The Bearer

By PurpleSwallow

313K 19.4K 1.8K

Noah Aviente ♡ Shilo Calangitan More

TEASER
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15 Brain & Heart
Chap. 16
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 24
Chap. 25
Chap. 26 Her New Love
Chap. 28
Chap. 29
Chap. 30
Chap. 31
Chap. 32
Chap. 33
Chap. 34
Chap. 35
Chap. 36
Chap. 37
Chap. 38

Chap. 27

5.2K 426 8
By PurpleSwallow

Chap. 27

AN : Ang kwentong ito ay pawang kathang-isip. Ano man ang isinulat ko WALA KAYONG MAGAGAWA..TRIP KO 'TO.



Present Time...


Dumalo ng Baby Shower ang mag-asawa.


"Welcome to our Baby SHower Party!"

Isang masigabong palakpakan ang maririnig sa loob ng party hall. Agaw pansin sa mag-asawa ang mga kaibigan at kakilala nila na may dala dalang mga anak.


" Noah, paki hawakan nga muna itong anak ko? I think I left my baby's diaper in my car." Agad binigay ng kaibigan ni Noah ang anak nito.


"Sure." Binuhat naman ni Noah at kinalong ang bata.


Tuwang tuwa si Noah sa sanggol na nasa kanyang bisig. Napansin naman ni Diana ang paglalaro ni Noah sa anak ng kaibigan.


"Dee, look at him. Nasasabik talaga si Noah na magkaanak kayong muli. Bakit hindi kayo humingi ng advice sa isang Fertility Doctor?"


Tanong ng kaibigan kay Diana.


"Not this time.." Tipid n'yang sagot.


"Diana, are you concerned with your marriage?"


"Of course. Pero hindi muna ngayon."


"Well, it's up to you. Ikaw rin, baka mamaya maghanap si Noah ng ibang mapagpunlaan..lagot ka." Sabay tawa ng kaibigan ni Diana.


Huminga ng malalim si Diana. Sa sinabi ng kanyang kaibigan muli s'yang nag-alala sa kanilang kalagayan ni Noah. Naglakad si Diana. Lumapit ito sa kanyang asawa.


"She's so cute." Pinuri ni Diana ang bata. At hinalikan ang kamay nito.


"Yeah, she's so adorable." Yakap yakap ni Noah ang sanggol. Nakikita ni Diana ang pananabik ni Noah.


Ilang sandali lang dumating ang ina ng sanggol at kinuha kay Noah ang bata.


"Thank you, Noah."

Ngumiti naman si Noah.


"Wala ba kayong planong magkaanak muli?" Tanong ng babae kay Noah. Nagkatinginan ang dalawa. Hindi alam ni Noah kung anong isasagot.


"We'll try again." Agad na sinabi ni Diana.


"Good. Kung ako sa inyo pumunta kayo sa isang fertility Doctor. Humingi kayo ng payo. At pwede naman ninyong subukan ang IVF."


"IVF?" Sa sinabi ng babae, parang natauhan si Diana.


"Yeah, may kamahalan nga lang. If you suffer from multiple miscarriage you need a surrogate mother. And besides, if you really want to have kids then you have to go for it."

Nagkatitigan ang mag-asawa.

"Pag-iisipan naming mag-asawa 'yan." Agad na sagot ni Noah.


---------------------------

Nang umuwi silang mag-asawa kapwa walang imikan sa loob ng sasakyan.

NOAH'S POV

Sino ba naman ang hindi gustong magkaanak? Pinili ko nga si Diana dahil may kakayanan s'yang magbuntis. Pinagpalit ko ang puso ko para lang mabigyan ng kaligayahan ang mga magulang ko. Pinili ko s'ya alang alang sa dugo ng aming pamilya. Alam kong, nauunawaan 'yon ni Shiloh. Alam kong, masakit para kay Shiloh ang naging desisyon ko noon. Pero heto, hindi ko inaasahan..nawala ang unang anak namin ni Diana..Ilang ulit narin naming sinubukan wala paring nangyari. Hindi ko alam kung anong problema. Patuloy akong naghihintay kung kelan darating 'yon.

Alam kong pwede akong magkaanak sa iba na di nalalaman ni Diana. Pero hindi ko gagawin ang mga bagay na'yon. Ayaw kong dagdagan ang kasalanang nagawa ko sa kanya.

DIANA'S POV

Kinakabahan ako tuwing napag-uusapan ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Wala paring alam si Noah kung anong dahilan ng pagkamatay ng aming anak. At ang dahilan ng hindi natutuloy ang pagbubuntis ko. Ayaw kong malaman n'ya ang tungkol sa sakit ng aming pamilya. Baka kamuhian n'ya ako. Kung sakali mang maisipan ni Noah na magkaroon kami ng anak; sa pamagitan ng IVF..hindi ko alam kung anong gagawin ko..magkakaroon ng pagsusuri sa aming mga dugo..malalantad ang katotohanan. Dapat kong itago ang sektreto ng aming pamilya.

Isang araw, dumating ang mga magulang ni Noah sa kanilang pamamahay. Pinaghandaan ni Diana ng masarap ng hapunan ang kanyang mga byenan.


"Noah, napakatahimik parin ng bahay na ito. Anak, hindi ba kayo nalulungkot na wala man lang kayong naririnig na mga tawanan ng mga bata? Naaalala ko tuloy si Justin." Ang sabi ni Carlos.


Napayuko ang mag-asawa.



"Wala ba kayong balak na magkaanak muli?" Tanong ni Evon.


"Ahmmm..meron naman po." Sagot ni Noah.


"Do you know about IVF?" Tanong ni Evon.


"Yeah." Muling sagot ni Noah.


"Bakit hindi ninyo subukan? Walang masama." Mungkahi ni Carlos.


"Noah, hindi na kayo bata..tumatanda rin kayo tulad namin. Habang maaga pa kumilos kayo. May sapat naman kayong pera at kaya ninyong magbayad sa magdadala ng inyong anak. Ano man problema sabihin ninyo sa amin. This is very important to our family." Paliwanag ng ama ni Noah.


"Meron akong kakilalang fertility doctor." Sabi ni Evon.


"Ahmmm..okay, susubukan naming pumunta sa Fertility Doctor. You're right. We need to have kids. Are you ready to try again, Dee?"

Napatingin si Diana sa asawa. Nakatingin sa kanya ang kanyang mga byenan. Wala s'yang magagawa kundi ang sabihing..


"Oo."


"Well, that's good. But I suggest, ako ang maghahanap ng SURROGATE MOTHER. Importanteng makilala natin ang surrogate mother, hindi porke't babayaran natin s'ya ng pera..pero malaki ang parte n'ya sa buhay ng magiging anak n'yo."


"Okay, Ma. Kung meron kanang mahanap, sabihin n'yo agad sa amin."


--------------------------


Sumunod na araw pumunta ang mag-asawa sa kilalang Fertility Doctor ni Evon. Nakipag-usap sila at nagtala ng schedule para sa Sperm test at Egg Cell Collection.

Pikit mata at lakas loob na nagpasuri si Diana.

"Kailangan kong gawin ito. Malaman man ng Doctor na may genetic problem ang dugo ko..pipilitin ko paring ipagpatuloy ang pagbuo ng embryo. Kailangan dugo ko parin ang mananalaytay sa magiging anak namin. Kahit na alam kong dadalhin n'ya ang sakit ng pamilya."

Nang dumating ang araw na lumabas ang resulta; inunahan ni Diana si Noah na pumunta ng hospital.

"Mrs. Aviente, we found something wrong with your blood test."


"I know. Kahit hindi mo na ipaliwanag sa akin..alam ko kung ano 'yon."


"Mrs. Aviente, anong gusto n'yong mangyari? Dapat malaman din ng asawa n'yo ang totoo. We cannot proceed to the next procedure; kung isa sa inyo ang may problema."


"Doc, handa akong magbayad kahit magkano; baguhin n'yo lamang ang record ko. Ayaw kong malaman ng asawa ko ang tungkol sa sakit na meron ang dugo ko."


"But Mrs. Aviente, I cannot do that."


"It's my will. Gawin mo nalang ang nais ko. Wala namang masama dahil mag-asawa kami."


Napaisip ang doktor. Tinanggap ng doktor ang bayad. Ilang sandali dumating si Noah.

"Nauna ka pa pala sa akin, Dee." Nagitla si Diana nang dumating si Noah . Nakita pa ni Noah na may hinahawakang puting sobre ang doktor. Agad naman inilagay ng doktor sa drawer.


"Noah, your sperm cells are healthy. There's nothing to worry." Agad na sinabi ng doktor.


"How about my wife?"


"Oh..she's..fine." Halos napipiyok ang doktor na sinabi kay Noah. Hinawakan pa nito ang necktie. At pahapyaw na tinignan si Diana.



Pinagmasdan ng maigi ni Diana si Noah. Agad n'yang naalala na minsan nang nabanggit sa kanila noon ang pagkakaroon ng problema sa sa dugo.

Hinihintay n'ya kung sakaling maalala ni Noah.



Ngunit hindi.


"For the mean time, ipo-frozen muna natin ang sperms at egg cells, n'yo. Saka na natin gawin ang fertilization kung handa na kayo."

Nagkatinginan ang mag-asawa.


"Bakit hindi agad-agad?" Tanong ni Noah.


"Evon told me that she's looking for a surrogate mother."


"Okay, kagustohan n'ya 'yon..pagbibigyan ko s'ya." Sabi ni Noah sa doktor.

----------------------------

Samantala, sa Assuncion..

"Oh my God! Ang cute ng mga anak mo Red." Tuwang tuwa si Shiloh na nilapitan ang mga anak ng kaibigan.


"Tita.." napalingon ulit si Shiloh. Nakita n'yang lumalapit din ang anak ni Chai.


"Waaaa! Nakakainggit kayo. Binayayaan kayo ng mga anak." Sabay niyakap ng ni Shiloh ang mga bata.

Ramdam naman ng 2 babae ang paghihinayang ni Shiloh sa sarili.


"Ikaw naman, nagsisimulang maging emosyonal. H'wag kang mag-alala nandyan naman si Kiko. Laging inspirasyon mo sa buhay." Pagkukutya ni Red.


"Hanggang ngayon hindi ko masabi kung may patutunguhan ang relasyon namin ni Kiko. Kahit papano masaya ako at minahal n'ya ako ng ganito. Kahit walang aasahan na mabibigyan ko s'ya ng anak."


"Hay, naku pwede kayong mag-adopt kung sakali." Sabi ni Red.


Napangiti si Shiloh. Dumating naman si Kiko.


"Hi, kids." Bati nito sa mga bata. Sabay sabay lumapit ang mga bata kay Kiko; at niyakap ang binata.


Lumapit pa si Kiko kina Red at nakipagkamayan. Lumapit din kay Shiloh; agad n'yang hinalikan ang pisngi ng kasintahan. Dahilan napahiyaw ang dalawang babae.


"Uyyyyy, ang sweet!!"


Kumindat si Kiko sa dalawa.


"Namiss mo ba ako?"Tanong nito kay Shiloh.


"Oo naman."


"Gyahhhhhh...namiss ko tuloy ang asawa ko! Makauwi na nga ng maaga." Sabi ni Chai.


"Ang landi mo talaga Chai." Sabi ni Shiloh.


"Oo naman 'no. Gusto ko kayang magkaanak ng girl." Pinaikot ikot pa ni Chai ang daliri sa buhok.


Napatingin si Shiloh kay Kiko. Hinapit ni Kiko ang kanyang baywang.


"There's always miracle, Honey. Don't forget that." Sabay amoy ni Kiko sa buhok ni Shiloh. Alam ni Kiko ang kalungkutan na pinagdadaanan ng dalaga.


Naunawaan naman ng dalawa ang gustong ipahiwatig ni Shiloh. Damang dama nila ang pagkainggit ni Shiloh sa kanila.


"Hay naku, makauwi na nga. Nakakaloka kayong dalawa. Nakakainggit ang lambingan ninyo sa isa't isa." Sabay irap ni Red.

Agad namang naglipit sina Red at Chai. Tapos niyaya na nilang umuwi ang mga bata.

Nang magkasarilinan ang dalawa..Nakaupo sila sa isang sofa. Nakahilig ang ulo ni Shiloh sa balikat ni Kiko. Habang si Kiko naman ay nakaakbay ang kamay sa balikat ni Shiloh.


"Kiko, hindi ba nagbabago ang isip mo? Alam mo naman walang patutunguhan ang lahat."


"Tsk. Lilo, ayaw kong mag-isip ka ng ganyan. Mahal kita." Sabay hinalikan ni Kiko ang kamay ng dalaga.


Kagat labi si Shiloh sa mga ganung kilos ng binata. Naisip n'ya kung sakaling magbago man ang isip nito; at iwan s'ya..KAKALIMUTAN N'YA NA ANG UMIBIG PANG MULI. Pinapakiramdaman ni Shiloh ang kanyang dibdib. Natatakot parin s'ya sa maaring mangyari sa kanyang buhay. Alam n'yang darating ang araw na mapapagod din si Kiko. Kaya dapat lagi s'yang handa.

-------------------------

Isang araw..

"Shilo! Shiloh!"


Narinig ni Shiloh ang boses ni Oliver.


"Oli, ang aga mo yatang namasyal."


"May news ako sa 'yo."


"Ano?"


"Sumama ka sa akin. Pupunta tayo sa kakilala kong Fertility Doctor."


"Anong gagawin ko doon?"


"Merong darating na isang kaibigan n'ya na galing sa ibang bansa. Kasali ito sa isang team ng mga Obstetrics and Gynaecology sa Sweden. Magkakaroon daw ng Experimental Procedure dito sa bansa. Naghahanap siya kung sino ang gustong magpatala para sa isang major operation na gagawin. Kasama nga 'yong kaibigan ko."

"Ibig mong sabihin magpapatala ako ganun?"

"Oo. Halika na. Pumunta tayo doon sa Hospital. Magpapa-interview ka. Sabihin mo kung anong problema mo sa bahay-bata mo. Malay mo may kasagutan na ang lahat ng problema mo."

Nagdalawang isip si Shiloh.

"Walang masama, Shiloh. H'wag mong hayaan mawala ang pagkakataong ito." Kinukumbinsi ni Oliver si Shiloh.


"Sige."


Dali daling nag-ayos si Shiloh. At sumama kay Oliver. Tinungo nila ang Hospital kung saan ang kaibigan ni Oliver..SI WILLSON BERMUDEZ.


"Sista! Kumusta."


"Bruha, napadalaw ka."


Gulat si Shiloh nang makita ang kaibigang doktor ni Oliver.


"Oh my God! Ang gwapo. Sayang at Berde ang dugo." Nasabi ni Shiloh sa sarili.


"Will, ito nga pala kaibigan ko..si Shiloh."


"Hello." Masayang binati ni Willson ang dalaga.


"Hi." Tipid na sagot ni Shiloh at tila nahihiya sa doktor.


"Anong problema?" Tanong ni Willson.


"Si Shiloh, meron s'yang problema sa kanyang bahay-bata. Sabi ng doktor na tumingin sa kanya noon, hindi s'ya magkakaanak."


Napatingin si Willson sa dalaga at tila naawa.


"Doc, Gusto ko pong maranasan ang magiging ina balang araw. Kung may paraan po na maayos ang problema ko..Ipapasalamat ko po 'yon."


"So what's the problem?" Tanong ni Willson.


Nakinig ng mabuti si Oliver.


"I WAS BORN WITHOUT A UTERUS."


Napatakip ng bibig si Oliver. Hindi n'ya akalain na ganun kalaki ang problema ni Shiloh.


Muling napahikbi si Shiloh. Nahabag naman si Willson.


"Alam mo, hindi lang naman ikaw ang may ganung case. Tinawag 'yang MRKH SYNDROME. Kung noon, wala pang kasagutan sa kalagayan mong 'yan ngayon meron na."

Nabuhayan ang loob ni Shiloh. Umapaw ang saya na di n'ya maipaliwanag. Maging si Oliver ay natuwa sa sinabi ni Willson.


"Anong dapat kong gawin?" Tanong ni Shiloh.


"Kakausapin ko ang kaibigan ko. Makakasama n'ya ako sa operation na gagawin. Kailangan mong masuri kaagad. MAGKAKAROON NG WOMB TRANSPLANT. Maghahanap tayo ng DONOR mo."

"Handa ako sa operasyong gagawin." Hindi nagdalawang isip si Shiloh na sabihin kay Willson.


Agad nagpatala si Shiloh.


"Oli, salamat sa Dios at may pag-asa na akong magkaanak. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko ngayon."


"Oo, naman. Ako nga nasisiyahan sa narinig ko kanina kay Wilson."


Napayakap ng husto si Shiloh sa kaibigan.


"Ipapaalam ko ito kina Nanay at Kiko." Sabi ni Shiloh.


"Oo nga. Para mapadali ang paghanap ng Donor mo."


"Oliver, may pambayad ako sa Donor. Ang problema ko na lamang ang operasyon."


"H'wag kang mag-alala..magtutulungan kami nina Red. Alam mo naman, kapit bisig tayong Lima. Magkawalay man..nagkikita parin."

"Salamat Oli." Napapaluha muli si Shiloh. Nagpapasalamat na rin s'ya namay mga kaibigan s'yang katulad nina Oliver.

-----------------------

Palabas ng hospital sina Shiloh at Oliver. Nagkataong nakita sila ni Mang Canoy, ang driver ng mga Aviente.


"Shiloh?" Napakunot pa ang noo ng matanda. Lumapit ng husto si Mang Canoy.


"Mang Canoy, anong ginagawa n'yo dito?"


"Ah..sinamahan ko si Maam Evon. Nakipagkita kasi sa kanyang kaibigang doktor. Kumusta na kayo?"


"Mabuti naman po."


"Hindi na kayo dumadalaw sa Santa Catalina, ah."


"Mang Canoy wala na pong dahilan para bumalik kami doon." Sagot ni Shiloh.


" Ganun ba. Anong ginagawa n'yo dito sa hospital?" Tanong ng matanda.

"Bumisita lang po kami sa kaibigang Fertility Doctor ni Oliver." Sagot ni Shiloh.


"Bakit Oliver, gusto mo na bang maging NANAY?" Tanong ni Mang Canoy.


"Saka na lang po, kung magagawan narin ng mga doktor ng paraan na magkamatris kaming mga transgender." Sagot ni Oliver.


Natawa naman ang matanda. Nang..


"Canoy.." Napalingon sina Shiloh.

Nanlaki ang mga mata ni Evon nang makita si Shiloh. Napaatras si Shiloh at agad tumalikod. Hinila nito si Oliver.


"Shiloh!" Tawag ni Evon. Tila walang narinig si Shiloh nagmadali silang naglakad ni Oliver.


"Shiloh, anong nangyayari sa 'yo? Bakit hindi mo hinarap si Maam Evon?"

"Ayaw kong maalala ang nakaraan." Diinang sinabi ni Shiloh.

Naunawaan naman ni Oliver ang kaibigan.

Samantala, hindi makapaniwala si Evon na iniwasan s'ya ni Shiloh.

"Canoy, anong ginagawa nila dito?"

"Nakipagkita po daw sila sa kaibigang Fertility Doctor ni Oliver."

Napaisip ng husto si Evon.



---------------------------------
































Continue Reading

You'll Also Like

311 53 21
ON HOLD BOOK 2 of TAB Trilogy
1.9M 87.9K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
162K 380 2
BABY UNDER CONSTRUCTION BOOK 2! Sometimes Life sucks, but we have to deal with it. Kung kailan nahanap na ni Faye ang One Great Love nya, akala nya...
32K 1.7K 31
[[ON GOING ]] [[Rated SPG]] The Brother's Series [Series #3] [Joshua Kien Casabuena] [Jemicah Lia Azunsion] Takbo at hingal ang ginagawa ko sa oras n...