Promises Beneath The Blue Clo...

By ms_peppa_pig

3.2K 163 16

Yvette Remi Zendaya a woman who is madly inlove with aircraft. A woman who will prioritize more the word 'wor... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27

CHAPTER 21

62 5 0
By ms_peppa_pig

"May baby bump ka na, Sydney!" Kinikilig kong saad habang hinihimas-himas ang tiyan n'ya na medyo may umbok na.

Nasa loob kami ngayon ng sasakyan at papunta ng supermarket para mag-grocery. Naubusan na kasi ng stock sa bahay si Sydney at wala itong kasama para mag-grocery, total ako lang naman ang kaibigan n'ya na nasa Zamboanga, kaya nag-volunteer ako na ako na lang ang sasama sa kan'ya, nasa Cagayan de Oro kasi ang asawa n'ya ngayon para sa symposium, habang ang parents naman n'ya ay parehong busy sa restaurant nila.

"Kaya nga, eh. Medyo malaki na," Sang-ayon ni Sydney sabay himas ng kan'yang tiyan. "Next month malalaman na namin ang gender ni baby." Natutuwa nitong sabi habang ang paningin ay nasa tiyan n'ya pa rin. Napangiti ako dahil doon.

"Sa tingin mo? Anong gender ni baby?" Tanong ko na nagpaangat ng ulo ni Sydney.

Kaagad namang napaisip si Sydney, habang ang ngiti sa labi ay hindi pa rin mawawala. She's now gigling while still thinking that makes me look away.

Ganito ba talaga kapag buntis? Palaging nakangiti? Nakakapanibago naman, ang akala ko kasi kapag buntis ang isang babae palagi itong nakasimangot o hindi kaya ay pabago-bago ng mood, pero si Sydney, hindi eh. First time kong makakita ng buntis na palaging nakangiti.

"Sa tingin ko lalaki ang anak ko pero ang sabi naman ni Mama babae daw kasi blooming ako ngayon." Kaagad kong ibinalik kay Sydney ang buo kong atensyon ng marinig ko ang boses n'ya na nagsasalita, pero nang makita ko ang humahagikgik n'yang mukha, napangiwi ulit ako.

"So kapag pala hindi blooming ang buntis ibig sabihin no'n lalaki ang ipinagbubuntis n'ya?" Nagtataka kong tanong habang ang isang kilay ay nakataas.

When I was still in my teenage days, I used to believe in that superstitious belief na kapag ang buntis ay blooming ibig sabihin no'n babae ang ipinagbubuntis n'ya, but as I get older, I realized that there was no basis to that superstitious belief. Puwede rin namang maging blooming ang isang buntis kahit na lalaki ang ipinagbubuntis n'ya, nasa pangangalaga kasi 'yon babae sa sarili n'ya.

"Hoy, grabe ka naman wala akong sinasabing ganiyan!" Her voice was in defending tone.

Kaagad naman akong kinabahan nang makita na biglang nagbago ang hitsura ni Sydney, kung kanina ay ngumi-ngiti pa s'ya, puwes ngayon ay hindi na. Seryosong-seryoso na ang mukha n'ya na para bang naiinis sa akin!

"I am just asking you, kasi diba sabi mo kanina sabi ni Tita na baka babae ang ipinagbubuntis mo kasi blooming, so I am just curious na kapag ba lalaki ang ipinagbubuntis ng babae ibig sabibin ba no'n lalaki ang ipinagbubuntis n'ya?" I manage not to stutter or get nervous while defending my side, but deep inside, my heart is already pounding. Baka ba kasi mapano si Sydney, buntis pa naman. Ayaw ko s'yang ma-stress, pero kung hindi s'ya buntis at kasama ko s'ya ngayon, okay lang na pikunin ko s'ya, pero iba kasi ang sitwasyon ngayon, buntis s'ya.

"Eh, baka ba kasi ano ang isipin mo." Sagot naman n'ya habang nakanguso. Nakakunot pa rin ang noo n'ya.

"Argg!" I rolled my eyes and lift my both hands in the air. "Let's stop this conversation, basta ang alam ko kahit ano pa man ang magiging gender ng anak n'yo alam ko na tatanggapin at mamahalin n'yo s'ya." Ngumiti ako at hinimas na naman ang tiyan ni Sydney. Kaagad na nawala ang pagkakakunot ng noo ni Sydney at bumalik ulit ang kanina n'yang hitsura na nakangiti.

Dahan-dahan naman akong napabuntong hininga ng tuluyan ng napangiti si Sydney.

Grabe! Kinabahan ako doon!

"Maiba ako, Yvette. Totoo ba 'yong sinabi ni Michael sa GC na may manliligaw ka?" Seryosong tanong ni Sydney pero hindi naman n'ya maiwasang mapangisi.

Napairap ulit ako sa hangin at napailing ng ulo, pilit na tinatago ang ngiti na kumakawala sa labi.

"Uy! Kinikilig! Sino 'yan, ha?! Ikaw, ha! Mini-mention ka na namin pero hindi mo pa rin siniseen ang bawat messeges namin sa GC, ha! Sino 'yon?! Guwapo ba?!"

"Sydney!" Ako naman ngayon ang napataas ng boses nang marinig ang huli n'yang sinabi.

Humalakhak lamang naman si Sydney at napaayos ng upo.

"So? Sino nga s'ya? Ikaw, ha. Sino 'yon?" Ang kaniyang boses ay nagtatanong pero nagcoconclude na kaagad ang hitsura n'ya.

"Si Benjamin." Simple kong sagot gamit ang walang buhay kong boses.

Kunwari hindi ako kinikilig pero 'yong puso ko tumatalon na.

I immediately cover my both ears when Sydney suddenly screamed. She's screaming like there's no tomorrow. Dahil sa lakas ng sigaw n'ya pati atensyon ng driver nila naagaw na n'ya. Pasulyap-sulyap ito sa sa amin ngayon gamit ang rearview mirror habang nakangisi. Kaagad naman akong dinapuan ng hiya at dahan-dahan na ibinaba ang dalawang palad na nasa tenga.

"Wait! Kailangan kitang video-han! Hindi puwede na ako lang ang kinikilig! Dapat sina Camari rin!"

"Hoy! Bakit nakatutok ang cellphone mo sa akin?!"

"Siyempre! Hindi puwede na ako lang ang kinikilig! Caring is sharing, diba?" Tumawa si Sydney na nagsanhi para magshake ang cellphone n'ya.

Kaagad na kumunot ang noo ko.

Caring is sharing? Diba dapat sharing is caring?

Ako naman ngayon ang napahalakhak ng tawa nang biglang magbago ang hitsura ni Sydney na parang may naalala s'ya at hindi kalaunan ay parang nahihiya na itong lumingon sa akin. Mas lalong lumakas ang tawa ko nang mapaubo ang driver na nasa harapan namin at hindi kalaunan ay tumawa na.

"Ah! Basta 'yon na 'yon! At tiyaka nobody is perfect, 'no! Kaya huwag kang ano d'yan! Tao lang ako at nagkakamali!" She immediately defended herself.

Napailing na lang naman ako habang nakangisi.

"So...sino 'yan Benjamin na 'yan, ha? S'ya ba 'yong lalaking tinutukoy ni Michael na nakita n'yang kasama mo?" She asked maliciously.

Kaagad akong napailing ng ulo nang makita ang mukha ni Sydney na ngayon ay may malademonyong ngisi sa labi at ang isang kilay ay pabalik-balik sa pagtaas at pagbaba.

Yeah, she's right. Si Benjamin nga ang tinutukoy ni Michael na lalaking nakita n'yang kasama ko doon sa coffee shop. That was Wednesday in the afternoon when Benjamin invited me to have a coffee date in a nearby coffee shop. Bale, hindi ko nakita si Michael doon pero nakita n'ya akong may kasamang lalaki. He took a stolen shot while Benjamin and I were talking, and he used it to tease me. He kept on asking me who was that guy but I kept saying that it was just a workmate. May pinag-uusapan lang tungkol sa trabaho, pero ayaw n'yang maniwala sa akin at nagconclude na s'ya na manliligaw ko daw 'yon. Buti na nga lang at hindi sinend ni Michael 'yong picture sa GC namin kasi kung nagkataon, kilala pa naman 'yon ni Delaney. Nakita na kasi n'ya si Benjamin pero hindi n'ya alam kung ano ang pangalan, at alam n'ya rin na crush ko si Benjamin. For sure, mas lalo nila akong tutuksuin kapag nangyari 'yon.

"Hala! Nagda-daydream! Nagda-daydream si Captain Zendaya! Ayieee! Kinikilig! Uy! Huwag ka d'yan, huwag mo nang itago 'yang ngiti mo kasi halata na kinikilig ka!"

"Huwag ka ngang magvideo! Parang tanga!"

"Huwag change topic! So, si Benjamin ba 'yong tinutukoy ni Michael na manliligaw mo?"

"Okay, fine! Yes, he is. Si Benjamin nga 'yong tinutukoy ni Michael na kasama ko doon sa coffee shop." I act like I was just forced to answer her question, pero nang marinig kong sumigaw ulit si Sydney, hindi ko na napigilan pang ilabas ang tinatago-tago kong kilig sa sistema ko.

"Sabi ko nga ba, eh! Ackk! Mukhang mapapaanak ako nito ng wala sa oras!" Malakas pa rin ang boses n'ya pero hindi na ito tulad nang kanina.

"But! But! But!" I chanted while swaying my index finger. "He's not my suitor." I lied.

Benjamin is now courting me. Officialy courting me. Simula no'ng makabalik kami ng Manila doon n'ya sinabi sa akin na liligawan daw n'ya ako at pumayag naman ako doon. Ano? Mag-iinarte pa ba ako?! 'Yong crush ko gusto akong ligawan, tapos mag-iinarte pa ako? Magpapabebe? No, that is not me. That is not my personality. Hindi ko inamin sa kan'ya na crush ko s'ya, pero hindi ko na ata kailangan sabihin 'yon, dahil alam ko, na alam na rin naman n'ya 'yon. Siyempre, I allow him to court me, so it means I also like him, I also have a feelings for him. Simula no'n, parang mas nagiging close kami ni Benjamin sa isa't isa, mas lalo ko s'yang nakikilala, at naging open kami sa isa't isa.

"Bakit?" She asked in a low tone voice. Her face seemed dissapointed because of what she heard.

"Kasi ayaw n'ya?" Patanong kong sagot with matching gesture.

"Ano ba naman 'yan!" Naiinis n'yang sabi sabay baba ng cellphone n'ya.

Problemadong-problemado ang mukha ni Sydney habang maya-maya kung bumuntong hininga. Napatakip naman ako ng bibig at umakto na parang nauubo pero 'yong totoo dahilan ko lang 'to para ilabas ang tawa ko sa pamamagitan ng pagngisi.

Ano ka ngayon? Parang kanina kilig na kilig ka pero ngayon bigla kang nanlumo nang marinig mong hindi ko s'ya manliligaw.

"He is just my workmate. Nothing more." Nagkibit balikat ako sabay lingon baling ng atensyon ko sa labas ng bintana ng sasakyan.

Mag-dadawalang linggo na ring nanliligaw si Benjamin sa akin, at sa dalawang linggo na 'yon, palagi kaming nagtetext dalawa. Halos gabi-gabi n'ya akong pinapatawa gamit ang mga corny n'yang mga banat at jokes. Ganito siguro kapag kinikilig, 'no? 'Yong tipong kahit alam kong corny at hindi nakakatawa 'yong joke, tinatawanan mo pa rin.

Tiyaka lamang nagkaroon ng ingay sa loob ng sasakyan nang pumarada na ang driver sa parking at bumaba na kaming dalawa ni Sydney ng sasakyan. Naiwan naman sa loob ang driver nina Sydney.

"Ako na magtutulak n'yang cart." Saad ko nang si Sydney sana ang magtutulak nito. Hindi naman umimik si Sydney, tumango lamang naman s'ya at may hinugot sa loob ng shoulder bag n'ya. Pagtingin ko listahan pala ng mga bibilhin n'ya.

"Canned goods." She read the first number in her list. "Tara doon tayo." Tinuro n'ya ang canned goods section, at mas nauna sa akin sa paglalakad, sumunod lamang naman ako sa kan'ya habang tulak-tulak ang cart.

Huminto lamang ako nang nasa misong section na ako ng mga canned goods at nakita ko si Sydney na pumipili na ng brand ng corned beef.

"Hala, ang mahal naman nito ngayon, last month mura pa, pero ngayon nagmahal na. Ito na nga lang mas mura pa, pareho lang naman ng lasa. Lasang corned beef." Nagkibit balikat si Sydney at binalik ulit sa estante ang hawak-hawak na corned beef at pinalitan ito ng bagong corned beef.

Kaagad n'yang nilagay ang dalawang corned beef na hawak sa cart at pagkatapos nito ay kumuha na naman s'ya ng panibagong corned beef sa estante at nilagay ulit sa cart.

Naglakad ulit si Sydney kaya tinulak ko paabante ang cart. She stopped and choose a brand of meatloaf, after she chose, we immediately left the canned goods section. Andito na kami ngayon sa mga biscuit.

"Teka, diba ito 'yong favorite mo? Bakit 'yan ang pinili mo?" Tanong ko nang mapansin na ibang pack ng biscuit ang nilagay n'ya sa cart.

"Kasi ito na ang bagong favorite ko, Yvette. Ewan ko ba, nasusuka ako kapag kumakain ako n'yan." Naiinis n'yang saad sabay titig sa pack na hawak ko at pagkatapos no'n ay napakibit s'ya ng balikat.

"Tara na," Pag-aaya nito at naglakad ulit, hindi ko pa man naitutulak ang cart ay may narinig na kaagad akong boses sa likod ko.

"O My God? Sydney Mavis?!" Boses ng isang babae at base sa boses n'ya mahahalata na isa s'yang teenager.

"H-Hi!" Naiilang na saad ni Sydney habang hinihimas ang tiyan na s'yang nakaagaw ng atensyon ng babae. Itinabi ko muna ang cart at gumilid.

"O My God! Ikaw nga! Hala!" Hindi na alam ng babae ang gagawin n'ya, hindi n'ya alam kung lalapitan ba n'ya si Sydney, tatakpan ang bibig, o ngingiti. "Mas lalo po kayong gumanda! Hala! Kinikikig ako! Wait! O My God!" Sa pagkakataong ito pumapadyak na sa sahig ang babae at maya-maya lamang ay tatakpan ang bibig tapos maya-maya ngingiti with matching padyak ng paa.

Napangiwi ako. Mabuti na lang at kami lang ang tao dito.

"Puwede papicture?" Tanong nito. Hindi ko alam kung napansin n'ya bang buntis si Sydney, pero pakiramdam ko napansin naman n'ya, siguro ayaw n'ya lang magtanong tungkol dito.

After kasi ni Sydney umalis sa mundo ng showbiz hindi na s'ya naging gano'n ka-active sa social media, naging private person s'ya, hindi tulad noon na palagi s'yang may post, palagi may mga endorsement, palaging may interview lalo na no'ng pumutok 'yong issue nina Sydney, Martin, at April. Hindi ko nga alam kung alam ba ng mga tao na kasal na si Sydney at buntis. Pero pakiramdam ko malalaman ito ngayon ng mga tao lalo na at may nakapansin nito, pero paki ba nila? Hindi na artista si Sydney.

"Y-Yeah, sure."

Kaagad na lumapit ang babae kay Sydney at nilabas nito ang cellphone n'ya, pagkatapos nito pinakiusapan n'ya ako kung puwede ko ba silang kuhaan ng litrato at pumayag naman ako dito. Nang tapos na silang magpicture kaagad na nagpasalamat ang babae at pagkatapos nito ay umalis na.

"Okay ka lang? You look exhausted?" Nag-aalala kong tanong nang mapansin ang aura ni Sydney.

"I'm okay," Ngiti n'ya sabay buntong hininga. "Hindi lang siguro ako sanay na may nagpapapicture sa akin, kasi diba hindi na ako artista?"

Tumango-tango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Tara na, marami pa tayong bibilhin." Ngumiti si Sydney at nauna na namang maglakad sa akin, sumunod lamang naman ako sa kan'ya hanggang sa makarating kami sa mga chocolate section. Ang buong akala ko bibili si Sydney ng chocolate, pero hindi pala. Dadaan lang pala kami.

Tumawa naman ako ng mahina dahil doon.

"Doon tayo, Yvette. Sa macaroni section. Napapakain kasi ako ng macaroni pasta." Nakanguso n'yang saad sabay turo sa macaroni section.

Kaagad namang naglaway ang bagang ko nang marinig ang macaroni pasta.

"Hindi pa naman ngayon ang uwi ni Aeiou, 'no? Baka puwede na doon muna ako sa inyo." Nilakasan ko ang loob ko para masabi 'to. "Total parang gagawa ka ng macaroni pasta."

"Sure! Ipapatikim ko sa'yo ang specialty kong krill macaroni pasta." Masaya n'yang saad habang may diin ang mga huling salitang binanggit n'ya.

Krill macaroni pasta?

Kumunot ang noo ko. May gano'n ba ng macaroni pasta?

"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko nang mapansin na tumatawa si Sydney.

"Wala. Tara na, doon na tayo." Hinila na ako ni Sydney papunta doon sa macaroni section.

Nang nasa mismong section na kami ng mga macaroni, hindi pa rin mawala-wala ang ngisi sa labi ni Sydney kaya kinakabahan na ako. Maya't maya ang sulyap ko kay Sydney at nginingisian lamang naman n'ya ako kapag lumilingon s'ya sa akin.

I was about to speak when someone called my name.

"Ate Yvette?"

Kaagad akong napalingon sa likod ko nang marinig ang boses na 'yon. Parang biglang nanghina ang tuhod ko nang makita si Marian na nakangiti ng malapad sa akin. May hawak s'yang pasta.

Kasama ba n'ya ang Kuya n'ya? Andito ba si Benjamin? Shit.

"Ay si Ate may hinahanap. Si Kuya Benjamin ba hinahanap mo?" She asked maliciously that makes my heart pound even more. Hindi kumakabog ang puso ko nang dahil sa tukso n'ya na 'yon, kumakabog ang puso ko dahil kinakabahan ako sa mga maaaring sabihin ni Marian.

Kinabahan ako dahil baka masabi ni Marian na nililigawan ako ng Kuya n'ya tapos andito si Sydney! Nasa likod ko si Sydney! Kasasabi ko pa lang naman sa kan'ya na hindi ako nililigawan ni Benjamin, pero heto si Marian at tinutukso ako sa Kuya n'ya!

"Wait..." Kaagad na nagbago ang hitsura ni Marian nang makilala ang babaeng nasa likod ko. "Sydney Mavis?!" Mahina n'yang sigaw habang ang isang palad ay nasa bibig at ang mata ay bilog na bilog.

"Hi!" Sydney waved.

"O My God! Magkakilala ba kayo ni Ate Yvette?" Marian pointed me.

Nagkatitigan naman kami ni Sydney at kapuwa hindi alam ang sasabihin.

"Marian ang tagal mo naman. Pinakuha lang kita ng macaroni tapo—" Hindi natapos ni Benjamin ang dapat n'yang sasabihin ng makita n'ya ako. Parang bigla s'yang naestatwa sa kinatatayuan n'ya habang ang bibig ay nakaawang.

"H-Hi..." Ako ang naunang bumati sa kan'ya habang maya't-maya kung lumunok ng laway.

Ramdam na ramdam ko na ang pamamasa ng kilikili at palad ko! Kinakabahan na nga ako sa mga puwedeng masabi ni Marian, tapos nagsinungaling pa ako kay Sydney, plus andito pa si Benjamin sa harapan ko!

Tangina naman! Kung sinabi ko na lang kaya kaagad kay Sydney na may manliligaw ako, na nililigawan ako ni Benjamin, edi sana wala akong problema ngayon!

"Yvette, s'ya ba si Benjamin?" Bulong na tanong ni Sydney sa likod ko na nagdala ng kilabot sa buong katawan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

20.9M 512K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
2M 79.2K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
326K 6.4K 45
Savage Men Series #1: Estevan Zion Addison Dior was living a perfect life. Everything was well and fine but not until she met Estevan Zion. His prese...
344K 5.3K 23
Dice and Madisson