Invisible Girl (Reprint unde...

By aLexisse_rOse

12.2M 195K 19K

Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and... More

Chapter One: Her Voice
Chapter Two: The Meeting
Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded
Chapter Five: Unexpected Kiss
Chapter Six: Stick to the Plan
Chapter Seven: Jealous
Chapter Eight: Jealous part2
Chapter Nine: That Guy
Chapter Ten: Sick
Chapter Eleven: The Other Guy
Chapter Twelve: Chaperone
Chapter Thirteen: New Look
Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart
Chapter Fifteen: She's Jealous
Chapter Sixteen: The Light
Chapter Seventeen: Bad Dream
Chapter Eighteen: Fallin
Chapter Nineteen: Big Decision
Chapter Twenty: Last Day
Chapter Twenty One: Why Me?
Chapter Twenty Two: Back to Manila
Chapter Twenty Three: He's Curious
Chapter Twenty Four: He's Back!
Chapter Twenty Five: Face Off
Chapter Twenty Six: Mistaken
Chapter Twenty Seven: Broken Hearts
Chapter Twenty Eight: DejaVu
Chapter Twenty Nine: Careless
Chapter Thirty: Surprise Guest
Chapter Thirty One: The Confrontation
Chapter Thirty Two: Moving On
Chapter Thirty Three: Love Rain
Chapter Thirty Four: Together Again
Chapter Thirty Five: Finale
Epilogue:

Chapter Four: The Shower Scene

361K 6.2K 708
By aLexisse_rOse

Chapter Four: The Shower Scene

<RILEY'S POV>

NAGISING ako sa ringtone ng cellphone ko. Siguradong si Mama na naman ang tumatawag. Anong oras na ba? Parang katutulog ko pa lang.

Kinapa ko ang telepono sa ilalim ng unan at tinapat iyon sa aking tenga. "H-hello..."

"Bro, kamusta na?" bungad sa akin ng nasa kabilang linya.

"J-Jared?"

Puro tawa lang ang naging tugon niya sa akin.

"Gago ka talaga! Bakit ngayon ka lang nagparamdam?"

"Na-miss mo ba ako, lover boy?" biro pa ni Jared.

"Gago!" But he was right. Na-miss ko nga ang best friend kong ito. Isang buwan na rin nang huli ko siyang makausap. Lumipad siya patungong Nevada para sa isang business conference. Pero duda ako na iyon ang tunay niyang dahilan.

"Wala ka pa bang balak bumalik dito?" muli kong tanong kay Jared.

"I'm enjoying my life here. Walang hassle. Nasa 'Pinas ngayon si Erpat kaya rito muna ako. Pero balita ko, siya naman daw ang pupunta rito next week kaya naman baka umuwi na rin ako d'yan."

"Hanggang ngayon ba, hind pa rin kayo magkasundo ni Tito Armand?"

"Parang hindi mo kilala si Erpat. Wala na akong ginawang tama para sa kanya kaya mas mabuti na rin ang umiwas."

"Magpakatino ka na kasi. Get a serious life."

"Get serious?" Like you? Nah... Baka magkasakit lang ako. I love being like this. Less prone to heartache, less prone to accidents."

Wala na akong nasabi. Obviously, ako ang pinatatamaan niya.

"So, how are you dude? Nakapag-decide ka na ba about sa operation?" he suddenly asked me.

"Hindi pa. Ayoko munang isipin ang tungkol doon."

"How about... you know, your ex? Do you have any news about Samantha?"

"She's here."

"D'yan sa Pilipinas? Seryoso? Paano mo nalaman?"

"She's literally living in my house right now."

"Oh, come on! Are you joking?" Gulat na gulat si Jared.

"How I wish I was."

"Are you sure? Noong isang araw lang ay nakita ko siya-- never mind." Hindi na niya itinuloy ang sinasabi.

"Two days ago, bigla na lang sumulpot si Samantha sa bahay. She said sorry and she want us to be together again."

"And?"

"Things can't go back to the way they were. I am not the same person she used to know."

"That's my man! Congrats, pare! Finally, nagising ka rin sa katotohanan. Move on and enjoy your life. Hindi mo na siya kailangan sa buhay mo. May mahahanap ka pang babae na mas higit sa kanya."

"But how can I do that when is my self-pointed prive nurse? Wala akong magawa lalo na't kasabwat pa niya si Mama."

I heard him chuckled. "Problema nga 'yan, pare. Sorry, but I can't help you right now."

"Tsk!" ang tanging naisagot ko sa kanya.

Narinig kong bumukas ang pinto kasunod ang boses ni Nana Tonya.

"Gising ka na pala, hijo?"

Napakunot-noo ko. Where is Samantha? Hindi ba siya ang naghahatid ng almusal ko tuwing umaga?

"Hey, are you still there?" tanong ni Jared mula sa kabilang linya.

"Y-yeah. Ano nga uli iyon?"

"Nevermind. Anyway I've got to go. See you soon." Iyon lang at nawala na si Jared sa kabilang linya.

"Si Jared ba ang kausap mo kanina?" Tanong ni Nana Tonya na nakalapit na pala nang hindi ko namamalayan. "Matagal-tagal ko na rin hindi nakikita ang batang 'yon."

"Kaya ko na pong mag-isa." Mabilis kong agap nang tangkain ni Nana Tonya na alalayan akong makatayo.

"Walang masamang tumanggap ng tulong sa iba. Lalo na kung ang iniisip lang nila ay ang ikabubuti mo." nasa boses niya ang pagkadismaya.

Napakamot ako ng ulo. "Nana Tonya, hindi po iyon ang ibig kong sabihin. Kayo lang naman ang inaalala ko. Baka kasi hindi n'yo kayanin ang bigat ko."

"Parang sinabi mo na matanda na ako. Mas malakas pa ako sa kalabaw."

Hindi na ako sumagot. Baka humaba pa ang panenermon niya.

Tapos na akong kumain nang sa wakas ay nagkalakas-loob akong magtanong. Kanina pa kasi ako hindi mapalagay. "Nana Tonya, si... ano po, si..." Hindi ko maituluy-tuloy ang gustong sabihin.

"Si Samantha ba ang hinahanap mo?" masungit na tanong ni Nana Tonya.

Hindi ako kumibo.

"Huwag mo na siyang hanapin. Umalis na siya kaninang madaling-araw."

"Po?" Nagulat ako sa narinig. "Umalis na siya? Bakit daw po?"

"Hindi ko alam. Siguro sumuko na at hindi na nakatiis sa kasungitan mo. Parang hindi mo kilala ang nobya mo, masyadong maramdamin. Kung sabagay hindi ko siya masisisi. Kaya huwag na siyang hanapin. Hindi na siguro siya babalik dito."

'Eto na naman ang pamilyar na sakit sa dibdib ko! She said she'll never give up on me, but she lied again. Ilang sandali akong walang-imik. Gusto kong mag-isip pero nanatiling blangko ang utak ko. Damn!

Then suddenly I heard that familiar voice again.

"Nana Tonya, nand'yan lang pala kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap," si Samantha na biglana lang sumulpot sa pintuan.

"Hija, mauna na ako sa'yo sa ibaba. Ihahanda ko lang ang agahan mo."

"Sandali lang, Nana Tonya--" narinig kong habol ni Sam bago ako binalingan. "What did you do to her?"

"Huh?"

"Why she is acting like that? Don't tell me, pati si Nana Tonya, minaltrato mo?"

Minaltrato? Tama bang pagbintangan ako!

"Why don't ask her?" inis na balik-tanong ko.

"Kapag nalaman ko na may ginawa kay Nana Tonya, humanda ka sa akin!" pagbabanta niya bago nagmartsa palabas ng pintuan.

 
<MURIEL'S POV>

"KUNG nakita mo lang sana ang reaksiyon ni Riley kanina..." Hindi na naituloy ni Nana Tonya ang sinasabi dahil sa katatawa. Kaya pala ganoon na lamang ang pagmamadali niya na makaalis sa kuwarto ni Riley kanina dahil may ginawa siyang kalokohan. "Hindi sana ako mabubuko kung hindi ka dumating."

"Kaya pala ganon ang reaksyon niya. Akala ko pa naman meron siyang ginawa sa inyo. Siguradong galit siya sa akin." Nang maisip ko ang ginawa kng pagbabanta sa kanya ay parang ayaw ko na tuloy magpakita pa kay Riley.

"Hija, puwede bang ikaw na muna ang maghatid ng tanghalian ni Riley mamaya?"

"Bakit ako? Ang daya n'yo, Nana Tonya!"

"Sus, kayang-kaya mo 'yan. Ngayon lang naman nagsusungit si Riley dahil sa kalagayan niya pero alam kong hindi ka rin naman niya matitiis. Sa nakita kong reaksiyon niya kanina, hindi maikakaila na mahal ka pa rin niya."

Sumimangot ako. "Si Samantha po ang mahal at hindi ako."

"Sus, parang ikaw na rin iyon. Wala siya rito kaya ikaw na siya ngayon."

Bigla akong nalungkot. Pakiramdam ko kasi ay nawalan na ako ng identity.

Lumabas ako at nagpunta sa garden. Gusto kong mag-emote. Nabo-bored na kasi sa bahay na ito. I miss my job. I miss my friends. I miss my night life. At s'yempre, I also miss my family in Davao.

I also miss my myself. Lately, hindi ko na nagagawa ang gusto ko. Limitado ang mga kilos, lalo na kapag kaharap ko si Riley. Pero may mga pagkakataon pa rin na lumalabas talaga ang sungay ko. Kahit kasi anong pagtitimpi ko, umaalpas pa rin ang pagiging mainitin ng ulo ko. Sa sitwasyon namin ngayon ni Riley, duda tuloy ako na magagawa ko siyang kumbinsihin na magpaopera sa loob ng isang buwan.

"Ma'am Samantha, tawag ni Lenny at nagmamadaling lumapit sa akin.

"Ako ba ang tinatawag mo?" wala sa loob na tanong ko.

Luminga si Lenny sa paligid bago pa bumaling sa akin. "Malamang, kayo lang naman po ang may pangalan na Samantha rito."

But I am not Samantha!

"May kailangan ka?"

"Pinapatawag po kayo ni Sir Riley."

"Bakit daw?"

"Hindi naman po niya sinabi kung bakit."

"Galit ba?" paniniguro ko.

"Eh, lagi namang galit si Sir. Wala naman nagbago," sagot ni Lenny.

Oo nga naman! Sandali akong nag-alinlangan. Bahala na nga si Batman!

"Pinapatawag mo raw ako?" bungad ko kay Riley nang pumasok sa kanyang kuwarto. Kung ano ang puwesto niya kanina nang umalis ako ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Nakaupo siya sa gilidd ng kama at nakaharap sa bintana. "Riley?"

Napasugod ako nang bigla niyang sapuhin ng mga kamay ang ulo niya. "Okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" nag-aalala kong tanong.

Itinaas ni Riley ang dalawang kamay sa direksyon ko. "Tulungan mo akong tumayo."

Hindi ako nagdalawang-isip na tulungan siya.

"Gusto kong maligo."

"Huh?"

"Ang sabi ko, gusto kong maligo," malumanay pa ring sabi niya.

"Ah...okay!' ang sabi ko na lang. "Ipapahanda ko lang ang pampaligo mo." Binitiwan ko siya para sana lumabas ng kuwarto pero pinigilan ako ni Riley.

"Ikaw na lang. Ayokong istorbuhin si Nana Tonya."

"Puwede ko namang utusan si Lenny o kaya si Mila."

"Hahayaan mo sila na paliguan ako?" medyo inis na sabi niya.

Paliguan? Biglang nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ka marunong maligo mag-isa?"

"Magpapatulong ba ako kung kaya ko?"

Omo! Ibig sabihin, si Nana Tonya ang nagpapaligo sa malaking tao na ito!

Bigla na lang hinubad ni Riley ang suot na t-shirt.

"T-teka, a-anong ginagawa mo?"

"Meron bang naliligo na nakadamit?" sarkastikong tanong niya at sunod na hinubad ang kanyang pajama.

Napalunok ako sa tumambad na hubad na katawan sa harap ko.

"W-wait!" mabilis na pigil ko nang isusunod na ni Riley na hubarin ang suot na brief. Baka himatayin na ako kapag nakita ko ang hindi ko dapat makita.

"Ano na naman?" Halatang naiinis na siya sa akin.

"Puwede ka namang maligo kahit naka-briefs."

"Ngayon ka pa ba mahihiya sa akin, eh nakita mo na rin naman akong--"

"Ang dami pang sinasabi. Maligo ka na nga!" Agad kong hinila si Riley papasok sa banyo bago pa niya mahubad ang nag-iisang saplot sa katawan.

Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay habang kinukuskos ng body sponge ang dibdib ni Riley pababa sa kanyang abs. Ano ba itong napasukan ko? Gusto ko nang tumakbo palabas. Kanina pa nag-iinit ang mukha ko at pinagpapawisan ako ng malapot.

Napalunok ako nang dumako ang tingin ko sa lower part ng katawan niya. Iyon na lang kasi ang hindi ko pa nasasabon. Mabuti na lang at mabilis na gumana ang utak ko. Kinuha ko ang kamay ni Riley at ibinigay sa kanya ang body sponge.

"Ikaw na ang bahala kay Birdy. Kaya mo na 'yan. Malaki ka na," sabi ko, sabay talikod. Pero naunahan ako ni Riley at nang pumulupot ang braso niya sa baywang ko at hinapit ako palapit sa kanya.

"Where do you think you're going?" he said, almost whispering in my ear.

Nagtaasan lahat ng balahibo ko at gusto kong sumigaw ng... Rape! Nana Tonya, tulong!

Naramdaman ko na lang ang malamig na tubig na bumuhos sa katawan ko. Hawak na pala ni Riley ang shower head at sinadyang itapat sa akin.

"Riley!" Kumawala ako mula sa pagkakayakap niya at inagaw ang hose. Kung hindi ko napigilan ang sarili, malamang naipukpok ko sa ulo niya ang hawak ko. Nagawa pa niyang ngumisi sa ginawang kalokohan, kaya lalo akong nainis. Itinapat ko sa kanya ang shower head at itinodo ang pagkakabukas n'yon.'

"Aahh!" sigaw ni Riley. "Stop it!"

Stop it mong mukha mo! Akala mo ikaw lang ang marunong mag-trip?

Para akong basang sisiw nang lumabas ng banyo. Basang-basa ang damit ko. Daig ko pa ang nag-dive sa bathtub. Kasunod kong lumabas si Riley. Nakatapi lang siya ng towel sa baywang.

"Ikuha mo ako ng damit!"

Tinapunan ko siya ng matalim na sulyap bago tumalima. "Saan ba rito ang damitan mo?" Hindi ko na siya hinintay sumagot at nilapitan ang built-in cabinet. Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang mga damit niya.

"Here," sabay abot sa kanya ng nakuha kong t-shirt at pajama with matching his underwear.

Walang sabi-sabing tinanggal ni Riley ang nakatapi sa baywang nito.

Oh, sheeet! Bigla akong napatalikod. Buwisit, nananadya na talaga ang lalaking ito!

"Tapos ka na bang magbihis?" tanong ko habang nanatili pa ring nakatalikod sa kanya.

I heard him chuckle. "You're acting really weird, Sam."

"And you're acting like a pervert!" Pinagbalingan ko na lang ang mga nakakalat niyang damit sa sahig at saka pumasok uli sa banyo. Doon ko kasi nakita ang laundry basket. Paglabas ko, muntikan ko nang mabunggo si Riley.

"Baka gusto mo akong padaanin?" sabi ko nang hindi pa rin siya kumikilos sa pagkakaharang sa pintuan.

"Punasan mo ang buhok ko. Basang-basa pa." Yumuko siya sabay abot sa akin ng tuwalya.

Isip-bata! At dahil wala naman akong choice kaya pinagtiyagan kong punasan ang buhok niya.

"Sam?"

"Bakit?"

"Do you still love me?"

Napahinto ako sa ginagawa. "I wouldn't be here if I don't," labas sa ilong na sagot ko.

"Just answer my question," he demanded.

"O-of course, I do."

Nag-angat ng mukha si Riley at humakbang palapit sa akin. Napaatras tuloy ako at muntikan nang matumba kung hindi dahil sa mga braso niya na nakapulupot sa aking katawan.

"W-what are you d-doing?" I tried to calm myself. Subalit nanunukso naman na lalo pa niya akong hinapit palapit sa kanya.

"What do you think I'm doing?" his voice was husky, parang nang-aakit.

Suddenly, I was at a loss for words. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. No way! I think he's going to kiss me.

Biglang bumukas ang pinto at sumulpot si Lenny. Naitulak kong bigla si Riley.

"S-sorry po! Nakalimutan kong kumatok," nanlalaki ang mga matang sabi ni Lenny.

Doon ko lang napansin ang hawak niyang cellphone na kanina pa tumutunog.

"M-Ma'am... kanina pa po may tumatawag sa inyo."

Nagmamadali akong lumapit sa kanya at kinuha ang cellphone at saka nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Napasandal ako sa pader habang sapu-sapo ang dibdib. My heart is beating so fast that I could hardly breath.

"H-hello, Jena..." bungad ko sa kabilang linya.

"Girl, anong petsa na? Ang tagal mo namang sagutin ang tawag ko."

"N-naiwan ko kasi ang CP ko sa kuwarto," pagdadahilan ko.

"Okay ka lang ba? Bakit parang hinihingal ka?"

"K-kagagaling ko lang sa pagdya-jogging."

"Jogging sa tanghaling-tapat?" nagtatakang tanong ni Jena.

"Iyon kasi ang uso dito sa Davao. Malamig kasi rito," pagsisinungaling ko at mukhang naniwala naman siya.

"Kumusta na nga pala ang bakasyon mo? Pagbalik mo, huwag mong ka--"

"Jena, tatawagan na lang kita mamaya. Promise, tatawag talaga ako. Bye!" paalam ko, sabay pindot ng End call button. I can't talk to her, not now. Pakiramam ko, mauubusan ako ng oxygen. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

"Ma'am Samantha, bakit basang-basa kayo?" Bigla na lang sumulpot si Mila sa tabi ko.

"Pinaliguan ko kasi si Riley," wala sa loob na sagot ko.

Napanganga siya sa narinig.

"I-I mean, tinulungan ko siyang maligo. Hindi ko na inistorbo si Nana Tonya kaya ako na lang ang tumulong kay Riley."

"Kaya naman po niyang maligo nang mag-isa."

Ako naman ang napatanga.

"Kilala ko po si Sir Riley. Ang pinakaayaw niya ay 'yong tinutulungan siya. Kaya nga hindi kami gaanong lumalapit sa kanya."

Mukhang naisahan ako ng bulag na iyon! Mabilis na lumipad ang naniningkit kong mga mata sa pinto ng kuwarto ni Riley. Nag-flashback sa isip ko ang mga nangyari kanina.

"Mila, pakisabi na lang kay Nana Tonya na siya na muna ang maghatid ng tanghalian ni Riley."

"Okay po."

Nagmartsa ako papunta sa kuwarto ko at dumeretso sa kama. Dinampot ko ang isang unan at itinakip iyon sa mukha. Doon ako sumigaw nang malakas. Inis na inis ako na parang gusto kong manapak ng tao!




Continue Reading

You'll Also Like

84K 4.9K 53
[COMPLETED] Genius, gwapo, sikat at mayaman that's how other people describe Jared James Mendiola. At isa na sa mga iyon si Venice Martinez ang isang...
10.8K 104 12
Ang istoryang ito ay naglalaman ng mga kwentong Dagli na kung saan Ang buhay ay parang isang sayaw na kala mo sa umpisa ay madali lang ngunit napakah...
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
490K 21.1K 53
There are things science can't explain to us. And one of that is how I fell for you. But like you said, things don't need to be explained all the tim...