My Personal Yaya

By Eibhline

13.1K 1K 67

May isang babaeng nag ngangalang Alisha Vargas, o mas kilala bilang Ali. Isang simpleng babae na ang hangad l... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 38

159 9 3
By Eibhline

Chapter 38

“Sus, hindi naman sila bagay.”

Rinig kung sabi nang isang babae na kakalabas lang sa isa sa cubicle dito. Habang ako ay inaayos ang damit ko, matapos akong umihi.

“Yeah, right.” Rinig kung maarteng sabi ng kasama niya. “Let’s go.” Narinig kung bumukas ang pintu at ang pagsara rin nito kalaunan.

Napatingin ako sa pinto ng cubicle kung nasaan ako ng may kumatok dito. “Teka lang po…” sabi ko.

“Ah, Ali. Matagal ka pa ba diyan? Nag-text kasi sa’kin si mommy, hinahanap na niya ako may importante daw siyang sasabihin sa’kin, pwede  ba akong mauna na sa’yo?” sabi ni Ruby.

Binuksan ko ang pintu at lumabas ako. “Sige, mauna kana, susunod rin ako sa’yo, saglit lang.” sabi ko habang lumalabas ako sa pinto.

Tumango siya at naglakad na palabas. Lumapit ako sa sink at tinapat ang kamay ko sa faucet, at nagulat pa nga ako ng automatic na may tubig na lumabas dito. Gosh! Buti nalang ako lang ang tao dito sa girls restroom nang tumingin ako sa paligid ko.

Naghuhugas ako nang kamay ko ng bumukas ang pinto hugyat na may pumasok. Nang iangat ko ang tingin ko at mapatingin ako sa salamin ay nakita kung si Claire ito na naglalakad palapit sa’kin, tumaas pa ang kilay niya ng makita niya ako roon.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na nilapag niya ang purse niya sa sink at kinuha roon ang dala niyang make-up at nire-touch ang mukha niya. “Aren’t you jealous?” naglalagay siya ng lipstick sa labi niya nang natungin niya ako nun.

Nakakunot ang nuo ko nang nilingon ko siya. “Bakit naman ako magseselos?” balik kung tanong sa kanya.

Tapos na akong maghugas ng kamay at pinapatuyo ko nalang ito sa dryer doon. Binalik na niya sa purse niya ang mga gamit niya bago siya nagkibit-balikat sa’kin. “Well, I just thought you like Zach.” Sabi niya. “Here,” inabot niya sa akin ang tissue.

“Wala akong gusto kay Zach.” Sabi ko at hindi kinuha ang binibigay niyang tissue sa’kin.

Hinarap niya ako. “Really? Well, that good because Zach is only for my friend, Cheska.” Sabi niya bago niya kinuha ang kamay ko at nilagay roon ang tissue ‘tsaka niya kinuha ang gamit niya at lumabas ng pinto.

Ilang segundo akong nakatulala lang doon. Bumaba ang tingin ko sa kamay ko at tinitigan ang tissue na nilagay ni Claire sa kamay ko. Napatingin ako sa sarili kung repleksyon sa salamin, kapagkuway napabuntong hininga ako at hindi ko namalayan na naikuyom ko na ang kamay kung may hawak na tissue.

Nagusot ang tissue ng ibuka ko ang kamay ko. Napatingin naman ako sa bandang gilid ko at nakita roon ang trash bin, naglakad ako palapit doon at itinapon ang tissue. Napabuntong hininga ulit ako bago ako nagpasyang lumabas na doon.

Habang naglalakad ako sa hallway ay may iilan akong nakakasalubong na mga babae na papunta rin sa girls restroom. Pero hindi ‘yan  dapat ang dapat kung pansinin, dahil habang naglalakad ako sa hallway ay unti-unting napapakunot ang nuo ko, dahil hindi ko matandaan kung saan na ang daan na dinaan namin ni Ruby kanina papunta rito.

“Bakit naman kasi ang daming daanan dito?” sabi ko sa sarili ko.

Lumingon ako sa harap likod ko at wala akong makita na tao na naligaw manlang na napadaan kung nasaan ako. Hinintay ko rin dumaan ang mga babaeng nakasalubong ko papunta sa restroom, pero ang tagal nilang dumaan.

Huminto ako sa paglalakad at naisip na kung saan may makita akong unang dumaan sa hallway, ay ‘yun ang susundan kung daanan. Saan ba ako dadaan? Dito sa kanan ko o sa kaliwa ko? Napalingon ako sa likod ko nang may marinig akong mga yabag ng paa na naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko. 

Pagkaharap ko ay halos ma-out of balance ako nang maapakan ko ang tela ng dulo ng damit ko. “Careful, young lady.” Sabi ng nakasalo sa’kin.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at umawang ang labi ko ng makita ko ang Daddy ni Cheska iyon. Umayos agad ako ng tayo. “Naku, pasensiya na po, Mr. Hernandez.” Nahihiyang sabi ko.

“It’s okay. Just be careful next time.” Nginitian niya ako at ti-nap ang balikat ko bago siya naglakad paalis at iwan ako doon. Ako naman ay wala sa sariling naglakad sa opposite direction na nilakaran niya habang nakatingin pa rin ako sa kanya.

“Huh…?” ‘Yan ang reaksyon ko nang habang naglalakad ako at natatanaw ko na ang dulo ng nilalakaran ko at palabas na iyon ng venue.  Huminto ako sa paglalakad at napasapo ako sa sarili kung noo. Nakanguso kong nilingon ang pinanggalingan ko at inis na inirapan ‘yon.

Kung babalik ulit ako, baka kung saan pa ako papunta ulit. Nakakainis naman! Bumuntong hininga ako ‘tsaka ko nilingon ang daan palabas at ilang segundong tiningnan ‘yon at ilang segundong ko rin pinagpasyahan na lumabas nalang ako roon at maghintay nalang na matapos ang event.

Dahan-dahan akong naglakad papalabas, tinitingnan ang paligid kung may mga media reporter ba, na nag-aabang. At nang, walang makita ay dali-dali akong naglakad pababa sa ilang baitang ng hagdan.

Naglakad-lakad ako at nang makakita ng mauupuan sa tabi lang ng halaman ay agad akong lumapit doon at naupo. Pinakatitigan ko ang paa ko at napalabi ako ng makitang namumula na iyon. Inabot ko ang paa ko at tinanggal ang suot kung heels pagkatapos ay marahan kung minasahe ang paa ko— salitan.

Hindi ko na muna sinuot ang heels sa paa ko, ipinatong ko lang muna ito dito. “Ang lamig…” Sabi ko habang naka-exis ang dalawa kung kamay at marahan na humahaplos sa magkabila kung braso. Pinagkikiskis ko rin ang dalawa kung palad at hihinipan ito kalaunan.

Nasa gano’n akong kalagayan nang may marinig akong yabag ng paa na naglalakad papalapit sa gawi ko, hindi ko ito pinansin. Bahagya akong nakakuyo habang hinihinipan ang palad kung nakatapat sa bibig ko at bahagyang nakalobo. Napahinto ako sa paghinip sa palad ko, nang huminto sa harap ko ang dalawang pares ng sapatos, na naririnig ko lang kanina na papalapit sa gawi ko.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa taong nakatayo sa harap ko at umawang ang labi ko at bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita ko na si Zach iyon.

“Zach…?” Nagugulat kung sabi at agad na napatayo, ngunit nakalimutan kung nakapatong lang pala ang paa ko sa heels ko, kaya ito ay natumba pagkatayo ko. Buti nalang ay nakaapak agad ako sa lupa at hindi natumba. Mabilis rin akong naalalayan ni Zach.

Hindi niya ako pinansin, bagkus ay napatingin ako sa pagtatanggal niya ng kanyang coat, at nagulat ako ng ito’y ipatong niya sa balikat ko. Napatingin ako sa mukha niyang seryuso habang inaayos ang coat niyang pinatong niya sa balikat ko. Ang sout nalang niya ngayon ay ang white polo long-sleeves na doble niya sa loob.

“Where have you been?” Halos pasigaw na tanong niya sa’kin pagkatapos niyang maiayos ang coat niya sa balikat ko. Naipikit ko naman ang isang mata ko. “I was looking at you everywhere.” Sabi niya, umigting pa ang kanyang panga.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. “Ah… kasi…”

“Kasi, what?” ulit niya sa sinabi ko.

“Kasi… naligaw ako hindi ko natandaan ang daan pabalik doon sa venue, pasensiya na… ‘yung nilakaran ko naman palabas na ng venue ako dinala, ayaw ko naman na bumalik baka kung saan naman ako nito mapunta.” Nakayuko paliwanag ko sa kanya, ang mga daliri ko ay pinaglalaruan ko na parang bata habang ako’y nagsasalita sa kanya.

Napaangat ako ng tingin at nagulat ng bigla niya nalang akong niyakap ng mahigpit. “You made me worried sick, fuck!” Sabi niya at mas lalo pang hinigpitan ang yakap niya sa’kin. Ang kanyang mukha ay ibinaon niya sa pagitan ng leeg at balikat ko.

Hindi ako nakagalaw sa gulat, ang mga kamay ko ay nakaangat lang sa ere. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa gano’n kalagayan, nang mamataan ko si Cheska na lumabas sa loob at patingin-tingin sa paligid niya na para bang may hinahanap ito. At, mukhang alam ko na kung sino ang hinahanap niya, si Zach.

“Ah…Zach,” Sabi ko habang nakatingin pa rin kay Cheska na bumaba na ng hagdan.

Kumalas naman ng yakap niya si Zach sa’kin at pinakatitigan ako. “Where is your phone? I told you to call me if something happens, right? Just like this.” Sermon niya sa’kin.

“Hindi ko dala ang cellphone ko, naiwan ko doon sa loob. Pasensya na talaga.” Mahinang sabi ko, guilty.

“Just don’t do that again, okay.” Mariin sabi niya habang nakatingin pa rin sa’kin.

Tumingin ako sa kanya at tumango. “Okay.” Sagot ko.

Bumuntong hininga siya. “Good.” Sabi niya at tumaas ang isang kamay niya at inihaplos ‘yon sa pisngi ko, kapagkuway inilapit niya ang mukha niya sa’kin at marahan akong hinalikan sa aking noo.

Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya lalo pa’t naisip ko si Cheska na nandito rin sa labas at maaaring makita niya ang ginawa ni Zach sa akin. Mabilis akong napatingin sa hagdan pero hindi ko na siya nakita roon, bagkus ay nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng SUV papalapit sa amin, ngunit huminto ng makita ang paghalik ni Zach sa noo ko.

Napalunok ako ng magtama ang paningin namin at galit akong tinapunan ng tingin. Kita ko mula rito ang pagkuyom ng makabilang kamao niya, pati na rin ng kanyang panga habang nakatingin sa aming dalawa ni Zach. Bago siya nagmartsa paalis roon sa kinatatayuan niya ay sinamaan niya muna ako ng tingin.

“Zach.” Bahagya akong lumayo sa kanya.

“What?” tanong niya tapos ay nilingon ang tinitingnan ko, hindi na niya doon nakita si Cheska dahil unalis na.

“Wala, tara na sa loob baka hinahanap na ikaw roon.” Sabi ko at sinuot ang heels ko. Kanina pa pala ako nakapaa lang na nakaapak sa lupa hindi ko na namalayan.

“Masakit ba ang paa mo?” nag-aalalang tanong niya sa’kin habang nakatingin sa paa ko.

“Hindi naman na, kanina lang ‘tsaka napahinga ko na naman na ang paa ko.” sagot ko. Tumango naman siya. Sino ba naman kasi ang hindi sasakit ang paa sa sout mong heels na four inches, lalo na kung hindi sanay magsout ng matataas na takong. Siguro ‘yung sanay na, okay pa sa kanila. “Siya nga pala, congratulations sa inyo ni Cheska.” Nakangiting sabi ko habang naglalakad na kami papasok.

Nilingon ko siya pero hindi siya sumagot at direktso lang ang tingin sa nilalakaran niya. “Hey.” Nilingon niya ako nang mapansing hindi na niya ako nakakasabay sa paglalakad niya at nahuhuli na ako.

“Sandali lang naman, ang taas kaya nitong suot kung heels.” Reklamo ko. Kung pwede ngalang na magtanggal ng sapin sa paa, sigurado na kanina pa ako nakapaa.

Binalikan niya ako at sinabayan ulit sa paglalakad. Natahimik lang kami habang naglalakad, pinakikiramdaman ang isa’t isa kung sino ang unang magsasalita. Pasimple ko siyang tiningnan at nagulat ako nang huminto siya sa paglalakad at hinarap ako bigla. Napahinto rin ako sa paglalakad at humarap din ako sa kanya.

“Bakit?” tanong ko.

Kumibot ang labi niya para magsalita pero walang lumabas sa labi niya na salita. Bumuntong hininga siya at inilamos ang palad niya sa kanyang mukha. “Wala, tara na.” tsaka niya hinawakan ang braso ko at inakan ako sa paglalakad.

“Sandali.” Sabi ko at tumigil sa paglalakad ng makarating kami bago ang bukana sa loob. Huminto rin siya at tiningnan ako ng nagtatanong. Hinawakan ko ang coat niya at tinanggal ‘yon sa balikat ko at inabot sa kanya. “Salamat. Pero tingin ko ay hindi magandang   makita ng mga tao na nasa akin ang coat mo, lalo pa na kaka-annouce palang ng engagement niyo ni Cheska.” Sabi ko at hinawakan ang kamay niya at pinahawak sa kanya roon ang coat niya tsaka ako naunang maglakad sa kanya papasok sa loob.

Nilingon ko siya nang makaupo ako sa table namin, nang dumaan siya sa gilid ko at diretso ang lakad niya papunta sa table ng parents niya, kung saan rin nakaupo ngayon si Cheska na nakasunod ang tingin kay Zach hanggang sa makaupo ito sa tabi niya.

Kapagkuway mariin tumingin sa’kin si Cheska. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at binalingan ko ng tingin ang mga kasama kung nag-aalalang nagtatanong sa’kin kung saan ako nagpunta. Pero bago ‘yun, nagtama muna ang paningin namin ni Mr. Hernandez na nakatingin rin sa’kin mula ng makabalik ako dito.

Binigay niya ako ng magaang ngiti ng magtama ang paningin namin, bahagya akong tumango sa kanya at nginitian rin siya pabalik.

“Where have you been, Alisha? I was looking at you?” nag-aalalang tanong ni Hans sa’kin.

Ngumiwi ako. Nilingon ko siya at pasensiyang tiningnan. “Sorry, nakalimutan ko kasi yung daan pabalik dito, naligaw ako sa labas ako napunta.” Paliwanag ko.

“What?” Nagulat siya. “Zach found you?”

Tumango ako sa kanya. “Pasensiya na…”

“It’ okay. At least your here now.” Na-wala na ang pag-aalala sa boses niya. Nginitian niya ako at marahang pinisil ang pisngi ko.

Nginitian ko rin siya.

Halos umabot pa yata nang isang oras ang event bago ito natapos. I mean sa matatanda, dahil ang mga kaedadan naming naroon rin ay may after party pa na dadaluhan, at si Cheska naman ang nagprepare non. Sa isang bar na pina-reserve ni Cheska.

Ako ay hindi na sumama, dahil ng malaman ni Zach na may after party pa sa isang bar, agad na niya akong tinitigan na parang nagsasabing ‘hindi ka sasama’ warning. Nagpresinta si Hans na ihatid ako, pero tumanggi si Zach at sinabing si Rey na ang maghahatid sa’kin pauwi.

Tinuro niya pa ang sasakyan na nakaparada sa ‘di kalayuan sa amin, at nang nilingon ko ‘yun agad kung nakita si Rey na nakasandal sa bumper ng sasakyan at kumaway sa’kin nang makitang nilingon ko siya.

Ilang araw matapos ang event, usap-usapan sa school ang naging announcement ng engagement nila Zach at Cheska. Si Cheska ay mukhang masayang-masaya tuwing may makakasalubong siyang mga estudyante at binabati siya. Pero kapag nakaalis na ito sa harap niya ay bigla itong iirap at ngingiti ng pilit sa sarili.

Hindi ko alam kung nag-away ba sila ni Zach o ano, dahil sa tuwing nakikita niya akong kasama si Zach ay galit na niya akong titingnan. Pero kapag nakatingin naman si Zach sa amin ay tatahimik lang siya at hindi ako papansin, na para bang wala ako doon.

Hindi ko rin kasi alam dito kay Zach kung bakit kung nasaan ako ay nakasunod rin siya. Nagsimula ito nun’ kinabukasan matapos ang event. Sinabihan ko siya na dapat si Cheska ang sinasamahan niya, dahil hindi naman maganda na ang personal yaya niya ang laging nakikita ng mga estudyante dito kaysa sa girlfriend niya.

Yes, girlfriend na niya ulit si Cheska, si Cheska mismo ang nagsabi non sa’kin.

“I’m his girlfriend now, so you better know your limit. You’re just his yaya, kaya diyan kalang dapat.” Sabi niya isang araw matapos naming magkasalubong sa corridor.

Nang sinabi ko ‘yun kay Zach na wag siyang masyadong lumapit sa’kin, ay nagalit siya sa’kin, alam ko dahil hindi niya ako kinausap non, yung ang isa sa napansin ko sa kanya na kapag galit siya ay hindi siya namamansin o hindi ka niya papansinin.

Bukod doon ay normal naman na ang buhay estudyante ko at pagiging personal yaya ko kay Zach.

“Alisha!” napalingon ako sa kaklase ko ng tinawag niya ang pangalan ko. Si Rebecca, Malaki ang ngisi niya sa’kin at pansin ko rin na hindi siya mapakali habang nakatingin sa likurang pintuan ng classroom namin. “Hinahanap ka ni Hans.” Sabi niya.

Agad akong napalingon sa likod at nakita roon si Hans na pinalibutan ng mga kaklase kung babae. Kumunot ang noo ko ng sinenyasan niya akong lumabas. Napailing ako at sinara ang librong binabasa ko ‘tsaka ako tumayo at naglakad palabas ng classroom namin.

“Excuss me, ladies.” Sabi niya habang kumakawala sa mga kaklase ko.

Napakamot ako sa noo ko. “Bakit?” tanong ko. Ako na ang nahihiya sa mga kaklase ko, eh.

Medyo lumayo kami sa kanila. “Here,” inabot niya sa’kin ang isang Rose na nakatago sa likod niya kanina.

“Oh my gosh…!” tili ng mga kaklase ko.

Ngumiwi ako sa kanila bago ko kinuha ang inabot niyang bulaklak. “Si Jake ba ang nagpapaabot nito para kay Ruby?” tanong ko.

Bahagya siyang natawa. “Yeah. That guy…” Napailing siya. “Matinik sa ibang babae, pero sa babaeng nagugustuhan niya, hindi manlang magawang makaporma.” Natawa siya at nilingon ang hallway kung saan sa railing ay cool na nakasandal si Jake habang may kaakbay na isang babae at ang ilan naman ay nakapalibot sa kanya.

Umawang ang labi ko. “Aba’t…”

Nilingon kami ni Jake at agad siyang ngumiti sa akin ng makitang hawak ko na ang bulaklak niya na pinabibigay niya kay Ruby. Sinamaan ko siya ng tingin, nang nabasa ko sa bibig niya ang ‘Paki-bigay kay Ruby, please.’ Pagkatapos ay nagmakaawa face pa siya.

“So, we have to go… five minutes our class will start.” Sabi ni Hans.

Tumango ako sa kanya. “Pwede bang paki-sabi kay Jake na naiinis ako sa kanya.” Pahabol ko kay Hans.

“Sure, I will.” natawa siya.

Tumingin ako sa bulaklak na hawak ko bago ako pumasok sa loob ng classroom namin at tiningnan si Ruby na nagbabasa ng kanyang may kakapalan na libro. Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya, hindi ko pinansin ang mga chismosa kung mga kaklase na nagtatanong kung anong status na ba daw namin ni Hans? O kung nanliligaw ba sa akin si Hans?

“Ruby, may nagpapabigay sa’yo.” mahina kung sabi at pasimple kung nilagay sa bag niyang nakabukas ang bulaklak.

Nag-angat naman siya sa akin ng tingin at nagtatanong akong tiningnan. “Sino?” nahihiya niyang tanong.

Nagkibit-balikat lang ako sa kanya at hindi siya sinagot.

Sa ilang araw na nagdaan, ito naman ang eksena namin ni Hans. Ipapaabot sa kanya ni Jake ang bulaklak, pagkain at libro tapos ay iaabot naman niya sa’kin tapos ako naman ang magbibigay ng mga iyon kay Ruby. Na-pinagtatakhan ni Ruby kung kanino galing ang mga ‘yon.

Ayaw kasing ipaalam ni Jake kay Ruby na siya ang nagbibigay ng mga ‘yon, kaya walang ideya si Ruby na kay Jake nanggaling ang mga ibinibigay ko sa kanya. Minsan naman ay diretsong inaabot sa’kin ni Jake ang ipapabigay niya kay Ruby, pagnagkakasalubong kami o ‘di kaya’y inaabangan niya ako sa may parking lot.

Nagulat pa nga siya isang beses nun makita niya akong nakaangkas sa motor ni Robin habang inaabangan niya akong dumating sa parking lot ng university.

“Si Robin kaibigan ko.” Pinakilala ko na agad si Robin sa kanya dahil baka kung ano pa ang sabihin niya o isipin sa aming dalawa ng kaibigan ko, kaya inunahan ko na siya.

Kaya kung minsan si Hans ang nagbibigay sa akin ng mga pinapaabot ni Jake, katulad nalang ngayon, ay napag-iisipan pa kaming dalawa ng mga kaklase ko na nanliligaw siya sa akin. Nagkaroon pa tuloy ng malisya o ibang meaning, ang simpleng pag-abot niya lang sa akin ng iilang bulaklak, dahil lang sa pakiusap ni Jake. Pahawak rin ‘tong si Jake, pati kami ay nadadamay sa kagagawan niya.

“If I were you, Ali. Sasagutin ko na ‘yan si Hans. Agad-agad.” Sabi ni Trexie.

Nagsitilian sila ng mga kagrupo niya. “Oo nga.” Anang pa ng isa niyang kaibigan.

“Eh, kaso hindi kayo si Ali.” Sabat naman nitong katabi kong si Aira.

“Yeah. That’s true.” Pakikisali ni Leo at pasimpleng itinaas ang isa niyang kamay para iakbay kay Aira.

“Subukan mo lang talaga, Leo. Mapuputol ‘yang braso mo.” Seryusong sabi ni Aira habang nakatingin siya sa compact mirror niya at naglalagay ng maskara sa kanyang pilik-mata.

“Ang brutal naman ng girlfriend ko. Tatahimik na nga ako.” Sabi ni Leo.

Naku po… nagsisimula na naman po ang dalawang ‘to.

“Hindi nanliligaw si Hans sa akin.” Simpleng paliwanag ko.

Buti nalang dumating na ang huling professor namin sa araw na ‘yon at nakaligtas ako sa mga dapat na tanong pa nila sa’kin.

“Robin.” Nagulat ako ng paglabas ko sa classroom ay nakita ko siyang nakasandal sa railing at nag-aabang sa akin doon.

Ngumiti siya at umayos sa pagkakatayo. “Sabay na tayo.” Sabi niya at sumabay na sa amin maglakad. “Hello, Ruby.” Nilingon niya si Ruby at kumaway siya dito.

“Ah, hello.” Ngumiti sa kanya si Ruby.

“Ang dami mo namang manliligaw, Alisha. Dala-dalawa. Pwedeng akin nalang ‘yun isa.” Sabi ni Trexie sa likod namin ‘tsaka mapang-akit na tumawa, na sinabayan pa ng mga kasama niya.

Nagtiim bagang ako at hindi na sila pinagtuunan pa ng pansin, dire-direksto lang kaming nagpatuloy sa paglalakad.

“Ano ‘yun? May nanliligaw sa’yo?” Takang tanong ni Robin nang makababa na kami sa first floor ng building namin.

“Wala ‘yon, wag mo silang pansinin.” Sabi ko.

“Wala? Sino ba ‘yang nanliligaw sa’yo at nang ma-judge ko kung pasok ba siya sa kay Lola Teri.” Sabi niya.

Kumunot ang noo ko, dinamay pa talaga niya ang mama ko. “Ma-judge, talaga? Grabe ka… ang OA mo, ah.” Hinampas ko siya sa braso niya.

“Oh, bakit? Hindi pa pwedeng protective lang ako sa’yo bilang kaibigan mo, malay mo kung sino palang damuho ‘yang nanliligaw sa’yo.” Pagdadahilan niya pa.

Nilingon ko siya at binigyan ng masamang tingin. Damuho? Ha! Saan naman niya nahanap ang salitang ‘yan? Si Ruby ay tahimik lang na naglalakad sa gilid namin.

“Ewan ko sa’yo.” Natatawa ko siyang inunahan sa paglalakad. Hinawakan ko pa ang kamay ni Ruby at hinila siya para sabay parin kami sa paglalakad at maiwan si Robin sa likod namin.

“Hoy!” sigaw ni Robin.

Napailing ako, baliw. Hindi ko mapagkakaila na tumaba ang puso ko doon sa sinabi niya, na kahit malayo kami sa amin—ako kay mama— andiyan si Robin, ang kaibigan ko, na nagmamalasakit at nag-aalala sa akin ng totoo.

“Alisha!” rinig kung tawag sa pangalan ko nang hindi lang isa, kundi sa dalawang magka-ibang tao.

Napahinto kami sa paglalakad ni Ruby sa may tapat ng benchers, nabitawan ko ang hawak kung kamay ni Ruby, at natitigilan kung nilingon ang dalawang taong tumawag sa pangalan ko.

Ang kaibigan ko, si Robin, at si Zach.

Pagkalingon ko sa kanilang dalawa, nakita kung dahan-dahang nilingon rin ni Robin si Zach na nasa kanyang likuran. Nagkatinginan silang dalawa. Si Robin na may nagtatakang mukha habang nakatingin kay Zach, at si Zach na may nakakunot ang noung nakatingin rin sa kanya.

Napatingin ako sa paligid ko, ang ilang ay napapatingin sa akin at ang iba naman ay diretso lang ang lakad at walang pakialam sa paligid nila. Napatingin ulit ako doon sa dalawa na naglalakad na papalapit sa gawi ko. Pansin kong mag-isa lang si Zach at hindi kasama ang mga kaibigan.

“Ali, kilala mo ‘to?” tanong agad ni Robin sa’kin nang makalapit sila. Pumunta siya sa gilid ko.

“Of course, she knows me.” Pagalit na sabi ni Zach at sinamaan ng tingin ang kaibigan ko.

“A-Ah, Ali. Mauuna na ako, may pupuntahan pa pala ako.” Nahihiyang singit ni Ruby sa dalawa, na masama ang tinginang pinupukol sa isat-isa.

“Sige, ingat ka.” Nginitian ko siya.

Kinamot ko ang kilay ko nang balingan ko ulit ang dalawa. Pano ba ‘to?

“Ah… Zach si Robin kaibigan ko… Robin si Zach, ah…” hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tumingin ako kay Zach, mariin siyang nakatingin sa’kin. “ Sir… ko.” Halos pumiyok pa ako doon.

“Sir…?” takang tanong ni Robin sa’kin at kinunotan ng tingin si Zach.

“Oo.” Tumango ako sa kanya. “Sa kanila ako nagtatrabaho,” Sabi ko.

Mas lalong kumunot ang noo ni Robin at pinagbalik-balik ang tingin sa amin dalawa ni Zach. “Teka lang ha...” Hinarap niya ako at tinuro si Zach. “Sabi mo sa akin noon personal yaya ng bata ang trabaho mo? wag mong sabihin na siya itong inaalagaan mong bata o may mas bata pa siyang kapatid?” Sabi ni Robin.

Si Zach naman ngayon ang kumunot ang noo sa amin ni Robin. “Personal yaya ng… what bata?” masama akong tiningnan ni Zach.

“Ah, Robin wala siyang kapatid. Si Zach… ako ang personal yaya niya.”

“Personal yaya ka nito? Eh, mas matanda pa ito sa’yo, eh… ikaw pa nga dapat ang inaalagaan, eh.” Pahina ng pahina ang boses niya.

“So, what, if she’s my yaya? Do you have a problem with that?” hinila ako ni Zach palapit sa kanya. “Let’s go.” Nagsimula kaming maglakad pero huminto rin ng hawakan ni Robin ang isa kung kamay.

“Oo. May problema ako doon, masyado kanang matanda para kailanganin pa ng yaya.” Naghahamon ang tono ni Robin.

“Robin,” inawat ko na siya agad.

Nakatingin lang si Zach sa kamay kong hawak ni Robin, maya-maya ay may sinabi siya na nagpabilis ng kabog ng puso ko.

Hinawakan niya ang kamay kong hawak ni Robin  “Pinaka-ayaw ko sa lahat ay 'yung may humahawak sa pagmamay-ari ko.” at marahas ‘yung hinila na agad namang nabitawan ni Robin.

Nagpapasensya kung tiningnan si Robin na nakaigting ang panga habang hinihila na ako si Zach palayo roon.


— EIBHLINE —


Continue Reading

You'll Also Like

465K 6.3K 43
When she unexpectedly took on a job as a maid, little did she know that her life would undergo a significant transformation, throwing her into chaos...
15.5K 554 57
"From now on, you're no more Xyra. You're now, Aryx" Kakayanin mo bang magpanggap bilang girlfriend ng isang estranghero alang alang sa mga ala-ala n...
9.5K 397 76
COMPLETED ‼️ This is an Epistolary. She discovered an app called "Online Diary." That app caught her interest and attention nang dahil sa pangalan ka...
1.3M 19K 41
Dice and Madisson