang iwasan na magtalo ang dalawa.

————————————-

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
94.2K 1.4K 38
Highest rank: #7 in NONFICTION What if tumira ka kasama ang babaeng matagal mo ng pinapangarap? And better malalaman mong you are engaged to her? Thi...
51.8K 8.8K 37
Ng dahil sa pagaakusa sa kanya sa isang krimen na di nya sinasadyang magawa kinailangan lisanin ni Jocel ang Sitio Sandoval na dala ang pangakong bab...
32K 1.7K 31
[[ON GOING ]] [[Rated SPG]] The Brother's Series [Series #3] [Joshua Kien Casabuena] [Jemicah Lia Azunsion] Takbo at hingal ang ginagawa ko sa oras n...