My Personal Yaya

By Eibhline

10.4K 953 65

May isang babaeng nag ngangalang Alisha Vargas, o mas kilala bilang Ali. Isang simpleng babae na ang hangad l... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 29

144 11 0
By Eibhline

Chapter 29

“Hoy, Zach! Bilisan mo naman!”

Magkasalubong na ang kilay ko habang nakatayo dito sa tabi ng kanyang sasakyan at  tinitingnan siya na naglalakad palapit sa’kin, ngunit parang trip niya yata na inisin pa lalo ako dahil parang nang-aasar pa siya at binabagalan pa tagala niya ang paglalakad niya.

Tinatap ko na ang paa ko sa lupa habang hinihintay siya, nang hindi na ako makatiis, ay lumapit na ako sa kanya at hinila siya sa braso at dinala siya sa tabi ng pintu ng driver seat niya, na ikinatawa niya.

“Okay, okay.” Sabi niya ng pinatunog ang alarm ng kotse niya.

Umikot na ako sa front seat at agad na pumasok at mabilis ko ring sinuot ang seatbelt ko. Nilingon ko siya na nangingiti habang binubuhay ang makina ng sasakyan.

“Wala na bang ibibilis ‘yan?” Tanong ko sa kanya na kinakabahan.

“What? Gusto mo bang mahuli tayo ng traffic enforcers d’yan?” Kalmado n’yan sabi.

Lalo akong nainis sa kanya, dahil siya ay kalmado lang habang ako dito ay halos pagpawisan na ang kamay, dahil sa kabang nararamdaman.

“Hey Alisha. Relax. Calm down, don’t think about it. Sabi nila kung iisipin mo daw na malalate ka na, malalate ka talaga. Okay? We still have fitteen minutes to go.”

“Ikaw kasi mukha sanay na malate, eh, ako? Hindi. Pano na ‘yan…? Terror pa naman ang first subject namin ngayon.” Piling ko ay maiiyak na ako.

“Bilisan mo…”

Tumawa siya kaya hinampas ko ang braso niya.

Minsan pa naman dumating na ‘yung Prof na ‘yun ilang minuto bago pa ang oras niya talaga. Kaya ng makarating kami sa school at hindi pa man naisasaayos ni Zach ang pag-park ay lumabas na ako sa kanyang sasakyan.

“Hey!” narinig kung sigaw ni Zach sa loob ng sasakyan niya.

“Bye!” sigaw ko sa kanya habang tumatakbo na ako para lang makarating agad sa classroom namin.

Sa kalagitnaan ng pagtakbo ko ay makakasalobong ko pa si Cheska at Claire. Ang balak ko ay lagpasan sila at hindi pansin ngunit ako ang napansin ni Cheska, kaya kinailangan kong tumigil sa paglakd-takbo at harapin sila.

“Where’s Zachary?” tanong niya nakataas ang kilay. “Magkasabay ba kayong dumating?”

“Lagi silang magkasabay na dumadating dito. Sumasabay siya kay Zach.” Si Claire.

Ano ba ‘yan malalate na ako eh!

“Oo.” Sabi ko at nag-umpisa na naman sa paglakd-takbo. “Sorry! Malalate na kasi ako!” sigaw ko sa kanila nang narinig kung tinawag  ni Cheska ang pangalan ko, may itatanong pa yata?

Panigurado naman akong makikita nila d’yan si Zach dahil doon rin ang daan n’yon, liliko lang siya para sa daan ng kanilang building.

Nang makarating ako sa third floor ay napahawak nalang ako railing ng hagdan, naghahabol ng hininga. Nang relax na ang paghinga ko ay tsaka ulit ako naglakad papunta naman sa classroom. Halos manlaki ang mata ko ng habang naglalakad ako ay nakita ko rin na naglalakad sa kabilang dulo ng hallway ang terror Prof namin. Nagmadali ako sa paglalakad dahil kung hindi, ay mauunahan niya akong makapasok sa classroom, buti nalang ay may kumausap pa sa kanyang Prof rin. Thank God!

“Tumakbo ka rin noh?” tanong ng natatawa kung seatmate na lalaki, na hinihingal din at mukhang nauna lang sa’kin makarating dito ng ilang segundo.

Tumango ako sa kanya bago ko pagod na bininagsak ang katawan ko paupo sa upuan ko. Maya-maya lang ay dumating na ang Prof namin at ang unang lumabas sa bibig niya ay, “Get one whole sheet of paper”. Usually, kasi ay magpapa-quiz siya muna bago niya ito i-discuss sa amin.

“I will collect your research paper until one in the afternoon only, no more extension.” Sabi ng huling Prof namin sa pang-umagang klase bago siya lumabas sa classroom.

“Yes!” sigaw ng mga kaklase ko.

Inayos ko na ang mga gamit ko at inilabas ang hard copy ng gawa naming research paper ni Ruby. Dahil wala si Ruby ngayon, at nakapagsabi naman na siya sa’kin nun’ linggo ng magkita kami na hindi siya makakapasok, kaya binigay niya na sa’kin ‘to, at sinabing ako nalang ang magbigay kay prof.

Lumabas ako ng classroom at hinabol si ma’am, naabutan ko siya sa may first floor may kausap siyang dalawang estudyanteng babae. Tingin ko ay magpapasa rin sila, dahil sa nakita kung hawak ng isang babae na mga papel.

Inantay kung umalis ang dalawang babae bago ako lumapit kay ma’am. “Excuse me, ma’am.” Panimula ko.

“Alisha.” Nakangiting banggit niya sa pangalan ko.

Ngumiti ako sa kanya. “Ito na po ang by partner na gawa namin ni Ruby.” Pinakita ko sa kanya ang papel na hawak ko. Kinuha niya ‘yun at iniscan ang bawat page.

Tumango-tango siya. “As expected from you two.” Ngumiti siya sa’kin. “Sa faculty ko na ‘to tatapusing basahin. You can now have your lunch.” Sabi niya bago siya umalis.

“Thank you po, ma’am.”

Lumabas ako sa building namin at naglakad papuntang cafeteria, hindi pa man ako nakakalayo ay nakita ko na ang grupo nila Zach papunta ring cafeteria.

Nakita ko roon si Cheska naka-uniform rin katulad namin. Kumunot ang nuo ko. Wait…pumapasok na rin siya rito? Kailan pa siya nakapag-enroll? Nun’nakaraang linggo lang siya dumating, diba?

Nakasunod ako sa likod nila, ngunit may isang grupo ng mga babae ang nakapagitan sa amin. Papasok kami sa entrance ng cafeteria, nang mapalingon sa gawi ko si Zach at nagtama ang mga mata namin. Kumunot ang nuo niya ng makitang wala akong kasama at mag-isa lang. Ngumiti ako sa kanya.

Huminto siya sa paglalakad at hinantay akong makalapit sa kanya. Hindi ‘yun napansin ng mga kasama niya na masayang nagtatawanan, at nauuna na ngayon sa paglalakad.

“Ikaw lang mag-isa, nasan ‘yun palagi mong kasamang babae?” tanong niya ng makalapit ako sa kanya at sinabayan rin ako sa paglalakad.

“Wala. Masama ang pakiramdam niya, kaya hindi siya nakapasok.” Sabi ko. ‘yun kasi ang sabi ni Ruby ng tanungin ko siya kung bakit hindi siya makakapasok. Tsaka, ‘yun rin ang napansin ko ng linggo sa kanya, na kahit mainit ay naka-jacket siya.

“Gago… para kayong mga high school n’yan.” Napatigil ako sa paglalakad at napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na ‘yun.

Pagkalingon ko nakita ko ang tatlong lalaki na palabas na ng cafeteria, hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o ano, pero parang nakita ko ang kaibigan kung si Robin sa isa sa tatlong lalaki. Hay… gutom lang siguro ‘to? Parang impusible naman kasi, pero hindi rin malayong maging posible, diba?

“Hey. Alisha, what’s wrong?”

Nawala ako sa iniisip ko nang marinig ko ang tanong ni Zach, tumingin ako sa kanya at nakita kung nakatingin rin siya sa tiningnan ko kanina. Wala doon ‘yung tatlong lalaki. Tapos ay binalik niya ang tingin sa’kin, nagtatanong at may pagtataka.

“Wala.” Sagot ko.

“Zach!” napalingon ako kay Cheska na naglalakad na palapit sa’min, walang bakas ng ngiti ang mukha niya na nakatingin sa amin ni Zach, ngunit ng lumingon si Zach sa kanya ay nakangiti na ito.

“Are you sure?” baling ulit sa akin ni Zach.

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

Tumango rin siya at sinalubong namin si Cheska sa kalagitnaan tsaka kami sabay-sabay na naglakad at tumungo sa usual na pwesto nila Zach.  Wala doon ang dalawang lalaki, dahil nasa counter nakapili bumibili ng pagkain, si Claire lang ang naabutan namin doon na busy sa kanyang cellphone.

Kinuhanan ako ni Zach ng upuan sa kabilang table, dahil sapat lang sa kanila ang upuang narooon. Nagpasalamat ako sa kanya.

“Zach. Order me food please…” parang batang sabi ni Cheska kay Zach. Lumabi pa siya dito. “You already know what I want.” Ngumiti siya.

Tumango si Zach sa kanya at bumaling sa akin. “How about you?” tanong niya.

“Bakit siya ang tinatanong mo n’yan? Di ba dapat siya ang magtanong niyan sa’yo? She’s your personal Yaya, Zach.” Nakapangalumbaba na tanong ni Cheska.

“Ah… hindi na, sasama ako.” Nakangiti kung sabi sa kanya, tumayo ako at inunahan na siyang maglakad papunta sa counter.

“Hey.” Nakasalubong pa namin sila Jake na may dalang tray, pabalik na sa table nila. Nginitian ako ni Hans kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanya.

“Alisha. Don’t mind what Cheska said. Okay?” sabi ni Zach habang inaantay naming ibigay ang inorder namin.

“Okay lang. Tama naman siya.” Inabot ko ang inorder ko pagkatapos ay inantay siyang ibigay rin sa kanya ang inorder niya para sa kanila ni Cheska. At, sabay na kaming bumalik ulit sa table nila.

Nagtatawanan sila ng makabalik kami, umupo ako sa upuan na binigay sa’kin ni Zach kanina, katabi ko si Hans at napapagitnaan na naman ako nila Zach. Sa harapan ko ay si Jake, na may kinindatan nun’ may dumaan na grupo ng babae.

Lihim akong napailing. Napakababaero talaga ng isang ‘to! Nang mabalik ang tingin niya sa grupo, ay nagtama naman ang aming mga paningin. Kinindatan niya ako, kumunot ang nuo ko sa ginawa niya. Tumawa siya at binaling ang atensyon kayla Hans at sumali sa usapan.

“Wag kang mahiya, kumain ka lang d’yan.” Sabi sa’kin ni Hans bago muling binaling sa grupo ang atensyon at nakipag-usap.

Nagpatuloy ang mga araw, at simula rin nang araw na ‘yun ay palagi na akong sumasabay—ibig kung sabihin ay sinasabay ni Zach—sa kanilang lunch. May pagkakataon pa naman na sabay kami ni Ruby na nakakain sa may library, pero kahit siya ay inaaya ko rin na sumama sa amin, dahil wala naman ako doong makausap, kundi ang mga lalaki lang.

Kaya kahit ayaw niya at sa tingin ko ay napipilitan lang siyang sumama sa’kin, especially sa grupo nila Zach dahil sa dalawang babae dahil wala lang naman ito sa kanila Zach, ay wala siyang magawa dahil si Jake na ang nag-aaya sa kanya minsan.

Tulad nalang ngayon.

Tahimik kaming naglalakad ni Ruby habang pinag-uusapan ang presentation namin mamaya. Habang ang grupo naman nila Zach ay may sarili ring pinag-uusapan.

Nang makarating sa pweseto namin ay tahimik kaming umupo ni Ruby doon.

“Ah May baon akong dala.” Sagot ko kay Hans ng tanungin niya ako kung ano ang gusto kong pagkain.

Umalis ang mga boys para bumili ng pagkain pagkatapos nilang tanungin kung ano rin ang gustong pagkain nila Cheska, kahit si Ruby ay tinanong rin ni Jake kung anong gusto. Dahil wala siyang baon ngayon. Nung una ay sinabi ni Ruby na siya nalang ang pipila at bibili ng pagkain niya, pero nag-insist si Jake na siya nalang daw, kaya nahihiya niyang sinabi ang gusto niyang bilhin pagkain.

“Nagbabaon ka?” Gulat na tanong ni Cheska.

“Oo. Minsan.”

Bumaling naman ang tingin niya sa katabi ko, kay Ruby. “I think pareho lang sila, tapos doon sila sabay na kumakain sa library. Right?” si Claire na nakataas ang kilay.

“Oo.” Ako ulit ang sumagot si Ruby ay tumango lamang.

Kinuha ko ang paper bag na nasa lapag at nilpag yun sa lamesa, kinuha ko roon ang baunan ko. Pagkatapos ay binaba ko ulit ang paper bag. Saktong bumalik na ang boys ng ginagawa ko ‘yun.

“Whoa…! Alisha may baon ka? Ang bango niyang, ah?” Sabi ni Jake ng makitang binubuksan ko ang takip ng buunan ko.

“How ‘bout you? Wala kang binili?” nagtatakang tanong ni Cheska kay Zach nang ang sinabi lang ni Cheska’ng pagkain ang dala ni Zach at walk siyang binili para sa kanya.

Binalingan ni Zach ang paper bag at kinuha niya roon ang isa pang baunan na sa kanya. Tumaas ang kilay ni Cheska ng makita ‘yun at bumaling sa’kin pati sa baon ko.

“Kaya pala…” rinig kung sabi ni Jake. “Hey, Alisha. Pwedeng pahinge ako,” nakangiting sabi niya pa. “Last time na nagbaon rin si Zach hindi niya ako binigyan! Madamot, mukhang masarap pa naman ‘yan.”

“Sige, marami naman ito.”

Kinuha ko ang kutsara at kumuha sa baunan ko ng chicken pork adobo at inilagay 'yun sa kanyang pinggan. Napatingin rin ako kay Hans ng ilahad niya rin ang kanyang pinggan, ngumiti ako sa kanya at nilagyan rin ang kanya.

“Tingnan mo, Alisha, oh,” nakangising aso si Jake, kitang-kita na nang-aalaska kay Zach. Tumingin ako kay Zach na inilayo ang baunan niya palayo sa kay Jake. “Tingnan mo, oh? Ang sama ng tingin.” Natatawang saad ni Jake.

Tumingin ako kay Zach pero hindi siya nakatingin sa’kin, nakatingin siya sa pagkain niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakakunot ang kanyang nuo sa’kin, kumunot rin ang nuo ko sa kanya.

Nag-iwas siya ng tingin at nagsimula na siyang kumain. Napatingin ako kay Cheska na mariin nakatingin sa’kin, bago siya nag-iwas ng tingin at binalingan ang kaibigan na nagpapalipat-lipat ang tingin sa amin ni Zach.

“Hmm… this is taste good.” Bumaling ako kay Hans ng marinig ko ‘yun. Nahihiya lang akong ngumiti sa kanya.

“Yeah. Tingin palang masarap na ,eh.” Segunda ni Jake.

“Salamat.”

Nalingunan ko si Cheska na umismid, pero hindi ko nalang siya pinagtuunan ng pansin at kumain na lang.

Pagkatapos kumain ay naghiwalay-hiwalay na kami, nagpunta na sila sa kani-kanilang sunod na klase. At dahil vacant hours ko, nagpasya akong magpunta nalang sa library at magbasa ng libro para sa sunod ko pang klase.

Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko at nakitang may labing limang minuto pa ako bago ang next class ko. Tumingin ulit ako sa libro at nagpatuloy sa pagbabasa, ngunit hindi pa man ako nakakatapos sa isang sentences, ay nakarinig ako ingay ng mga estudyanteng pumasok sa loob ng library, agad silang tumahimik ng sawayin sila ng masungit librarian.

Nag-angat ako ng tingin mula sa librong binabasa ko, at napakunot ang nuo ko ng makita sa grupo ng estudyanteng pumasok si Zach roon. Malamang ay mga kaklase niya ito? Nagtama agad ang aming mga mata at agad siyang lumapit kung nasaan ako nakaupo.

“Zach! Saan ka pupunta?” tanong ng nakasalaming babae. “Gawin niyo na muna ang binigay kung gagawin ninyo, para matapos na tayo dito.”

“Oo.”

Umupo siya sa harapan ko. “Wala kang klase?” bungad na tanong niya.

“Wala. Pero malapit na rin ang oras ng next class ko.” Sagot ko.

Tumango siya. Nilabas niya ang notes niya at ang handout na bigay yata ng babaeng nakasalamin, na tingin ko’y leader nila. Nagsimula siyang basahin at gawin ang part niya sa grupo nila, hinayaan ko siyang gano’n at ako ma’y gano’n din binalik ko ang atensyon ko sa librong binabasa ko.

Ngunit hindi pa man siya nagtatagal sa ginagawa niya, ay nagulat ako ng pabagsak niyang binaba ang hawak niyang ballpen at tinitigan ako. Tumingin ako sa kanya ngunit nag-iwas rin agad ng hindi ko makayanan ang intensidad ng kanyang titig.

“Bakit…?” tumikhim ako.

“Nagpapa-impress ka ba sa crush mo?” Sabi niya.

Kumunot ang nuo ko. “H-Huh…?”

“Tsk. Ngumiti lang, binigyan mo na agad ng baon mo.” Sarkastiko niyang sabi.

Umawang ang labi ko. “Ano? Hindi noh?” tumikhim ako. “Binigyan ko rin naman si Jake ah? So, tingin mo rin doon nagpapa-impress rin ako sa kanya?”

Tumalim ang mata niyang nakatingin sa akin. “Alisha, sinasabi ko sa’yo don’t be fool of Jake’ sweet tongue. You know his reputation in this university, not only that even from the outside, you know that right?” seryuso siya sa sinasabi niya.

Tumango ako doon, hindi naman lingid sa kaalaman ko ang bagay na ‘yun kay Jake.

“Mabuting sa iba ka nalang…” sabi niya nakaiwas ang tingin  sa’kin.

Bago mag-time ay nagpaalam na ako sa kanya na papasok na ako. Tumango lamang siya at sinabing sabay kaming uuwi.

Habang naglalakad ako naramdaman kung nagbeep ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng blazer ko habang ako’y naglalakad, ang isa kung kamay ay yakap ang mga libro ko. Hindi ako nakatingin sa nilalakaran ko, at Hirap ako sa pagkuha ng phone ko dahil sumasama dito ang blazer ko.

“Naku, miss. Sorry!” sabi ng nakabangga sa’kin.

Napaupo ako sa sahig at nabitawan ko ang mga libro, ang phone ko ay humagis sa malapit sa’kin.

“Aray…” napangiwi ako ng sinubukan kung tumayo at agad na sumakit ang pang-upo ko.

“Sorry.” Sabi ng lalaki habang tinutulungan ako sa pagpupulot ng mga libro ko.

“Salamat.” Sabi ko sa lalaki ng iabot niya ang napulot niyang libro.

Nakayuko ako habang inaayos ang mga libro ko at kukunin ko na sana ang libro ko sa lalaki, ngunit mahigpit ang hawak niya dito.

Nang tumingin ako sa lalaki ay nakaawang ang labi niya at nanlalaki rin ang mata niya. Ilang segundo pa bago nag-sink in sa’kin kung sino ang nasa harapan ko. Napaawang ang labi ko at nanlaki rin ang mga mata ko nang makilala  ang lalaking nakabanggaan ko.

“Ali…?”

“...Robin?”

Magkasabayan naming banggit sa mga pangalan namin.

***
@Eibhline

Continue Reading

You'll Also Like

367K 5.3K 43
When she unexpectedly took on a job as a maid, little did she know that her life would undergo a significant transformation, throwing her into chaos...
2K 159 58
Si Quinn Cortez aka Ein ay isang secret agent sa Kolkwitzia. Isang sikretong organisasyon na puro magagandang kababaihan lamang ang maaaring makapaso...
485K 13K 30
Story Cover by: IskaChuche Completed "Going somewhere, Ms. Issay Segundo?" Napaatras ako sa pagkabigla ng nasa harap ko ang lalaking kanina ko pa tin...
50.3K 1K 34
JSeries #1 : Unwanted Child Being unwanted is hard. Imagine being hated by many just because you are different. But being betrayed by the people who...