My Personal Yaya

By Eibhline

10.4K 953 65

May isang babaeng nag ngangalang Alisha Vargas, o mas kilala bilang Ali. Isang simpleng babae na ang hangad l... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 35

136 9 0
By Eibhline

Chapter 35

“Oh hija, buti nandito ka.”

Napatingin ako kay ma’am Celine, na kadadating lang, nang marinig ko ang boses niya.

“Yes, tita. I was about to leave na nga, eh.” nakangiting sabi ni Cheska, tumayo siya galing sa pagkakaupo sa gitna ng long sofa sa living room, at nakipagbeso dito.

“Mom.” Tumayo rin si Zach na katabi ni Cheska’ng nakaupo sa sofa, at humalik sa pisngi ng kanyang mommy.

“Naku, ma’am nandito pala kayo? Sandali lang po at ipapahanda ko ang meryenda niyo.” Nagulat si Manang Koring ng makita niya si ma’am Celine na narooon sa may living room ng bahay.

“Thanks, Manang.” Sabi ni ma’am Celine.

Nang marinig kami ni Cheska kaninang nag-uusap ni Kary, ay kararating lang pala niya nun’. Dito na rin siya nananghalian, at ngayon ay dito sila sa may living room ni Zach nanonood ng horror film.

Kanina pa sila nagtatalo sa kung ano ang gusto nilang panuorin, ang gusto ni Zach ay basketball, well… hindi na ‘yun iba sa mga lalaki. Ang gusto naman nitong si Cheska ay romance movie, kaya ako ang tinanong ni Zach ngayon, na tahimik lang na nag-aarange ng mga bulaklak doon.

Wala sa sarili kung sinabi ang horror, hindi ko naman inakala na susunduin ito ni Zach. Nang una ay makikita sa mukha ni Cheska ang pagkainis sa’kin, ngunit kalaunan tingin ko ay nagugustuhan niya na rin ang palabas. Dahil tuwing may nakakatakot na scene, ay napapatili, o ‘di naman kaya ay napapayakap siya kay Zach para itago ang mukha niya sa dibdib nito.

Lihim akong napailing papahapon pa ngalang ay ganyan na ang mga reaksyon niya, paano pa kaya kung gabi at patay ang mga ilaw at ilaw lang galing sa television ang nagsisilbing liwanag. O pwede rin na sinasadya niya, dahil pagkatapos niyang yumakap kay Zach ay kita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon niya sa’kin, at hindi nakaligtas sa’kin ang pagngisi niya.

Pati ako ay nakinood na rin habang ako’y nag-aarange ng bulaklak. Para sa’kin ay hindi naman nakakatakot, eh, nagugulat minsan sa sounds effect, pero minsan mas nagugulat pa nga ako sa reaksyon ni Cheska kapag natatakot siya, eh. Pero itong si Zach naman yata ang nagsisisi na sinunod niya ako, dahil kay Cheska. Dahil sa t’wing mapapatingin ako sa kanila ay ang sama ng tingin sa’kin.

Nahihiwagahan pa rin ako kay Cheska kung paano niya nalaman na nakainom ako at may hangover, sa huli ay ipinagkibit balikat ko nalang ito.

Nilagay ko ang panghuling flower sa vase, pagkatapos ay kinuha ko ang maliit na watering can at marahang binuhusan ito ng tubig. Gano’n din ang ginawa ko sa iba pang halaman na naroon sa loob ng bahay.

“Bye, tita.” Rinig kung sabi ni Cheska.

“Ma’am Celine. Ito na po ang meryenda niyo.” Sabi ni ate Risa pagkatapos ilagay ang blue berry cheesecake at fresh squeeze orange juice sa center table.

“Oh, okay. Take care, dear.” Nginitian niya si Cheska.

“Yes, tita.” Kumaway si Cheska habang naglalakad palabas ng bahay.

Umupo si ma’am Celine sa tabi ng kanyang anak, kinuha ang plate ng blue berry cheesecake pagkatapos ay maliit itong hiniwaan ‘tsaka sinubo. Humiwa ulit siya at inilapit naman niya ngayon ang kutsara sa bibig ng kanyang anak. “Ah…” sabi niya pa.

Una ay hindi siya pinapansin ni Zach ngunit makulit ang kanyang mommy. Inilayo niya ang kanyang mukha at hinawakan ang kutsara para siya ang pagsubo sa sarili niya, ngunit hindi siya hinayaan ng mommy niya at inilayo ang kutsara sa kanya ‘tsaka iniumang ulit sa kanyang bibig.

“Mom.” reklamo niya sa kanyang Ina 'tsaka napipilitan na isinubo ang iniumang na pagkain ng kanyang mommy. Hindi na siya makatingin sa’kin, at kita ko na rin ang bahagyang pagpula ng dulo ng kanyang tenga.

Lihim akong ngumiti at nagkunwari na hindi ko nakikita ang nangyayari. Cute.

“What? It just your yaya, Zachary.” Marahang natawa si ma’am Celine. “Right, Alisha?” nakangiti itong tumingin sa’kin.

Galing sa pinapanood ay tumingin ako kay ma’am Celine at nginitian ito. “Yes, ma’am.” Tumingin ako kay Zach na nakatingin rin pala sa’kin. Nginitian ko siya ngunit suplado lang siyang nag-iwas ng tingin sa’kin, matapos niya akong titigan at hindi nakaligtas sa’kin ang bahagyang pag-igting ng kanyang panga.

“Tsk.”

Kinuha niya sa kanyang mommy ang plate ng blue berry cheesecake at siya na ang umubos, sa natitirang kinakain ng kanyang mommy. Gano’n din sa kalahating basong juice na natira sa baso ng kanyang mommy. Pagkatapos ay tiningnan niya ako ng masama bago siya tumayo at nagsimulang maglakad paakyat sa second floor ng bahay.

Parehong umawang ang labi namin ng kanyang mommy, dahil sa ginawa niya, habang sinusundan namin siya ng tingin paakyat sa hagdan. Alam naming pareho na hindi mahilig sa matatamis si Zach. Nang mawala sa paningin namin si Zach, ay nagkatinginan kami ni ma’am Celine at sa hindi namin maipaliwanag ay sabay kaming natawang dalawa.

“What just happened?” maang na tanong ni ma’am Celine sa’kin pagkatapos ay tumingin pa ulit sa taas, na para bang nakikita niya doon ang kwarto ng kanyang anak.

“Hindi ko rin po alam ma’am Celine.” Sabi ko. “Minsan po talaga ay ganyan ‘yan si Zach pag-inatake ng mood swing niya.” Ngumiwi ako.

Tumango si ma’am Celine at magaan akong nginitian, ngumiti rin ako sa kanya.

“Siya nga pala, bakit hindi ka nalang kumain kahapon ng gabi? Bakit mo pa ako kailangang hihintayin?” tanong ko kay Zach nang maalala ang sinabi sa akin ni Kary kaninang umaga. Tiningnan ko siya, hindi siya nakatingin sa’kin. “Sinabi ‘yun sa’kin ni Kary kanina.” Dagdag ko.

Kaming dalawa nalang ni Zach ang gising sa mga oras na ‘to, dito kami sa may living room nakaupo sa may lapag habang gumagawa ng assignment sa school. I mean, siya nalang pala dahil kanina pa ako tapos. Matutulog na nga sana ako, eh, kaso ang isang ‘to pinigilan ako at sabi niya samahan ko pa daw siya dito hanggang sa matapos siya.

Wala akong nagawa, kaya ito kami ngayon tinatapos ang assignment niya. Tinulungan ko na nga siya sa group activity nila, eh, para matapos na agad. Ako ang nag-tatype habang siya naman ang nagsasabi ng ilalagay ko. Kahit na sinabi ko na siya nalang ang magtype sa laptop, dahil mabilis ang kamay niya magtipa sa keyboard at kabisado niya na rin kahit hindi na siya tumingin sa keyboard at sa screen nalang.

Pero hindi siya pumayag, ang sinabi at dinahilan niya ay para masanay daw akong gumamit nito. Marunong naman akong gumamit nito kahit papaano, pero kailangan ay mayroong mouse dahil hindi ako nasay ng wala ito. Nahihirapan ako sa pag-srcoll. Pati na rin sa pagtatype ay mabagal ako dahil tinitingnan ko pa paminsan-minsan ang keyboard.

Kaya ayun kahit anong bagal ko sa pagtitipa sa laptop at laging nahuhuli sa pagtipa ng mga binabanggit niya, ay matiyaga niya akong inaantay ng walang reklamo. Sige, subukan niya lang talagang magreklamo.

Humikab ulit ako nang hindi ko na mabilang kung ilan. Gusto ko na talagang matulog, kanina pa nga ako panay ang hikab dito, eh, at pinapakita ko talaga iyon sa kanya baka sakaling maawa siya at patulugin na niya ako. Kaso, wa epek, eh. Manhid.

“Last na paragraph nalang ‘to.” Sabi niya at inilipat ang papel sa kabilang pahina. “The ongoing planning, monitoring, analysis and assessment of all necessities an organization needs to meet its goals and objectives.” Basa niya dito.

Hay, sakit na nang kamay ko. Kino-close-open ko ito ng ilang beses habang inaantay ang sagot niya sa tanong kung hindi niya pinansin.

Hindi ko ti-nype ang sinabi niya. “Paano pala kung hindi ako umuwi nun? Teka lang… kumain ka pa ba nun ng pumasok na ako sa kwarto?” tinitigan ko siya.

Naibaba niya sa lamesa ang papel at nilingon niya ako nang may unti unting pagdilim ng kanyang mga mata kasabay ng umiigting niyang panga. Hindi yata niya nagustuhan ang sinabi ko. “May balak kang hindi umuwi nang gabing ‘yun?” baritonong sabi niya.

“Ah, hindi noh. Nakita mo naman na umuwi ako, diba? Sabi ko lang naman.” nakangiwing sabi ko sa kanya habang pasimpleng umusog ng upo palayo sa kanya.

Buti nalang talaga na umuwi ako at hindi ako pumayag na matulog kila Robin nun. Kung hindi siguradong lagot ako sa isang ‘to. At bakit ba ako natatakot dito?  Kaibigan ko naman si Robin simula pa ng bata kami, at minsan na rin naman kaming nagkatabi nun matulog nang minsang sumama kaming mamasyal sa kanila.

Nilagay niya ang kamay niya sa likod ng bewang ko at hinila ako malapit sa kanya. “Wag kang lumayo,” Bulong niya sa likod ng tenga ko na nagbigay sa akin ng kiliti at halos nagpatindig sa lahat ng balahibo ko. “Kapag kinakausap kita.”

Tumango na lamang ako.

“Basahin mo na ulit ang nakasuot dyan sa papel itatype ko na.” sabi ko ng hindi ko makayanan ang katahimikan sa pagitan namin habang siya ay pinaglalaruan ang dulo ng aking buhok.

“No.” umayos siya at hinarap ako habang nakaupo pa rin siya. “About the kiss we—”

“Akina nga, ako na ang titingin.” Mabilis kung inagaw sa kanya ang papel at lumayo agad ako sa kanya. Pinamumulahan ng pisngi. Nilagay ko sa gilid ng laptop ang papel at binasa ang ilang mga salita na nakasulat doon at tinaype iyun sa laptop, walang pakialam sa intensidad ng kanyang tingin sa’kin.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. “Ako na ang magbabasa, para madali.” Sabi niya.

Kinuha niya ang papel at ilang segundong tinitigan ‘yun bago sinimulang basahin. Lihim ko siyang tiningnan sa gilid ng aking mata, at napakagat ako sa aking labi ng sa akin siya nakatingin at hindi sa kanyang papel habang binibigkas niya ang mga salitang nakasulat sa papel.

Binalik ko ang tingin ko sa laptop at binigay doon sa ginagawa ko ang atensyon ko para matapos na rin at makatulog na ako. Habang nagtitipa ako at pinapakinggan ang sinasabi niya, ay hindi ko namamalayan na unti unti nang pumipikit ang mata ko—haggang sa tuluyan na nga itong pumikit—at mas lalong bumagal ang galaw ng kamay ko sa pagtipa sa keyboard.

Hanggang sa unti unti na nga ring bumabagsak ang ulo ko sa lamesa. Na-para bang ang boses ni Zach na sinabayan pa ng tunog ng pagtipa ko sa keyboard, ang nagbigay sa’kin ng musika, na humila sa’kin sa pagkakatulog ko. Pagkagising ko nalang kinaumagahan, ay namalayan ko nalang ay nasa kama ko na ako nakahiga.

Nagtaka ako at agad na napabangon galing sa pagkakahiga. Natulala ako at napatingin sa pintuan ng silid ko 'tsaka naisip si Zach na binuhat ako galing sa living room papunta sa silid ko. Nakita ko rin ang ilang notebook at libro ko na nakapatong sa maliit kung study table.

Napangiti ako ng wala sa sarili.

Agad na rin naman akong bumangon at nag-ayos sa sarili bago lumabas sa kwarto ko. Nagtungo agad ako sa kusina para magtulo ng agahan niya at para na rin sa’kin. Naabutan pa ako ni ate Risa na matapos nang nagluluto doon.

“Ang ganda ng ngiti na’tin, ah.” Nakangiting sabi ni ate Risa at pinisil pa ang pisngi ko.

“Good morning,” sabi ko sa kanya.

Matapos kung maihanda ang pagkain sa lamesa ay naglakad na ako patungo sa kwarto ni Zach para gisingin siya. Nagulat pa nga ako nang magkasalubong kami ni ma’am Celine sa hallway, papunta rin siya sa kwarto ng kanyang anak.

“Hello po, ma’am Celine. Good morning.” Bati ko.

“Good morning,” bati niya rin. “Are you going to knock on my son’s room to wake him up? Is this the daily routine you’d do?” tanong niya.

“Opo. Pero kung minsan naman po, ay siya na ang kusang bumababa, para kumain ng almusal niya sa dining table.” Sagot ko.  “Pasensiya rin po pala kayo, kung minsan ay nagagalit po ako sa anak niyo kapag po hindi siya kumakain ng agahan niya, at aalis nalang ng bahay ng walang kinain manlang.” Ngumiwi ako ng pinagtaasan ako ng kilay ni ma’am Celine.

“Hmm,” tumango tango siya.

“Sorry po…” paghingi ko ng paumanhin.

“No need to say sorry, hija.” Ngumiti siya sa’kin. “I should be the one who should be grateful to you because you’ve been taking care of my son very well. I thought, baka hindi mo matagalan ang ugali ng anak kung ‘yun, eh, but you did. Thank you.” Magaang ngumiti sa’kin si ma’am Celine at tinapik pa ako ng marahan sa braso ko.

Tumigil kami sa harap ng pintuan ng kwarto ni Zach. Bahagya siyang nauuna sa’kin at ako ay nasa gilid niya naman. Tumingin muna siya sa’kin bago niya katukin ang pintuan ng kwarto ni Zach. Isang katok, pangalawang katok ay wala paring nagbubukas ng pintu, wala rin kaming naririnig na ingay o pagkilos galing sa loob ng kwarto.

Akmang kakatok pa ulit si ma’am Celine ng kusa nang bumukas ang pintu at bumungad sa’min ang nakatapis at nagpupunas ng kanyang basang buhok na si Zach.

“I almost done, Alisha. Just give me a minute.” Sabi niya habang busy sa pagpupunas ng basa niyang buhok. Hindi kami nagsalita ni ma’am Celine at pinagmasdan lang siya. “What? I already told you I—” natigilan siya ng ang nasa harapan niya ay ang mommy niya. “Mom…” nilingon niya akong nasa gilid lang ng kanyang mommy.

“Good morning,” bati ko sa kanya.

“Bilisan mo na d’yan at pagkatapos ay bumaba kana.” Sabi ni ma’am Celine pagkapasok ay humalik sa pisngi ng kanyang anak at binati ng “Good morning.”

Tumingin sa’kin si Zach na nagtataka, nagkibit-balikat lang ako ‘tsaka sumunod na agad sa kanyang mommy at iniwan siya don.

“Sumabay ka na rin, Ali.” Sabi ni ma’am Celine matapos kung paghainan si Zach ng kanyang agahan.

Tumango ako sa kanya at ngumiti bago ako umupo sa harap ni Zach. “Salamat po.” Sabi ko pa. “Ako na ate Risa.” Pinigilan ko si ate Risa ng akmang lalagyan niya ng pagkain ang plato ko. Ngumiti ako sa kanya.

“This coming Sunday na ang event na in-organize ko.” Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay sinabi ‘yun ni ma’am Celine, hindi siya nakatingin sa’min kundi sa kanyang plato lang. Napatingin naman ako kay Zach ng matunog siyang bumuntong hininga. “I just want to inform you.” Dagdag ni ma’am Celine na inangat na ang tingin direksto sa kanyang anak.

Tahimik lang akong kumakain habang pinapakinggan silang dalawa.

“Mom, can we not talk about this.” Mariin sabi ni Zach sa kanyang mommy.

“Okay. It just that your presence there is more important.” Matatapos na kaming kumain ng magsalita ulit si ma’am Celine, pero sa pagkakataong 'to sa’kin na siya nakatingin ngayon. “Oh, Ali. You’re free to attend the event too.” Sabi niya pagkatapos ilapag ang baso sa lamesa.

“Po. Ah…” Nagulat ako.

“Mom!” Nagulat ako nang tumaas ang tono ng boses ni Zach, marahas niyang naibaba ang kutsara’t tinidor niya. Napatingin ako sa kanya ng bigla siyang tumayo, nag-ingay ang upuan niya ng siya’y tumayo. Sinundan ko siya ng tingin nang naglakad siya sa side ko. Napatingin ako sa kamay niya nang hawakan niya ang palapulsuhan ko at marahang akong hinila patayo. “Let’s go, Alisha.” Sabi niya pa.

“Huh…?” Nabitawan ko ang hawak kung kutsara’t tinidor nang hinila niya ulit ako patayo. “Teka…” napatingin ako sa kanyang mommy na bumuka ang bibig para magsalita ngunit tinikom rin nang walang masabi. “Teka, Zach.” Hinila ko ang kamay ko sa kanya ng makarating na kami sa labas.

“What?” nilingon niya ako, ang kanyang panga ay nakaigting.

Nilingon ko ang saradong pintuan pagkatapos ay pinasadahan ko ng tingin ang sarili namin. Tumaas ang kilay niya. “Aalis tayo na hindi dala ang mga gamit na’tin.” Tinaasan ko rin siya ng kilay ko.

Ginulo niya ang buhok niya ‘tsaka walang pasabi na pumasok ulit sa loob ng bahay, pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik siya na dala na ang gamit naming pareho.

“Happy,” dumeristo siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa sasakyan niya. “Get in.” Pinagbuksan niya ako ng pintu pagkatapos niyang ibigay sa akin ang gamit ko.

Walang salita akong pumasok sa sasakyan niya, sinarado niya ang pintu at umikot siya sa side ng driver seat. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad siya, iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya nang makapasok na siya sa loob ng kanyang sasakyan.

“Hindi mo naman kailangan na ganonin ang mommy mo, Zach. That was rude. She’s still your mom.” Sabi ko nang nasa daan na kami. “Hindi mo naman kailangan magreak ng gano’n, kung ayaw mo akong pumunta sa event na sinasabi ng mommy mo, okay lang naman.” Niyakap ko ang bag kung nakapatong sa hita ko.

Nilingon niya ako, kapagkuway binalik rin ang tingin sa daan. “It’s not what you think, Alisha.” Sabi niya. “It just that…” umiling siya at hindi na tinapos ang sinasabi niya. “I’m sorry. I don’t want to talk about it.”

“Mag-sorry ka sa mommy mo, hindi sa akin.” Sabi ko.

Pagkatapos ay tumingin sa bintana at pinagmasdan nalang doon ang mga nadadaan namin. Hanggang sa nakarating kami sa school, ay hindi ko siya pinapansin, kahit na ilang beses ko siyang narinig na binanggit ang pangalan ko.

“Fine!” Inis na sabi niya at pabagsak na isinara ang pintu ng sasakyan niya. “I’ll call my mom.” Kinuha niya sa bulsa ng pants niya ang kanyang cellphone at nagtipa doon, ilang segundo ay pinakita niya sa akin ang screen ng phone niyang tinatawagan niya nga ang mommy niya.

Ni-loudspeaker pa niya ito ng sagutin ng mommy niya ang tawag niya, para marinig ko. “Hello, son…” bungad ng mommy niya sa kabilang linya.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. “Mom. I’m sorry about earlier, that was rude of me.” Nakatingin siya sa akin habang sinasabi niya ito.

“Oh… okay. I… I understand.” Rinig ko ang pagkautal ng mommy niya.

“I just called to say sorry, I hang out now, mom. Papasok na kami.” Nakatingin pa rin siya sa akin.

“Okay, son. Take care. I love you.” Rinig kung sabi ng kanyang mommy.

“I love you, too…” sabi niyang hindi pa rin binibitawan ang tingin sa’kin. Umiwas ako ng tingin 'tsaka nilibot nalang sa paligid ang paningin ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. “…Mom.” Pagtatapos niya sa salita niya.

“Ruby!” tawag pansin ko kay Ruby ng makita ko siyang papadaan sa harapan namin. Nagulat siya at napatigil sa paglalakad. “Sabay na tayo.” Sabi ko at humarap kay Zach na nakatingin sa papalapit na si Jake at Hans.

“Huh? U-una na’ko…” nataranta sa pagsasalita si Ruby nang mapalingon siya sa likuran niya. “Sige… k-kita nalang tayo sa room.” Sabi niya pagkatapos ay nagmamadali na siyang umalis.

“Ruby, teka…!” naguluhan ako sa inasta niya. Napatingin ako sa papalapit na si Jake sa amin, sunod naman sa papalayong likod ni Ruby na nagmadaling maglakad paalis.

Weird. Napanguso ako.

“Hey,” Nakangiti si Hans na lumapit sa’kin.

“Hello, good morning.” Bati ko.

Humarang sa pagitan namin si Zach. “Let’s go. Ihahatid na kita sa classroom niyo.” Sabi niya at hinawakan ang braso ko at marahan akong hinila.

“Hindi mo naman ako kailangang hinatid.” Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

“Oo nga naman, bro.” natawa si Jake. “Siya nga pala, may pinadala si tita Celine na invitation kanina sa bahay.” Sabi ni Jake.

“Yeah, There’s also sent to us. This coming Sunday?” nagkibit-balikat si Hans.

Nagsimula kaming maglakad. Pasimple akong tumingin kay Zach na bahagyang kumuyom ang panga, dahil sa narinig na usapan ng dalawang kdalawan.

“Zach. You already know what would happen there, aren’t you?” Si Jake na hindi ko naisip na makikita kung seryuso.

Hindi nagsalita si Zach. Tinapik siya ni Hans sa kanyang balikat. “What ever your decision is, we got your back.” Tinabig ni Zach ang kamay ni Hans. Pasimple ko siyang tiningnan ng masama na nakita rin naman niya. Tinaasan niya ako ng kilay at supladong inirapan.

“Tsk. Tumigil nga kayong dalawa ang drama niyo.” Inis na sabi ni Zach at inunahan kami sa paglalakad. Pero hindi nakaligtas sa’kin ang bahagyang pagngiti ng kanyang labi.

Maglalakad na sana kami ng mapahinto kami sa paglalakad at mapalingon sa likuran namin nang marinig namin na tinawag ang pangalan ni Zach ni Cheska. “Zach…! Wait for me!”

Nilagpasan niya kami at dire-direksto lang ang lakad niya hanggang sa makarating siya sa harapan ni Zach na napatigil rin sa paglalakad. Ang sumunod na nangyari ay nakarinig nalang ako ng singhapan ng mga estudyanteng nakakita at malapit sa amin, dahil sa pagkagulat.

Maging ako man ay nagulat. Umawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata ko, nang makita ko si Cheska na walang prenong basta nalang hinalikan si Zach sa harap ng maraming tao. Kita rin sa mga mukha nila Hans ang pagkabigla, maging si Zach ay makikita rin sa kanyang mukha ang pagkabigla, dahil sa biglaang ginawa ni Cheska. 

Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

“Cheska, what are you doing?!” gulat at may halong galit na gagad ni Zach ng humiwalay sa kanya si Cheska.

“What did I do?” inosenteng tanong ni Cheska sa kanya.

Narinig ko ang pagtawa ni Jake at ang pagtikhim ni Hans. Narinig ko rin ang mahinang pagmumura ni Zach. Rinig ko rin ang mga bulungan sa paligid namin, nang nilibot ko ang paningin ko sa paligid ay kita ko ang ibang kababaihan na parang binudburan ng asin, dahil sa pagkakilig sa nakita nilang nangyari. Ang ibang kalalakihan ay narinig kung sumipol, ang iba ay umiling at ang iba naman ay walang pakialam sa nangyari at dire-direksto lang sa paglalakad.

Binalik ko ang tingin kila Zach na naabutan kung nakatingin rin sa’kin, pati si Cheska ay nakataas ang kilay na nakatingin sa’kin. Tiningnan ko si Zach na walang emosyon sa mukha ang makikita na nakatingin rin sa’kin.

Umiwas ako ng tingin.

Hinawakan niya si Cheska sa braso nito at basta nalang hinila sa kung saan. Habang naglalakad sila papalayo sa amin at nakatingin ako sa likod nila, may hindi ako maipaliwanag sa bigla kung naramdaman sa nasaksihan kung nangyari kani-kanina lang.

Parang… parang may iba…



EIBHLINE —


Continue Reading

You'll Also Like

4K 148 37
Hey Stranger Series #1
868K 22.6K 35
I'm Calixa Lorraine Avenue. Ang hanggarin kulang sa buhay is to finish my study Para makakuha ng magandang trabaho. Pero dahil isa akong tanga! sound...
92K 1.7K 41
[FIRST BOOK OF THE MAFIA SERIES] ******* "Ivan." "Queen. I need to tell you someth-" "Its fun playing with you Ivan." "Ivan. I need to end this game...