She Takes My Breath Away (GxG)

By CheerlessAngel

59K 1.9K 50

Crystal Leigh Dior - who used to study in an all-girls school due to her complicated reasons. Eventually, wil... More

She Takes My Breath Away
Chapter 00
Chapter 01: Transferee
Chapter 02: Hang Out
Chapter 03: Forlorn Smile
Chapter 04: Curiosity
Chapter 05: Home
Chapter 06: Slow Motion
Chapter 07: Weird
Chapter 08: Peculiar
Chapter 09: Happiness
Chapter 10: Condition
Chapter 11: Meeting Her Family
Chapter 12: Getting To Know
Chapter 13: CHD
Chapter 14: Avoidance
Chapter 15: Confront
Chapter 16: Invitation Card
Chapter 18: Remi's Birthday
Chapter 19: Worried
Chapter 20: Hope
Chapter 21: Second Family
Chapter 22: In An Instant
Chapter 23: First Time
Chapter 24: Talk
Chapter 25: Remedy
Chapter 26: Someone Special
Chapter 27: Special Someone
Chapter 28: Confused
Chapter 29: Confession
Chapter 30: Haru
Chapter 31: First Heartbreak
Chapter 32: Bracelet
Chapter 33: Realization
Chapter 34: A Night To Remember
Chapter 35: Living With Heartache
Chapter 36: Can't Take This Anymore
Chapter 37: Getting Weaker
Chapter 38: Painful
Epilogue

Chapter 17: Remi's Birthday

883 40 0
By CheerlessAngel

CHAPTER 17: Remi's Birthday

Crystal Leigh's P.O.V.

Kanina pa ako dito sa kuwarto ko habang pili nang pili ng mga damit sa closet ko na puwede kong isuot. Today is Remi's birthday, my best friend's birthday. So, I want to look fine. After a few minutes, I finally chose what dress I should wear.

Ilang oras din ang itinagal ko sa pag-aayos bago ako tuluyang nakalabas ng condo. And now I'm here waiting for a taxi. I took a glance at my wrist watch. Ang akala ko makakasakay ako agad pero mali ako dahil ang tagal ko nang nakatayo ay wala pa ring taxi na humihinto. Masyado na ring madilim. Sana pala pumayag na lang ako na magpasundo sa driver nina Remi kanina.

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay may huminto ng taxi. Sumakay agad ako sa likod.

"Saan po tayo, ma'am?" tanong ng driver kaya naman kinuha ko mula sa purse ko ang isang maliit na note kung saan nakasulat ang exact address nina Remi. Hindi ko alam kung saan ang bahay nila dahil hindi pa naman ako nakakapunta roon. This will be the first time that I will see her house and her family.

-

Remi's P.O.V.

"Wala pa ba si Crystal?" tanong ko kay Molly nang makababa ako sa hagdan.

"Wala pa, e."

"Do you think pupunta siya? Anong oras na, e." Nilibot ko ang tingin ko sa mga bisita at marami ng tao ang nandito.

"Don't worry, she will come. This is the important day of your life, so she won't let herself miss this," nakangiting turan niya kaya kahit papaano ay lumuwag ang pakiramdam ko. Iniwan ko muna siya at nagtungo sa hindi masyadong matao.

Muli kong inilibot ang tingin ko sa mga bisita, nandito na rin lahat ng mga classmates ko. Yes, I invited all my classmates at iba pang mga kakilala ko bukod sa mga kakilala ng mga kuya ko at mga business partners ni Daddy.

Ngunit isang tao lang naman ang hinihintay ko na until now ay wala pa rin. Where are you, Crystal?

Kanina pa ako pasulyap-sulyap sa cellphone ko at wala man lang text na mula sa kaniya.

"You're so pretty," puri ni Kuya Resty sa akin.

"And you're so handsome," papuring balik ko naman sa kaniya.

"More handsome than me?" bigla namang sabat ni Kuya Renz nang lumapit siya sa amin.

"Ako ang panganay kaya mas guwapo ako sa inyo."

Napatingin kami kay Kuya Rex na lumapit din sa amin habang inaayos niya ang tie niya. Kahit kailan ang hangin talaga nila!

Mabuti na lang at busy si Daddy sa pakikipag-usap sa mga ka-business partners niya dahil mas lalo siyang mahangin kumpara sa tatlong ito! May pinagmanahan nga naman.

"Dumating lang kayong tatlo, lumakas bigla ang hangin," sarkastikong wika ko. Natawa naman sila at akmang hahawakan ni Kuya Resty ang buhok ko nang mabilis akong umiwas. "Don't you dare!" Sinamaan ko siya ng tingin.

Alam kong guguluhin niya lang ang buhok ko at hindi ko hahayaan iyon dahil nakaayos ako ngayon.

"Sorry," he then laughed. "You're so pretty, our princess. I hope you'll enjoy this night and please be happy," nakangiting saad niya kaya napangiti na rin ako.

"Thank you, Kuya." Niyakap ko siya.

"Ako walang yakap? Pinuri rin naman kita, ah?" singit naman ni Kuya Resty na ngayon ay nakasimangot kaya natawa ako.

"Of course, meron." Niyakap ko naman sila ni Kuya Renz.

"I love you, our princess," usal ni Kuya Renz.

"I love you too, mga kuya ko."

"Kamukha mo talaga si Mommy," bigla namang sambit ni Kuya Resty.

Bigla ko tuloy naalala si Mommy. Kapag birthday ko, sobrang excited niya at puro papuri ang naririnig ko mula sa kaniya.

I miss you, Mom.

"Maiwan ko muna kayo. Aasikasuhin ko lang 'yong ibang bisita natin," paalam ni Kuya Rex kaya tumango kami sa kaniya.

Muli naman akong napasulyap sa may gawing pinto at nagbakasakaling siya na ang papasok roon. Sinulyapan ko rin ang cellphone ko pero wala pa rin text. Crystal, I know pupunta ka.

"What's wrong?" tanong ni Kuya Resty.

"Wala naman, Kuya."

"Are you sure? Mukha kang worried at kanina ka pa hindi mapakali kakatingin sa phone mo."

"Oo nga, kanina ko pa nga rin napansin," gatong naman ni Kuya Renz.

"Kanina ko pa kasi hinihintay 'yong kaibigan ko, e. Pero until now, wala pa rin siya," saad ko sa malungkot na tono.

"Baka naman na-traffic lang or what?" Kuya Resty said.

"Baka nga."

"Wait, lalaki ba 'yang kaibigan mo o babae?" makahulugang tanong niya.

"Of course, a girl!"

"E, bakit parang sobra ka naman yatang nag-aalala kung pupunta siya o hindi?"

"Of course, she's important to me."

"Okay... Just wait for her a little longer. Puntahan muna namin 'yong mga bisita."

"Okay."

"Cheer up. It's your birthday kaya dapat masaya ka," nakangiting hayag ni Kuya Renz bago siya sumunod kay Kuya Resty.

Nagtungo sila kung nasaan 'yong mga classmates ko at iba ko pang mga kakilala.

"Magpapa-impress lang naman sila sa mga babae," natatawang bulong ko.

Wala pa kasing mga girlfriend ang mga kuya ko. Masyado silang seryoso sa buhay, sa business, at sa pag-aaral kaya wala nang oras sa para sa mga sarili nila. Pero okay na rin 'yon, dahil ibig sabihin lang no'n ay ako lang ang only princess nila.

"Wala pa rin ba 'yong kaibigan mo?" Mayamaya ay lumapit sa akin si Kuya Resty.

"Wala pa rin, e."

"Sure ka bang pupunta siya? In a minute, your party will be about to start," he said as he glanced at his wrist watch.

"Yes. Pupunta siya," nakangiting sagot ko sa kaniya. Alam kong pupunta si Crystal at confident ako ro'n.

"Okay. We'll just assist the visitors. Sumunod ka na lang sa garden, okay?"

I just nod at him. "Sure!" At nagtungo na ulit siya sa mga bisita.

Unti-unti nang nag-aalisan ang mga bisita upang tumungo na sa garden. I heaved a breath. Hindi puwedeng hindi siya dumating. Hindi ako magiging masaya sa gabing ito kung wala siya.

I tried to call her pero walang sumasagot. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Nawawalan na ako ng pag-asa.

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng mga bulungan. Napatingin ako sa mga tao at nakapako ang tingin nila sa gawing... pintuan.

"Crystal..." Napanganga ako nang makita ko siyang kapapasok lang sa pinto.

She's wearing a black overskirt dress with a purse on her hold. Having a fierce look with her little touch of make-up. With a pair of black stilettos which made her even more taller. And her updo hairstyle that emphasizes her pretty face.

She's so damn beautiful!

-

Crystal Leigh's P.O.V.

Maayos at ligtas naman akong nakarating sa bahay nina Remi. Namangha pa ako nang makita kung gaano kalaki ang bahay nila. Malaki rin naman ang bahay namin pero namamangha pa rin talaga ako kapag nakakakita ako ng ibang malalaking bahay na may magagandang style.

Pinagbuksan ako ng gate ng mga guards, pero bago ako tuluyang makapasok ay tinanong pa muna nila ang pangalan ko. Hanggang sa nakapasok na nga ako nang tuluyan sa bahay nila. Napakaraming tao sa loob. Medyo nakaramdam pa ako ng hiya nang mapansin na iilan sa kanila ay nakatingin sa akin at pawang nagbubulungan pa.

Hinanap agad ng mga mata ko ang mga kaibigan ko. Nakita ko naman agad si Remi na papalapit sa akin. Napangiti ako habang pinagmamasdan ko ang hitsura niya ngayon.

She's wearing a red gown while her hair is in a braided bun. She looks like a princess.

"I thought hindi ka na pupunta," she said while pouting.

"Puwede ba 'yon? Siyempre pupunta ako, 'no."

"Kanina pa kita hinihintay, alam mo ba 'yon?"

"Sorry, medyo natagalan kasi bago ako makasakay ng taxi, eh."

"Tsk. Sinabi ko naman kasi sa 'yo na ipasusundo na lang kita, e."

"That's why I regret that I refuse," natatawang tugon ko.

"What important is nandito ka na." Kita naman sa mga mata niya ang saya.

"Of course, hindi ko puwedeng ma-miss 'tong special occasion na 'to, 'no." Akma ko namang hahawakan ang buhok niya nang mabilis siyang umatras.

"Don't you dare! This is my birthday, so don't you dare mess up my hair!" she snarl that made me chuckle.

"Sorry," I said at napansin ang papalapit na si Molly. She's wearing a blue one-shoulder dress habang naka-ponytail ang buhok niya.

"Molly!" tawag ko sa kaniya.

"You're here!" Sinalubong niya naman ako ng yakap. "You know, kanina pa nag-aalala sa 'yo 'tong si Remi, dahil baka hindi kana pumunta."

"Sorry guys, medyo alam n'yo na hindi kasi ako nakasakay agad."

"It's okay, as long as nandito kana." She smiled at me.

"My party is about to start, let's go?" yaya sa amin ni Remi. Tumango naman kami sa kaniya at sumunod. Napansin ko nga na nag-aalisan 'yong mga tao kanina.

Napansin ko naman na patungo kami sa isang malawak na garden. Ahh, so this is a Fete Champetre.

Namangha ako nang makita ko ang venue. Napakalawak ng garden nila. Mas malawak kumpara sa garden namin sa bahay. Maraming mga round tables ang nandoon at marami ring mga bisita. Mayroon ding mini stage sa dulong-gitna. May mga musikero din na may mga hawak ng iba't ibang instruments.

May mga lights sa paligid na siyang nagbibigay ng liwanag sa buong garden. Mapapansin mo rin ang iba't ibang mga uri ng bulaklak sa paligid. Nang ilibot ko naman ang paningin ko sa mga bisita ay nakita ko siya...

Si Akira.

A white cocktail dress is covering her body while her hair is hanging loosely. Her feet are with a pair of open-toe shoes. She looks stunning.

Kausap niya sina Hadia at Aya kasama ng iba pa naming classmates. Nandito rin si Gia pati na rin 'yong mga nakakalaro nina Molly sa volleyball.

Ang dami rin ng bisita nila na halata mong galing sa mga mayayamang pamilya. Pero hindi ko inaasahan na nandito rin siya. Dahil ang alam ko ay naiinis sina Remi sa kaniya. Siguro, lahat ng mga classmates at kakilala ni Remi ay inimbitahan niya. Napansin ko rin ang presensiya ng mga teachers namin.

"Happy birthday, Remi!" I uttered as I faced her.

"Thank you!" She smiled genuinely.

"Pasensiya kana wala akong gift sa 'yo, ha? Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo, e."

Halos lahat na ng bagay ay mayroon na siya kaya hindi ko alam kung ano pa bang puwede kong ibigay sa kaniya.

"Sabi ko naman sa inyo, 'di ba? Hindi ko kailangan ng gift mula sa inyo. Ang importante sa akin ay 'yong nandito kayo sa araw ng birthday ko. 'Yon palang sobra-sobrang gift na 'yon, e."

Na-touch naman ako sa sinabi niya kaya naman niyakap ko siya. "Thank you," wika ko.

"Crystal. Don't make me cry! Masisira make-up ko, e!" natatawang anas niya nang kumalas siya bigla sa yakap. Natawa naman kami ni Molly.

"You look pretty tonight," Molly complimented her.

"Tonight lang?" Remi pouted.

"Of course, not! You're always pretty in our eyes anywhere and anytime!"

"Asus, bolera!"

Muli na naman kaming nagtawanan.

Nang maibaling ko sa ibang direksiyon ang tingin ko ay natanaw ko ang isang lalaki na naka-black suit. He's staring at me at bahadya pa siyang nagulat nang magtama ang tingin namin. Umiwas siya ng tingin at kinausap ang iba pang mga bisita. Kaya pala pakiramdam ko may nakatitig sa akin kanina pa. Siya pala 'yon.

Mayamaya pa ay narinig namin ang isang boses na nagmumula sa mini-stage.

"Good evening, ladies and gentlemen. May I have your attention, please?"

Lahat kami ay napatingin sa mini-stage at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na may hawak na mic. A man wearing a black suit at hindi maikakaila na guwapo ito.

"So, this night is a very special night for my sister this year."

Kuya pala siya ni Remi. Kaya pala medyo kahawig niya.

"First of all, I just wanna say thank you for coming and gratifying the invitations. Tonight, I'm going to call my dad first for his speech to our only princess."

Nagpalakpakan ang mga tao at doon ay umakyat sa mini-stage ang isang kagalang-galang na lalaki-Remi's Dad.

Napatingin ako kay Remi na nasa tabi ko at nakangiti lang siya habang nakatingin sa stage. Inakbayan ko naman siya at si Molly naman ay hinawakan siya sa bewang.

"Mic test, mic test..." her dad checking the sound of the mic. "Ahm, for every presence that is here. Thank you so much. I'm so glad that all of you are here to celebrate the best day of my life." Bakas ang awtoridad sa boses ng daddy niya.

Lahat naman kami at nakatuon lang ang atensiyon sa harap at nakikinig sa kaniya.

"Yes. The best day of my life. Because, when she was born... that was the time that I could proudly say that I now have my princess!" Natawa ang Daddy ni Remi kaya kahit kaming mga bisita ay natawa rin. "I'm also thankful to her mother, to my wife who passed away many years ago. I'm so happy that she gave me an angel. She gave birth with this sweet little angel. I have three sons, so I asked my wife if she can give me even just one girl. 'Coz having three sons around is chaotic." Muli na naman kaming nagtawanan.

"Hindi mo nasabi sa amin na may pagka-joker din pala ang daddy mo, Remi," Molly suddenly murmured.

"Well, he's always like that!" natatawang sagot naman ni Remi.

"But of course, I love my three sons. But I'm so done with them. They're always claiming to themselves that they are handsome and I was like... Hey! I'm your father! I'm way more handsome than you three!" Muli na namang napuno ng tawanan ang buong garden.

"HAHAHA!"

Puro tawanan ang maririnig mo sa paligid na kahit kaming tatlo ay hindi na rin napigilan pang humalaklak. Hindi ko akalain na ganito pala ang Daddy ni Remi.

"Kidding aside... That day when she was born, that was the happiest moment in my life. Especially when I witnessed her first laugh and smile. She filled our home with happiness. We took care of her as she was getting older. She grew up with the looks of her mom. Even her mom was already gone. She's here with us, making us happy, and complete though..."

Sinulyapan ko si Remi at ngayon ay kitang-kita sa mga mata niya kung gaano niya pinipigilan ang pag-iyak.

"Don't you dare cry, masisira ang make-up mo," I joke around na naging dahilan para matawa siya.

"Of course." She smiled at muling itinuon sa daddy niya ang atensiyon niya.

"Remi, my dear daughter, my only princess, and my sweet little angel. Happy happy birthday to you. Enjoy this night, this special night with your beloved friends and some of our colleagues. I wish you all the best, anak. I'm so proud of you. I couldn't say anything more as I don't want this party to be filled with emotions. All I want for you is to be happy. Sorry, for being not a perfect father for you. Sorry, if I can't fulfill what your mom has done for you. But, I'm always here for you, I'll be a proud Dad and I will love you more than anyone else. For the last time, happy birthday to you my sweet little angel!"

Kung kanina ay puro tawanan ang maririnig mo. Ngayon naman ay puro hikbi. Sino nga bang hindi mata-touch sa speech ng daddy ni Remi? Kahit ako muntikan na ring tumulo ang luha ko.

Lumingon ako kay Remi na ngayon ay nakatingin sa taas at kinukurap-kurap ang mga mata.

She's really trying not to cry...

***

- CheerlessAngel

Continue Reading

You'll Also Like

265K 8.4K 55
4 Goddesses series #4 Choi cousins #1 Yka Venice Choi PS: this story is also available in novelah app #1 Mantra #5 Remember
89.8K 2K 78
May apat akong kuya sa dami pa ng tao sila pa talaga. And this is how I survived to my Over Protective Kuyas This story have a big twist at the end s...
391K 11K 43
[A story of Sylvia Celeste Acozta.] #4 The broken part of not being able to hold on like you used to is the signal of your relationship slowly fading...
96K 1.4K 15
Si Amanda ay may gusto kay JL Si JL ay may gusto kay Milisa Si Milisa ay kaibigan ni Amanda.. na may gusto naman kay Seb At si Seb naman ay kaibigan...