Worthwood Academy

By PrincessCreamyCake

5.3M 162K 43K

"There's another heartbeat in the darkness." Worthwood Academy, a school where extraordinary is only ordinary... More

Prologue | Identity Seek
WA 1 - Elemental Curse
WA 2 - Little Wanderer
WA 3 - The Twin's Imaclum
WA 4 - Watch Your Back
WA 5 - Unexpected Friendship
WA 6 - Psycho-Telepathy
WA 7 - Went Overboard
WA 8 - Sleeping Beauty
WA 9 - Nydumm and Portals
WA 10 - The Fire Imaclum's Capacity
WA 11 - Intangible Magic
WA 12 - Cold Corpse
WA 13 - Unleash The Codes
WA 14 - Answer
WA 15 - Caught On Act And The Talk
WA 16 - The Cursed Heir's Blood
WA 17 - Fire and Ice
WA 18 - Train To Fight
WA 19 - Mystical in Mystic Forest
WA 20 - Arro's Cursed Heir
WA 21 - A Monster And A Traitor
WA 22 - What Exactly Happened?
WA 23 - Physical Transitions
WA 24 - Unveiled Truth
WA 25 - Finally Captured
Last Chapter - The Day He Cried
First Half Epilogue
Prologue | Distracted Reality
WA [DR] 27 - Memories of Them
WA [DR] 28 - Fly With Me
WA [DR] 29 - Behind His Attitude
WA [DR] 30 - The Jerk Just Smirked
WA [DR] 31 - Garden Pixies
WA [DR] 32 - Good Luck, Nathalia
WA [DR] 33 - Parade of the Challengers
WA [DR] 34 - Bolt Spear
WA [DR] 35 - Stolen Memories
WA [DR] 36 - Right Time
WA [DR] 37 - Anything For His Happiness
WA [DR] 38 - Time for Bullshits
WA [DR] 39 - You're My End Game
WA [DR] 40 - Give Up and Fall
WA [DR] 41 - Insensitive
WA [DR] 42 - Winter Season
WA [DR] 43 - Feel At Home
WA [DR] 44 - Make Up Your Mind
WA [DR] 45 - Now, Shut Up
WA [DR] 46 - Turn Down The Tables
WA [DR] 47 - Actions Without Words
WA [DR] 48 - Honesty Or Pride?
WA [DR] 49 - Make It Worth The Slap
WA [DR] 50 - Not Fighting Back
WA [DR] 51 - Everything is a Wreck
WA [DR] 52 - Of Course
WA [DR] 53 - More Important
WA [DR] 54 - One of a Kind
WA [DR] 55 - Last Chapter
Second Half - Epilogue
Special Chapter | A Story of a Lifetime
Special Chapter 2 | Another Pulse
BRIZ'S STORY

WA [DR] 26 - The Real Journey Starts

73.7K 2.2K 852
By PrincessCreamyCake

Tweet me @loys_dr with #WADR26. Your comments will be highly appreciated. Thank you!


WA 26 – The Real Journey Starts

I was fixing my things when the uneasy feeling clouded my whole being once again. It has been bugging me for the entire week. Everytime it comes back, the cringe and all thought comes back too. Matapos kong matanggap ang letter na 'yon, everything seems to be not in their proper places again. Pakiramdam ko, nag-iba ang ihip ng hangin pati ang ikot ng mundo ko. This scene is a total déjà vu. Nauulit ang panaginip ko.

"Are you sure? Wala ka na talagang naiwan?" Tanong ni Mama Ade.

Tinutulungan niya akong magligpit ng mga dadalhin ko. She even listed those things that I need for the class and such. May mga habilin rin siya sa mga dapat at hindi dapat gawin.

Hanggang ngayon, the thought of her not being with me, parang pinipiga ang puso ko sa lungkot. The dream affects my daily routine. Mama Ade was not there. Seeing her in one piece in front of me is another thing.

It's still crystal clear to me. Lahat ng nangyari simula umpisa hanggang sa... hanggang sa binawian ako ng buhay. Hanggang doon naalala ko pa. Why? Nananaginip naman ako, pero pagkagising ko nakakalimutan ko na. But that dream? That was a very stranger dream and a mysterious one. Hindi ko man isipin pero kusang pumapasok sa isip ko at hindi na umaalis. Lagi na lang akong nakatulala sa kakaisip. Sometimes, it gives me terrible headaches.

"Opo." Sagot ko.

Tumango lang siya at ibinaba ang dadalhin kong bag. "Naghihintay na sa baba ang pinsan mong si Lizbeth, kasama si Mama Esme mo." Sabi niya.

Esme... siya ang kinilala kong Mama sa panaginip ko. She was there when it all happened. Wala siyang anak o ni pamilya dahil namatay sila. But now? Everything seems to be... strange. Kabaliktaran ang lahat. She is Mama Ade's half-sister, pero maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa. Tatlo ang anak niya. Dalawa ang lalake at isa ang babae. Lizbeth Wiggins, matanda lang ako ng isang taon sa kanya.

May isang pangyayari sa panaginip ko na kailan man hindi nangyari sa akin sa realidad. Wala akong nasaktan o napatay. My Imaclum is cooperating with me. To be honest, it's not dangerous.. sort of. Fire Imaclum is rare, iyon ang sabi nila sa akin. I am blessed to have this Imaclum, yet I still have those possibilities. Pero hindi talaga. The night my Imaclum showed up, nothing happened. It was just a terrible headache. Pagkatapos, wala na.

Sabay kaming bumaba ni Mama sa hagdan. And there I saw Mama Esme and her daughter Liz happily chatting in the living room.

"Ate!" Masayang bati sa akin ni Liz. Mas matanda ako ng isang taon sa kanya.

Umiling ako, "Sabi ko naman sayo, Nathalia na lang. Ina-ate mo pa ako." I said and gave her a smile.

Umirap siya, "No way. Kahit isang taon lang ang tanda mo sa akin, still, ate pa rin kita." Humarap siya kay Mama Ade, "Di ba po? Tsaka wala naman akong kapatid na babae kaya siya na lang."

Nagtawanan naman ang magkapatid, "Naku! Pagbigyan mo na lang si Liz. Alam mo naman walang babae sa bahay namin dahil puro barako ang nandoon. Isama mo pang palaging wala sa bahay ang mga kuya niya." Sabi ni Mama Esme.

Tumango na lang ako at inakbayan si Lizbeth. May dalawa pang nakakatandang kapatid si Liz, si Kuya Zed at Kuya Chip. Matagal na silang nakapagtapos sa Worthwood Academy. Ang pamilya ni Mama Esme ay puro taga Ugrukum Clan. Meaning... Sorcery ang Imaclum nila.

"Paano? Tayo na?" Masayang tanong ni Liz.

Alam kong excited na siyang pumasok sa Worthwood Academy. Matagal na niyang pangarap 'yon. Pero ako? Well... kinakabahan ako. Hindi ko masabi pero talagang may kakaiba akong pakiramdam kapag nababanggit ang Worthwood Academy.

Still, my name is Veronica Nalia Savannah Delacroix... kagaya ng nasa panaginip ko. Nathalia ang dala ko. Sa sobrang haba ng pangalan ko, ipinagbuti nilang 'Nathalia' na lang ang gamitin kong palayaw.

The longer the name, the higher the family's rank.

We are now on our way to Sleekhedo. Dito ang meeting place para sa lahat ng papasok sa Worthwood Academy. When you're at the right age, you will be given the letter which contains the approval of your admission to that school. Lucky for me that I have one.

Nasa puso na kami ng Sleekhedo at kitang-kita namin ang dami ng mga estudyante. May mga mas matatanda pa sa amin ni Liz, may mga kasing edad rin na wari ko'y magiging kaklase namin.

"Hihintayin na lang namin hanggang sa makapasok kayo sa portal." Iyon ang sabi sa amin ni Mama Ade.

Hinila ni Liz ang kamay ko para mapabaling sa isang gawi."Tignan mo sila Ate oh. May mga wands din sila katulad ko." Tinuro ni Liz ang mga nagkukumpulan sa gilid.

"Baka maging kaklase kayo niyan." Sabi ko.

Tumango siya, "Siguro nga." Bigla siyang napabuntong hininga at kinalabit ako.

Napatingin ako sa kanya. Nakanguso at parang binagsakan ng langit, "Oh bakit?" Tanong ko.

"Hindi nga pala tayo sa iisang tirahan titira." Malungkot niyang sinabi.

Napataas ang kilay ko. "Bakit naman?"

"Ang sabi kasi ni Mama, magkaiba daw ang tinitirahang bahay ng Sorcery at Elemental."

Bigla ko ulit naalala ang panaginip ko. May pangyayari doon na tinutulungan niya akong hanapin ang magiging bahay ko saka pinangaralan na rin niya ako tungkol sa pagkakahiwalay ng dalawang bahay."Yup. Witches and Wizards don't live with elemental users and also, they don't have the same classes." That was what she said.

Naalala ko na naman. Pinalibot ko ang tingin. Oo nga. This is the exact spot. Bigla akong humiwalay sa kanila at tumayo sa gitna.

"Anak, okay ka lang ba?" Tanong ni Mama.

Napadapo ang tingin ko sa kanya. And there I saw myself... parang tanga lang. Naupo ako ulit. "Opo ma." Saka ko binaling ulit ang tingin sa paligid. Rinig ko ang mahinang tawa ni Liz. Pinabayaan ko na lang.

As I was roaming my vision around... Halos natigil ako sa paghinga dahil sa hindi ko inaasahan na makita. What the hell! Napatitig ako sa taong nahagip ng mga mata ko. Seriously? Totoong buhay siya? I can't believe this! Now that the urge is filling in, hindi ko na mapigilan ang sarili ko. The adrenaline is on its peak once again. I feel agigated right at this moment.

Naramdaman ko na lang ang palad ni Liz sa noo ko. "Ate, namumutla ka. May sakit ka ba?"

Umiling ako, "W-wala. May naalala lang ako."Alam kong siya nga ang taong 'yon.

I can still remember her body built, the hair color and the face features. Alam kong sa panaginip ko lang siya nakita pero siguradong-sigurado akong siya nga ang taong 'yon. Kahit na magpustahan tayo, alam kong si Xynthea Summers ang taong namataan ko sa may gilid ng malaking puno. Dala niya ang parehong bag na dala niya nung una kaming magkita.

Now, tell me if I am still dreaming... kailangan ko atang gumising.

This is way beyond reach. Nakakabaliw na ang sobrang pag-iisip sa bagay na sa panaginip ko lang nasaksihan. And the worst part is... I saw myself lying helplessly cold and dead at the floor. So, ano ba sa tingin niyo ang dapat kong maramdaman? Should I be happy or what? Because to be honest, I don't know anymore.

I feel like I'm a psychopath here, and trying to prove something very impossible which is—sort of proving itself possible. Shit, ang gulo! Seeing Xynthea Summers with my own bare eyes, mas lalong gumulo ang iniisip ko.

Another déjà vu feeling. Now that we are in front of the portal. He was the same man who opened the portal in my dream. I don't know his name... pero sigurado akong siya nga iyon. My dream was clear as a crystal.

We bid our goodbyes to our Mothers. "We'll be seeing each other again, soon." That was the last statement they said before we gone off. Dala na namin ang mga bilin nila sa amin. Ang mga dapat at bawal. Pero lahat 'yon hindi ko pinakinggan o kahit sauluhin man lang. This very strange feeling bugs me and it's screaming like, you don't need any of those, Nathalia. You will make your own rules once you get there." Which is really a no no.

Shit! Nababaliw na ata ako.

Sabay kaming pumasok ni Liz. Ang atensyon ko, nasa paghahagilap ng presensya ni Xynthea na nawala sa paningin ko. Natatabunan na rin ang kaninang maluwag na espasyo sa gilid namin dahil sa dami ng papasok sa portal, at pati na rin ang pilahan sa pagpasok.

"Step back." The man in cape said with authority. Gaya ng nasa panaginip ko, it was just a wall. Not an ordinary wall, pero naka carve na doon ang hugis ng magiging pinto namin papasok sa Worthwood Academy. He murmured something and then a very distracting light came in. Sa sobrang liwanag ay masakit na sa mata kaya napatungo ako habang pinipigilan ang ilaw sa pagtagos sa mga mata ko.

The light disappeared when we looked at it. The portal opened up like a door waiting for the visitors to come in.

"Pumasok na kayo," The man stepped back at hinintay ang pagpasok ng mga nauna hanggang sa nahagip ng mata ko ang pagpasok ni Xynthea kasama ang pamilyar sa aking babae. Maybe I saw her somewhere. I said to myself. I disregarded the thought nang kami na ni Liz ang papasok.

I sighed. I hope this will turn out nice. Sana lang sa pagpasok namin, masagot lahat ng tanong ko.

Nasa harapan na kami ng gate sa kung saan may dalawang matatandang babae ang nakatayo doon at tinatanggap ang mga sulat na ibinigay sa amin. Sila nga iyon. Sila iyong mga babaeng kumausap sa Papa ko nang may kaguluhang nangyayari sa hall noon.

Nang kami na, ibinigay ko kaagad sa kanya ang letter ko. Alam kong may sinabi siya noon, pero hindi ko lang masyadong narinig. "Your name is..." Tinanggap nung maputi at kulot. Binuksan niya. Nakatuon ang atensyon ko sa kanya habang binabasa ang pangalan ko. "Nathalia Delacroix." What? Anong nangyari? She didn't do anything strange. Para wala lang sa kanya ang pangalan ko.

The woman looked at my letter and back at me with suspicious eyes. Kitang-kita ko ang pagtaas kaliwang kilay niya, "Nathalia... Delacroix?"

I bit my lip—hoping that she is not a victim. If yes, I'd be doomed.

Wala akong ibang maisagot dahil na rin sa pagtataka. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na rin ang isa pang babae. Tumikhim siya at nagkatitigan sila. Hindi nagtagal, binigyan na ako ng daan ng dalawa.

"You may now go."

That was the exact scene. Now, this is helluva confusing like fuck. May mga hindi nagiging tugma sa pangyayari.

"Come in, and welcome." Iyon lang ang sinabi niya saka siya humakbang paatras para makapasok ako.

Oh—kay.

"Ate, we'll part ways here. Magkaiba ang dorm natin and it's also the other direction. Magkita na lang tayo sa dining hall. Bye!" hindi pa man ako nakakasagot sa kanya, mabilis na siyang tumakbo.

Nahagip ng mata ko si Xynthea. Nang sinundan ko ng tingin ang direksyon niya—bingo! Kaagad akong lumapit doon. Without thinking twice, kinalabit ko siya. "Uhh..." Simula ko kahit na kinakabahan ako.

There are a lot of what if's in my head right now, but I am trying to be strong. Sana lang talaga kilala niya ako. Humarap siya sa akin at bahagyang ngumiti. Now, I think I am indeed right to my hunches! Kilala ako ni Xyn—"Sino ka?"

What the fuck? No way.

Nangunot kaagad ang noo ko. Para akong binagsakan ng langit dahil sa sinabi niya. "Hindi mo ako kilala?" bulaslas ko na may halong pagkadismaya.

Kilala niya ako! I can feel it.

Hindi nawala ang ngiti niya, nakatitig siya sa akin. My face lighten up. "I'm Nathalia. Kilala mo ako di ba?" I asked desperately.

Nagmumukha na akong tanga sa harapan niya. But, I don't care. Bahala na talaga.

Umiling siya. "Ahh... Nice meeting you Nathalia." Mas lalo akong nadismaya dahil sa sagot niya. "I'm Xynthea Summers." Inilahad niya ang kamay, asking for shake hands. Napatitig ako sa kamay niyang nakalahad. Halos hindi ako kumurap sa ginawa niya. The hell! Hindi niya ako kilala!

"Uhh... okay ka lang?" Bigla akong nabalik sa wisyo. Hindi pa man ako totally nakakarecover, nilahad ko na rin ang kamay ko at mabilisang nakipag shake-hands sa kanya. Halos malaglag ang panga niya sa ginawa ko.

I feel like a real psycho, here. Damn it! Bakit ganoon?

Binawi niya kaagad ang kamay at hinimas 'yon pagkatapos kong bitawan. Nakatitig siya sa akin na may pagtatataka. Bigla akong namula sa kahihiyan. I shouldn't have done that! Tae! Ang tanga ko. "S-sorry." I said sincerely.

Pinagtaasan niya ako ng kilay pero kaagad rin nawala at napalitan ng ngiti sa labi niya. "Ah ano... okay lang. Sige, una na ako." Sabi niya.

"S-sige. Kita na lang tayo kapag may vacant." Tanging sabi ko kahit na tunog masydong malapit sa isa't-isa.

Mas lumawak ang ngiti niya sa akin at sinabing, "See you when I see you first, Nathalia." Sabi niya. It was the exact same thing na sinabi niya bago rin kami maghiwalay doon sa panaginip ko. "Nice meeting you again." Saka siya tumalikod na at naglakad palayo saakin.

Nakailang mura ako sa utak. Ang tanga talaga ng ginawa ko. Nahihiya ako sa ginawa ko kanina but some part of me is happily rejoicing because of my braveness.

Naglalakad ako na parang kabisadong-kabisado ko na ang daan pati pasikot-sikot dito. I am just following my insticts. Nasa may kalagitnaan na ako nang napansin kong may kakaibang bato akong natapakan. Kaagad akong yumuko para makuha iyon. It's a gold stone. Maliit pero makinang. Pure gold. Bihira lang may makitang ganito sa bayan namin.

Sayang-saya akong naglalakad habang pinaglalaruan ang bato sa kamay ko. Kapag minamalas ka lang talaga, mamalasin nga. "Look where you're going! Freak." Nanigas ako. Halos pulutin ko na ang panga ko sa sahig nang inangat ko ang tingin.

I knew it! By just his voice, alam kong siya nga ang taong nakabangga ko. And for the record... in my dream, siya lang ang taong tumatawag sa akin ng 'freak'. Damn you, Uryll Hutchinson! At ngayong nakatayo siya sa harapan ko—I mean nabangga ko habang wala sa wisyo akong naglalakad dahil sa sobrang pagkagiliw sa gintong bato.

"Anong tinitingin-tingin mo? Tabi nga!" Matigas niyang bwelta. To hell with this guy!

Kung anong ugali niya sa panaginip ko, ugali niya hanggang realidad. The fuck!

"Uryll, stop being so harsh dude." Rinig ko ang pamilyar na boses. Nang humakbang ako pagilid, kita kong si Briz Clinton ang lalakeng 'yon. Ngumiti siya, "Miss, pasensya na sa inasta ng kaibigan ko. Pikon lang 'yan." Saka niya tinapik si Uryll sa balikat.

Now, I just hit two birds with one gold stone. Bingo mamba! Kita niyo naman ang pagkakataon, oh! Malas at swerte.

Tumango lang ako kay Briz. Siya nga. Bakit hindi nila ako kilala? Obvious sa mga tingin nilang hindi nila ako kilala o namumukhaan man lang.

Binalik ko ang tingin kay Uryll na matalim akong tinitigan. "What?" matigas kong tanong. Kapag nakikita ko ang mukha niya, umaangat ang altapresyon ko. Gusto kong manggulpi.

Bakit apektadong-apektado ako ng panaginip ko? Ang mga emosyon ko, konektado sa nararamdaman ko sa panaginip. The hell! What the fuck is happening? Hindi na kinaya ng utak ko.

"You're blocking my way." Kasing cold pa rin ng boses niya ang Imclum niya. Umayos ka, Hutchinson! Tutustahin kitang mokong ka.

"Oh—kay." I shrug it off. Ngayong araw lang 'to. Tumabi ako. Tama na siguro ang pagtatagpong 'to. I still have all the time in me para masagot ang mga tanong ko. And, I still need to prove something else. Gumilid ako para mapadaan ko siya. Inirapan niya ako at umalis na sa harapan ko.

"Sorry ah." Sabi ni Briz na nanatili sa kinatatayuan niya kanina. "Bago ka lang ba?" Tanong niya saka ako nginitian.

Ngumiti rin ako, "Oo." Sagot ko na lang. Naglahad siya ng kamay, "Briz Clinton. Elemental. Wind." Sabi niya. I know, Briz. I know you. I know you even if I close my eyes.

Tinanggap ko ang kamay niya kahit may pag aalangan. Still, he plays a big role. "Nathalia Delacroix. Elemental. Fire." I said.

Tumango siya. "You have a rare Imaclum." Sabi pa niya. Saka binaling ang tingin sa gilid. And there I saw someone. He's not familiar. Wala siya sa panaginip ko. Matangkad, maputi at mas appealing. Kakaibang aura ang isinisigaw ng presensya niya.

"Stan?" Tawag ni Briz.

Tumitig sa akin ang lalake, "Oh." Mahina niyang sinabi saka naglahad ng kamay. "Sorry about that. Pikon lang si Uryll. Natalo kasi namin sa pustahan. Don't worry, masama talaga ugali nung lalakeng iyon." Saka siya natawa. Kahit si Briz. See? Hindi lang ako ang naniniwala. Masama talaga ugali ni Hutchinson.

"You're Nathalia, right? I am also elemental—lightning. But, I am ahead of you guys. Briz and Uryll are both freshmen while I'm sophomore. Nice meeting you." He said. Wow. Lightning ang Imaclum nya.

Tinaggap ko ang kamay niya. "Nice meeting you too... But, anong pangalan mo?" Hindi niya kasi sinabi. Aba malay ko kung sino siya.

Ngumiti siya. Pansin ko lang, medyo may hawig sila ni... Impossible. "Stanley." Binawi na niya ang kamay niya, "Stanley Ross Hutchinson. Uryll's older brother." What the hell! Ano raw ulit? Sino siya?

Sinabi ko bang masama ang ugali ni Hutchinson? The hell! 'Yung isang Hutchinson ang tinutukoy ko. Si Uryll, not Stan. Mabait siya kumpara sa kapatid niya. Well, ngayon ko pa lang naman nakausap itong kapatid niya kaya hindi ko rin agad masabi kung totoo nga ba na mabait ang isang 'to.

"Mauuna na kami, see you around Nathalia..." Sabi niya saka sila umalis ni Briz.

Now, I am really confused.

May kapatid si Uryll... at mas matanda sa kanya. Wow. I did not see that one coming. Three down and I still have two more to go. Si Wina at Rio na lang ang hindi ko pa nakikita at lahat na nakilala ko na, hindi ako kilala. Wow, ako lang ba talaga ang nakaranas? Ang hirap nito. Ang hirap magsarili sa isang napakalaking problema.

Tama bang pumasok ako sa Worthwood Academy? O mas lalong pinapagulo ko lang ang lahat? Hindi ko na alam anong gagawing susunod na hakbang. The journey starts here and I know for sure... It'll be a rollercoaster ride.


**

The timeline of this is also the same with Unspoken: Uryll Zach Hutchinson. But!!! Don't read it yet if you don't want ultimate spoilers. Hehe thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 286 18
[ F I L I P I N O] Light is faster than sound. Lightning can be seen first before the Thunder can be heard. Kaya bang habuling at maabutan ng kulog a...
2M 71.7K 116
Terrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng sa...
68.1K 2.6K 36
Geca Rella, a die hard fan of a romance and mafia novels that full of red flag male leads. Highest Ranking: #2 in Reincarnation #13 in Fantasy #1 in...
10.2M 201K 38
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...