QUEEN SERIES #3: THE MILK TE...

By Gretisbored

26.1K 2.7K 458

She came to Edward's for their to-die-for milk teas. She never thought her secret trips to the store would br... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER FORTY
EPILOGUE

CHAPTER THIRTY-NINE

552 65 9
By Gretisbored

Shane Andrea Juarez

Dati na kaming nakapuntang Iloilo nila Felina, Keri, at Eula. Dito kasi kami dumaan papuntang Boracay noon. I could say na na-impress ako sa lugar. Kakaiba kasi ito sa Manila. Masasabing highly urbanized na rin ang kanilang siyudad pero napanatili pa rin nito ang karisma ng isang probinsya. Masigla man ang negosyo, laidback pa rin ang mga tao. This is what I like about their city.

Five years ago, when I was just starting college never kong inisip na pupunta akong ibang probinsya para makipagsapalaran. Mangibang-bansa, oo. Pangarap ko iyon noon. In fact, lahat kaming magbabarkada nagplano nang pumuntang Amerika pagkatapos ng college. Sabi namin, mauuna sila Keri at Eula sa Maryland dahil may mga connections na doon ang kanilang mga magulang tapos susunod kami ni Taba. Kaso, nang makilala ni Yolanda si Sir Maurr, tila nagbago ang ihip ng hangin. Nawalan na siya ng ganang sundan ang yapak ng mommy niya sa Amerika. Gusto niyang pumirme kung saan si Sir Maurr.

Napangiti ako nang maalala ang kabaliwan ng kaibigan kong iyon. And for one brief moment nakaramdam ako ng lungkot. Saka takot na rin. Hindi ako sure sa gagawin ko pero determinado akong umasenso sa sarili kong kayod na malayo sa magulang at sa ate na maya't maya ay nag-o-offer ng capital for a business.

"Ne, hambal ko ma-board ka diri sa amon? (Ne, ang sabi ko magbo-board ka ba rito sa amin?)" tanong ng ale na parang nayayamot na.

Napakurap-kurap ako at napatingala sa luma niyang two-storey house na malapit sa isang state university. Parang mukhang haunted house, pero ang mura ng bedspace. Malapit pa sa mga schools. Iyan ang kailangan ko sa naisip kong negosyo.

"Sorry, manang. Hindi po ako nakakaintindi ng Ilonggo."

"Ah. Tagala ka pala. Akala ko kasi tagarito ka lang sa Iloilo."

Napangiti ako sa tono niya. Ang cute. Para siyang kumakanta. But of course, I controlled myself. Kapag tumawa ako, though hindi ko naman pinagtatawanan ang punto niya baka mainsulto siya.

"Opo," pakli ko.

Nagpaliwanag na siya sa rules ng paupahan niyang kuwarto hindi pa ako umu-oo. Napakamot-kamot na lang ako ng ulo.

Nang tinu-tour na niya ako sa bawat sulok ng bahay, I was convinced na doon na nga ako titira pansamantala. At iyon ang una kong naging tahanan sa Iloilo.

Habang tinitimpla ko ang unang tasa ng milk tea na inorder ng buena mano kong customer na anak lang din ng landlady ko, naisip ko si Mom at ang sinabi niya sa akin. "Hindi ka yayaman sa pagtitinda ng tsaa na may gatas!"

I smirked. And I promised myself I will make something out of my obssession.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

Pagkapa ko sa katabi, malamig na kutson ang nahawakan ng kamay ko. Bigla akong nadilat at tiningnan ang space ni Shane sa tabi ko. It was empty. Though it was not the first time it happened dahil laging mas maaga siyang gumigising to cook me breakfast, may kakaibang dating sa akin ang umagang iyon. Bigla akong kinabahan nang todo. Napabangon ako agad at dali-daling pumuntang kusina. Wala siya roon. Ang nandoon ay isang kapirasong papel na nakatupi sa ibabaw ng counter. Mayroon nang mainit na kapeng nakasalang sa coffee maker, pero wala na siya.

Napatitig ako sa maikli niyang note ng pamamaalam at napamura ako nang malakas. Without me knowing it, butil-butil nang luha ang umagos sa pisngi ko. Parang delubyo pang bumalik sa aking alaala ang mga huling iilang araw. I was mean to her. Nasigawan ko siya. Sinilent treatment. And all because I was so stressed out and worried about our future. Natakot akong iiwan niya ako dahil wala na akong pera. At nagkatotoo nga!

Napakuyom ako ng palad. I was angry beyond words could ever describe. Ganoon lang ba ang halaga ko sa kanya? Pera? Iniwan niya ako dahil wala na akong pera? Bullshit!

Upon knowing what happened, siguro'y naibalita ng isa sa madaldal kong pinsan, Dad called me up and offered to help me find Shane. Nagsabi pa siya na pahihiramin niya ako ng pangnegosyo para makabangong muli at nang bumalik na ang asawa ko sa akin. But I declined the offer. Kung ayaw niya sa isang pobreng Micah Contreras, then so be it. I will never chase her ever again!

Imbes na uminom ng kape, nagmumog lang ako at nagbihis saka kinuha ang natitirang bakas ng karangyaan which I used to have. Ang pinakamamahal kong Ducati. Nag-ikot-ikot ako sa mga lugar na madalas naming puntahan. I went as far as the baywalk in Roxas Boulevard.

Hindi ko alam kung mga ilang oras akong paikot-ikot lang ng Manila. Tumigil na lang ako nang makaramdam ng gutom. I was about to go to a high-end Italian restaurant in Alabang which I used to frequent, nang maalala na wala na pala akong credit card. At wala na ring sapat na cash sa bulsa. Kaya imbes na doon pumunta, dinala ako ng pitaka ko sa malapit na Jollibee. Kung dati'y kayang-kaya kong bilhin ang kahit ilang branch pa nila, ngayo'y kulang pa sa isang value meal na may chicken joy ang pera ko. Napabuga ako ng hangin at nag-order na lang ng isang yum burger. Sa labas ko na kinain iyon habang nakasandal sa motor ko.

I was so engrossed in my thoughts that I didn't notice a group of young girls na tingin ko'y mula sa isang private school na bigla na lang napatili pagdaan sa harapan ko. They giggled like crazy. Nagulat ako. Natigil din ako sa pagnguya. Lumingon ako para tingnan kung sino ang tinitilian nila. Wala naman akong nakita liban sa mga security guards na nagga-guide sa mga sasakyang papasok sa parking.

"Ang guwapo!"

"He's mine! I saw him first!"

"Let's share na lang! Ano ba!"

At lumingon uli sila sa direksiyon ko. No'n ko napagtanto na ako pala ang tinitilian nila. I was thankful I was wearing my dark sunglasses. Natingnan ko sila without making it obvious. They all looked pretty and elegant even in their school uniforms. They made me feel good especially now that I am questioning my worth. Pero ang babata nila.

Sumampa na uli ako sa motor ko at pinasibad na iyon. Nagtilian sila uli. Sinakyan ko na sila this time. I turned towards them and waved. They giggled like crazy.

**********

Shane Andrea Juarez

Napangiti ako habang tinititigan ang bagong gawa na milk tea shop ko sa SM City Iloilo. My ate thought Serendipi-tea is so jologs, pero gusto ko ang dating. Saka ang swerte ng pangalang ito. Since I changed the name of my milk tea shop to this from the former Shane-tea, naging mabenta na ang products ko to the point na kinailangan ko nang mag-hire ng taong tutulong sa akin. In less than three months, na-afford ko nang magkaroon ng branch sa isang mall.

"Mom is so sorry," bungad ng ate ko nang magkita kami two years after I left Manila. Not once ko kasi silang binisita matapos akong maglayas para sumama kay Micah. Kung susumahin lahat, mahigit tatlong taon din iyon.

"Wala na akong hinanakit sa kanya, but I cannot go home to them anymore. I have my own life now. Pasensya na."

Ate was teary-eyed. Napasimangot ako. Bakit? May nasabi ba akong masama? Hindi ba siya convinced na wala na akong hinanakit sa nanay namin? Pwede naman iyon, eh. Ayaw ko pang umuwi pero hindi na ako galit.

"I'm proud of you, Shanitot! Imagine, sa kapiranggot na kapital napalago mo ang milk tea shop mo? Who would have thought na makakarating ka sa ganitong level?" At minuwestra ni Ate ang bago kong shop na dini-decorate na ngayon ng hinire kong interior designer.

Napayakap ako sa kanya. "This is partly because of you. Kasi, kayo lang ni Kuya Roark ang naniwala sa akin. Si Mom, lagi niyang pinapaalala na hindi raw ako aasenso sa pagtitinda ng tsaa na may gatas. Si Dad nama'y tahimik lang. Ni hindi ko alam kung kaninong side siya pumapanig. Nakakainis din iyong walang bilib sa iyo ang magulang mo."

"Hayaan mo na si Mommy. Ganyan lang iyan dahil hindi ka niya gustong maghirap."

I pouted. Hindi ako naniwala roon. Tingin ko may hidden agenda rin siya kung bakit sapilitan niya akong ipapakasal sa isa niyang pamangkin na US citizen.

Niyakap ako ni Ate nang mahigpit na mahigpit bago siya nagpaalam na. I kissed her cheeks goodbye and walked her to the main entrance of the mall. Hinintay ko munang makasakay siya sa limo na hinire ng asawa niya bilang private transport niya sa siyudad, bago ako tumalikod para bumalik sa store ko. Hahakbang na lang sana ako pabalik ng main entrance when sa familiar figure caught my atention. Nakatalikod siya sa direksiyon ko. Pero ke nakaharap o nakatalikod man, hindi ako nakakalimot kung ano ang hitsura niya. How could I when he was the only one I was thinking about in the last two years that I was away from him.

Medyo nag-alangan ako kung tutuloy ba ako sa pagpasok sa mall o ano. Kasi kung tutuloy, makakatabi ko siya sa pumipila. Siguro alam niyang tinitingnan ko ang likuran niya kasi'y bigla na lang siyang lumingon at nagkatitigan kami ng isang pares na light brown eyes. Gumulung-gulong at nag-tumbling ang puso ko. Mayroon pa ring kakaibang epekto sa akin ang mga titig niya after all these years. I smiled at him. Imbes na ngumiti rin, tumingin na siya sa kanyang harapan at tuluy-tuloy nang naglakad papasok ng mall na parang hindi na niya ako kilala. May kasabay siyang magandang babae na naka-business suit din tulad niya.

Ang sakit. Ang sakit-sakit. But then, what do I expect? Alangan namang sasalubungin niya ako ng mahigpit na yakap at halik knowing how we parted. I simply left without saying goodbye in person. Ni hindi ko siya binigyan ng hint na iiwan ko na lang siya basta.

But then again, kung iisipin ko ang mga nangyari sa buhay naming dalawa, I still could say wala akong pinagsisihan. Parehong napabuti ang buhay namin. Nakabangon siya mula sa pagkakalugmok. Hindi man na-revive ang Edward's, ang milk tea shop niya sa España kung saan kami unang nagkita, nakapagpatayo naman siya ng isang construction firm. And based on different articles I've read about him and his new business, he is doing pretty well.

"Ma'am Shane, it's good that you're back. May isasangguni kami sa iyo. Okay lang ba na purple balloons ang gagamitin natin sa opening o may specific kayong request?"

Sinulyapan ko lang ang interior designer ko dahil bigla kong nakita ang repleksiyon ni Micah sa salamin naming dingding. Paglingon ko, sakto ring natingin siya sa aking direksiyon. Kung gaano niya ako inisnab kanina ganoon ulit siya ngayon. Gusto kong maiyak, but I controlled myself.

"Ma'am Shane, okay lang kayo?"

Mabilis akong tumango. "Whatever color is okay with me," sagot ko at kinumusta na sa mga karpentero ko ang finishing touches ng kisame, counter, at sahig. Bago pa sila makasagot, may nagtiliang staff.

"Shit, ang guwapo no'n ah!"

Napalingon ako sa kanila. And there he was again. Standing just a few feet away from the entrance of my store talking with a very beautiful woman. Hindi na ito ang kasama niya kanina. Tingin ko ito ang may-ari ng isang shop selling high-end brand sa SM City. Narinig ko kay ate na kinuha nila ang serbisyo ng kompanya nila Micah para i-renovate ang kanilang store.

"Oh, fuck! Wala na tayong panama. Kaganda naman ng lumalandi sa kanya!" At naghagikhikan ang mga young female crew ko. Pagkakita nila sa akin na nakatingin sa kanila, ngumiti sila sa akin at inginuso pa si Micah.

"Ma'am may pogi po sa labas!"

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

I knew she was hurt when I intentionally did not return her smile. Buti nga. Why did she expect me to take everything lightly? She almost ruined my life! Ngunit nang ma-realize kong napaka-childish naman ng reaction ko, I felt sorry for her. At na-guilty ako nang sobra.

Tuloy ay sinubukan kong dalawin siya sa kanyang store. Malayo palang, natatanaw ko na ang pangalang, "Serendipi-tea." Napangiti ako. Clever. Napaka-boring ng pangalan ng akin noon kung ikokompara.

Gusto ko sana siyang lapitan to apologize for my childish reaction to her kanina, pero nakita ako ng may-ari ng high-end store na kumontrata sa company namin na mag-renovate ng branch nila sa SM City Iloilo. Hayun tuloy, hindi ko na nalapitan si Shane. Nilingon-lingon ko na lang ang milk tea shop niya.

Who would have thought that a timid girl like her would be able to turn things around in just a span of two years and build her own business?

Napangiti ako nang maalala ang college freshman na dalagang tila obssessed sa milk tea namin. Hindi ko sukat-akalain na balang-araw pala'y siya ang magpapatuloy ng naudlot kong negosyo. At big time, ha? Nasa SM mall na siya.

Bago bumalik sa Sarabia Manor Hotel kung saan ko piniling manatili habang nasa Iloilo, dumaan akong muli sa store niya nang hapong iyon. Nagulat ako nang may kaabrasiyete na siyang guwapong lalaki. Bigla akong nag-palpitate. After two years of not seeing her in person, akala ko'y nakalimutan ko na siya. Hindi pala.

I was not able to think straight. Basta ko na lang siyang nilapitan at binati kunwari. But I was secretly eyeing the guy she was with. Ang lalaki mismo ang bumitaw sa kamay niya at lumayo nang kaunti. But then I felt he was wondering who I was. Kailangan kong magpakilala.

"I'm Micah Contreras, Shane's husband," halos pabulong kong sabi.

Parehong nagulat sina Shane at ang kasama niyang lalaki. Napatingin pa ang huli sa kanya nang umaawang ang mga labi. He was shocked.

Husband. Well, technically live-in partner lang kami noon. But we were supposed to get married a a few weeks after she left. Kaso iyon nga, hindi na natuloy dahil nilayasan ako. Ganunpaman, parang mag-asawa na rin naman kami.

"Wouldn't you even introduce us?" tanong ko sa kanya.

Napasulyap muna siya sa kasama bago napatingin uli sa akin. I saw some sparkle in her eyes. I knew she still feel the same way about me. Kaso nga lang, ang sparkle na nakita ko ay panandalian lamang. Bigla iyong naglaho.

Kinabahan ako lalo na nang makita ko kung paano siya tingnan ng kasama niyang lalaki.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.6M 102K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
42.1K 2K 23
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...