My Personal Yaya

By Eibhline

13.1K 1K 67

May isang babaeng nag ngangalang Alisha Vargas, o mas kilala bilang Ali. Isang simpleng babae na ang hangad l... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 23

182 18 0
By Eibhline

Chapter 23

"Smells good..."

Muntik ko ng mabitawan ang hawak kung sandok, ng marinig ko ang boses ni Zach, habang ako'y naghahalo ng niluluto kong ulam para sa baon ko mamaya sa school.

Pinahinaan ko muna ang apoy sa kalan dahil luto naman na, bago ko siya nilingon na ngayon ay naglalakad na palapit sa'kin habang marahang tumatawa sa naging reaksyon ko.

Sinimangutan ko siya at inirapan. May kasalanan pa 'to sa'kin eh!

"What are you cooking?" Tanong niya. Pinaningkitan ko lang siya ng mata at hindi siya sinagot. Tumingin siya sa akin at ng makita niya ang tingin ko sa kanya ay kinagat niya ang loob ng pisngi niya, bago niya tinaas ang kanyang kamay sa pisngi ko at marahang pinisil 'yon. "Cute."

Pumunta ako sa island counter at nilinis ko ang pinaggamitan ko kanina ng pinaglituan ko. Siya naman ay tiningnan ang niluto ko, kumuha siya ng sandok at tinikman 'yun ng hindi man lang nagdadalawang isip na hipan yon, at basta nalang tinikman 'yun.

"Shit!" Sigaw niya.

Napailing ako, nagpipigil ng tawa.

Nabitawan niya ang sandok at nalaglag sa sahig, na naglikha ng munting ingay, may tumalsik pa sa kanyang sabaw galing sa kinuha niya sa sandok. Nakarinig ako ng mga mura sa kanya at sinaman ako ng tingin, na akala mo ay ako ang may kasalanan. Ako pa ang sinisi!

"Alam mo na kasing mainit pa! Basta mo nalang titikman hindi mo ba naisip na hipan mo na ito, kasi po galing apoy...mainit?!" sermon ko sa kanya na may halong sarkastiko.

Imigos siya. "Ang sabihin mo 'yan luto mo ang ayaw magpatikim!" reklamo niya pa.

Suminghap ako.

"Aba't!" sinamaan ko siya ng tingin at gano'n din siya sa akin, nang walang ano-ano'y tinaas ko ang kamay ko at ginawa ko sa kanya ang matagal ko ng gustong gawin sa kanya ay ang batukan siya!

"Anong..." hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin, nakahawak ang magkabilang kamay niya sa kanyang ulong binatukan ko. "Bakit mo 'yon ginawa, huh?!" tanong niya.

Tinalikuran ko siya at pinatay na ng tuluyan ang kalan. Hindi siya pinapansin, na panay pa rin ang reklamo at tanong kung bakit ko ba daw ba ginawa 'yun?!

Ha! Sarkastiko akong tumawa sa isip ko. Hindi niya ba alam na isang linggo akong nagtiis sa school?! Kakaiwas sa mga babaeng humahabol sa akin! Magmula no'n araw na tinawag niya ang pangalan ko sa harap ng building namin, eh. Lagi na ako dinudumog ng mga estudyante, karamihan ay babae, na gustong makipagkaibigan sa akin. Well, in fact ang motive lang naman nila ay makipagkaibigan sa akin para mapalapit sila doon sa tatlong magkakaibigan, na sila Zach.

Mas lalo pa silang naintriga sa akin at lalong gusto akong makilala, ng may isang estudyante ang nakakita daw sa akin na lumabas sa kotse ni Zach. Nagsimula na nila akong tanungin ng kung ano-ano na nun' una ay hindi ko alam kung paano ko ba masasagot ang kanilang mga katanungan.

Ano ang relasyon mo kay Zach? Magkakilala ba kayo ni Zach? May nakakita daw sa'yong bumaba sa kotse ni Zach, totoo ba 'yun? Ikaw ba ang bagong girlfriend ni Zach? Ikaw ba ang bagong ipinalit ni Zach sa ex niya?

Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nila. Bakit napunta agad sa girlfriend? Ipinalit sa ex ni Zach? Ano ba yun?! God!

Pati ang mga kaklase ko ay hindi rin ako maiwan na hindi nila tanungin. Kaya pag gano'n ay ako nalang ang unang iiwas sa kanila at nagtatago sa library, pero kahit na gano'n ay hindi pa rin maiwasan kaya minsan ay napapalabas ako.

Kaya nun minsa'y may nagtanong ulit sa akin, at saktong napalabas na naman ulit ako sa Library ay nasabi ko na sa kanila ng hindi inasahan at dahil na rin siguro sa sobrang inis ko ay nadala ako. Nasabi ko sa kanila na 'magkakilala kami ni Zach at personal yaya niya ako' bago sila tinalikuran doon na nakanganga at hindi makapaniwala sa sinabi ko sa kanila.

Bahala na sila sa buhay nila kung maniniwala sila sa sinabi ko o hindi. Problema na nila 'yun!

Nakahinga ako ng maluwag at para akong nabunutan ng tinik ng unti-unti ay na wala rin ang usap-usapan na yun at hindi na nila ako masyadong pinapansin ng unti-unti rin ay napalitan ang usapan ng panibagong linggo ng  muling pagbabalik daw ng ex ni Zach na kung hindi ako nagkakamali ay ang rinig kung pangalan ay Cheska.

"Alisha, Did I do something to you, huh? Okay, I'm sorry, hmm..."Sunod pa rin siya ng sunod sa akin habang ako'y naghahanda ng lunchbox ko.

Napatingin ako sa orasan at may isang oras pa. Kailangan ko ng mag-ayos. Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na parang batang nagmamaktol sa nanay niya dahil hindi napagbigyan ng gusto niya. Tsk!

Kumuha ako ng plato at pinaghandaan siya. "Ito kumain ka na..." nilagay ko sa harap niya ang plato at pinagtimpla ko rin siya ng kape niya. "Kumain ka na pagkatapos mo d'yan ay mag-ayos ka na rin at baka malate ka pa sa klase mo."

"Ayaw ko n'yan," Sabi niya.

"Ano?"

"Ayaw ko nito," tinabi niya ang bacon at egg sa gilid ng pinggan niya. " Gusto ko 'yun luto mo." Ininguso niya ang luto kong ulam na adobong manok.

Marami naman ang luto ko kaya binigyan ko na siya. " Oh..."

"Gawan mo rin ako ng lunchbox," Sabi niya bigla na ikinabigla ko, hindi ko inasahan na masasabi niya 'yun. Hindi ko alam kung seryuso ba siya o nagbibiro lang? Hindi ko kasi makita ang mukha niya, iniiwas niya sa akin.

"Ano?!" napatingin ako sa kanya hindi makapaniwala.  "S-seryuso ka?"

"Hmm, masarap ang luto mo. Really, mas masarap pa sa luto ni manang Koring." Tapos ay kinindatan niya ako.

Suminghap ako at napatingin sa paligid, sakto namang kalalabas lang ni manang Koring sa maids quarter at dumeristyo agad ito sa may ref para maghanda ng lulutuin.

Pinanlakihan ko siya ng mata at pasimple ko siya nilapitan ay kinurot sa kanyang tagiliran. Napapitlag siya sa gulat at napaawang ang labi na tumingin siya sa akin hindi makapaniwala. Sinenyasan ko siyang manahimik at tapusin na ang pagkain niya.

Habang ako ay nagtungo na sa silid ko at nag-ayos na, pero bago yun ay ginawan kouna siya ng lunchbox niya, baka ngumawa ito sa akin dahil hindi ko siya ginawan ng hiling niya. Sa tagal ko na dito ay nakakabisado ko na rin ang ugali niya.

"Hey! What are you going?" Tanong niya ng lagpasan ko siya habang siya ay papasok na sa kotse niya.

"huh?" nilingon ko siya.

"Sumabay ka na sa akin. Wala rin naman silbi kung makita nila tayong magkasama, alam na rin naman ng lahat." Sabi niya pa.

Napakamot ako sa ulo bago ako naglakad palapit sa kotse niya at sumakay.

"Sino nagsabi na hindi daw pwedeng may makaalam na magkakilala tayo at lalo na ang koneksyon natin sa isa't-isa, tsk!" Sabi niya sa kalagitnaan ng daan, nilingon niya pa ako sandali at tiningnan ng masama.

"Sorry naman, nadala lang talaga ako okay!" paliwanag ko sa kanya.

"Tsk! Ikaw rin pala ang kumain sa sinabi mo."

"Oo na! Ako na sorry. Ay! Teka nga, balit ako?!" reklamo ko rin sa kanya. "Diba kung hindi mo tinawag pangalan ko, eh, 'di sana nila malalaman noh?! May kasalanan ka rin sa nangyari! Sa'yo nagsimula ang la—"

"Nge, nge..."

Napatigil ako sa mga pinagsasabi ko ng mapansing kung hindi na nakikinig ang lalaking katabi ko. Napatingin ako sa kanya at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napangiti ako habang pinapanuod siya, magbago ang mukha niya gawa ng panggagaya niya ng mga ekpresyon sa mukha katulad ng mga bata, na ayaw mapakinggan ang mga sermon sa kanila ng kanilang mga nanay.

Napatigil siya ng makitang nakatingin ako sa kanya, tumikhim siya. "Ano...?" pansin ko ang bahagyang pagpula ng dulo ng tainga niya.

Tumawa ako.

"Ang cute mo Zach—Ay!" Napahiyaw ako ng bigla nalang niyang natapakan ang break. "Ano ba! Dahan-dahan naman sa pagdra-drive, oh."

"What did you say?" parang wala pa siya sa sarili niya ng itanong niya 'yun sa akin.

"Huh? Dahan-dahan sa—"

"No, no... before you said that."

"Ang cute mo?" patanong kung saad.

Narinig ko ang mga mura niya bago niya ulit paandarin ang kotse niya. Pansin ko nang buong tainga na niya ngayon ang napupula pati ang mukha niya. Ti-nry niya pang itago ang pamumula ng tainga niya gamit ang pagkuskus dito, ngunit lalo lang iyong namula. Kaya natawa ako.

"Shut up!" saway niya sa 'kin.

Pagkarating sa school ay hindi na ako bumaba sa may kalayuan, direstyo lang ang kotse hanggang sa pi-n-ark niya na ang kotse niya sa dati niya talagang pinagpapark-ki-ngan. Pagkatapos ay sabay na rin kaming bumabang dalawa sa kotse niya, wala na rin namang saysay kung mauuna ang isa sa amin 'tas susunod naman ang isa, dahil alam naman na nila at kalat na nga sa halos buong school ang pagiging personal Yaya ko dito kay Zach.

Ang iba pa nga ay naiinggit sa akin dahil daw ayun sa kanila ay na kakasama at nakikita ko si Zach 24/7 pati na rin daw ang mga kaibigan nito na nakakasalamuha ko rin daw. Tsk! Kung alam lang nila, lagataw rin kaya ang isang 'to! Kung nasa bahay man ang isang 'to, eh, nagkukulong lang 'to sa kwarto niya o kung hindi nama'y nang-iinis lang sa akin. Gayunpaman, ay wala akong magawa, hindi ko naman pwedeng sapakin nalang bigla ang isang 'to at baka mawalan agad-agad ako ng trabaho!

Napailing ako sa tumatakbo sa isipan ko.

"Sinong iniisip mo?" tanong ng katabi ko habang naglalakad kami.

Yakap-yakap ko ang dalawa kong libro. "Ikaw..." Wala sa sariling sabi ko. "Hoy! H-hindi, 'yun trabaho ko. 'Y-yun ang iniisip ko." Bawi ko agad ng marealize ko kung ano ang nasabi ko. Nautal pa.

Napatigil siya bigla sa paglalakad at automatic naman na napatigil rin ako at napatingin sa kanya nagtatanong kung bakit siya biglang tumigil sa paglalakad. "Ikaw kanina ka pa sa akin, ah!"

"Huh...? Anong kanina pa ako sa'yo?" tanong ko sa kanya naguguluhan.

"Basta! Kanina ka pa..."

"Ano nga—huk!" nagulat ako ng biglang may umakbay sa akin.

"Ano 'to? Lover quarrels? Tch, tch." Sabi ni Jake. Kumindat pa sa akin.

Agad kung tinanggal ang pagkakaakbay niya, tumikhim ako at pasimpleng nilibot ang paningin ko sa paligid. May mga estudyanteng nakatingin sa akin, sa amin, halata ang inggit sa mga tingin nila. Paglingon ko naabitan ko ang mga titig ni Jake sa akin.

"A-ah... una na 'ko." Naiilang na sabi ko. Sakto namang nahagip ng paningin ko si Ruby na naglalakad palapit na sa building namin.

Bago ako tumalikod at maglakad papalayo sa kanila ay nakita ko pang binatukan ni Zach si Jake. Napalakas 'yun, kaya sa tingin ko ay doon niya bihuhos ang galit niya sa akin kanina, buhat ng pagbatuk ko sa kanya.

"Bakit ba?! Ang sakit nun ah!" rinig ko pang reklamo ni Jake. Hindi ko na narinig pa ang sagutan nilang dalawa ng tuluyan na akong nakalayo sa kanila.

"Ay... naku," napahampas ako sa noo ko ng marealize na hindi ko nadala ang tumbler ko, ng hindi ko ito makita sa loob ng bag ko.

"Bakit?" tanong ni Ruby.

Katatapos lang namin kumain ng lunch dito sa loob ng library.

"Naiwan ko 'yung tumbler ko." Napanguso ako. Napatingin ako sa orasan doon at nakitang may oras pa naman. Tumayo ako.

"Oh san ka pupunta?" aniya.

"Bibili lang ako ng tubig, mabilis lang ako." Sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko, "Pag nag ring ang bell, pasabay nalang ako ng gamit ko ah? Hindi naman mabigat 'yan. Okay?"

"Okay, ako nang bahala dito." Ngumiti siya.

"Thanks! Mabilis lang talaga ako, baka maabutan pa kita dito."

Mabilis akong naglakad papuntang cafeteria, nginingitian ang mga estudyanteng bumabati't kamakaway sa 'kin. Alam ko naman na peke ang mga gestures nilang 'yun, kita naman kapag nalalagpasan ko na sila, biglang sisimangut at magsusuplada ang mga mukha nila. Pakikitang mabait sila sa akin para kapag close na kami ay mapapalapit na sila doon sa tatlo. As if naman na close ko rin yun tatlo, kung alam lang nila, pati 'yun amo ko, eh, minsan hindi ko rin ka-close 'yun, kapag inaatake ng pagkasuplado niya.

Napailing ako.

Pagkatapos kong magbayad sa bottle water na binili ko ay agad na akong nagmadaling lumabas doon. Alam kong nasa paligid lang si Zach dahil nakita ko si Hans kanina pagkapasok ko sa cafeteria, alam ko dahil ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Hindi ko siya nilingon. Bago pa man ako makalabas ng tuluyan ay may nakabangga ako sa bukana ng cafeteria.

"Sorry..." agad kung hingi ng tawad at pinulot ang nalaglag na susi ng taong nakabanggaan ko. "Ito oh..." umayos ako ng tayo, iniabot sa kanya ang susi niya.

Nagbulungan ang mga babaeng nasa likod niya, kasama niya ata. Kinuha ng babaeng matangkad, straight na black na buhok, at magandang babae ang susing nahulog. Kapagkuway ngumiti siya sa akin, ngumiti rin ako sa kanya pabalik.

"Diba siya 'yun?" Rinig kong sabi ng babae sa likod niya.

"Oo, yun personal Yaya ni Zachary." Bulong rin ng Isa.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko, handa na sanang umalis ng magsalita ang babae.

"So the news is true, that Zachary had this Yaya thingy?" Ngumiti siya sa akin, halatang peke. "What's your name?"

"Alisha..." sagot ko.

Mukhang natigilan siya sa sinabi ko, ngunit ngumiti rin pagkatapos. "Oh..." reaksyon niya. "Alisha, huh?" nilahad niya ang kamay sa akin.

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin doon ng banggitin niya ang pangalan ko, pero alam ko sa likod ng pagbanggit niya sa pangalan ko, meron laman 'yun. Hindi ko lang alam kung ano 'yun.

Ngumiti ako sa kanya at nilahad rin ang kamay ko sa kanya para sa shake hands. "Nice to finally meeting you, Alisha... I'm Claire."

Continue Reading

You'll Also Like

325K 5.5K 51
THIS STORY IS UNDER REVISION. THANK YOU SO MUCH FOR YOUR SUPPORT TO THE STORY. Completed:June 15,2019
473K 10.1K 64
"Woman, I will be loyal to you. I will love you but please love me back " "Gusto kong magsikap at abutin ka, masyado kang mataas. Tinitingala ka ng m...
178K 710 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
404K 8.8K 64
A woman who accidentally got pregnant and was found by the man who she had a one night stand with. Together with their story of a rollercoaster full...