My Personal Yaya

By Eibhline

10.5K 953 65

May isang babaeng nag ngangalang Alisha Vargas, o mas kilala bilang Ali. Isang simpleng babae na ang hangad l... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 30

150 13 0
By Eibhline

Chapter 30

“Robin?”

Gulat kung gagad ng makita si Robin sa usual spots kung saan kami lagi nakaupo ni Ruby sa library.

“…Sabi na nga ba, eh? Ikaw ‘yung nakita ko ng nakaawang araw.” Natutuwa kong sabi. “Bago tayo magkabanggaan kahapon…”

Nag-angat siya ng tingin, natawa pa sa huling sinabi ko. “Ali.” Ngumiti siya at tumayo para kunin ang hawak kung libro at ilapag ito sa lamesa. “Naisip kung magpunta dito sa library, dahil alam kung mahilig kang magbasa. Nagbabasakaling makita ka dito.” Sabi niya ng makaupo kami pareho.

Tumawa ako, “Kilala mo talaga ako, ah?”

“Syempre! Tsaka, hindi ko alam kung saan ka hahanapin eh? Bigla ka nalang nagmamadaling tumakbo, eh. Ito lang ang naisip kung lugar na maaari kitang makita.” Sabi niya.

“Sorry… late na kasi ako sa next subject ko nun’. Sorry talaga…” hingi ko ng paumanhin.

Saktong pagkatapos kasi naming banggitin ang pangalan ng isa’t isa, ay siyang tunog naman ng bell hugyat ng panibagong pagsisimula ulit ng klase. Nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin, sa huli ay nagmamadali akong tumakbo para makapasok na sa next ko.

Pagpasok ko nga sa klase kahapon ay agad akong na-guilty sa ginawa kung pag-iwan sa kanya doon. Walang pumapasok sa utak ko, kundi kung paano ko ulit siya makikita sa laki ng university na ‘to, sigurado akong hindi matatapos ang isang araw kung hahapin ko lang siya.

Hindi ko pa naman natanong sa kanya ang course niya o ‘di kaya ang building nila, sa sobrang pagmamadali ko.

Bago ako makatulog kagabi iniisip ko kung kailan ko ulit siya makikita. Na-eexcite ako sa kaalamang makikita ko siya, dahil sa na miss ko talaga siya sa tagal rin naming hindi nagkita. At sa natutuwa ako na may kakilala na ako na taga roon sa pinanggalingan kung lugar.

“Ano ka ba. Wala ‘yun?” ngumiti siya. Sinarado niya ang notes niya at ang librong binabasa niya nang madatnan ko siya kanina. Pagkatapos, ay binigay niya ang buong atensyon niya sa akin.

Umiling ako, natatawa.

“Kumusta ka na? Ang tagal rin na’ting hindi nagkita, ah?” tanong niya.

“Okay lang naman. Ikaw?” tanong ko pabalik.

“Okay lang din.” Tumikhim siya at umayos ng upo. “Nagtataka lang ako kung paano ka napunta dito sa Manila? Alam mo bang halos hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip sa’yo kagabi. Kasi wala ka namang ditong kakilala, unless…” tumigil siya sa pagsasalita at tumitig sa’kin, nagtatanong ang kanyang mga mata.

Tumango ako sa kanya. Alam ko kung ano ang nasa isip niya kung bakit ako nandito. “Oo. Nagtatrabaho ako dito.” Kumpirma ko sa kanya. “Kilala mo si Aling Nena, diba? ‘yun nag-rerecruite ng mga gustong mag maynila sa atin doon? Siya rin ang nag-recruite sa akin dito.”

Bumuntong hininga siya.

“Kumusta naman ang amo mo? Hindi ka ba nila minamaltrato at inaalila doon? Mabait pa sila…?” tanong niyang may pag-aalala.

Pinitik ko ang kanyang noo, ngumiwi siya. “Ano ka ba? Grabe ka naman! Okay lang ako?” dinipa ko ang magkabilang kamay ko, pinapakita sa kanya na okay lang talaga ako. “Kita mo nga? Pinag-aral pa ako ng amo ko. Mabait sila wag kang mag-alala.” Ngumiti ako sa kanya.

Liban nalang doon sa isa.

Tumango siya, “Mabuti naman kung gano’n.”

“Ikaw ba? Doon ka pa rin ba sa uncle mo nagtatrabaho?” tanong ko naman sa kanya.

“Oo.” Maikli niyang sagot. Tumikhim siya. “Ano bang trabaho mo doon?” Binalik niya sa’kin ulit ang usapan.

Umayos ako ng upo at tumikhim. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya patungkol sa kay Zach na alaga ko. Personal Yaya pa! “Ah personal Yaya ako ng bata.” Sa huli ‘yun nalang ang nasabi ko.

Isip-bata kung minsan, hindi ko nga mawari ang ugali ng isang ‘yun paiba-iba. Nakakasanayan ko nalang rin, kaya minsan ay wala na itong talab sa’kin. Napailing ako sa sarili ko.

“Personala yaya ng bata?” tanong niya ulit, tumango ako sa kanya. “Hindi ka naman ba pinapahirapan o nahihirapan sa pag-aalaga sa bata? Makulit ba? Pasaway gano’n?” Tanong niya.

Gusto kung matawa sa tinatanong niy sa’kin. Sa huli ay hindi ko napigilan, kaya marahan akong natawa. “Hindi. Hind niya ako pinahihirapan, siguro nun’ una. Suplado kasi ang isang ‘yun, eh. Makulit? Oo. Pasaway? Hindi naman masyado.” Sabi ko. “Wag kang mag-alala kaya ko ‘yung batang ‘yun.” Pahabol ko pa.

Natawa siya sa akin. Pati ako ay natatawa sa mga pinagsasabi ko.

Nang tumingin ulit ako sa kanya ay nakangisi na siya sa’kin. “Ikaw, Ali? Wala ka bang naging kaibigan dito? I’m sure, marami ka n’yan. Ikaw pa hindi ka naman mahirap kaibiganin, eh.” Mas lalo siyang ngumisi. “O baka may mga nanliligaw na sa’yo dito, ah?” Nanliit ang mata niya.

Natawa ako sa sinabi niya. “Meron…”

Agad na nanlaki ang mata niya. “Meron!” tumaas ang tono ng boses niya.

“Shh…” saway ng mga estudyante na malapit sa lamesa namin. Humingi agad kami ng sorry.

“Meron. Ang ibig kung sabihin ay meron akong kaibigan dito, wala lang siya dahil nasa klase niya pa siya.” Natatawang sabi ko.

“Walang lumalapit sa’yo ditong mga lalaki. Alam mo na… para magpahiwatig sa’yo…” tanong niya hindi naniniwala.

Natatawa akong umiling. “Wala nga.”

“Imposible ‘yan! Doon nga sa lugar na’tin ay maraming lumalapit sa’yo, eh? Dito pa kaya?” hindi parin siya naniniwala.

Meron iilan na nanghihingi ng numero ko pero hindi ko sila pinagbibigyan. Meron din nagpapahiwatig pero hindi ko nalang sila pinapansin at kukunwari na hindi ko alam ang pahiwatig nila. Dahil hindi ko naman ‘yun priority, pumasok ako dito para mag-aral hindi sa ano mang bagay.

“Alam mo naman na hindi yun ang priority ko diba? Pasalamat nalang ako sa amo ko at pinag-aral pa nila ako.” Ngumiti ako.

“Oo nga pala, dahil ang priority mo ay laging si Lola Teri. Naalala ko na wala kang sinagot nuon kahit isa sa mga nanliligaw sa’yo.” Ngumiti ng unti si Robin.

Nagpatuloy ang usapan namin tungkol sa kung ano na kaya ang nangyayari sa lugar namin doon. Lumipat pa kami ng pwesto dahil medyo napapalakas na ang boses namin kung minsan. At mukhang inis na rin sa’min ang isang grupo ng kababaihan doon. 

Tinawagan pa namin si Max at natatawa  nalang kami sa kadramahan Max. Na kesyo daw na ang daya namin, hindi daw namin siya isinama dito. Napailing nalang kami.

Nag-aaral naman siya doon, sa katunayan nga class valedictorian namin siya noon sa high school. Hindi lang talaga halata dahil makikita mo siyang happy go lucky lang, pachill chill sa pag-aaral.

Kahit itong si Robin ay nasa may mga honors din eh, kasama ako.

Hindi namin namalayan ang oras napansin nalang namin na may paunti unting estudyante na naglalabas na sa mga building na tanaw namin dito mula sa bench na kinauupuan namin.

“Hala!” nasabi ko nalang at agad na tumingin kay Robin. “Wala ka na bang klase?” tanong ko sa kanya.

Ako kasi ay wala na, actually ay pwede na nga akong umuwi kanina, pero pinili kung magpunta sa library para doon ko gawin ang assignment ko sa minor subject ko, ngunit ang plano kung ‘yun ay nawala nang parang bula ng makita ko si Robin doon.

“Meron. Isa.” Tumawa siya.

“Baliw ka! Bakit hindi ka nagsabi!” hinampas ko ang braso niya.

Nagkamot siya sa ulo niya at ngumiti ng pilit sa’kin. “Hindi ko na rin kasi naalala. Napasarap yata ang usapan na’tin. Ikaw ba? Wala ka nang klase?” tanong niya rin.

“Wala na. Pero gagawa sana ako ng assignment ko sa minor subject ko doon sa library pero nakita naman kita.” Ngumiwi ako.

“Kita mo ‘yan!” pinitik niya ang nuo ko. “…Ikaw rin pala.”

“Aray ko.” Reklamo ko. Ngumuso ako sa kanya.

“Eh ano? Uuwi ka na n’yan?” sabi niya matapos kaming balutin ng ilang segundong katahimikan.

“Oo.”

Tumayo siya bigla. Iniangat ko ang tingin sa kanya. “Tara hatid na kita.” Nilahad niya ang kamay sa’kin.

Inabot ko ‘yun at tumayo na rin. “Wag na.” sabi ko habang naglalakad na kami papuntang gate.

Dumeristyo kami sa parking lot doon sa parkingan ng mga motor. Nagulat ako ng ang isang nakaparada doong motor ay nilapitan niya. Sa kanya? Kulay puti iyun. Inayos niya iyun, kinuha niya rin ang helmet at pinatong ‘yun sa upuan ng motor habang ang braso niya naman ay pinagpahinga niya sa ibabaw nun’.

“Tara…” ngumiti siya sa’kin. “Ikaw na lang ang gumamit ng helmet.” Sabi niya.

Natawa ako. “Hindi na. Ikaw na ang magsuot.”

Umiling siya at akmang isusuot niya na ang kanyang helmet nang pareho naming narinig ang pag ring ng cellphone namin, para sa isang text. Sabay kaming tumingin sa isat isa at sabay rin naming kinuha ang cellphone at binasa ‘yon.

Zach:
Sabay na tayo. Papunta na kami sa parking lot.

Nang mabasa ko iyun ay mabilis kung nilingon ang gate at nakita ko nga sila Zach doon. Tumingin ako muli kay Robin na naabutan kung nagkakamot sa kanyang ulo. Tumingin rin siya sa akin.

“Bakit may problema ba?” tanong ko.

Umiling siya. “Wala naman. Nagpapatulong lang si uncle.”

“O ‘di mauna kana. Okay lang ako dito tsaka nag-text yun kaibigan ko na sabay na kami. Parating na siya.” Ngumiti ako sa kanya.

“Sigurado ka?” paninigurado niya pa.

“Oo.”

Bumuntong hininga siya at nagkamot ng kilay. “Sigurado ka, ah? Sa susunod dadalhin kita doon sa restu ni uncle. Sensiya na ngayon.” Nagmalungkot face pa siya.

Tinulak ko ng marahan ang mukha niya. “Baliw hindi bagay sa’yo.” Natatawang saad ko.

“Bago ko makalimutan, let’s exchange numbers first.” Binigay niya sa’kin ang phone niya gano’n din ang ginawa ko at ti-nype ko roon at number ko. “Sige. Una na muna ako. Sensiya na sa susunod nalang.” Ginulo niya ang buhok ko.

“Sige. Bye, ingat.” Tumabi ako para makadaan siya pagkatapos ay kumaway sa kanya.

Tumalikod na ako at pinuntahan kung saan nag aabang sila Zach. Medyo nakayuko ako habang inaayos ko ang buhok kung ginulo ni Robin nang papalapit na ako sa kanila. Nang mag-angat ako ng tingin ay nabungaran ko agad si Zach na nakahalukipkip at kunot nuong nakatingin sa akin.

“Saan ka ba galing? Tinatong ko yun kaibigan mo kung nasaan ka, ang sabi niya ay kanina pa daw tapos ang klase mo.” Mariing tanong ni Zach at tumingin sa likod ko kung saan ako nanggaling.

Bago pa ako makasagot ay may dumaang motor sa harapan namin, alam kung kay Robin ‘yun. Parang nag slow motion pa nang lumingon si Robin sa akin at nagtama ang aming paningin. Nawala lang ang tingin ko sa kay Robin ng naramdaman kung hinawakan ni Zach ang braso ko at marahan akong hinila palapit sa kanya.

“Tumabi ka nga, balak mo pa yatang magpasagasa.” Suplado niyang saad sa’kin.

Natawa si Jake. “Grabe ka naman, dude.”

Nakahalukipkip si Cheska nang malingunan ko, si Claire ay wala doon pati na rin si Hans. Tumingin ako kay Zach at pinagtaasan niya ako ng kilay. Nag-iwas ako ng tingin.

“Your crush isn’t here, nauna na siyang umalis.” Halos mpatalon ako sa gulat ng bumulong si Zach sa’kin.

Nilingon ko siya at gano’n nalang kalapit ang aming mukha sa isa’t isa. Nanlaki ang mata ko at napakurap-kurap ako, umatras ako palayo sa kanya at nag-iwas ng tingin. Sakto naman ng tumingin ako kay Cheska ay mariing nakatingin rin siya sa amin habang hawak niya ang kanyang cellphone at nakalagay ito sa kanyang tenga.

“Yes Dad.” Binaba niya na agad ang tawag. Tumingin siya kay Zach at lumapit. “Zachary, can you drive me home, pinapauwi na kasi ako ni Daddy, eh. Also, he said he wants to talk to you.” Marahang hinaplos ni Cheska ang braso ni Zach.

Nag-iwas ako ng tingin.

Nagulat ako ng tinapik ni Jake ang balikat ko, nilingon ko siya at nangunot ang nuo ko ng nakita kung may kaakbay siyang babae. Tumingin ako kay Jake at nakita kung nakatitig siya sa’kin. Umiling siya pagkaraan at muling tumingin sa’kin.

“Paki sabi una na ako, ah.” Tumingin siya sa babaeng nasa tabi niya at nilingon niya rin sila Zach, na nakatingin sa amin tsaka siya ngumiti sa’kin. “Tagal, eh…” muli niya pang akong tinapik sa balikat bago sila naglakad paalis ng kasama niya.

“Let’s go.” Sabi ni Zach nang ibalik ko sa kanila ang paningin ko.

“What? Isasama mo pa siya?” iritang tanong ni Cheska.

“I just send her home first, before we go straight to your house.” Sagot ni Zach.

Sumabat na ako sa kanila. “Ah, Zach pwede naman akong mag-abang nalang doon sa sakayan.”

“Yes, please.” Umirap si Cheska.

“Cheska!” iritado na si Zach.

“What?! She already said mag-aabang nalang daw siya sa sakayan. Didn’t you heard her?” humalukipkip si Cheska at pinagtaasan ako ng kilay.

Napahilot ako sa sintido ko, sumsakit ang ulo ko sa dalawang ‘to. “Zach. Mauuna na ako, ingat kayo.” Ngumiti ako sa kanila.

“Go…”

“Alisha.”

Hindi ko na nilingon si Zach at nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa waiting shed kung saan ang sakayan ng jeep. Ilang minuto lang rin naman ang lakad kaya mabilis lang akong nakarating. Nakita ko pa nga ang kotse doon ni Zach na nakahinto, ngunit nang nakarating na ako sa waiting shed ay agad na rin itong umalis.

Nang makarating ako sa bahay nila Zach, ay naramdaman ko ang pag beep ng phone ko habang ako’y naglalakad papasok ng kusina. Kinuha ko iyun sa aking bulsa at habang ako’y naglalakad ay tinitingnan ko kung sino ang nag-text.

Robin:
Nakauwi kana ba?

Napangiti at napailing ako bago ako nagtipa ng reply sa kanya.

Ako:
Oo. Kararating ko lang.

Pagkatapos kung maisend ay magtitipa pa ako sana ng ‘kung siya rin ba?’ ngunit hindi ko na ito natuloy, nang akmang magtitipa na sana kasi ako, ay inakbayan ako ni Kary sabay silip sa aking cellphone.

Nabigla ako sa biglaang ginawa niya. “Kary…!” napahawak ako sa dibdib ko.

Ano bang problem na mga taong ‘to, at lagi akong ginugulat?!

“Sino yang katext mo, huh...?” sabay silip pa sa screen ng phone ko, kaya para hindi niya na makita ay ibinulsa ko na ito.

“Wala!” pumunta ako kay Manang Koring at nagmano.

“Kaawaan ka ng Diyos, hija.” Sabi ni Manang Koring.

“Asuuus. Si Alisha. Hindi ako naniniwala sa’yo, girl.”

Nilapag ko sa counter ang libro kung dala at nagsalin ng tubig sa pitsel. Habang ginagawa ko ‘yun ay sinundot naman ni Kary ang aking tagiliran kaya napaiwas ako sa kanya, may natapon pang tubig sa lamesa. Ininom kung lahat ang tubig na sinalin ko sa baso bago ko nilapag ang baso sa lamesa.

“Nakita kitang nakangiti habang papasok ka dito at nagtitipa sa cellphone mo.” Hindi pa rin tapos si Kary sa akin. “Diba, ate Risa? Nakita na’tin ‘yun.” Nagngising aso si Kary.

Pasimple kung kinuha ang mga libro at mabilis akong naglakad papunta sa silid ko.

“Hoy, Ali! Wag kang umiiwas! Napaghahalataan ka, eh!” sigaw ni Kary.

Narinig ko ang tawa nilang dalawa ni ate Risa.

“Magbibihis lang muna ako!” sigaw ko pabalik sa kanila bago ko binuksan ang pintu ng silid ko at pumasok doon. Pero bago pa man ako makapasok sa silid ko ay narinig ko muna ang sigaw ni Kary.

“Sige. Sabi mo eh…!”

Continue Reading

You'll Also Like

63.6K 1.8K 53
Sypnosis Winter Villa Fuentes is her name. She had everything in her life back then. But one incident change her whole life, include herself. In tha...
485K 13K 30
Story Cover by: IskaChuche Completed "Going somewhere, Ms. Issay Segundo?" Napaatras ako sa pagkabigla ng nasa harap ko ang lalaking kanina ko pa tin...
481K 14.1K 109
Paano kung may biglang dumating na blessing sayo? Isang batang di mo naman ka-ano ano? You will a take risk to save his life? You will take the respo...