My Personal Yaya

Oleh Eibhline

10.5K 953 65

May isang babaeng nag ngangalang Alisha Vargas, o mas kilala bilang Ali. Isang simpleng babae na ang hangad l... Lebih Banyak

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 41

139 8 0
Oleh Eibhline

Chapter 41

“Alisha…”

Isang katok ang nagpagising sa’kin kinabukasan.

“Uhm…” Ungot ko sabay ikot ko sa kabilang side ko. Gusto pang ipagpatuloy ang pagtulog. Ngunit, bukod sa naririnig kung katok sa may pinto ng silid ko, ay may nararamdaman rin akong marahang humahaplos at paminsan-minsa’y paglalaro sa aking buhok.

Bukod pa doon ay may parang nakatingin rin sa’kin at pinagmamasdan ako sa aking pagtulog. Kaya kahit gusto ko pang ipagpatuloy ang pagtulog ko, ay hindi ko na ito magawa dahil sa mga isturbo.

Ang aga-aga pa, eh. Anong oras na ba? Kinapa ko sa ilalim ng unan ko ang cellphone ko, dinilat ko naman ang isang mata ko para aninagin ang oras na naka-flash sa screen ng cellphone ko.

Tumihaya ako at kinusot ng isa kung libreng kamay ang aking isang mata habang ang isa ko namang kamay, ay hawak ang cellphone ko at inaaninag pa rin ang oras. Nangunot ang noo ko nang may isa pa akong naaninagan, isang mukha ng lalaki na nakadungaw sa akin. Mas lalong nangunot ang noo ko nang medyo lumiwanag at luminaw na ang mukhang nakikita ko at mukha iyon ni Zach.

Hindi, Alisha. Tulog ka pa, nananaginip ka lang…?

Napakurap-kurap ako at pumikit nagbabasakaling mawawala ang imaheng mukha ni Zach sa harap ko, pero nang bumukas ulit ang mga mata ko, ay nandoon pa rin siya. Nangingiti at bahagyang natawa pa.

“Hey, Alisha wake up your not dreaming, it’s me, Zach!” Bahagya niyang pinisil ang ilong ko, nanggigigil.

Umawang ang labi ko. Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang boses ni Zach at makumpirma na hindi nga ako nananaginip, na  nandito nga ngayon si Zach sa aking silid. Malapad ang ngiti sa akin.

“Aww,” daing ko ng mabitawan ko pa ang aking cellphone at tumama ito sa aking ilong. Marahan kung hinawakan ang aking ilong habang nagugulat na nakatingin sa nakangiti niyang mukha sa akin. “A-Anong ginagawa mo d-dito?”

“Tss,” umirap siya sa’kin. Kinuha niya ang kamay ko at pinalitan ‘yun ng kamay niya. “Nakalimutan mo na ba?”

“A-Anong nakalimutan ko?” nautal ako. Ngumisi siya, nangunot ang noo ko. “Wag mong sabihin na d-dito ka natulog kagabi?”

“Hmm, you can say that.”

“M-Magkatabi tayong natulog?” pabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa kama ko.

Natawa siya. “Hmm, nakatulog kana sa’kin kakaiyak mo. I was just to tucked you in bed, but when I was to go you hold my shirts and called your mama. So, I stayed, I didn’t noticed I fell asleep.”

“Magkatabi talaga tayong natulog?”

“Yeah. Ang higpit nga ng yakap mo sa’kin kagabi, eh. Halos hindi na nga ako makahinga."

Umawang ang labi ko. “Ikaw…” Hinampas-hampas ko siya ng nadampot kung unan. "Hindi ako gano'n matulog, noh?" Napahiga siya habang sinasalag ang bawat hampas ko sa kanya.

"Bakit alam mo ba? Eh, tulog ka nga diba?"

“Alisha…!”

Napatigil ang dalawang kamay ko sa ere, na may hawak ng unan, nang marinig ko na naman ang katok sa pintuan ko. Napalingon ako doon. Sa gilid ng mata ko ay umupo si Zach at binaba ang hawak kung unan.

Napalunok ako at umawang ang labi ko nang makita kung gumalaw ang seradora pabukas. Agad akong napalingon kay Zach at walang pasabing tinulak siya, sa kabilang side ng kama. Napaawang ang labi niya at gulat akong tiningnan habang nakahawak sa kanyang balakang. Nasaktan yata sa pagkakahulog niya sa sahig.

Hinawakan ng isa niyang kamay ang gilid ng kama at akma nang babangon, nang tinulak ko ulit siya pabagsak. Galit naman siyang nag-angat ng tingin, pero hindi ko ‘yun pinansin at nilagay ko ang index finger ko sa gitna ng labi ko, bilang senyas sa kanya na tumahimik siya. ‘tsaka ako dali-daling bumaba sa kama ko at pumunta sa pintu bago man mabuksan ni ate Risa ang pinto, ay inunahan ko na siya.

“Ate Risa…?” Bungad ko kaagad ng binuksan ko ang pinto.

“Kanina pa ako kumakatok sa’yo, ah. Siya nga pala, hindi ko kasi alam kung pumasok na ba si Sir Zach, nang pumunta kasi ako sa kwarto niya para kunin yun labahan niya hindi ko siya nakita roon. Kaya akala namin pumasok na… pero imposible, eh, kasi kumpleto naman ang kanyang sasakyan diyan sa garahe?” Napapaisip si ate Risa habang nagsasalita siya.

“Baka hindi niyo lang po napansin na umalis na… sige po ako na ang bahala sa kanya, i-te-text ko nalang po siya.” Sabi ko. Hindi ko kasi masabi na nandito sa loob ng kwarto ko ang Sir Zach na hinahanap niya.

“O sige, Ali. Maaga kasing umalis si ma’am Celine kanina… hindi niya rin nakita si Sir Zach sa kwarto nito. Nagtatanong nga, eh, pero ang nasa isip rin ni ma’am Celine, eh, baka doon natulog sa mga kaibigan niya.” Nagkibit-balikat siya.

Umawang ang labi ko, napahigpit ang hawak ko sa hamba ng pituan. Naitikom ko ang bibig ko, hindi makapagsalita. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, takot na makita niyang nagsisinungaling ako na hindi ko alam kung nasaan si Zach, pero ang totoo ay nandito lang siya sa loob ng silid ko.

“Hindi ka ba papasok?” tanong niya.

Napakamot ako sa aking ulo, bago ako sumagot sa kanya at tumikhim muna ako, para alisin ang nakabara sa aking lalamunan. “Papasok po,”

Tumango siya. “O sige, mag-ayos kana anong oras na, oh? 8:30AM na…”

Nanlaki ang mga mata ko. “Po! Sige po.”

“Teka, Ali. May kasama kaba sa loob ng kwarto mo? Para kasing may narinig akong kausap ka, eh?” paalis na siya ng tanungin niya ako nito.

Kinabahan ako bigla. “Wala ate Risa… katawagan ko kasi si Max kanina baka ‘yun ang narinig mong kausap ko.” Tipid akong ngumiti sa kanya.

Tumango siya at hindi na nagkumento, pagkatapos ay naglakad na siya paalis. Napahinga ako ng maluwag at napahawak ako sa aking dibdib ng makaalis na siya.

Pagkasara ko ng pinto ay dali-dali akong lumapit kay Zach na nakangisi at nakataas ang kilay sa’kin habang nakaupo siya sa sahig na pinagbagsakan niya. Salubong ang kilay kung sinugod ko siya, nakuha ko ang unan at galit siyang pinaghahampas nito.

“Hey, stop it!” natatawa siya habang sinasalag ang bawat hampas ko sa kanya.

“Kanina ka pa ba gising? Bakit hindi mo ako agad ginising?!” iritang sabi ko kanya.

“What? I find you cute while sleeping and loudly snoring.”

“Anong sabi mo…?!” galit na talaga ako.

Nang makapasok ako sa loob ng kanyang sasakyan ay pabagsak ko itong isinara habang siya ay napapailing at nangingiti lang sa akin, na makita akong salubong ang kilay at badtrip sa kanya dahil hindi niya manlang ako ginising, habang minamaobra niya ang kanyang sasakyan paalis.

“I’m just being kind, okay? Don’t be mad at me. Nakita kasi kitang masarap ang tulog, kaya ako, bilang mabait ay hindi na kita ginising. Hmm,” napanguso siya ng nilingon ko siya na masama ang tingin sa kanya.

Magkasalubong ang kilay ko, ang labi ko ay tikom at magka-krus rin ang mga braso ko sa dibdib habang nakatingin sa harap ng kanyang sasakyan. Nakikita ko naman siya sa gilid ng aking mata na pasulyap-sulyap sa’kin, kada sampung segundo.

Hinayaan ko siya at hindi pinansin.

“Ahm, about what I said last night…” bumagal ang patakbo niya sa sasakyan.

“Bilisan mo nga mas lalo tayong malalate nito, eh.” Reklamo ko. Hindi pinansin ang sinabi niya.

“Alisha, what I said to you last night is true. I like you, Alisha. Gusto kita.” Nilingon niya ako saglit at agad ring ibinalik ang tingin niya sa daan. “You think I would forget what I told you last night just because I was drunk? You got it wrong Alisha I remembered all I've said to you last night. Gusto mo ulitin ko pa ngayon?”

Agaran kung tinakpan ang bibig niya ng kamay ko, nang bumuka ang bibig niya para magsalita at ulitin ang sinabi niya kagabi.

“Oo na hindi mo na kailangang ulitin pa, okay na.” Pinamumulahan ako ng pisngi.

Tinigil na niya ang kanyang sasakyan. Nilingon niya ako kasabay nun’ ay ang paghawak niya sa kamay kung nasa bibig niya, at dahan-dahan niya itong ibinaba. Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero hindi ko ito makuha dahil hinigpitan niya ang hawak niya.

Nag-iwas nalang ako sa kanya ng tingin nang hindi ko makayanan ang intensidad ng paraan niya ng pagtingin sa’kin.

“I really like you, Alisha please consider it,” naramdaman ko ang masuyo niyang paghawi sa buhok kung nakatabon sa aking mukha. Napalunok ako. “If you’re worried about Cheska, don’t be I’ll deal with her, okay?” marahan niyang hinaplos ang pisngi ko gamit ang thumb finger niya, pagkatapos ay hinalikan niya rin ang pisngi ko bago niya buksan ang pinto ng kanyang sasakyan, sa side niya, at saka siya bumaba at naunanang naglakad palayo.

Naiwan akong lito, naguguluhan at hindi alam ang gagawin.

Zach kainis ka naman, …eh, pinoproblema ko pa nga ang kaibigan ko tapos… ugh…! nakakainis!

Pagkababa ko sa sasakyan hindi pa man ako nakakailang hakbang nang mapalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Ang kaibigan ko, si Robin, na malapad ang ngiting kumaway sa’kin. Sa likod niya ay ang mga kaklase niya.

Humarap siya sa mga kaklase niya at may sinabi siya sa ang mga ito. Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya sa mga ito sapagkat, tumingin sa’kin ang mga kaklase niya at binalik rin ulit sa kanya na may mga mapang-asar na  mga ngiti ang mga ito sa kanya.

Niyakap ko ang libro ko at nagtaas ng kilay sa kanya ng maglakad na siya palapit sa’kin. Umiling lang siya sa’kin, na sinasabing wala iyon. Nang makarating siya sa harap ko ay agad niyang pinisil ang pisngi ko, na agad ko namang tinapik ang kamay niya.

“Sungit,” sinabayan niya ako sa paglalakad. “Anyare at late ka yata ngayon?” tanong niya.

Napatingin ako sa malayong harap ko at nakita ko roon si Zach na direktang nakatingin sa akin. “Wala. Napuyat lang siguro ako gabi, kausap ko kasi si Max at si mama.” Sabi ko at nag-iwas ng tingin kay Zach.

Tumango siya. “Kaya pala medyo namamaga ‘yang mata mo…” pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. “Umiyak ka, noh?”

“Robin… ano ba…” Hinampas-hampas ng kamay ko ang braso niya. Hindi ko na nga mabanggit ng tama ang mga salita, dahil sa ginagawa niya, kaya mas lalo pa niyang pinanggigilang pisilin ang pisngi ko.

Habang siya ay natatawa lang sa ginagawa niya sa’kin. Nahagip ng paningin ko si Zach na naglalakad na papunta sa amin ni Robin, pero may tumawag sa kanyang kaklase niya at ang isa pa sa kanila ay hinila pa siya dahil, parang wala itong naririnig habang nakatingin sa amin.

Napalunok ako at kinabahan bigla. “Robin, tama na…” marahas kung hinawakan ang kamay niya at pabalya itong ibinaba, na ikinagulat at ikinalaki ng mata niya. Hindi niya inaasahan ang ginawa ko.

“Sorry…” may gulat at pag-aalala sa kanyang tono.

“Ah. Papasok na ‘ko, bye.” Nagmamadali kung sabi, pagkatapos ay naglakad na ako patungo sa classroom namin. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon pa at nagdire-diretso lang akong naglakad.

Ayaw ko ng ganito… na kapag nakikita ko si Zach, eh, kinakabahan ako bigla, lalo na kapag may kasama akong ibang lalaki.

“Hoy, Alisha! Tulala ka diyan?” Napakurap-kurap ako ng iwinagayway ni Leo ang kanyang kamay sa harapan nv mukha ko.

“Bakit?” wala sa sarili kung tanong sa kanya.

Umiling siya natatawa habang kumukuha ng chitchirya na nakalapag sa harapan namin. Nang isusubo na niya ang kinuha niyang chitchirya ay umiksena naman si Aira—ang girlfriend niya— at ito ang kumain.

“Napapansin ko lang Alisha, ha? Napapadalas na ‘yang pagiging late mo sa klase?” tanong ni Aira habang nginunguya ang sinusubo ni leo na chitchirya sa kanya.

Nag-iwas ako ng tingin at sa pag-iwas ko nang tingin ay nahagip ng mata ko si Zach na paparating sa pwesto namin. Agad kung pinalibot ang mata ko sa paligid at ayun nakita ko si Cheska, hindi kalayuan sa amin, na naka-kruss ang mga braso sa kanyang dibdib at nakataas ang kilay sa’kin habang nakatingin siya sa akin.

Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan nang pagtingin ko sa gilid ko ay nandoon na si Zach nakaupo, sa tabi ko, kung saan rin nakaupo si Robin. Wala lang siya doon dahil tinawag lang siya saglit ng kanyang mga kagrupo sa isa nilang subject.

“Zach, ah pasensiya kana nakalimutan kung ibigay sa’yo ang lunch box mo. Kumain ka na ba?” guilty kung tanong sa kanya.

“No.” madiin ang pagkakasabi niya nito.

“Huh?” nanlaki ang mata ko at agad na naghanap ng orasan. Umawang ang labi ko nang hinawakan ko ang palapulsuhan ni Leo at makita sa relo niya ang oras. Quarter to two na!

Ngumiwi ako sa kanya at agad kung kinuha sa paper bag ang baon niya. Akala ko kumain na siya dahil anong oras na rin. Naging busy rin kasi ako sa presentation namin kanina, kaya nawala na sa isipan ko na dalhin pa sa kanya ang kanyang baon.

“Ito, oh pasensiya na,” sabi ko pagkatapos kung i-prepare at inusog sa kanyang harap ang baon niya. “Kumain ka na… dapat kasi pinuntahan mo ako sa classroom ko, o, mas maganda ay bumili ka nalang dapat ng lunch mo… nalipasan ka pa tuloy ng gutom.”

“Mas prepared ko ang luto po.” Sabi niya.

Natahimik ako doon at pinamulahan ng pisngi dahil alam kung hindi lang ako ang nakarinig nun, kundi pati na rin ang mga kaibigan ko. Napapikit ako ng mariin ng narinig ko ang hagikhik ni Aira. Magsasalita sana ako para sawayin si Aira, nang may humarang sa paningin ko na isang milk tea shake.

“Pasensiya na natagalan…” Natigilan siya ng makita niya sa kanyang kinauupuan kanina si Zach, na seryusong kumakain lang. Kinuha ko ang shake na binili niya para sa’kin, pagkatapos ay ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.

Narinig ko siyang nag-"tsk,” habang nakatingin siya kay Zach na walang pakialam sa kanya, bago siya kumuha sa bakanteng lamesa ng upuan at inilagay sa kabilang gilid ko naman.

“…’yung lider kasi namin masyadong matikuloso kailangan maganda ang kakalabasan ng group presentation namin.” Pinagpatuloy niya ang sinasabi niya kanina.

“Nakita mo ba si Ruby, kanina pa yun wala, eh? Nagpaalam lang ‘yun na magpupunta lang siya sa C.R.” tanong ni Aira kay Robin.

“I saw her with my friend, Jake.” Si Zach ang sumagot sa tanong ni Aira.

“Ah… ang babaeng ‘yun lumalove-life.”

“Alisha 'yung usapan na’tin, ah?” maya-maya ay sabi ni Robin matapos ang ilang segundong katahimikan namayani sa lamesa namin. “Birthday ko na bukas…” Tumaas baba ang kilay ni Robin sa’kin.

Halos mabulunan naman ako sa iniinom kung shake nang maramdam ko ang titig ni Zach sa akin.

“hoy, hoy! Ano ‘yang usapan na ‘yan? Birthday mo, Robin?” Naging agresibo ang tanong ni Aira sa kanya.

“Bakit hindi kami kasama bro? Gala tayo. Tamang-tama walang pasok bukas, sabado.”sumali na rin sa usapan si Leo.

“Hoy! May pasok ako.” Hinampas ni Aira si Leo sa kanyang braso, na ikinangiwi nito.

“Sa umaga lang naman ang pasok mo, ah. Sa  hapon wala naman.” Dipensa ni Leo sa girlfriend niya.

“Oo nga!”

Napailing nalang ako habang iniikot ko ang straw sa shake ko. Tch, nagsisimula na naman sila.

Napatingin naman ako kay Zach na tapos ng kumain at parang padabog pang ibinabalik ang mga kutsara’t tinidor na ginamit niya sa lagayan nito, pati ang paglalagay ng takip sa lunch box niya ay padabog rin. Nang matapos siya sa ginawa niyang pag-aayos na ma’y kasamang pagdadabog, ay nilingon niya ako at supladong inirapan.

Hindi ‘yun napansin ng mga kasama namin dito sa lamesa dahil habang ginagawa niya ‘yun, ay nagsasalita naman si Robin na sinabayan pa ng maingay na si Aira.

“Syempre kasama kayo, noh! Mawawala ba naman kayo. Kumpleto dapat tayo.” Si Robin.

“Aba dapat lang! Tapos doon ulit tayo sa restaurant na pinagtatrabauhan mo kain, ang sarap ng mga sineserve niyo doong pagkain, eh.” Excited na sabi ni Aira, may paghampas pa sa braso ng kanyang boyfriend.

“Aray, ah. Aray!” reklamo ni Leo.

“Manahimik ka d’yan.”

Dahil wala si Ruby chi-nat nalang sa GC ni Aira ang napag-usapan. Parang mas excited pa nga siya sa magbi-birthday, eh.

Kinabukasan dahil hapon pa naman ang napag-usapan oras, dahil aantayin pa namin si Aira, na matapos ang oras ng kanyang klase. Dahil ang babaita ayaw pa kaming maunang lumakad, ang gusto ay kasama na daw siya.

Nakapagpaalam na rin naman ako sa mga kasama ko dito sa bahay, kay Zach nalang ang hindi pa dahil tulog pa ang mahal na prinsepe. Alam na rin naman niya na ‘yun, pero kahit na gano’n ay magpapaalam parin ako sa kanya, baka magalit na naman ‘yun sa’kin dahil hindi ako nagpaalam na aalis ako.

Pero ang mahal na prinsepe hindi pa rin gising, anong oras na, oh? Tanghali na.

“Ang bango, ah.” Nagulat ako ng lumapit sa likuran ko si Kary at inamoy ang niluluto ko gamit ang malumanay niyang paghawi sa kamay niya papunta sa kanya. “Wag mo naman masyadong sarapan, Ali baka mainlove ng todo niyan sa’yo si baby Zachary mo.” Tumawa siya.

Dahan-dahan siyang umatras palayo na nakataas ang dalawang kamay, nang nilingon ko siyang masama ang tingin sa kanya. Nang makalayo siya sa’kin at nakita niya sigurong sapat na ang distansiya sa pagitan namin, ay ‘tsaka pa lang siya humalakhak ng todo.

“Kary wag mo kung simulan ang aga-aga, ah.” May inis na sabi ko, pero kalaunan ay natawa rin.

“Anong nangyayari na naman d’yan kay Kary? Ang aga pa para mabaliw siya.” Nagtatakang tanong ni ate Risa ng makapasok siya galing sa likod bahay.

Natawa ako sa sinabi niya at talagang nilakasan ko pa ‘yun para iparinig kay Kary, na mapang-asar.

“Hoy! ate Risa narinig kita, ah!” Ngumuso si Kary.

“Itong mga bata ‘tong, may natutulog pa aba. Magsitahimik kayo.” Si manang Koring.

“Pasensya na po,” agad na humingi ng pasensiya si ate Risa.

Pinatay ko na ang stove at isinalin ko na ang niluluto kung sinangag sa plato. Bago ako umakyat at katukin at gisingin na si Zach, ay prinipare ko muna ang inihanda kung almusal para sa kanya.

Pagkarating ko sa harap ng pintuan niya ay kumatok agad ako, nang wala pa rin akong madinig na pagkilos sa loob ng kanyang kwarto, ay hinawakan ko na ang doorknob para buksan ang pinto. Nangunot naman ang noo ko nang pagpihit ko sa seradora ay hindi ito naka-lock.

Sumilip pa muna ako sa loob bago ako pumasok dito. Ang dilim ng kwarto niya kaya mabagal at nangangapa ang aking lakad hanggang sa makarating ako sa kanyang kama.

“Zach… Zach…” marahan kung niyugyug ang kanyang braso pero hindi pa rin siya nagigising, kaya nagtungo na muna ako sa bintana niya para hawiin ang makapal na kurtina doon, na dahilan ng pagdilim sa loob ng kanyang silid.

“Hmm,” napalingon ako sa kanya, nang marinig ko siyang nagreklamo, habang hinahawi ko ang kurtina niya. Napailing ako ng umikot siya sa kabilang side niya at kinuha niya pa ang unan dito at ginawa niya pa itong tandayan.

“Zach,” bumalik ulit ako sa kanya para gisingin siya, pero napangiwi ako ng dumilat ang kanyang mga mata at sinalubong ako ng kanyang masamang tingin. “G-gumising kana, ‘yung inihanda ko sayong almusal baka lumamig n-na…” nautal ako at hindi na natapos ang sasabihin ng bigla niya nalang akong hinila palapit sa kanya.

Napatili ako dahil sa gulat, sa ginawa niya, napadaing pa ako sa sakit ng sumobsub ang mukha ko sa kanyang dibdib. “Zach!” gulat kung gagad sa kanya.

Inilapat ko ang isa kung palad sa kanyang dibdib para gawin kung lakas para makabangon ako, dahil ang isa niyang braso ay pinalibot niya na sa beywang ko. Habang ako ay nagpapakahirap makawala sa kanya, siya naman ay pinagmamasdan lang ako. May pang-aasar pa sa kanyang tingin sa’kin.

“Your going out with your friends?” tanong niya kaya napatigil ako at napatingin sa kanya. “With that boy?”

“Anong boy? May pangalan siya, noh. Robin!” Nginusuan ko siya. “Syempre, kasama siya… siya ang may birthday, eh.” Hinampas ko ang dibdib niya.

“Tsk.”

“Bumangon ka na nga d’yan…‘yung pagkain mo don malamig na.”

Bago pa man ang usapang oras na itinakda namin kung saan kami magkikita-kita, ay kumilos na ako para mag-ayos sa aking sarili. Isinara ko ang pinto ng aking kwarto habang hawak ko ang aking cellphone sa kabilang kamay, pagkatapos ay naglakad na ako palabas habang hawak pa rin ang aking cellphone at binabasa ang mga chat nila sa GC.

Nadatnan ko pa nga sa labas ng bahay, sa may garahe, si Zach na nililinisan ang kanyang sasakyan katulong si Rey. Nang mahagip ako ng kanyang paningin ay inihinto niya ang kanyang ginagawa, at kinausap si Rey na siya na ang gumawa ng ginagawa niya, bago siya naglakad palapit sa akin.

“Your going now?” Parang tunog may pagbabanta pa sa kanyang tono. “Nang hindi nagpapaalam sa’kin.”

“Huh? Sinabi ko na sa iyo ‘to kanina, ah, na aalis ako, kami ng mga kaibigan ko. ‘tsaka alam mo naman na may lakad kami ngayon, diba? Nandoon ka kaya ng sinabi ito ni Robin.” Inirapan ko siya. “Kung nakalimutan mo, e ‘di paalam.”

Suplado niya rin akong inirapan. “Anong oras ang uwi mo? Wag kang magpapagabi, lagot ka sa’kin.”

Tumango nalang ako sa pagbabanta niya sa’kin.

Nang magkita-kita kami nagpunta lang kami sa mall, sa time zone, para maglaro doon. I mean, ang dalawang lalaki pala na isip-bata. Inantay lang namin silang matapos sa paglalaro, paminsan-minsan nama’y nakikisali kami ni Aira.

Nang maghapon at papagabi na nagpunta kaming girls sa isang pastry shop, para bumili ng cake na pinag-ambagan naming lahat, liban nalang kay Robin—ang birthday boy. Hindi niya ‘yun alam hanggang sa makarating kami sa restaurant na pinagtatrabauhan niya.

“Dito talaga ang venue, eh,” si Aira ng makapasok kami sa loob, habang pinapalibot niya ang kanyang paningin sa paligid. “Birthday boy, bakit wala pa ang pagkain?” bumaling siya kay Robin.

“Ali, hija.” Nakangiti ang uncle ni Robin ng nilingon ko siya sa gilid ko, nang marinig ko doon ang boses niya.

“Uncle,” ngumiti rin ako sa kanya at sa nakasanayan ko na rin bilang gawi, ay kinuha ko ang kamay niya at nagmano sa kanya. Bahagya pa akong natawa ng ginaya ako ng mga kasama ko, na halata na hindi alam ang gagawin.

“’To, si Leo, si Aira at Ruby po pala mga kaibigan ni Alisha nung una, na naging kaibigan ko na rin.” Iniwestra ni Robin sila isa-isa at pinakilala sa kanya Tito.

“Hello po…” bati nila dito.

“Bakit dito mo sila dinala, doon sa bahay dapat?” bumaling siya sa kanyang pamangkin.

“Oh, diba sabi ko sa inyo doon tayo sa bahay niyo, eh…” hindi pa man natatapos ni Aira ang kanyang sinasabi ay tinakpan na agad ni Leo ang bibig niya at nahihiyang ngumiti sa Tito ni Robin.

“Pasensiya na po…”

Umiling lang siya at bahagyang ngumiti ng nagsitawanan kami. Pero agad na napawi ang ngiti ko ng mahagip ng mata ko ang grupo nila Zach, sa isang lamesa doon. Napalunok ako ng magtama ang aming mata at siya ay direkta lang ang tingin sa akin.

Nag-iwas agad ako ng tingin at ibinalik ang atensyon ko sa mga kasama ko. Hanggang sa makaupo kami sa lamesa, ay hindi na ako kumportable at mapakali dahil alam kung pinagmamasdan niya ang bawat kilos ko.

Nagpapasalamat rin ako, dahil buti nalang ay saglit lang naman kami doon at agad kaming umalis. Lumipat kami sa bahay nila Robin at doon namin cenelebrate ang kaarawan ni Robin.

“Happy birthday!” napapikit ako ng sumabog ang confetti na hawak ni Leo. Natatawa namang hininipan ni Robin ang hawak kung cake.

“Para kayong mga bata,” sabi niya.

“Ay, wow.” Nagreklamo agad si Aira.

Overall naging masaya ang naging ganap sa birthday ni Robin. Maingay, lalo pa ng dumating ang ilang kaklase ni Robin na kaibigan niya na rin dito sa Manila. May inuman syempre, hindi naman mawawala iyon sa mga kalalakihan, lalo na kapag ganito ang ganap kahit nga wala ganap, eh.

Isang shot lang ang ginawa ko dahil hindi na ako pinayagan ni Robin na uminom pa, kahit ako ay ayaw ko na rin naman. Gosh! Kung kailan nagmaynila ako ‘tsaka ako natutong mag-inom, ah. Lagot ako nito kay mama ko.

“Ano? Kaya pa?” tumabi sa akin si Robin.

“Baliw, ikaw ang kaya pa? Ang dami mo na yatang nainom, eh?”

Umiling siya, “Hindi masyado.”

Nanliit ang mata ko at tiningnan siya ng hindi makapaniwala. Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko bago ulit bumalik sa mga tao doon.

Nang tumagal pa ay unti-unti nang nagsisiuwian isa-isa, na una si Ruby na ti-next ni Jake. Sinundan ng isang babae na hindi ko kilala, sumunod pa ang mag-jowa na kagrupo ni Robin. Sila Leo at Aira hanggang sa kami nalang dalawa ni Robin ang natira, pero bago ‘yun ay tinulungan pa muna kami nilang nilisin ang mga kalat na ginawa nila.

Niyakap ko ang sarili ko habang naglalakad kami ni Robin sa sidewalk, napatingin naman ako sa kanya ng pinatong niya sa akin ang kanyang jacket na suot.

“Dapat kasi nagdala ka ng jacket mo.” Pinitik niya pa ang noo ko.

Huminto kami sa paglalakad. Pailan-ilan nalang ngayon ang nakikita kung naglalakad dahil narin siguro sa malalim na ang gabi.

“Ali,” napatingin ako sa kanya, mapupungay ang kanyang mga mata.

“Hmm,” umupo ako sa bench dito sa plaza, ginaya niya ako at umupo rin siya sa tabi ko.

“’Yung sinabi ko sa’yong gusto kita?” hindi siya nakatingin sa’kin.

Napaayos agad ako ng upo. “Syempre, gusto mo ako, kasi kaibigan mo ‘ko, diba?” ngumiwi ako sa sinabi ko.

Umiling siya. “Gusto kita, Alisha. Siguro ‘yung bata tayo hindi ko lang napapansin, pero nun kalaunan, habang sabay tayong lumalaki sabay tayong nagkakaisip… sabi ko sa sarili ko hindi lang ‘yun simple crush, simpleng pagkagusto sa’yo… iba na ‘yun. Gusto kita bilang ikaw, Alisha… bilang babae at hindi kaibigan.”

Ngitian niya ako. “Robin,” hinawakan ko ang kamay niya.

“Hindi ko alam kung paano ko ‘yun aaminin sa’yo. Tinago ko sa’yo ‘yung nararamdaman ko…ng matagal. Masaya naman ako kasi nakakasama kita araw-araw, nakikita. Pero kahit na gano’n parang may kulang parin akong nararamdaman. Alam mo ba? Nakapag-inaasar tayong dalawa nila Max o ng ibang kapit-bahay na’tin at mga iba pang-kaibigan natin doon. Naiisip ko minsan na sana tayong dalawa na nga, pero alam ko rin naman na wala pa sa’yo ang mga gano’ng bagay, diba? Ang dami ngang nanliligaw sa’yo roon pero wala kang ni-isang sinagot.”

Natawa siya natawa rin ako.

“Iisa lang ang sinasabi mo sa kanila… bawal pa ako, magagalit si mama. Kung gusto mo sa kanya ka magpaalam, may panaga ‘yun.” Magkasabay namin ‘yung sinabi, pagkatapos ay natawa kami pareho.

“Hoy, Robin!” Sabi ko ng may bigla akong maalala. “Kapag pumupunta ka sa amin at doon ka natutulog chinachansingan mo ako, noh? Pagkagising ko sa umaga nakayakap kana sa’kin, eh?” pinanliitan ko siya ng mata.

“Sabihin na na’tin, oo,” nginisian niya ako.

“hukage ka, ah!” agad niyang hinawakan ang dalawang kamay ko ng makitang hahampasin ko siya.

“Hoy! Hindi, ah! Masyado ka… baka ako ang buena manong mataga ni Lola Teri niyan.”

“Robin…” Sabi ko matapos ang ilang segundong namagitang katahimikan sa amin.

“Alam ko,” Ngitian niya ako, kasabay nun’ ay ang paggulo niya sa buhok ko.

Ngumuso ako sa kanya.

“Robin, ahm…” hindi ko alam ang sasabihin ko. “Ah… mahalaga ka sa’kin, magkaibigan na tayo mula pa ng mga bata tayo magkasama na tayo. Ayaw kitang saktan, pero kahit na sabihin ko sayong ayaw kitang saktan hindi naman ‘yun maiiwasan, diba?” Nagpapasensya ko siyang nginitian. “Sorry, kasi hindi ko kayang ibigay ang gusto mo…”

“Ali, hindi mo naman kailangan ibalik ang nararamdaman ko sa’yo, okay lang, wala naman akong sinabi. Wala kang kasalanan, Alisha… kaya hindi mo kailangan mag-sorry.” Niyakap niya ako.

“Robin magkaibigan parin naman tayo, diba?”

Marahan siyang natawa. “Hmm, bakit ka umiiyak?" Pinunasan niya ang luha ko.

Umiling lang ako sa kanya, napangiti narin ako at niyakap rin siya pabalik. I’m sorry, Robin. Pasensiya na… sana hindi sumama ang loob mo.


— EIBHLINE —


Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
63.7K 1.8K 53
Sypnosis Winter Villa Fuentes is her name. She had everything in her life back then. But one incident change her whole life, include herself. In tha...
33.8K 1.7K 55
Maraming nagsasabi na mag-jowa kami pero para sa akin we're 'BESTFRIEND' pero para sa akin lang pala ang salitang iyon. ______________ "You're my bes...
869K 22.6K 35
I'm Calixa Lorraine Avenue. Ang hanggarin kulang sa buhay is to finish my study Para makakuha ng magandang trabaho. Pero dahil isa akong tanga! sound...