Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.8K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77

Lascivious Casanova 78

63.6K 1.4K 1.9K
By IyaLee04

(LC) Chapter 78




I felt Brad's hand wrap around my wrist. Hinila niya ako palapit sa upuan, palayo kina Millie at Marie na parehong pinakamaingay.

"There's no use to explain. Just let your hair down so they won't tease us."

Mas hinila niya ako nang sumunod ang dalawa sa amin. Siya na rin ang naghatak pahubad sa ipit ko pagkaupo. Isang hila lang sa aking ponytail, bumagsak ang aking makapal at mahabang buhok. Bahagyang hinangin iyon at natabingan ang mapula sa aking leeg. I think like me, he's not comfortable with their teasing. Hangga't nakikita iyon hindi sila titigil.

"Sorry," bulong ko.

"Ayos lang iyan. Hindi iyon importante. Ang importante lang sa akin ang iniisip ni Cathy. She suggested it so there's no problem for me."

Kusang umangat ang magkabilang gilid ng labi ko. Gusto ko siyang bigyan ng nanunuksong ngisi pero dahil natuwa ako sa sagot niya, hindi ko mapigilang maging masaya para sa kanila ni Cathy.

Nahuli niya ang ngiti ko. Nang magtama ang mata namin, ang ngiti ko'y unti unting naging mapang-asar na ngisi. Natawa siya at bahagya pang namula, alam ang nasa isip ko na nag-aabang nang manukso sa kanya.

"Shut your mouth." He threatened me.

"What? I'm not telling anything!" I shrugged and pouted, stopping my smile from escaping.

"Your face says it all, Harlow." Pinanliitan niya ako ng mga mata.

Umirap akong nakangiti. Humarap ako sa lamesa na puno ng alak at pagkain. Nasa amin ang mata ng ilan. Ang mga staff lang namin ang nakay Jax at sa babaeng kasama nito nakatingin. Naghahalikan na kasi ang dalawa. Ang isang kamay ni Jax ay nasa batok ng babae. Mukhang sanay na ang iba kaya't wala nang pumapansin. Ang kasamang team lang namin ang nagulat.

I looked at the movement of their lips. Malalim ang halikan nila at mabilis. Parang may humahabol at sabik. The way they shared a kiss, I was sure something s-exual was about to happen. Hindi ko alam kung saang kwarto nila gagawin mamaya. Naalala ko ang hinala ni Orion. Kung sa ibang kwarto sila at hindi sa kwarto ni Jax, may posibilidad na tama ang hinala niya.

"Ilang araw na kayong magkasama pagkatapos hanggang dito nagbubulungan pa rin kayong dalawa!"

Mahina akong tumawa sa turan ni Millie. Inabot ko ang ibinigay niyang pinggan na puno ng pagkain. Magana akong kumain lalo't hindi kami natapos sa pagkain ni Brad dahilan ng tawag nila. Malaki akong sumubo at saka kinuha ang inaabot niya rin sa aking alak.

"Iinom ka?" Si Brad sa aking tabi.

Napatingin ako sa kanya. Tinulak ko ang pinggan at inalok siya ng pagkain. Saka ko lang naisip na kaya ito puno at iisang pinggan lang ang inabot sa akin ay para siguro mag-share na lang kami ni Brad. They thought we were getting married soon so sharing food on the plate was just fine.

"Oo." Tumango ako.

Hindi muna siya nagsalita. Lumapit muna siya sa akin, sa banda kung nasaan ang tenga ko.

"Huwag kang sosobra sa alak. Mapapagalitan ako ng kaibigan mo kapag hindi ko nasunod ang utos niyang bantayan ka."

"Malaki na ako, Brad." Nginisian ko siya. "Malakas na akong uminom ngayon."

"Ang hirap talaga ng may boyfriend! Ang daming bawal, noh?" Si Marie sa akin.

Napabaling ulit kami sa kanila. Nagbubulungan kami ni Brad pero nakita nilang tiningnan nito ang tinanggap kong alak bago ako binulungan. Akala yata nila'y binabawal ako ni Brad. Pinaalalahanan lang pero hindi ako babawalin ng kumag na ito. Kung hindi ito sinabihan ni Cathy malamang lahat ng klase ng alak dito'y ipapalaklak niya sa akin at kahit gumapang ako pabalik sa kwarto'y wala siyang pakialam.

"Hindi ka nagsasabi na may boyfriend ka na pala! Kailan pa naging kayo, Clementine?"

Mula kay Marie'y napunta sa nagtanong ang mata ko. Nakangisi si Millie't may nang-aasar na tingin. Ang mga staff namin, nangingiti lang sa akin. Sa tingin ko'y napaniwala ko sila. Madali lang iyon dahil kahit noon pa man, hindi na ako palakwento at pribado sa buhay ko ang mga ganitong bagay.

"Paano kayo nagkakilala?"

"Kailan pa ito? Alam ba ito ng pinsan ko?"

Hindi ko alam kung kanino kina Millie at Marie ang uunahing sagutin. Ang iba'y nakamasid lang sa kilos namin ni Brad. Ang mga babae na hindi ko gaanong close o hindi ko nakakausap ay tahimik na nakangiti lang.

Tinungga ko ang alak sa baso para may dahilang hindi sumagot. Kasi ano ang sasabihin ko? Na matagal na? Na bago lang? Saang bansa kami nagkakilala? Kung sasagot ako, may kasunod na tanong iyon. Kung hindi ako sasagot, maaaring wala na. Nagkibit balikat ako. Nakuha ni Millie na wala akong balak magsalita.

"Napakamasikreto mo talaga!"

Humalakhak ako nang sinubukan niya akong hampasin. Lumayo ako at hindi iyon tumama sa akin kaya lang dahil sa ginawa kong pag-iwas, tumapon ang kaonting alak sa akin. Mabilis nag-abot si Brad ng tissue. Tinukso na naman kami dahil doon. Kahit maliliit na kilos namin napapansin nila. Nabibigyan nila iyon ng kahulugan kahit para sa amin ni Brad ay normal lang na kilos iyon.

"Do you mind if I ask who's the designer of your ring?"

Nakahawak sa aking buhok ang kamay kong mayroon suot na singsing, hinuhuli ang tumatakas na hibla dahilan ng malakas na hangin. Naibaba ko iyon at napatitig sa singsing ni Cathy. The one who asked me was the Courtenay's youngest daughter. Lima ang anak ng Courtenay. Apat ang lalaki at nag-iisa siyang babae. Pinag-iisipan nila tatay kung tatanggapin ang proposal ng ama niya bilang bagong supplier. I don't know why she's here but I think she has something with one of Brad's friends.

"She designed it."

Si Brad ang sumagot sa kanya. Taas noo ito at tila nagyayabang. Napalunok ako. Hindi naman namin napag-usapan na bawal sabihin iyon. Mayabang din dahil talagang maganda ang pagkakadisenyo ko sa singsing ni Cathy. Hindi na ako magtataka na sa susunod ay kinukulit na ako nito na ako ang mag-design sa wedding ring nila.

"You are a designer?" Si Marie na gulat na gulat.

Itinago ko ang kamay ko sa ilalim ng mesa dahil tinitigan ako ni Courtenay. Hindi ko pa siya nakasalamuha. Unang beses ito. Naririnig ko lang ang pangalan niya kay nanay. Kahit ang mga magulang niya'y sina nanay at tatay ang kinakaharap.

"Mayroon siyang sariling jewelry store!" Hindi pa bumubuka ang labi ko para sumagot, nanguna na si Millie.

"Talaga?" Si Xena naman iyon ngayon. "Yung singsing ko ba galing sa store niya?"

"O—"

"Hindi!" Agaran kong pinutol si Millie.

Ang pangalan na nakabrand sa box ng singsing ni Xena ay ang Shalom.co. Kung oo ang isasagot ni Millie parang ibinulgar niya na ring ako ang may-ari no'n. Kung may sarili akong alahasan, bakit ako magdedesign para sa ibang brand?

Nakainom na kaya siguro'y dire-diretso na ang sagot. Natikom niya lang ang kanyang bibig nang makita ang seryosong titig ko sa kanya matapos ko siyang putulin. Ngayon lang yata narealize ang nagawa niya.

"Where did you study? What's your brand name?"

May nagtanong. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung paano iyon sasagutin. Umiling na lang ako.

"I never studied any course related to designing." Pinakaswal ko ang sagot. "Internet and research helped. May ilang mga naging kaibigan akong skilled jeweler and jewelry designer. Sa kanila ako mas natuto. Hindi pa ako marunong sa crafting pero pinag-aaralan ko."

"You mean hindi ka nag-aral pero marunong kang mag-design? Internet lang at turo turo lang ng mga kakilala mo?"

"She didn't study jewelry design in university. She's just naturally good in that field. She studied Agri and graduated business. Next year she's planning to take up interior design or event management. She wants to take courses related to event planning and maybe jewelry."

Hindi ko na sinaway si Millie. Basta't wala siyang babanggitin na tungkol sa pangalan ng brand ko. Pinaglaruan ko ang yelo na nasa baso. Ayoko talagang nasa akin ang usapan.

"You have so many plans and businesses in your hands!" Si Marie.

"That's the fruit of her hard work. She's a self-made woman—"

"Millie..." Pigil ko na.

I may be from poor family but I don't know if I can call myself a self-made woman. Nang magtungo kami sa ibang bansa mayroon akong dalang malaking pera. Oo at barya lang iyon sa kinikita ko ngayon at halos naubos na iyon bago pa man ako makapagsimula. Ang lahat ng mayroon ako ngayon ay pinaghirapan ko. If that can be called self-made woman, then I will let Millie tell them about that even if it's uncomfortable.

Lahat tuloy ay nasa akin na ang atensyon. Mukhang naging interesado sila sa nalaman tungkol sa akin. Patago kong tiningnan ng masama si Millie. Nakatutop na ang isang palad niya sa kanyang bibig. Patago niyang isinipper iyon upang sabihin na huli na iyon at hindi na siya magsasalita ulit. Inilingan ko siya. Bumaling ako kay Brad nang maramdaman ang kamay nito sa aking braso.

"Excuse us for a minute," aniya sa mga nasa mesa at hinila ako patayo.

Hindi na ako nagtanong, nagpahila na lang. Tumigil siya hindi malayo sa lamesa. Tatlong table lang ang layo. Tanaw nila kami mula rito pero sapat para hindi nila kami marinig.

"I received a message from my important patient. I have to go now but I will come back tomorrow morning."

Binunot niya ang wallet sa kanyang bulsa. Yumuko siya nang pagkabukas ay magkalaglagan ang mga laman na naroon. Kalahati lang sa taas ng katawan ko ang kita sa nakaharang sa aming matangkad na couch. Ang kalahati kung nasaan si Brad nakaupo ay natatakpan. Niyuyuko ko siya at nakikinig habang nagsasalita siya. Humilig ako sa sandalan ng upuan. Tinukod ko ang magkabilang siko ko roon at tiningala ang buwan.

"Mataas na ang buwan. Gabing gabi na. Hindi mo puwedeng ipagpabukas ang pagpunta?"

"Nope." He shook his head. "He needs me tonight and not tomorrow."

Niyuko ko ulit siya.

"So, he's a he? Sayang at wala akong maisusumbong kay Cathy."

Nang tingalain niya ako'y nakangisi na ako sa kanya.

"Subukan mo lang akong siraan. Kahit babae ka susuntukin kita—"

"Kung makakatama ka?" Hamon ko.

Inilingan niya ako saka siya bumalik sa pagdampot.

"Sasama ako kung may lakad bukas. Iiwan ko sayo ang card ngayon para makapaglipat ka ng gamit. Ikaw na ang bahala kung saan sa dalawang guest room ang gagamitin mo."

Tumayo siya pagkapagpag sa mga nalaglag. Lumapit siya sa akin para pasimpleng iabot ang card. Kinuha ko iyon. Tiningnan niya ako sa mukha. Pinantay niya ang kanyang mukha sa akin at mayroon pinalis na dumikit na pagkain sa aking pisngi.

"That's my card." Itinuro niya ang nasa kamay kong card. "You can use it to the door and to pay your foods."

"Hulaan ko." I grinned and sarcastically arched my brows. "Si Cathy ang nagsabi na ikaw ang gumastos?"

Umiling siya. Isinilid niya ang wallet niya sa kanyang bulsa at inayos ang umangat niyang belt.

"Wala siyang sinabi. But, if she's here, I will pay for everything she needs. Kaibigan ka niya. So, I will pay for your stay."

"Yaman..." Tukso ko. "Bili kaya ako ng tig sampong bag sa Chanel, Fendi, at Hermes?"

Sumimangot siya sa akin. Sinubukan niya akong pabirong suntukin sa tiyan pero nahawi ko iyon bago pa dumikit. Bahagya ko 'yung pinilipit at hinila ko siya palapit. Umamba akong tutuhurin siya bilang kunwaring self defense. Pinigilan niya ang tuhod ko ng kanyang isang kamay. Kung nagseryoso ako at hindi sinadyang pabagalin ang galaw ng tuhod ko'y hindi niya mapipigilan iyon at sigurado ang pagtama sa kanya.

"Try it next time, Thompson. But still, I'll assure you, you won't be able to hit me." Saad ko.

Sabay kaming natawa. Bumalik ako sa lamesa. Si Brad, kumaway lang sa mga kaibigan niya para ipaalam na mauuna na siya.

"Ano'ng ginawa n'yo?" Malisyoso ang tono ng pagtatanong ni Mille.

"Nakita ko iyon!" Naghigh five sila ni Marie.

Malakas silang tumawa. Nakigaya ang ibang nandoon. Nagtataka ko silang tiningnan. Hawak ang baso ko na tinanaw ang pinanggalingan namin ni Brad. Inimahe ko roon ang maaari nilang makita mula rito.

Matagal nagpagpag ng card si Brad. Kinapa niya pa dahil baka may nahulog at natabunan lang ng pinong puting buhangin. Madilim na rin kasi at ang mga ilaw sa ibang lamesa na walang gumagamit ay nakapatay. Hinahangin pa ang manipis na kurtina dahil napupunta sa dalampasigan ang hangin galing sa malapit na dagat. Kung nandoon kami, matatabingan kami at kapag hinangin ang kurtina'y muli kaming makikita.

Bumalik ang mata ko sa mga taong nasa mesa. Natanto ko na mukhang iniisip nila na mayroon ginawa sa akin si Brad habang nakaupo ito. At na naghahalikan kami sa likod ng kurtina. Hindi na ako nagkomento at nagpatuloy lang sa pag-inom.

"They are both consent adults and successful. Pwede na silang magpamilya at magpakasal. Brad often jokes but he's gentleman and serious in life. Hindi magp-propose ang isang iyon kung hindi siya sigurado sa babae."

Dahil sa sinabi ni Lennox, napuno ng papuri kay Brad. Na nag-iisa itong anak at na ang Thompson Hospital sa iba't ibang bansa ay ipapasa na sa pangalan ni Brad. Na ngayong taon o sa susunod kailangan na magkaanak ni Brad para mayroon nang susunod na tagapagmana. Hindi ko alam iyon. Wala naman akong pakialam kung anong mayroon si Brad. Nakikingiti lang ako at nakikitango.

"You're quiet. Are you still sober?" Mahinhin ang boses. "If you're drunk, maybe we can go to your room now?"

Tahimik no'n dahil katatapos lang purihin si Brad. Kaya naman lahat kami'y sabay sabay na napabaling sa nagsalita. Ilang minuto ang lumipas, pausog kami ng pausog dahilan na ring nagpaalam ang ilan sa aming staff. Kaya't nabawasan ang mga tao sa mesa.

Hindi ko na nabalikan ng tingin si Jax. Kung hindi nagsalita ang kasama niyang babae'y hindi ko mapupuna na malapit na ako sa kanya. Dalawang tao na lang ang pagitan namin. Si Millie na lang at ang babae niya.

"I'm not drunk. I can still drink," then he grabbed the bottle of alcohol and drank it in one shot.

Para akong sinikmuraan nang matantong kasama ko nga pala siya sa iisang lamesa. Me and my child's murderer in one table. Disgust punch me hard. His deep rotten voice could make me sick instantly. Nagtiim bagang ako. Pinigilan kong maduwal. Kanina pa kami nagkakasiyahan. Ngayon, bigla akong nawalan ng gana.

"Oo nga! Bakit ang tahimik mo ngayon, Jax? Hindi ka naman mabilis malasing, Ah!" Si Marie iyon.

Sa kanya naman ngayon nakatingin ang lahat. Blangko ang ekspresyon niya. Hindi siya nag-aangat ng tingin kahit kanino at nasa bagong bukas na boteng nasa harapan lang.

"Ayos ka lang?" Tanong ng babae niya sabay haplos sa dibdib niya.

Tumango siya't tinungga ang alak. Pagkalapag niya sa bote, naghalukipkip si Marie sa kabilang panig ng table, sa harapan niya.

"Hindi makarelate sa usapan kaya tahimik iyan! Hindi kasi nakagraduate, e! Puro kasi pambababae ang alam!" Pabirong turan ni Marie.

Natawa ang iba. Nang silipin ko si Jax, matigas ang pagkakasara niya sa panga niya. Hindi siya nakagraduate? Kasali siya sa soccer noon. Malabong hindi siya nakagraduate. O may bumagsak siyang subject kahit kasali siya sa varsity? Hindi na niya itinuloy kaya hindi natapos?

"Hindi ko na kailangan mag-aral. Marami akong pera kahit wala akong tinapos—"

"Hindi naman pera ang usapan dito! Kung pera lang lahat kayo meron niyan! Iba pa rin yung nakagraduate ka! Kapag tinanong ka may propesyon kang isasagot! Gaya ni Brad at mga kaibigan mo! Ikaw kapag tinanong ka ang isasagot mo puro body parts ng mga babae mo!"

Napuno ulit ng tawanan. Ang ibang kaibigan nila Brad at asawa nito'y nakitawa na rin. Mukhang madalas mag-asaran itong si Marie at Jax kaya sanay na sila.

"Sa inyong magkakaibigan ikaw lang ang walang trabaho at negosyo! Kung wala kang minana siguro dancer ka na sa gay bar ngayon!"

Nagtawanan ulit lalo nang igalaw ni Marie ang kanyang kamay para sumayaw. She imitates the step of the men dancing in the gay bar. Humupa lang ang tawanan nang hindi sumagot si Jax at tumahimik lang.

"Mukha kang pikon ngayon, ah! Wala ka sa mood?" Si Marie na binato ng isang pirasong chichirya si Jax. Pinagpag lang iyon nang huli at hindi sumagot.

"Tigilan mo na iyan, Marie." Awat ni Sahara nang batuhin ulit ni Marie si Jax ngunit wala pa ring imik.

Naging awkward sandali pero kalaunan nagkasiyahan naman ulit. I chatted with the girls and smiled whenever they talk that they're amazed by my achievements. Eating and drinking with my child's murderer wasn't easy and uncomfortable. Sinubukan ko lang na makisama at magkunwari na walang nangyari. Na ibang tao siya at hindi ko kilala. Gaya ng paulit ulit kong sinusubukang gawin sa mga nagdaan na araw na narito ako sa isla.

"Ang tahimik ni Jax at hindi pa rin ako pinapansin! Nagalit ba talaga siya sa sinabi ko kagabi?"

"Nasobrahan mo yata—"

"Pang-asar ko na sa kanya iyon dati pa! Hindi naman siya nagagalit o napipikon! Ngayon lang!"

Nag-uusap sina Sahara at Marie habang nasa bleachers kaming mga babae. Pahinga sa itinerary ngayong araw kaya't nagkayayaan kagabi ang mga lalaki na maglalaro ng basketball ngayon. Nayaya rin si Brad. Dumating siya nang umaga at mamayang gabi'y aalis ulit. Hindi siya sa kwarto niya natutulog. Ako ang gumagamit sa suite niya.

"Kung ibang araw siguro sumayaw pa siya sa ibabaw ng lamesa nang sinabi kong kung wala siyang minana'y baka nagtatrabaho na siya ngayon sa gay bar!"

"Maybe last night was just one of his bad days? Hayaan mo na muna at huwag nang gambalain ngayon."

Nilingon ni Sahara ang mga bagong dating sa court. May mga naimbitang guest. Irarambol sila para malaman kung sino ang mga magkakalaban.

"Si Lucienne at Riacca ang magrereferee?" Tanong ng maputing babae na katabi ko.

"Oo, Athena." Sagot ni Sahara.

"Ngayon ko lang sila makikitang maglalaro ng basketball! Sayang at wala si Dylan!" Si Marie.

Nang magawi ang mata niya kay Jax, muli siyang nalungkot. Tila hindi siya sanay na hindi siya nito kinakausap at galit ito sa kanya.

"Ibang babae ulit ang kasama niya ngayon?"

Napatingin kami sa tinititigan ni Marie na babae. Kumpara sa mga nauna kong nakita, mas disente ang ayos nito.

"Nagdududa na talaga ako sa isang iyan! Tingin ko puro yabang lang naman iyan at hanggang halik lang!"

"Magsisimula ka na naman, Marie."

Ngumuso siya. Natawa ang kaibigan niyang si Sahara.

"Nagtataka lang ako! Ang alam ko hindi siya nagpapapasok ng ibang tao sa kwarto niya! May kakilala rin akong naging one day chick niya pero wala naman daw nangyari sa kanila!"

"Hanggang ngayon ba gusto mo pa rin si Jax kaya pinupuna mo ngayon ang mga babae niya? May asawa't anak ka na!"

"Wala akong sinabing ganyan, Ara!"

"May gusto ka kay Jax?" Nakisali si Millie.

"Naging crush niya. Kaya lang sa sofa siya pinatulog." Tinawanan iyon ni Sahara.

"Sa sofa? Ibig sabihin nakapasok ka na sa kwarto niya?" Hindi ko na napigilan, napatanong na ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong pagpapawisan kahit malamig sa loob ng court. Naikuyom ko sa ibabaw ng hita ko ang mga kamay ko upang pigilan ang sariling magtanong ng sunod sunod. Kung gagawin ko iyon, magdududa sila kung bakit sobra akong interesado.

"Sa suite niya, oo. Pero hindi sa mismong kwarto niya. Nang pumunta kami sa kwarto niya, kinabahan ako. Akala ko kasi may mangyayari sa amin."

Hinampas ito sa braso ni Sahara nang maringgan siya ng panghihinayang sa boses. Natawa si Marie na ikinatawa rin nilang lahat.

"Kapag narinig ka ni Dylan lagot ka na naman doon!"

"Nagbibiro lang naman!" Malakas na tumawa si Marie. "Saka sa sofa niya ako pinatulog! Hindi na nahiya sa akin! Hindi man lang pinahiram sa akin ang guest room niya!"

"May guest room ang kwarto niya?"

Sinubukan kong huminga. Nagpipigil pala ako. Alam kong posibleng mayroon dahil kay Brad mayroon. Gusto ko lang magdagdag ng tanong para hindi maputol ang pag-uusap tungkol kay Jax. Kung mapuputol o malilipat ang topic, mahihirapan na akong ibalik ang topic sa kanya.

"Dalawa ang guest room! Handa na sana akong bumigay kaya lang hindi man lang tinablan sa akin! Bakla yata!"

"He's not gay," pagtatanggol ni Sahara. "You are just not his type. Kaibigan din kita at magkaibigan sila ni Mason. Ginagalang ka lang nang tao—"

"Oo na! Sige! Ginagalang na ako! Pero bakit sa sofa nga niya ako pinatulog?" Sinamahan niya iyon ng tawa.

"Iisa ba ang floor nilang magkakaibigan?" Binalikan ko ang sariling tanong. Wala naman nakakaduda.

"Sa seventh floor siya!" Sagot ni Marie.

Natahimik ang lahat nang dumami ang tao. Tumigil silang mag-usap usap kaya't nahiya na akong magdagdag ng tanong. Akala ko walang mga manunuod at madalang ang nagagawi rito dahil mas maraming mas magandang pagkaabalahan sa ganito kaganda at kalaking isla kaysa sa pagbabasketball. Pero pagkatapos magbihis ng mga maglalaro, dumagsa ang tao. Ang magkakaibigan ay magkakasama sa isang team at tanging si Jax lang ang nahiwalay at napunta sa kabila.

Maayos ang laro noong una. Pagkarating ng halftime at malagpasan ng magkakaibigan ang kabilang team, tila hindi nagustuhan ng kabila. Napapatayo ang mga katabi kong babae nang patapos na ang third quarter. Hindi ako nagchi-cheer o nakikisali. Nang hindi sadyang masiko ni Jax sa dibdib si Brad, doon lang ako napatayo. Pasalampak at pabagsak ang pag-upo niya sa sahig at inubo. Si Jax, patuloy lang na tinungo ang ring at parang walang nangyari na shinoot ang bola.

"Foul!" Galit na sigaw ng pumitong babae. Tinuro nito si Jax. "Hoy, Dawson! Umayos ka ngang maglaro! Kapag nasiko mo si Lucas sinasabi ko sayo!"

Nagpatuloy ang laro. Maya maya'y nasanggi na naman si Brad. Nang pumangatlo, ginantihan na ni Brad si Jax. Muntik na silang magpambuno. Sinigawan lang sila ni Lucienne at pinabalik sa kani-kanilang puwesto kaya hanggang masamang tingin lang ang naiganti ni Brad.

Nilapitan ni Mason si Jax pagkatapos ay malakas itong tinapik sa balikat. Umayos na ang laro pero hindi na nawala ang masamang tinginan ng muntik nang mag-away na magkaibigan. Noon pa man, takaw gulo na si Jax. Hindi siya mabuting tao at walang konsensya kaya hindi na nakakapagtaka na marumi siyang maglaro.

"Jax is quiet unusual today," sabi nang lumapit sa aming isang referee.

"Kagabi pa iyan, Lucienne. Nagalit yata sa sinabi ni Marie." Si Sahara.

"Ate! Ikaw muna!" Sigaw no'ng Lucienne sa isa pang referee. Tumango't nagthumbs up ito sa kanya.

Pamilyar sa akin ang mukha ng gumanap na referee. Kaya naman nang umakyat siya sa bleachers para maghanap ng puwesto, napatitig ako sa kanya. Lumakad siya. Nagawi ang mata niya sa akin. Paupo na siya pero nabitin iyon para titigan ako.

"Oo nga pala, Lucienne! This is Clementine! Brad's fiancee!"

Binalingan niya si Marie. Kalaunan, ngumiti siya sa akin. Gumanti ako. Pakiramdam ko nakita ko na siya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Maaaring nakasalubong ko na siya rito sa isla. Kasi wala siya sa kasal noon ni Xena at wala sa mga nakaraang gala nila.

"Oh... I see..." She said.

Sinundan ko siya ng tingin nang umayos siya ng upo. Nasilip ko ang ngisi sa labi niya bago gumawi ang mata niya sa court. Pinanuod niya ang mga naglalaro.

"I think today will be interesting..." She mumbled with a smirk.

The game ended rough. Nanalo ang team nila Brad. Jax was very competitive until the last second, but that wasn't enough for his team to win. Hinihingal niyang malakas na binalabag ang bola. Nilapitan siya ng mga kaibigan at pinakalma.

"Let's go." Si Brad na malamig ang boses akong niyaya.

"Uuwi na kayo?" Si Lucienne. "Magpapahanda ako ng dinner sa bahay para sa lahat! Sumama kayo!"

"Hindi kami makakasama." Si Brad ulit. "Let's go." Ulit niya sa akin.

Hindi siya lumapit kay Jax kahit tinatawag siya at pinapalapit ng mga kaibigan. Pag-aayusin yata sila. Bumaba na ako sa bleachers. Magkasama naming tinungo ang pinto ng court. Nang paliko na paalis, binalikan ko ng tingin ang loob. Nasalubong ko ang galit at namumulang mata ni Jax. Siguro'y kay Brad nakatingin dahil galing sila sa away.

"F-uck it! What the f-uck is his problem?!"

Pabagsak ang sara sa pinto ng kwarto ni Brad. Simple akong naupo sa sala at nanuod. Pagkalabas niya'y basa na ang buhok. Nilapitan niya ako't naupo sa tabi ko. Pareho kaming nakatingin sa screen ng tv pero wala ni isa sa amin ang nanunuod.

"Sorry," biglaang sabi niya. Maingat na nilingon ko siya. "Uminit ang ulo ko kaya naisama kita pauwi. Dapat pala hinayaan muna kita roon para nakausap mo ang mga kaibigan mo—"

"Supid!" Tumawa ako't hinampas siya ng unan sa dibdib. Sinubukan kong pagaanin ang mabigat na aura niya. "Kung si Cathy ang nandoon, iiwan mo?"

"Hindi—"

"Oh, 'di ba?" Tumawa ulit ako. "Ako ang fiancee fianceenan mo rito kaya bakit mo ako iiwan doon?"

Napailing siya't nagkamot ng basang buhok. Kinuha niya ang cellphone niya't kinausap si Cathy. Pagkatapos nilang mag-usap sa kwarto niya, tuluyan nang bumalik sa dati ang ekspresyon niya. Si Cathy lang pala ang gamot sa init ng ulo niya.

"Ano? Gusto mo bang pumunta sa bahay ni Lucienne?"

"Akala ko ba hindi tayo pupunta?" Tanong ko. "Sasama ka na?"

"Hindi." Umiling siya. "May kailangan akong puntahan. Ihahatid lang kita. Ibibilin kita kay Adam na isabay ka pabalik sa hotel."

"Hindi ba rito sa hotel ang bahay niya? Ibang bahay ang tinutukoy niya?"

Nasa likod siya't nakatingin ulit sa screen nang sumagot.

"Isa si Lucienne sa may-ari nitong isla. Lahat ng may-ari may kanya kanyang bahay dito bukod sa sariling suite rito sa hotel. Hindi ako kasama sa may-ari kaya wala akong bahay."

Napahugot ako ng hininga. Hindi ko alam kung naoverwhelm ako sa nalaman. Kung may bahay siya sa islang ito, puwedeng wala siyang itinatago sa hotel. Nasa bahay niya? Pero paano ipapaliwanag ang hindi niya pagpapapasok sa kwarto niya?

"Sasama ka ba? Kung sasama ka, ipaalam mo sa kaibigan mo at sa staff ninyo para ihatid ko na kayong lahat at kay Adam naman kayo pauwi."

Inalis ko ang hita sa pag-cross at pinatay ang tv. Tumayo ako.

"Sige. Mag-aayos lang ako."

"Kung maliligo ka pa, iidlip muna ako. Katukin mo ako kapag magpapahatid ka na."

"Okay."

Pumasok ako sa napili kong kwarto. Nandito na ang mga gamit ko. Kung alam ko kung saan iyon hindi ko na siya aabalahin para magpahatid. Kaya lang hindi ko alam kung saan ang bahay noong Lucienne.

Habang naliligo ay ang lugar ng bahay ni Jax ang inisip ko. Saan iyon banda rito? Binalikan ko ang noon, naalala kong nabanggit niyang magpapatayo nga siya ng bahay. Natagalan ako sa pagligo kaya't humaba ang pag-iisip ko.

Nagpupunas na ako ng buhok nang maalala ko kung saan ko nakita si Lucienne at kung bakit siya pamilyar sa akin. Nahinto ako sa pintuan ng banyo at naalala ang paraan ng pagtitig niya kanina sa akin sa court.

Iniisip kong nakilala niya ako. Pero matagal na iyon at tila isang beses lang niya akong nilingon noon kaya't hindi ako sigurado. Maaaring napatitig siya dahil bagong mukha ako sa circle nila.

"Is this her house?"

Lasang lasa ang pagkamangha sa boses ni Millie pagkababa namin sa sasakyan ni Brad. Si Millie lang ang sumama. Sina Divina'y may ibang lakad ngayong gabi.

"Yeah," sagot ni Brad sabay tanggi nang yayain siya ulit ni Lucienne na sinalubong kami.

Lumapit ang ibang kadarating lang ding kaibigan niya. Kinumbinsi siya ng mga ito na mag-stay at kinausap. Wala si Jax kaya akala ko'y makikihalo siya pero natanto kong hindi nang magpaalam siya sa akin pagkatapos niyang kausapin si Adam.

"C'mon!" Yaya ni Lucienne at pinapasok kami sa loob.

Sobrang lawak at linis ng bahay. May indoor pool sa unang palapag malapit sa living room. Ang mga kwarto'y nasa second floor. Pagkatingala'y kitang kita sa transparent na bubong ang nagkikinangang bituin. Nagawi ang mata ko sa dining. Walang gamit at tao roon. Nakuha ko lang na sa labas gaganapin ang dinner nang paangatin niya ang mga blinds na nakaharang paikot sa dingding. Transparent ang buong kabahayan kaya't kita sa labas ang mahabang lamesa na mayroon nang mga nakaayos na kubyertos. Mayroon din speaker sa tabi ng mga alak.

"Tara!" Si Lucienne na pinagbuksan kami ng pintuan sa likod bahay.

Nagpahuli ako. Pagkaapak ng paa ko palabas, sinalubong ang mukha ko ng hangin. May ilang baitang ng hagdan bago ang buhangin. Bumaba ako roon. Sa buhanginan nakapuwesto ang lamesa. Hindi kalayuan ay ang dagat. Sumasalamin doon ang bilog na bilog na buwan.

Nakapuwesto na't nakaupo na ang iba. Kami lang ang inasikaso ni Lucienne dahil ang iba'y mukhang sanay nang kumilos sa bahay niya. Si Elle, nakita ko pang pumipili na ng papatugtuging kanta.

Nilagpasan ko ang lamesa at hinarap ang dagat. Hinayaan kong hanginin ang buhok ko't niyakap ang sarili. Pumikit ako at dinama ang yumayapos sa aking malamig na hangin habang pinapakinggan ang mabagal na pumailanlang na tugtugin.

Nang malaman ko na buntis ako, iyon ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko. Kung makakabalik ako sa panahong iyon, siguro buburahin ko ang lahat ng sakit at iiwan ang isang araw na naging sobrang masaya ako. Gusto kong maramdaman ulit iyon. Kahit isang araw lang ulit.

Gaya ng dagat, kalmado na mabigat ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag. Sadya sigurong may mga pakiramdam na mahirap isasalita.

"Clementine!"

Napadilat ako sa tawag ni Millie. Pagbaling ko'y kumpleto na sila. Naroon na rin si Jax. Papaiwas na ang mata nito galing sa akin. Pinaghila niya ng upuan ang kasamang babae't sa tabi nito'y naupo.

"Halika! Tulungan natin si Lucienne!" Kumaway si Millie sa akin sabay pasok sa loob. Sumunod ako.

"Mayroon pa bang lulutuin? Pwede kaming tumulong?" Tanong ko pagkalapit kay Lucienne na nasa dining kung saan nakalapag ang mga ilalabas na pagkain.

"Wala na!" Ngumiti si Lucienne. "Ihahain na lang ito! Tulungan n'yo na lang akong maglabas!"

Hindi na ako naghintay ng utos niya. Kinuha ko ang isang tray at pinuno iyon ng ilalabas na pagkain.

"Kaya mo?" Si Lucienne.

Ngumisi ako. "Kayang kaya."

Sa bahay, tuwing kakain ang mga bata, sanay akong magbuhat ng marami. Kulang na lang maging ang paa ko'y gamitin ko. Sanay rin akong magbuhat ng mabigat. Kapag sanay na, wala nang sakit at hindi na mahirap.

"Ano ang exercise routine mo?"

Nilingon ko siya bago pa kami lumabas sa pintuan. Dalawang bowl lang ang nasa tray niya. Nakatingin siya sa braso ko. Nang sulyapan ko iyon, lumabas ang muscle ko dahil sa mabigat na buhat.

"Normal gym routine lang."

Iniwas ko ang tingin. Lumabas ako para unahan siya. Hindi ko balak ipagsabi kahit kanino ang mga inaral ko. Mukha siyang interesado sa pagpapalakas ng katawan. Kung pahahabain ang usapan, hindi ako makukumportableng sumagot. Wala akong balak idetalye sa kanya kahit pangalan lang ng isa sa mga coach ko.

Pagkalapag ng mga nasa tray, bumalik ako sa loob. Kaonti na lang kaya't hindi na ako nagdala ng tray. Hindi na rin pumasok si Lucienne at nakita kong pinigilan na niya si Millie. Siguro'y dahil alam niyang kaonti na lang ito. Binuhat ko iyon gamit ang dalawang kamay. Pagkalabas ko'y ako na lang ang natitirang walang upuan.

"Clementine!" Ngiting ngiti na itinaas ni Lucienne ang kamay niya. Sunod ay itinuro ang upuan. "Dito ka!"

Natigilan ako sandali. Hindi pa niya sinasabi'y may napagtanto na ako sa ginagawa niya. Sa dami namin dito, bakit kay Jax niya ako itatabi gayong nakaaway ito ni Brad? Tinitigan ko si Lucienne. Alam niya. Nakilala niya ako. Ito ang dahilan kaya iba ang titig niya sa akin sa court.

Kahit natanto iyon, hindi ako nag-react. Wala siyang alam sa nangyari sa amin kaya niya ito ginagawa. Pero sa ngisi niya sa court kanina, mukhang may binabalak siya't gustong i-entertain ang sarili niya. I secretly clenched my teeth. I hate cunning people and I think I'm starting to hate this girl.

Hindi ko alam kung para kay Brad o para ba kay Jax ang pabor niya. Kung mapapatunayan niyang may hang ups pa ako kay Jax, hindi ko deserve si Brad? Ganoon ba? At kung mapatunayan niya na mayroon pa, paglalapitin niya kami ni Jax para magkabalikan kaming dalawa?

Naikuyom ko ang aking mga kamay. Akala niya ba'y maaapektuhan ako dahil gusto ko pa si Jax? I sighed and walked towards the seat she pointed to. Whatever show she wants to watch, I won't let her be entertained. I'll make sure it backfires on her.

"Enjoy your food!" Aniya sa akin pagkaupo ko.

Sadyang dikit na dikit ang mga upuan namin ni Jax. Sa bawat subo ko'y nagbubungguan ang braso o siko namin. Sige ako sa pagkain kahit hindi malasahan ang pagkain dahil may tao akong hindi ko gustong kasalo sa hapag. Nagpatuloy ako. Na parang si Millie lang ang nakakabungguan ko. He's not that hard to ignore. I mastered it.

Sa sunod na pagkiskis ng braso ko sa kanya, mahina siyang tumikhim at inabot ang tubig. Nawala rin ang presensya niya sa tabi ko. Hindi ko siya nilingon pero narinig kong nakipagpalit siya ng upuan sa babae niya. Ito na ngayon ang katabi ko. She looked different compared to the previous girls he was with these past few days. She looked innocent and shy.

Magkatabi kami kaya't litaw na litaw ang kaputian niya. Pumusyaw man ang kulay ko sa Greece, hindi naman ako gaanong pumuti. Hanggang ganito na talaga ang kulay ko at hindi ko naman sinubukan na baguhin. Ang buong buhay ko sa lumipas na mga taon ay iginugol ko sa mga importanteng bahay. Wala akong panahon para magpaganda.

"Are you Jax's girlfriend?" Si Lucienne.

"Oo," mahinang sagot ng katabi ko.

"Why don't you introduce us your girlfriend, Jax?" Si Lucienne.

"I don't need to." Malamig iyon.

"Why not?"

"Hindi niya naman talaga pinapakilala ang mga babae niya! Sa dami siguro ng girlfriend niya hindi na niya tanda ang mga pangalan!"

Hindi napigilan magkomento ni Marie. Mukhang sinubukan niya at tinitimbang kung galit pa rin si Jax sa kanya. Sa gilid ng mata ko'y naaninag kong nagpunas ng labi niya si Jax. Hindi ko alam kung kanino siya nakatingin pero siguro isa kina Lucienne at Marie dahil ito ang kausap niya. Nasa kabilang gilid ko si Marie kaya naman ramdam kong dumaraan sa akin ang mata niya.

"I don't need stupid introduction. I change girls every day and everyone here knows that I have many girlfriends. Hindi gaya ng iba diyan na itinatago ang boyfriend niya."

Wala akong balak na kumibo at umimik. Hahayaan ko lang silang mag-usap usap. Hindi ko lang napigilang magulat sa loob loob ko dahil kahit wala siyang binanggit na pangalan, tinamaan ako. Hindi ko lang alam kung ang ibig sabihin niya ba ay ang noon o ang ngayon kay Brad. Nag-angat ako ng mukha para lang masalubong ang mata ni Lucienne. Nagpangalumbaba siya at tila alam na para sa akin iyon.

"Sino'ng nagtatago ng boyfriend? Ako ba?" Tanong ni Marie.

Bahagya siyang umahon sa upuan para masilip sa kabilang gilid ko si Jax. Nagpatuloy ako sa pagkain, pinigilang magkomento. Wala rin naman akong sasabihin at walang pakialam sa kahit anong hinaing niya.

"Hindi ko naman itinatago si Dylan, ah?"

"You have work. You have business. That means, you have money. That's good. At least we know that you are not just marrying him for his money. Maliban na lang kung kulang pa sayo ang kinikita mo?"

Malayo sa tanong ni Marie ang tugon niya. Pinigilan ko ang sariling lingunin ang gawi niya kahit na nga ramdam ko pa rin ang madiin na titig sa akin. Kung ganoon, hindi siya kay Marie nakatingin? Sa akin siya nakatingin una pa lang? Nagsalubong ang kilay ko subalit nagpatuloy pa ring kumain. Wala siyang sinabing pangalan at kahit may sabihin siyang pangalan, mas pipiliin kong hindi mag-react.

"Ha?" Naguluhan na si Marie. "Kasal na kami ni Dylan! Magpapakasal kami ulit?"

"Cheater..."

Mahina lang iyon na binigkas ni Jax pero nakarating iyon sa pandinig ng halos lahat ng nasa lamesa.

"Gold digger..."

Napansin kong hinawakan ni Sahara sa braso si Marie para pigilang sumagot at sumabog dahil narinig nito ang sinabi ni Jax at akala'y para iyon sa kanya.

"Stop it," ani Sahara. "He's not talking to you."

"Hindi ako? Eh sino ba ang kausap niya? Wala namang cheater at gold digger dito!"

Walang sumagot sa kanya. Natahimik lahat. Kahit ang mahinang tugtog biglang tumahimik. Kalahati sa kanila, mukhang may ideya na kung sino ang pinaparinggan ni Jax. Ang iba'y walang ideya lalo't kahit na alam kong maaaring ako ang pinapatamaan niya'y hindi ako nagre-react. Normal akong kumakain at hindi ni isang beses siyang nilingon.

"What the f-uck, Jax?" May pumigil sa kanya. Si Elle.

"What? I'm just giving Brad a favor! What if she's a gold digger?"

"Alright! He's your friend! But it's not right to judge her! And para kay Brad? Kanina lang sa court kung banggain mo siya! May tinatago ka bang galit kay Brad at ibinubunton mo sa fiancee niya?"

"Elle," narinig kong pinigilan siya ni Kade.

Nang tingnan ko'y hinila niya patayo si Elle. Palayo sa table. Nag-usap sila malapit sa dagat, palingon lingon dito.

"Jax, what's your problem?" Si Sahara naman.

Hinawakan ito ni Mason sa braso, handa nang patigilin pero dahil mahinahon naman ang tanong ni Sahara'y hinayaan niya itong magsalita.

"Are you still in a bad mood? Dahil pa rin ba sa sinabi ni Marie? Kung iyon, hindi dahil galit ka at hindi maganda ang araw mo idadamay mo na ang ibang tao."

May segundo na hindi siya sumagot. Narinig ko lang siyang bumuntonghininga.

"No. It's just that..." He stopped. I felt the familiar gaze on me. "I just don't want my friend to be fooled by a girl like her..."

He clearly wants me out to the picture. Balak niya ba akong siraan para hindi na muling maimbita at mapaalis sa isla?

"That's enough..." Si Mason na iyon.

May humihila sa aking lumingon sa banda niya pero hindi ko ginawa. Narinig kong ibinagsak niya ang kanyang likuran sa sandalan ng upuan niya. Tumahimik siya at nawala rin ang pakiramdam ko na may nakatitig sa akin.

Alam na nilang ako ang pinupuntirya ni Jax pero ni isang sagot wala silang narinig galing sa akin. Nasa pagkain ang tingin ko. Nag-angat lang ako nang maglapag na ng mga alak sa lamesa at kalabitin ako ni Millie.

"Ligo tayo," itinuro niya ang pool sa loob pagkatingala ko sa kanya.

"Wala akong dalang damit—"

"May dala ako!" Pinilit niya akong itayo.

Nadaanan namin si Lucienne. Tinanong niya rito kung saan pwedeng magbihis. Tinuro nito ang hallway papasok sa banyo ng first floor na bukod tanging nakababa ang blinds. Nagpatangay ako sa hila niya.

"Bakit gano'n magsalita 'yung kaibigan ni Brad?"

Bumuntonghininga ako. Alam ko nang hindi maiiwasan ang usaping ito lalo na't tahimik lang na nakikinig at nakikiramdam si Millie kanina. Alam ko na gusto niyang sumabat sa hapag. Hindi niya lang magawa dahil nakita niyang relax lang ako at tahimik.

Gold digger, huh? Malamang ay dahil iyon sa perang tinangay ko galing sa Senyora. Naapakan ko ba ang ego niya? Na akala niya noo'y patay na patay ako sa kanya pero hindi pala? Kaya galit siya sa akin?

Cheater. Ang tinutukoy niya roon ay ang halikan namin ni Jace. Mas gugustuhin ko na lang na si Jace ang pinili ko noon kaysa siya. Ang kapal ng mukha niya na isingit ang tungkol sa pinsan niya pagkatapos ng ginawa niya.

"Susunod ako." Pinauna ko si Millie.

Pagkalabas niya'y kumapit ako sa gilid ng sink. Muntik nang bumigay ang tuhod ko. Pumikit ako ng mariin at sa aking bibig huminga. Sa tuwing naiisip ko si Jace, iisang eksena lang ang aking naaalala. Ang huling beses na nakita ko siya. Duguan at wala nang buhay.

"Rum or vodka?"

Itinaas ni Elle ang dalawang kamay niyang may hawak na alak, pinapapili ako. Kinuha ko ang rum at nagthank you sa kanya. Naupo ako sa gilid ng pool. Nakababa sa tubig ang paa ko. Ang katawan ko'y paharap sa dagat. Transparent kaya't kahit nakasara ang pinto'y tanaw mula rito ang mga nag-iinumang lalaki sa labas.

"Natural ba iyang balat mo?"

Lumilipad sa ibang bagay ang isip ko. Hindi ko naramdaman na nasa tabi ko si Elle. O siguro'y maingat talaga siyang kumilos. Pinagdikit niya ang mga braso namin.

"I bought tanning machine but it's useless. Tatlong araw lang nawala na ang pagkatan ko. Gusto ko sana ganyang kulay sa balat mo."

Pinadaanan ko ng mata ang katawan niya. She was wearing a black one piece while I was wearing olive green two piece bikini. Bumagay ang itim sa puting puti niyang balat. Maganda rin sa kulay ng balat ko ang napili ni Millie'ng dalhin na swim suit.

"Tell me the truth! What's your secret exercise routine? O sino ang Doctor mo? Wala kang iniinom na gamot?"

Tinungga ko ang alak na ibinigay ni Elle. Hindi ko pinansin si Lucienne nang lumangoy siya palapit sa amin. I don't like being around her. I don't like talking to her. Pakiramdam ko'y may papasabugin siya sa akin. Na kahit kontrolado ko ang emosyon ko'y hahanap at hahanap siya ng paraan para magalit ako.

"Ang hirap i-achieve ng ganyang abs! Paano mo iyan nagawa?"

Kada tanong niya, tutungga ako. Mabilis ko tuloy naubos ang laman ng baso. Bago pa siya magtanong ulit, ibinagsak ko na ang katawan sa tubig at nilangoy ang ilalim. Umupo ako sa ilalim na tiles at pinanuod ang mga nasa ibabaw na lumalangoy.

Ilang minuto akong nanatili sa ilalim. Nilulunod ang sarili sa pag-iisip. Na kailangan ko ba itong gawin? Na wala bang ibang paraan? Na isa sa mga araw na ito'y kakausapin ko si Orion. Gusto ko silang mahuli pero hindi ko gustong makasama si Jax at ang mga tao na nakapaligid sa kanya.

Nahinto ako sa pag-iisip nang mayroon nag-dive. Nang makita kong pigura ni Jax iyon at patungo rin sa ilalim, kumilos ako. Sinipa ko ang tiles upang mabilis makalangoy paahon. Huminto siya sa paglangoy papunta sa ilalim nang makita ako. Nilagpasan ko siya. Pag-ahon ko, kasunod ko rin siya.

Sinalubong siya ng girlfriend niya. Dinamba siya nito ng yakap sa leeg at hinalikan. Hinihingal pa siya kaya't hindi nakatugon. I thought she's different from his previous women. Mali. Even then, different types of women were attracted to him. Women who are the most modest to wildest. I used to be one of them.

"Another glass of rum?" Alok ni Elle.

Tumango ako. "Please."

Pinagsalin niya ako. Naupo muli ako sa gilid para uminom. Tinabihan niya ako ulit. Nang mag-usap sila ni Kade hindi ko alam kung may sinabi ba ito sa kanya o sinaway lang siya.

"You're avoiding Lucienne?"

Mahina at natatawang bumulong si Elle. Malamang ay napansin ang ginawa ko kanina. Inalis ko ang labi ng baso na nakahalik sa aking bibig. Pagkaharap, sumagot ako.

"I don't like her." I frankly said.

Natawa lang siya. Tiningnan namin si Lucienne na nasa tabi ng asawa niya. Tinawag nito ang lahat at niyaya kung nasaan kami ni Elle. Dito yata sa tabi namin balak magtipon at mag-inuman.

"Let's have a game!"

Hindi ako nagsalita sa suhestiyon ni Lucienne. Wala akong balak na sumali.

"Kasali lahat! Bawal tumanggi!" Sigaw niyang para bang narinig ang iniisip ko.

May mga personal na tanong. Kapag hindi sinagot, iinom.

"How many ex boyfriend do you have?"

"Who's your first love?"

"How many years Brad courted you?"

"Are you still a virgin? If not, who's your first?"

Lahat ng tanong niya sa akin, wala akong sinagot. Hindi pa siya tapos, tinutungga ko na ang alak. Nahalata niya yata na wala siyang makukuha mula sa akin kaya't si Jax na ang ginamit niya para sa mga tanong niya na dapat ay para sa akin.

"How many ex girlfriend do you have, Jax?"

Pinigilan niya ang babae sa paghalik sa kanyang leeg. Nakakandong ito sa kanya paharap. Nasa couch na sila at magkayakap. Ako, nasa tubig pa. Sa bandang hagdan. Apat na lang kaming nasa pool. Ako, si Elle, si Millie, at Lucienne. Ang iba'y umahon na. Tuyo na sila kaya't nasa couch na ng sala.

"So many I can't even count."

"Are you going to bed her?" Tukoy ni Lucienne sa nakayakap kay Jax na babae.

Namumula na at may tama na. Mapungay ang mata ng babae na tiningala ang boyfriend niya. Nangungusap ang mga mata. Mababasa na gusto ng babaeng may mangyari sa kanila. I don't know if I will feel sorry for her because she's willing to be fucked even though she knew it's only for one night. Or maybe his girls are deeply hoping for more than a night. That one day, this man will fall for them. And that's impossible to happen. A man who only loves himself will never ever fall to any girl.

"Of course, I will!"

Pagkasagot, gumawi sa akin ang mata ni Jax. Kumunot ang noo ko nang mapunang tumitingin siya sa akin kada tanong at sagot niya.

"Do you love them?"

Nakatukod ang dalawang palad ko palikod bilang suporta sa bigat ng katawan. Minsanan ang angat ko sa isang kamay para uminom ng alak. Nasa tabi na namin ni Elle ang bote ng rum. Vodka ang iniinom niya kanina, nang maubos iyon, pareho na kami ng ininom. Medyo nahihilo na ako pero alam ko naman kung hanggang saan lang ako. Isa pa, kung hindi ako iinom, pupuntiryahin na naman ako ni Lucienne.

"I love girls. So, yes."

"Ang dami nila!"

Hindi sumagot si Jax. Ngumisi lang.

"Sino sa mga babae mo ang first love mo? Sino ang nauna?"

Gumalaw ang ulo niya para sa isang iling. Ang baso niyang nasa mesita na may alak ay inabot niya't inisang tungga.

"I don't remember." He shrugged. "I don't remember falling in love to anyone."

I smirked. Yeah. Just like I said.

"Falling in love is bullshit..." Pabulong na sambit niya.

Pumikit siya at tumingala. Ipitanong niya ang likod ng kanyang ulo sa sandalan ng couch. Nagpatugtog ng mahina si Elle sa aking tabi. Nag usap kami sandali. Nawala na ang game at sinserong nang-uusisa na lang si Lucienne. Mga nakainom na kasi lahat. Maya maya lang tingin ko'y magyayayaan nang umuwi.

"Wala talaga?" Pangungulit ni Lucienne. "Do you still remember who was your first s-ex?"

Dumilat si Jax habang nakatingala. Nag-isip. Gumalaw ang lalamunan niya. Wala siyang pang-itaas na damit at basa pa ang buhok. Nasa malapit siya kaya kahit nasa ibang direksyon ang mata ko, nasusundan ko sa gilid ng mata ang galaw niya.

"Georgina..."

Nag-slow mo sa pandinig ko ang pangalang binigkas niya. Nanigas ako't parang umikot ang paligid. Rumahan ang aking paghinga. Tila ba kay lapit ng puso ko sa aking tenga dahil dinig na dinig ko ang malakas na tibok doon. Ang basong nasa aking kamay, halos mabasag ko na. Hindi ko maiwasang may maramdaman. Nagmistula akong bomba na may timer at malapit nang maubusan ng oras. Pumikit ako nang mahuli ko si Jax na pinapanuod ng maigi ang reaksyon ko.

"She's my first s-ex and I think she's my first love too."

"Kilala ninyo?" May tinanong si Lucienne. Inaalam kung sino 'yung babae.

Dumilat ako at nakita ang pag-iling ng mga kaibigan niya. Awtomatikong napunta ang mata sa akin ni Lucienne. Tila ba may nabasa siya na mukha ko. Na kahit hindi ako magsalita, alam niya na kilala ko.

"Where is she right now? Do you still see each other? Do you still have contact with her?"

Pumikit ulit ako. Pinakalma ko ang malakas na tibok ng puso habang hinihintay ko siyang sumagot. Baka kasi magkamali ako ng intindi dahil wala akong marinig kung hindi ang malakas na tibok ng puso ko.

"Akala ko ba laro ito? Bakit hindi na umikot at nasa akin lang ang tanong?"

"Wala na akong maisip na tanong sa kanila! Next question! When do you plan to get married?"

Narinig kong malakas siyang tumawa na para bang joke ang tanong na iyon. Ang babaeng nasa harapan niya'y tulog na. Bagsak na sa pagkalasing.

"I won't. I enjoyed being single."

"You mean to say, you don't have plan to have kids?"

Wala siyang pagdadalawang isip na umiling.

"Getting family and having children is the thing that is not for me. Kids are terrible. I hate how loud they cry. They are dumb and annoying—"

"That's offending!" Reklamo ni Lucienne.

"You asked me and that's my opinion!"

Tumatawa si Jax nang tumayo ako. Naagaw ko ang buong atensyon nila. Naitulak niya ang babaeng nasa kandungan niya nang makitang palapit ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin. Wala akong maramdaman at nagdilim ang paningin ko nang marinig ang opinyon niya tungkol sa bata.

"W-what?"

Nautal siya nang lumapit ako. Walang laman ang mata ko. Blangko ang nakikita ko. Nang pumatong ako at pumalit sa puwesto ng babae niya, nanlaki ang mata niya. Narinig ko pang sumipol si Lucienne at natawa. Nasa kalagitnaan pa ng gulat si Jax nang iangat ko ang kamao ko at patamain iyon sa mukha niya ng sunod sunod. Mabilis lumitaw ang dugo sa pumutok na labi niya.

"Oh my gosh!" Si Lucienne.

Madali silang lumapit ni Elle sa akin pero wala silang nagawa nang hilahin ko patayo si Jax at bitbitin sa gilid ng pool. Ang iba, napapatili lang gaya nina Marie at Millie. Ang mga lalaki'y hindi ako maawat. Dahil siguro babae ako at iniisip nilang kung aawat sila ay masasaktan ako.

Hindi ko na hinintay na may pumigil sa akin. Tinulak ko siya sa pool at saka ako nagpatihulog. Bago pa siya lumutang, pumatong na ako sa kanya at hinawakan siya ng mahigpit sa leeg.

Nang una, nagtataka niyang pinigilan ang kamay ko. Nang mahirapan siyang huminga at makita ang itsura ko, doon pa lang siya pumalag. Nakitaan ko siya ng takot sa mga mata niya. Pinanuod kong umalpas ang malaking tipak ng hangin sa bibig niya. Ni hindi ako kumurap sa tubig habang pinapanuod siyang nahihirapan.

Kaonti na lang mauubusan na siya nang hininga. Hinihintay ko iyon. Pero bago iyon, nasa magkabilang gilid ko na sina Elle at Lucienne. Nagtig isa sila sa kamay ko. Nagsisunuran sa pagsisid ang iba nang mapansin na nahirapan sa akin ang dalawa. Habang nasa ilalim ng tubig at sakal siya'y umiiyak ako. Humalo na ang luha ko sa tubig ng pool. Iyon lang ba ang dahilan mo? Masiyadong mababaw ang dahilan mo para bawiin ang buhay ng anak ko!

Nang lahat sila'y magtulong, saka lang sila nagtagumpay na maalis ang kamay ko kay Jax. Mabilis nila siyang inangat. Inuubo siya at habol ang hininga nang umahon ako. Wala akong nilingon sa kanila. Diretso akong umahon sa pool para umalis. Tapos na akong umiyak sa ilalim ng tubig kaya't malamig na lang ang ekspresyon ko.

"Clementine!" Si Millie na hinarang ako.

Pinatungan niya ako sa balikat ng makapal na tuwalya. Tulala ako sa kanya. Isang malakas na hatak sa braso ko'y napaikot ako pabalik. Galit at namumulang Jax ang nasa harapan ko.

"What the f-uck are you trying to do?! Are you trying to kill me?!"

Tinitigan ko siya. Naroon pa rin ang bakas ng dugo sa labi. Nagulat ako sa ginawa ko pero wala akong makapang pagsisisi sa akin. Basang basa siya't tumutulo pa ang tubig mula sa buhok.

"Why?!" Nanginig ang boses niya. Namula ang mga mata. "What's wrong with you?!"

Nakatulala lang ako sa kanya. Kahit ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin. Nahirapan akong iproseso ang ginawa ko. Basta ang alam ko. Nang marinig ko ang opinyon niya. Naalala ko ang anak ko. Na iyon lang ba ang dahilan niya kaya niya pinatay? Na bakit ganoon kababaw? Shalom is not terrible. I want to hear Shalom's cry. My baby is not dumb and annoying.

"Are you jealous because I said Georgina was my first?"

Nakita niya ang pagngalit ng ngipin ko. Tingin niya ba may pakialam ako roon? Binitiwan niya ako. Malaki ang tangkad niya sa akin. Gayunpaman, lagpas sa kanya ang galit ko.

"We never had sex! I said that because you are always jealous of her! Mula nang dumating ka wala akong makuhang reaksyon sayo! I just want to get a reaction from you!"

Liar! You're such a big liar, Jax! Hindi ba't pinalaglag mo nga ang anak ninyo?! Paano siya mabubuntis kung walang nangyari sa inyo?! Gustong gusto kong ipamukha sa mga kasama namin dito kung gaano siya kasinungaling. Pero bakit ko gagawin iyon? Ni hindi nila ako kilala. Kahit anong sabihin ko, hindi magbabago na si Jax ang kaibigan nila.

Nangilid ang luha ko dahil sa galit. Dahil sa kasinungalingan niya. Bakit kailangan niyang magsinungaling? Dahil hindi niya alam na nakita ko? Dahil hindi niya alam na alam ko? Dahil nasa harapan ang mga kaibigan niya? Wala na akong pakialam kung may nangyari man sa kanila! Wala akong pakialam sa ibang bagay! Binabaliktad niya ako! Ako na naman ang gusto niyang umako at magmukhang masama!

"I'm not jealous." He looked at my clenched fist. He then looked at me. "Do you think jealous people will do that?"

"If that's not the reason, then why?! You just want to kill me?!"

I never liked to use violence to hurt people. Ang gamitin ang lakas para sa masamang bagay ay hindi ko gusto. God knows how many times i've held myself back. Ngayon lang ako nakalimot at bumigay. Yung galit ko ang nanguna at hindi alam ng katawan ko ang ginagawa.

"Bakit galit na galit ka?! Ako ang dapat na galit sayo! You kissed him! I was cheated! Kahit niloko mo ako gusto ko pa rin patunayan sayo na hindi ako ang ama ng anak ni Maya! I went to Manila, brokenhearted! I went to Manila, wanting to prove that it's not my child! Pero idiniin mo ako! Itinuro mo ako at ipinakulong mo!"

What is he up to? Why he's acting like he's hurt? Na parang ako pa ang mayroon ginawang masama sa kanya? I chuckled after I realized that he's hustler in pretend game. That he could even cry in front of me if he needs and he wants to.

"Totoo ang sinabi ng mga pulis sa akin, hindi ba?! Na ako ang itinuro mo—"

"Oo." Walang kasinglamig ang sagot ko.

Kumuyom ang kamay niya.

"Na binayaran ka—"

"Oo. Na binayaran ako ng lola mo."

Lumamlam ang mga mata niya. Nanginig ang labi niya. Na akala mo'y aping api siya. Gusto ko siyang palakpakan. Napakagaling niyang manguha ng simpatya. Ang mga taong narito'y nasisiguro ko na panig sa kanya. Baka pati si Millie, nadala na niya. Pero ako, hinding hindi na niya mapapaniwala.

"She offered me thirty hectares—"

"And you accept it? Dahil tatlumpung hektarya lang ang halaga ko sayo? Is that it, Clementine? Am I that cheap compared to Brad?"

"What do you mean by compared to Brad? I'm not comparing you two because you are not comparable to him. You are not comparable to any of your friends. Sa inyong lahat, ikaw ang pinakamababa. Ikaw lang ang walang natapos. Ikaw lang ang walang narating. To compare you to them is an insult. You will never be on their level."

May tumawag sa pangalan ko. Tila gusto akong pigilan ngunit takot lumapit sa akin. Kanina pa namumula ang mga mata niya. Dahil siguro sa pagkalasing, galit, at pagkahilam sa tubig ng pool kanina.

"There! You said it! Even if you deny it, you are clearly comparing me to him! Sana sinabi mo noon na gusto mo ng pera! Mas marami akong pera sa kanya! Kahit itong isla kaya kong bilhin! Higit pa ito sa tatlumpung hektarya! Mas lamang ako sa kanya! Mas maraming babae ang naghahabol sa akin—"

"Marami?" Malamig akong tumawa. "Ang mga kaibigan mo may mga asawa nang nagmamahal sa kanila. Ikaw? Mahal ka ba ng mga sinasabi mong maraming babae mo?"

He swallowed hard. He looks lost.

"They...said they love me. At least them...they said they love me—"

"And you believe that?" Tumawa ulit ako. "Just one night and they tell you they love you and you believe that? Obsessed, pwede pa. Pero lahat ng dumaang babae sayo hindi ka mahal at minahal."

He fell quiet. His breathing increases. Mayroon bumagsak na tubig sa pisngi niya. Hindi ko sigurado kung galing ba iyon sa basa niyang buhok o sa namumula niyang mata. Ang sigurado ko lang ay may nasapul ako sa loob niya.

"They don't want you because they love you. They want you because you have money. Kung wala kang pera, walang babae na gugustuhin kang makasama. They rather marry your friends who can they be proud of than you that nothing without your looks and money. You are useless. You are good for nothing. Walang magmamahal sayo. Hindi ka magiging masaya habang buhay."

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 34.2K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
3.2M 299K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...