My Personal Yaya

By Eibhline

13.1K 1K 67

May isang babaeng nag ngangalang Alisha Vargas, o mas kilala bilang Ali. Isang simpleng babae na ang hangad l... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 26

162 15 0
By Eibhline

Chapter 26

“Gosh! Nakita n’yo ba si Cheska kanina…?”

Napalingon ako sa likod ko habang naglalakad kami ni Ruby sa hallway pababa papuntang cafeteria. Nagkatinginan kami ni Ruby.

“Oo. Parang walang pinagbago at mas lalo pang gumanda.” Rinig namin ang usapan ng grupo ng ilang babae sa likod namin, kasabayan rin namin sa pagbaba.

Actually, hindi lang naman sila ang naririnig kung pinagkukwentuhan si Cheska. Kanina buti nalang ay sinagip ako ng tunog ng bell dahil gusto ko na talagang umalis doon, hindi ko lang alam kung paano ang gagawin ko. At may, isang pakiramdam na umusbong at naramdaman ko kanina habang kasama ko sila—‘yun ay hindi ako nababagay na makasama sila. Kung hindi lang kay Zach… at sa tungkulin kung trabaho sa kanya…

Habang paalis ako doon kanina ay hindi nga yata nila namalayan, eh. Kay Hans nalang ako nagpaalam bago ako pumasok sa classroom ko na tinanguan niya lang.

At habang, naglalakad ako papunta sa building namin ay laman ng usapan ng bawat estudyanteng madadaan ko grupo man ng babae o lalaki ay si Cheska. May narinig pa nga akong nagsabi na baka daw magkabalikan si Zach at Cheska ngayon.

Kalat ang usaping ‘yung, baka nga halos lahat ng estudyante sa university na ‘to ay si Cheska ang pinag-uusap, eh—silang dalawa ni Zach. Kahit sa building at classroom namin ay hindi rin nakaligtas ang usapan-usapan. Ang ilang sa kaklase ko babae ay nagpunta pa talaga sa akin pagkapasok ko sa room at pinalibutan ako para lang makasagap ng balita.

Ang dami nilang tanong na nagkakasabay sila at hindi ko na maintindihan at hindi ko na rin maalam kung kanino ako titingin at sino ang una kung sasagutin.

“Anong sinabi sa’yo ni Cheska? Nakita ko siyang nilapitan ka?”

“May nakakita daw na hinalikan ni Cheska si Zach, totoo ba ‘yun, nando’n ka kasama nila diba?

“Kinikilig ako. Bagay na bagay talaga sila, ang sweet…!”

“Ano? magkakabalikan na ba sila…?”

Marami pa silang sinasabi na hindi ko na maintindihan ang iba. Sa huli hindi ko rin sila nasagot dahil pumasok na ang una naming professor. At, pinagpapasalamat ko ‘yun. Hay…

Tsaka, bakit ba ako ang tinatanong nila? As if naman na kapag sinagot ko ang mga tanong nila ay makukuntento na sila, hindi pa rin naman sila makukuntento ro’n at maghahanap pa sila ng ibang matatanungan. Bakit hindi nalang sila direstyo magtanong doon sa dalawa.

Natahimik lang kami ni Ruby na naglalakad pababa at parang walang tengang naglalakad, dahil literal na wala talaga kaming naririnig dahil sa nakasalpak na headset sa aming mga tenga. Tinudo pa ang volume sounds.

Nagtataka kasi ako kung bakit parang walang naririnig itong si Ruby yun naman pala ay may nakasalpak na headset sa tenga niya, kaya ginaya ko rin siya, sinuot ko rin ang bigay na headset sa akin ni ate Risa.

Kung karamihan sa mga estudyante dito ay kinikilig, mangha at pinag-uusapan sila Zach at Cheska, may nakikita pa rin naman akong iilang estudyante na walang pakialam sa paligid nila, halimbawa nalang nitong katabi ko—si Ruby.

Nang makarating sa cafeteria direstyo agad kami sa counter para pumila at makaalis agad at doon nalang kami kakain sa library tulad ng laging gawi namin. Dahil hindi naman araw-araw ay nagbabaon kami. Tulad ngayon wala.

Tinggal ko ang headset sa tenga ko nang tanungin ako ng tindera, sinabi ko ang order ko at nag-antay. Sandwich at juice lang naman ‘yun kaya mabilis lang, nang makuha na namin ang inorder namin ay akmang maglalakad na ako paaalis nang may narinig akong sinabi ng isang estudyante na nakaupo sa table malapit sa amin.

“Oo nga, ang kulit! Hindi nga pumasok si Zach, Hans at Jake sa mga klase nila.”

Huminto ako saglit at nakinig sa usapan pa nila.

“Kasama nila si Cheska at Claire. Who knows kung saan sila pupunta?”

“Ang tagal rin nawala ni Cheska. Baka nag-bonding… you know get together?” nagkibit-balikat ang isa.

“Ang aga pa para uminom sila…” tumawa ang isa.

Umiling ako at umalis na doon.

“Anong plano na’tin sa pinapagawa ni Prof?” Tanong ko kay Ruby pagkatapos makaupo sa upuan sa library. Ang tinutukoy ko ay ang by partners na research paper sa isa sa major subject namin.

“Hmm. Hatiin na lang natin.” Sabi niya habang naglalabas niya ng libro.

“Sige…” Sang- ayon ko rin at naglabas rin ng libro patungkol sa subject naming ‘yun.

“Sa’yo nalang ang first and second part. Sa’kin nalang ang third at fourth part.” Sabi niya.

Ininum ko muna ang juice ko bago nagsalita. “Huh? Bakit ako ‘yun first and second part?” nakasimangot na reklamo ko sa kanya.

“Hindi naman kasi maganda na sa akin ang first tapos sayo ang second. Gano’n din sa third at fourth.”  Paliwanag niya.

Tumango-tango ako tsaka ngumiti sa kanya. “Joke lang naman. Ano kaba binibiro lang kita, masyado kasing seryuso d’yan, eh. Tsaka gusto ko lang marinig ang boses mo hindi ka kasi nagsasalita masyado piling ko tuloy minsan wala akong kasama.” Ngumuso ako sa kanya.

Umawang ang labi niya. “I-Ikaw…” umiling siya “Ganon ba ang naramdaman mo t’wing kasama mo ako? Pasensiya na…”

“Hoy! Ano kaba wag ka ngang ganyan. Okay lang naman ‘yun kung ‘di mo feel magsalita. Basta alam kung nandyan ka okay lang sa’kin yun.” Ngumiti ako sa kanya. “ Kaibigan kita, eh.”

Ngumiti rin siya. “Salamat…”

Tinapos na namin ang pagkain. At dahil, may oras pa naman kami ay sinimulan na naming pag-usapan kung ano ang gagawin at ano ang magiging topic namin syempre.

Paalis na sana kami ng library papunta sa sunod na klase namin nang makasalubong namin ang ilang kaklase namin sa subject na 'yun at sinabing wala ang prof namin.

Dahil wala ang prof namin at dahil wala na rin kaming klase para sa hapong ‘yun ay naisipan namin ni Ruby na gawin nalang ang research paper namin.  Bumalik nalang kami sa loob ng library at napag-usapan na gawin nalang ang research paper.

Naghiwalay kami at nagpunta sa mga shelves at naghanap ng libro na may kinalaman sa topic namin. Nang makabalik kami ay sa lamesa namin ay parang may sariling mundo kaming dalawa sa paglilikom ng mga salita na ilalagay namin sa aming paperwork’s.

Dahil dikit ang mga mata namin ni Ruby sa mga libro sa pagkalap ng mga impormasyon ukol sa topic namin, ay hindi na namin namalayan ang oras. Kung hindi pa kami pinuntahan ng librarian ay hindi pa namin malalaman ang oras at gabi na pala. Nang malingunan ko ang bintana ng library ay madilim na ito.

Dali-dali naming inayos ang aming mga gamit at pinagpapalik ang mga librong kinuha namin tsaka kami naglakad palabas sa library.

“Pasensya na po miss…” hingi namin ng pasensiya.

“Sige na at isasara ko na ‘to.” Taboy niya sa amin.

“Pasensiya na po ulit.” Hingi ko pa ulit ng tawad na tinanguan niya lang tsaka kami naglakad ni Ruby paalis doon.

Magkahawak kamay kami ni Ruby habang kami’y naglalakad. Direstyo lang ang lakad namin dahil ang mga nadadaan naming mga building ay walang ng mga ilam at madilim na ang mga ‘yun. Lakad-takbo na ang ginagawa naming dahil natatakot na rin kami, dahil tingin ko ay kami na lang talaga ang estudyante sa mga oras na ito maliban sa librarian at guard at iilang pang staff personel na nag-iikot sa university.

“Akala ko wala ng estudyante dito?” gulat na gagad ng guard sa amin ng makita niya kaming lakad-takbo na naglalakad palapit sa gate.

“Wala na po kuya. Kami na lang po.” Sabi ko habang naghahabol ng aking hininga.

“Siguro kayo? Baka meron pa?” paninigurado niya sa amin.

Umiling kami. “Wala na po.” Si Ruby ang sumagot. Ngumiti siya sa akin.

Tumango ang guard at hinayaan niya kaming makalabas.

“Oh. Ali…?” Nagulat ako nang halos magkabanggaan kami ni Rey. Napaatras ako.

“Sorry.” Napakamot siya sa likod ng ulo niya. “Buti nakauwi kana. Susunduin na kita sana, eh.”

Bago pa ako makapagsalita, bumukas ang main door at iniluwa nun’ si Kary na agad na nanlaki ang mata at lakad-takbo na pumunta sa ‘kin.

“Alisha…!” Niyakap niya ako at parang maluha-luha pa siya. Natawa kami ni Rey. Hinampas niya ako ng marahan sa braso ko ng pinakawalan niya ako. “Saan kaba nagpunta? Huh? Nag-aalala na kami sa’yo. Anong oras na? Bakit ngayon kalang nakauwi, huh? Akala namin may kung ano nang nangyari sa’yo?”

Napangiwi ako ng magkakasunod ang tanong niya at hindi na ako makasingit sa pagsagot.

“Kary…” binigay ko kay Rey ang librong hawak ko tsaka ko hinwakan sa magkabilang braso si Kary. “Pasensya na kung pinag-alala ko kayo. Wala akong ibang pinuntahan sa school library lang namin. Gumawa kami ng research paper at hindi namin namalayan ang oras, kung hindi pa kami nilapitan ng librarian ay siguro nando’n parin kami gumawa.” Paliwanag ko sa kanya, napakamot ako sa ulo ko. “Pasensiya na…”

Umismid niya. “Siya lang talaga ang sobrang nag-alala.” Natawa ako sa sinabi ni Rey.

“He!” Inismiran siya ni Kary sabay martsa papasok sa loob ng bahay.

Kinuha ko kay Rey ang libro. “Salamat. Pasensiya na rin…”

“Ano kaba, wala ‘yun. Segi na pumasok kana.”

“Uuwi kana?”

“Hmm.”

Pumasok na rin ako sa loob. Pagkapasok ko napatingin ako sa second floor. Nagdito na kaya siya? Bago ako dumeristyo sa kusina kung nasaan sila Kary ngayon.

“Nandito na po ako. Pasensiya na…” Sabi ko. Inunahan na agad sila, humingi na agad ako ng pasensiya, bahagya pa akong yumuko sa kanila.

“Oh. Hija. Jusmiyo, saan ka ba nagpunta at ngayon kalang? Anong oras na, oh?” Sabi ni Manang Koring sa ‘kin, na para bang pinapagalitan niya ang kanyang anak dahil ngayon lang nakauwi sa kanilang bahay. Napangiti ako. Tumingin ako sa orasan doon at nakitang mag aalas otso na.  “Kumain ka na.”

“Opo.” Agad akong umupo sa high stool at pinaghainan naman agad ako ni ate Risa ng pagkain. Nagpasalamat ako sa kanya.

Ngumiti sa akin si ate Risa. “Sobrang nag-aalala sa’yo si Kary, Ali. Ang sabi niya pa nga ay baka naligaw kana o napunta sa kung saan, eh.” Napailing si ate Risa.

“Ate Risa, alam mo naman na bago lang siya dito ay hindi niya pa alam masyado ang pasikot-sikot dito sa Manila.” Depensa ni Kary sa sarili niya.

Napailing ako at nag-umpisa ng kumain.

“Oo na…”

“Saka naisip ko rin na… baka magkasama rin sila ni Sir Zach at nagda-date sila, noh?” panunukso ni Kary. Bumabalik na naman ang ugali niyang ‘yan.

Halos mabilaukan ako sa kinakain ko kaya mabilis kung kinuha ang baso ng tubig at ininum ito. Humalakhak si Kary samantalang si ate Risa namn ay napailing.

“Nasaan nga pala ang batang iyun, hija?” Tanong ni Manang Koring sa ‘kin.

“Huh…? Wala pa po dito si Zach?” Wala pa siya dito? Ibig sabihin ay hindi rin siya pumasok ng hapon?

“Wala pa dito si Sir Zach. Ali.” Si ate Risa. Tumango-tango ako.

“Bakit? Hindi ba kayo nagkita sa school?” Takang tanong ni Kary.

“Ah, hindi. Nagkita naman.” Sabi ko.

Hindi na ako nagtaka o nagulat na wala pa rito si Zach. Minsan naman talaga ay gabi na ‘yun umuwi at minsan ay lasing pa. Kaya ngayon siguro ay ayun ang ginagawa nun’ kasama ang mga kaibigan niya at si Cheska, tulad ng sabi ng estudyante kanina.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na rin ako sa kanila na may gagawin pa akong projects namin kaya nauna na akong nagpunta sa silid ko.

Hindi ko alam kung ilang oras ako inabot ng pagkukumpuni ko sa mga salita na maaari naming gamitin sa research paper namin ni Ruby.

Masyado akong pukos sa ginagawa ko kaya nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko ay napapitlag ako sa gulat. Akala ko ng una ay si Kary pero ng tumayo ako at buksan ko ang pintuan, ay nagulat ako nang si Zach ang bumungad sa harapan ko.

“Z-Zach…?” Gulat kung gagad ng makita siya sa harap ng pintuan ko. “Anong oras na? Ngayon ka palang nakauwi?”

Wala pa rin siyang imik, tinititigan niya lang ako. Nailang ako sa tingin niya kaya nag-iwas ako ng tingin. Nasilip niya ang loob ng kwarto ko at bahagyang tumaas ang kilay niya ng makita ang iilang libro at papel na nakakalat sa sahig ng kwarto ko.

Bumalik ang paningin niya sa’kin. “Ikaw? Anong oras na, di kapa natutulog?”

Hindi ko pinansin ang tanong niya at iniwan siya doon, pumunta ako sa maliit na kabinet sa tabi lang ng mesa ko at kinuha roon ang cellphone niya at pagbalik ko sa kanya, ulit ay inabot ko ito sa kanya.

“Ito oh, pasensiya na hindi ka tuloy nakausap ng kaibigan mo… Ikaw rin naman… kasi, eh.” Paliit ng paliit ang boses na sabi ko.

Kinuha niya ‘yun at nilagay sa bulsa ng slacks niya. “How you’re feet?”

“Huh?” naguluhan ako sa tanong niya. Tiningnan ko ang paa ko gano’n din siya. “O-Okay lang naman ang paa ko.” Nalilito ko paring aniya.

“Are you sure?” tanong niya na parang hindi ako sa sigurado sa sagot ko.

“Oo. Okay lang paa ko. Saan ka galing? May narinig akong usapan kanina sa cafeteria na hindi daw kayo pumasok ng mga kaibigan mo, pati sa hapon? Buti hindi tumawag si ma’am Celine sa’kin para magtanong.” Ako naman ang nagtanong sa kanya.

Pinagmasdan ko siya.

Nakasuot parin siya ngayon ng uniform niya na lahat ng butones ay nakabukas na, kaya kita ko ang white t-shirt niya. Ang buhok niya ay bahagyang magulo, ang mata niya ay mapupungay na nakatingin sa akin ngayon. Pasimple ko siyang inamoy, pinaghalo ang pabango niya, amoy ng sigarilyo at alak ang amoy niya. Lasing ‘to.

“Oh! Kumain ka na ba?” tanong ko bigla.

“Hmm.” Sagot niya lang.

“O, Sige matutulog na ako. Matulog ka na rin.”

Pumasok na ako sa loob at dahan-dahang sinara ko ang pintuan habang nakangiting nakatingin sa kanya habang siya’y nakatayo pa rin doon at nakatingin rin sa’kin. Nang may ilang pulgada na lang ang siwang ng pintu at maisasara na ay bigla niyang nilapat doon ang palad niya para pigilan ang tuluyang pagsara ng pintu.

“Bakit?”

“Alisha. Did you jealous?” Mahinang tanong niya. Ang mata niya ay mapupungay na nakatingin sa akin.

Nangunot ang nuo ko, hindi matukoy kung ano ang sinasabi niya. “Huh? Selos? Saan ako magseselos?”

“Kanina. Kay Cheska?”

“Huh? Hindi. Bakit naman ako magseselos?” takang tanong ko.

Umiling siya. “Wala. Sige, matulog ka na… Bakit ka nga ba magseselos…”

Hindi ko na narinig ang mga huling salita na sinabi niya ng unti-unti na siyang naglakad paalis at parang naging bulong na lang ang mga salita niya.

At, simula ng araw na 'yon naramdaman ko na ang unti-unting pagbabago ng pakikitungo sa akin ni Zach.

Continue Reading

You'll Also Like

404K 8.8K 64
A woman who accidentally got pregnant and was found by the man who she had a one night stand with. Together with their story of a rollercoaster full...
703K 10.7K 53
Chloe Marie, as everyone called her, was feisty, beautiful, witty, and loving. She's gorgeous with her chiseled facial features and a set of coal-bla...
3M 77.2K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
168K 634 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.