My Personal Yaya

By Eibhline

10.5K 953 65

May isang babaeng nag ngangalang Alisha Vargas, o mas kilala bilang Ali. Isang simpleng babae na ang hangad l... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 31

144 10 0
By Eibhline

Chapter 31

ZACHARY

I didn’t know how many minutes or…maybe hours I’m staring at the ceiling. Just staring. Ang kanang braso ko ay nakapatong sa nuo ko. Kanina pa ako gising, nakahiga lamang ako at nakatitig sa kisame.

Walang balak bumangon.

I know I should get ready now because any time Alisha might knock on my door now. I know she’d be angry to me if she sees me not yet ready. And of course, not only that, I’m pretty sure she will blame me again if she’s going to be late because of me.

I couldn’t stop myself from smiling in my head everytime I see her knotted forehead and angry towards me. Lagi niya akong pinapagalitan kapag ang bagal ko raw kumilos, lalo na kapag nakakadalawa punta at katok na siya sa pintuan ko. Little did she know sinasadya ko talaga ‘yun, hmm…sabihin na nating minsan.

I sighed when my mind invaded the conversation I had with Cheska’s father, uncle Ronald. He said…

“hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, I’ll get straight to the point. Kaya kita pinapunta dito para ipaalam sa’yo na gusto ko na makasal kayo ng anak ko. Siguro naman ay sinabi na ito sa’yo ng Dad mo, right?”

We just finished eating at sabi niya ay gusto niya raw akong makausap so I followed him here in the swimming pool area. I’m sitting with one of their sun lounger while he was standing in front of me, facing their light blue swimming pool because of the light stated there.

“Why, are you sick?” I worriedly asked.

He looked back at me over his shoulder. “Yes.” He simply answer.

“What? How come?” hindi makapaniwalang sabi ko.

Kung titingnan mo kasi siya ay parang wala namang siyang dinaramdam na sakit.

He just gave me a small smile and never say a single word. After a few moments of silence he talked again. “Hindi naman namin kayo minamadali magpakasal, me and your parents both agreed na pagkatapos nalang ng graduation niyo.”

Napalingon ako kay Cheska na umupo sa tabi ko at agad na niyapos ang braso niya sa akin. Tinanggal ko ‘yun, ngumuso siya sa’kin at binalik rin sa akin ang kanyang braso. I sighed.

“We just planning to announce your engagement for this coming event that your mom going to be held.” He said. Facing us both then he smile on us.

They’re really planning to get us wed, huh? But, why I’m having a second thought about this? A hesitation? Anong bang nangyayari sa’kin?!

I snapped on my reverie when I heard Alisha knocking on my door. Shit! I immediately get up and walk towards the door to open it.

“Hi.” I said as soon as I open the door.

Her eyebrow crease, “Anong hi? Dapat alam mong kapag kumatok na ako sa kwarto mo ay dapat…” pinasadahan niya ako ng tingin, just above my abdomen. She clear her throat and look away. “Nag-aayos kana…” she looked at my eyes 'tsaka siya naglakad para umalis.

“Oh C’mon Alisha you don’t want to see my abs?” I tease.

Lumingon siya ngunit ang kanyang mga mata ay nakatingin lang sa akin. Nakakunot ang kanyang nuo. I gave her my sweetest smile at sabay muwestra ng katawan ko.

Ilang minuto ring siyang nakatingin sa’kin, ngunit pagkaraan ay unti unti rin bumaba ang mga mata niya sa katawan ko. I smirked. Pagkatapos nun’ ay namumula siyang nag-iwas ng tingin. Humalakhak ako.

“No one can’t resist my body, Alisha.” I said while still laughing.

Natigil ako sa pagtawa ng hinubad niya ang kanyang sapatos at akma nang ibabato sa akin, kaya bago niya pa magawang maibato ‘yun ay nagmamadali na akong pumasok sa kwarto ko at sinara iyon.

“Wala akong pakealam sa katawan mo! Magbihis kana, dahil kapag na late ako…lagot ka sa’kin!” Rinig kung sigaw niya sa labas ng pintuan ko.

“Really? Someday you’ll beg to see my body, Alisha.” I said back to her.

“At, Bilisan mo dahil lalamig na ang breakfast mo!” sabi niya bago ko narinig ang mga yabag niya na paalis doon. “Tche!” rinig kung pahabol niya pa.

Umiling ako at pumasok na sa banyo para makaligo, nagbihis na rin ako bago ako bumaba para makakain ng agahan. Habang pababa ako ay nakita ko siyang nagbabasa ng libro bago ko siya nilagpasan doon.

Nang makaupo sa lamesa ay agad kung nakita ang inihanda niyang agahan para sa’kin. May takip pa iyon, binuksan ko iyon ng makaupo na ako at agad na kumain. Alam ko na siya ang nagluluto ng mga inihahanda niyang pagkain sa’kin liban nalang pagnandito sila mommy. Dahil si manang Koring na ang nagluluto kapag nandito sila.

“Let’s go.” I said when I approached her in the living room after I ate.

Nag-angat siya ng tingin sa’kin at kumunot ang nuo niya. “Tapos ka nang kumain?” sabi niya pagkatapos ay sinara ang binabasa niyang libro at tumayo.

“Yeah. I know you’ll scold me if I don’t eat. So yeah…” I said while we started walking, going out at the house.

“Talaga! Hindi mo ba alam na ang agahan ang importanteng makakain ka, kahit hindi kana kumain ng tanghalian at hapunan, basta nakakain ka nang umagahan.” She said while we headed to the garage.

Yeah, I know that. Before Alisha going to our house minsan o… hindi na nga, eh, ako kumakain ng almusal. I just leave the house back then, but when Alisha came to our house and started her work to be my personal yaya, first thing she would say to me after she knocked on my door is “kumain ka na nang agahan mo.” Even her knocking on my door that I get used to it...is my every day alarm clock too.

I took a glance at her and secretly smile habang hindi siya nakatingin sa’kin. But, my smile faded away when I saw her texting on her phone while smiling. Humigpit ang hawak ko sa manubela.

“Who’s your texting at?” I asked her habang ang atensyon ko ay sa pagdra-drive.

“Wala. Kaibigan ko lang.” sabi niya at nilagay niya na ang phone niya sa bulsa ng blazer niya. “’tsaka nga pala, sa susunod kapag may lakad kayo ni Cheska na kayong dalawa lang wag mo na akong isasama.” Sabi niya.

“Why not?” I ask her back.

I always wanted to see you everytime, Alisha. Even me was confused, I even don’t know what’s really going on with me now? ‘yun ang nakakainis dito, eh.

Fine. I like her! Period.

“Baliw kaba? Kayo nga lang dalawa, eh. ‘tsaka mukhang ayaw akong makasama ni Cheska…” she whispered the last words she said.

I know and I feel that, my jaw clenched.

I parked my car when we reached the university parking lot. Bago ko pa mabuksan ang pintu ng sasakyan ko ay may iniabot sa’kin si Alisha. Tiningnan ko ‘yun at nakita ang usual lunch box na ginagamit niya sa akin. Tiningnan ko siya nakakunot ang nuo.

“Hindi na muna kami sasabay sa inyo.” She said referring to her friend, Ruby.

“What? Why?” I ask.

“Hindi kami makakasabay dahil may gagawin kami ng kagrupo ko na group work. Sa susunod nalang siguro.” She said before going out on my car.

I followed her but before I could walk besides her, she’s already walking faster  towards to were her groupmate is.



ALISHA

“Paghahatian na natin ‘to. Ah…?”

Pinamigay sa amin nang aming lider ang mga hand out na prinirint niya. Nandito kami ngayon nakaupo ng mga kagrupo ko kasama si Ruby sa benches, na natatabunan ng punong mangga kaya malilim sa pwesto namin.

“…para lahat ay may participation at para mabilis rin tayong matapos.” Sumimangot ang lider namin kaya bahagya akong natawa, umirap siya sa’kin ng makita niya ‘yun. “Limited lang ang time na binigay niya satin. Kainis!” dugtong niya pa.

“Next next week na kasi ang end of first semester, kaya gano’n.” sabi naman ng isa pa naming kagrupo.

Nilingon ko si Ruby na ang atensyon ay nasa hand out na, tahimik na binabasa ‘yun. Kinuha ko na rin ang akin at nagsimulang pag-aralan ito.

“Ali, Ruby, pwedeng bang tayo nalang ang gumawa sa presentation?” Nag-angat ako ng tingin sa lider namin ng magsalita siya makalipas ang ilang minuto.

Nagkatinginan kami ni Ruby, at sabay rin kaming tumingin sa lider namin.

“Nagtatanong lang naman ako kung pwede kayong dalawa? Alam ko naman na hectic na ang schedule natin dahil sa pinapagawang mga projects ng mga Prof natin…” Paliwanag niya.

“Pwede ako.” Nagkasabay pa kami ni Ruby pagkasabi nito. Nagkatinginan kami at ngumiti sa isa’t isa.

“Ayun! Nagsanib pwersa ang mga matatalino, paniguradong tayo na ang best team n’yan.” Sabi ni Leo.

Binatukan siya ng katabi niya bago muli bumalik sa kanyang pagbabasa.

“Kailan bukas sa meeting ulit na’tin ay may ipapakita na kayo sa gawa niyo, ah? O ‘di kaya send niyo nalang sa group chat na’tin, para kapag may itatama ay maitatama agad na’tin.” Sabi ng lider namin habang nag-aayos na kami ng gamit namin at umaamba ng aalis para sa susunod naming mga klase.

“Sige.” Sumang-ayon kaming lahat sa suhestion ng lider namin.

Naghiwalay-hiwalay na kami habang naglalakad kami ni Ruby ay makakasalubong  pa namin si Robin at ang mga kasama niya. Ngumiti ako sa kanya nang magtama ang paningin namin, kumaway naman siya sa’kin dahilan nang pagbaling ng atensyon ng mga kasama niya sa’min.

“Uy… sino ‘yan Robin?” tukso sa kanya.

Natatawa siyang umiling bago niya iniwan ang mga kaibigan niya at nilapitan kami. “Hi…” Bati niya.

“Hello.” Nag high-five kami.

Bumaling ako kay Ruby na naguguluhang nakatingin kay Robin bago sa’kin. Ngumiti ako sa kanya at pinakilala ang kaibigan ko na kababata ko rin.

“Ah… Ruby. Ito nga pala si Robin kaibigan ko. Robin si Ruby kaklase ko at kaibigan ko rin.”

Binigay ni Robin ang palakaibigan niyang ngiti kay Ruby at kumaway. Nahihiya naman si Ruby na ngumiti sa kanya.

“Papunta na ba kayo sa sunod na klase nyo?” tanong ni Robin kapagkuwan.

“Ako oo si Ruby walang na siyang klase ang sabi niya ay may dadaanan daw siya sa library kay magkasama kami.” Ako ang sumagot, tumango naman si Robin at ngumiti kay Ruby.

Doon din kasi ang daan papunta sa sunod kung klase, mauuna lang ang building ng library bago ang sa building namin. Kaya ng mapadaan kami sa library ay nagpaalam na sa amin si Ruby at ngayon ay kaming dalawa nalang ang magkasabay na naglalakad, ay may iilang mga estudyante ang napapatingin sa amin.

“Ikaw wala ka bang klase, baka meron at hindi mo naman napuntahan, ah?” nanliit ang mata ko sa kanya.

Tumawa siya. “Meron…” tinakpan niya ng kamay niya ang bibig ko nang akmang magrereak ako. “Pero wala ang prof namin, kaya papunta kami ngayon ng mga kasama ko sa library para sa isang group work.” Tinanggal niya rin ang kamay niya sa’kin pagkatapos niyang magsalita.

“Hoy, Robin! Sino ‘yan? Girlfriend mo?” Tanong nang nadaanan naming grupo na tingin ko’y kaklase niya.

“Ulol! Pari ko’y ko ‘to!” inakbayan niya ako at nginitian ang mga kaklase niya.

“Asuuus!” hindi naniniwala ang mga kaklase niya sa sinabi niya.

“Talaga? Edi sasagutin muna ako n’yan?” sabi ng isa sa babae doon.

Natawa lang doon si Robin at kinawayan lang ang mga kaklase niya bago namin sila nilagpasan doon.

Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa’kin. “Tumigil ka nga.” Pabiro ko siyang kinurot sa kanyang tagiliran. “Napagkakamalan na nga tayo doon sa lugar na’tin hanggang dito ba naman.” Umirap ako sa kanya.

Tumawa lang siya at ininda ang pagkurot ko sa kanya.

“Sige na…pumunta ka na sa mga kasama mo, may gagawin pa pala kayo, eh.” Taboy ko sa kanya ng nasa harap na kami ng silid ko.

Tumango siya at tumingin sa loob ng classroom. Tumingin siya sa akin at bago siya umalis ay ginulo niya muna ang buhok. Kainis!

“Hoy, Alisha sino ‘yung naghatid sayo?” tanong ng kaklase kung babae ng makaupo ako sa upuan ko sa bandang likod.

“Wala. kaibigan ko.” Maikling sagot ko.

“Hmm.” Tumango tango siya, kita sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Hinayaan ko siya sa gusto niyang isipan at nakinig nalang sa prof nang dumating ito at nagdiscuss sa klase.

Pagkatapos nang klase nagulat ako ng paglabas ko ay nakita ko roon si Robin na nakasandal sa baradilya, naghihintay sa’kin. Nang makita niya akong lumabas ay ngumiti siya sa’kin at umayos siya sa pagkakatayo.

“Kaibigan ba talaga?” tanong na naman ni Lea sa’kin siya ‘yun nagtanong sa’kin kanina bago magsimula ang klase.

Tumawa siya ng makita ang pagkunot ng nuo ko sa kanya bago niya hinila ang mga kaibigan niya paalis doon. Tumingin ulit ako kay Robin na nasa harapan ko na ngayon at tiningnan rin ang kaklase ko na papalayo na sa’min.

“Anong sinabi niya? Binubully kaba nuon?” may pag-aalala niyang tanong.

“Hindi ah. Tara.” Yaya ko sa kanya para makaalis na roon.

“Oh nagdala talaga ako ng isa pa para sa’yo.” Sabi niya ng makarating kami sa parking lot, sa tabi ng kanyang motor. Ang tinutukoy niya ay ang helmet na dala niya para sa akin.

Ngumiti siya sa’kin at ibinigay niya ang helmet sa’kin, ngunit kinuha niya rin ulit at siya na ang naglagay sa ulo ko at inayos ang pagkakalagay doon. Pagkatapos ay siya naman ang naglagay ng sarili niyang helmet sa ulo niya.

Sabi niya ay ihahatid niya ako sa bahay ng pinagtatrabauhan ko, nun’ una ay ayaw ko pero kilala ko na ang isang ‘to at hindi niya ako titigilan, ginamit niya pa nga sa’kin si mama para lang hayaan ko siyang maihatid ako. Kaya sa huli ay pumayag na ako.

Sumakay na ako sa kanyang motor ang dalawa kung kamay ay nakapatong sa magkabila niyang balikat.

“Robin!” sigaw ko sa kanya ng bigla niyang paandarin ang motor niya, kaya sa gulat ko ay napayakap ako sa kanya.

Tumawa siya, “Kumapit ka, baka mahulog ka... sa'kin."

“Kainis ka.” Inis kung sabi sa kanya.

Habang nasa daan kami ay tinuturo ko sa kanya ang daanan papunta sa subdivision kung saan nakatira sila Zach. “Liko mo sa kanan tapos direstohin mo lang, tapos unang liko doon na…” tahimik niya lang na sinusunod ang sinasabi ko. “Dito na lang…” sabi ko nang nasa harap na kami ng subdivision na tinutukoy ko.

Tinigil niya naman ang motor, tumingin siya sa harap ng subdivision. “Dito ka nagtatrabaho?” tanong niya.

Bumaba muna ako sa kanyang motor at tinanggal ang helmet bago tumango sa kanya. “Oo.”

“Grabe ang yaman pala ng amo mo, dito palang sa labas kita ko na ang naglalakihang mga bahay, eh.”

Binigay ko sa kanya ang helmet. “Salmat.” Inayos ko ang medyo nagulo kung buhok.

“Sigurado ka dito nalang, mukha malayo pa ang lalakarin mo, eh? Sa bungad lang ba ang bahay ng amo mo?” tanong siya at tumingin sa daanan sa loob ng subdivision.

“Oo, Sige salamat.”

“Sige na. Mauna kana antayin kitang makaalis bago ako.” Sabi niya, nakangiti sa’kin.

Umiling ako at sinunod ang sinabi niya, nang nakapasok na ako sa subdivision at nilingon ko siya at kumaway, sinenyasan niya naman akong maglakad na habang binubuhay niya muli ang motor niya.

“Kararating mo lang?” nagulat ako ng magsalita si Zach sa likod ko habang binubuksan ko ang main door nila.

Agad akong napalingon sa kanya, nasa likod niya sila Hans, Jake, Claire at Cheska. Binalik ko sa kanya ang tingin ko at dahan dahang tumango. Binuksan ko ang pintuan at pinauna silang pumasok. Nang mapadaan sa akin si Cheska ay pinagtaasan niya ako ng kanyang kilay sabay pinasadahan ng tingin, si Claire ay umiling lang sa’kin.

“Zach magpalit ka muna ng damit mo.” Mahinang sabi ko kay Zach, ngunit, mukha yatang malakas ang pandinig nitong si Jake dahil narinig niya ang sinabi ko.

“Wow naman, alagang-alaga ah.” Tumawa si Jake.

Uminit ang pisngi ko, inilingan ko siya saktong pag-iling ko ay nahagip ng mata ko ang sabay na pag-ismid ni Cheska at pag-irap ni Claire sa akin. Binalik ko ang tingin kay Zach at kita ko ang pagtago niya ng ngiti gamit ang pagkagat niya ng ibabang labi niya. Kinamot ko nang bahagya ang sentido ko at iniwan sila roon.

“Nandito ang mga kaibigan ni Sir Zach?” tanong ni Kary sa’kin ng makapasok ako sa kusina, at siya naman ay pinaghahanda ni manang Koring ng meryenda para sa mga kaibigan ni Zach.

Tumango lang ako sa kanya at dumeristyo na sa silid ko para makapagpalit. Nang makabalik ako sa kusina ay sakto na kababalik  lang rin ni Kary at ate Risa galing sa living room.

“Gosh! Kinikilig ako nakita ko crush ko. Oops…” nag peace sign sa’kin si Kary ng makita niya ako doon.

Tumawa si ate Risa sa kanya, umiling lamang ako.

Bumalik ako sa silid ko at ginawa ko na muna ang group work namin, ilang oras rin yata ako doon bago ko pinasa ang ginawa ko sa group chat namin. Ginawa ko na rin ang ilang minor subject na may assignment ako, kaya ng lumabas ako sa silid ko ay madilim na.

Akala ko ay umuwi na sila Hans, kaya nagulat ako nang makita ko sila sa dining table na naghahain ng sarili nilang pagkain. Lumapit ako sa counter para magsalin ng tubig at uminom, nang maibaba ko ang baso ay bumuntong hininga muna ako bago ako lumapit sa lamesa para ipaghain si Zach ng pagkain niya.

Nilagay ko ang nakatakas na buhok ko sa likod ng tenga ko, nang nasa tabi na ako ni Zach bago ko kinuha ang lagayan ng kanin at nilagay iyon sa plato niya, pagkatapos ay kumuha ako ng dalawang putahe ng ulam at nilagay ako rin iyon sa plato niya.

Hindi ako makatingin sa kanila dahil alam kung nasa akin lahat ang paningin nila, ramdam ko ‘yun. Kaya para mabilis akong makaalis doon ay pinagtuunan ko nalang ang ginagawa ko.

Binigay ko kay Zach ang plato niya ng matapos ako sa paglalagay ng pagkain sa pinggan niya. “Kumain ka na.” sabi ko pagkatapos ay nagsalin ako ng juice at tubig at nilapag ko iyon sa may gilid niya.

“’Yan ba ang lagi mong ginawa?” nakataas ang kilay na tanong ni Claire sa’kin.

“Yah! Naunahan mo ako doon, ah.” Si Jake na tinuro pa si Claire inirapan lang siya nito at binalik sa’kin ang tingin.

“Oo.” Maikli kung sagot.

Tumango siya at tumingin kay Cheska na tahimik lang sa pagkain.

“Sumabay kana sa amin.” Sabi ni Zach na nag-angat ng tingin sa'kin pagkatapos uminom ng juice.

“Hindi na…kayla Kary na ako sasabay mamaya.” Sabi ko bago ko sila iniwan roon ngunit bago pa ako makalayo sa kanila ay narinig ko pa ang sinabi ni Jake kay Zach.

“Pa baby…” rinig kung sabi ni Jake bago siya tumawa na sinundan rin ni Hans.



— EIBHLINE —


Continue Reading

You'll Also Like

485K 13K 30
Story Cover by: IskaChuche Completed "Going somewhere, Ms. Issay Segundo?" Napaatras ako sa pagkabigla ng nasa harap ko ang lalaking kanina ko pa tin...
92K 1.7K 41
[FIRST BOOK OF THE MAFIA SERIES] ******* "Ivan." "Queen. I need to tell you someth-" "Its fun playing with you Ivan." "Ivan. I need to end this game...
869K 22.6K 35
I'm Calixa Lorraine Avenue. Ang hanggarin kulang sa buhay is to finish my study Para makakuha ng magandang trabaho. Pero dahil isa akong tanga! sound...