Promises Beneath The Blue Clo...

By ms_peppa_pig

3.2K 163 16

Yvette Remi Zendaya a woman who is madly inlove with aircraft. A woman who will prioritize more the word 'wor... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27

CHAPTER 14

69 6 0
By ms_peppa_pig

This is the most awaited and the most pressured day here in YZ Headquarters. Andito kasi si President Zendaya sa loob ng headquarters upang pumili ng mga Flight Attendants na makakasama naming mga Flight Captains sa loob ng REMI. Ayaw ko nga sanang sumama dito, dahil alam kong wala naman akong maitutulong dito, pero sadyang mapilit si Daddy kaya wala na akong nagawa pa.

Ngayon ang itinakdang araw para sa mga mag-au-audition na Flight Attendants, habang bukas naman ang para sa mga Cabin Crew, kaya puro Flight Attendants lamang ang mga nag-au-audition.

"Okay, next!" Malakas na sigaw ng isang matandang lakaki na nakadekuwatro ng upo. Kaagad namang naglakad ang lalaking Flight Attendant papunta sa harapan namin. He's wearing his uniform and as usual, he's smiling. Nakangiti s'ya ng malapad na para bang hindi kinakabahan, na para bang hindi natatakot, na para bang sa likod ng malapad na ngiti na 'yon ay walang nagtataong puso na kumakabog.

Well, who wouldn't be scared if the Board of Directors, the Vice President and the President and CEO of YZ Airlines are here in front of them? Watching them, analyzing their personality, and most importantly judging their capabilities as a Flight Attendant.

"G-Good Morning—" Ang masaya sanang bati ng lalaking Flight Attendant na nasa harapan namin ay hindi natuloy nang itaas ni President Zendaya ang kanan nitong kamay na ang ibig sabihin ay 'stopped'.

"Next." Malamig na usal ni Daddy habang hindi tinatapunan ng mumunting atensyon ang lalaking Flight Attendant na ngayon ay hindi na magawang ngumiti o ngumisi man lang. Nakatulala lamang s'ya sa harapan namin na para bang hindi s'ya makapaniwala na ginawa din 'yon sa kan'ya ni Daddy.

"Daddy, you're being mean again. Hindi mo man lang pinatapos ang pagbati n'ya na 'yon." Mahina kong bulong, tama lamang para kaming dalawa lang ni Daddy ang makarinig.

Hindi pa n'ya naririnig ang introduction, ang pangalan, at ang posisiyon nito bilang Flight Attendant, pinahinto na n'ya agad agad!

Nilingon naman ako ni Daddy at ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng ngiti na 'yon. "Bakit ko pa s'ya patatapusin kung nagkamali na s'ya? Kung ang simpleng pagbati na 'yon ay hindi n'ya nagawa nang maayos? He choked. He stuttered. Nabilaukan s'ya sa sarili n'yang laway kaya nautal s'ya. Dito pa nga lang sa audition, may nangyari nang gano'n, what more kapag nasa REMI na? It's a big no, Yvette. I don't want to embarrass our name, our reputation, our airlines and our business just because of him, stuttering."

Kaagad kong naintindihan ang rason ni Daddy bakit n'ya 'yon ginawa. Hindi naman kasi serado ang utak ko para hindi 'yon intindihin, at masasabi kong may point 'yong rason n'ya at valid 'yon. Kahit sino naman siguro ayaw 'yon mangyari sa kanila. Ayaw ko 'yon mangyari. Ayaw kong ipahiya o mapahiya ang Airlines namin, dahil kung magkataon, malaki 'yong kahihiyan at sampal para sa amin. Hindi lamang naman kasi basta-bastang mga pasahero ang isasakay ng REMI, kundi mga beauty queens, kaya pinaghahandaan ito ng buong Airlines, kinikilatis namin ng mabuti ang mga mapapasama sa REMI. I want the best for us, for REMI. Pero kung ako ang nasa posisyon ni Daddy, I will let this Flight Attendant continue what he was supposed to say, or what he wants to say and if he is done, tiyaka lamang akong magsasalita, hindi 'yong gano'n. That's mean. Hindi man lang n'ya pinatapos 'yong lalaki. Kawawa naman.

Bumuntong hininga na lamang naman ako at mas piniling huwag na lang sumagot o sabibin ang mga nasa isipan ko. Wala din naman kasing saysay kung magsasalita o mangangatwiran pa ako. Bakit, kapag sinabi ko bang kinabahan lamang ang lakaking 'yon kaya nautal, maniniwala ba si Daddy sa akin? Diba hindi.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa lalaking Flight Attendant na kani-kanina lamang ay nakangiti nang malapad sa harapan namin. Nakatalikod na ito sa amin at naglalakad na papalabas ng hall habang ang mga balikat ay nakababa.

Kawawa naman s'ya.

Mabuti na lang pala at ako mismo ang pumili ng mga Flight Captains na makakasama ko sa flight, kasi kung may ganito ding naganap, alam kong may mapapahiya talaga at ayaw ko no'n. Pinagpapasalamat ko nga at hindi na nagtanong pa si Daddy tungkol sa mga Flight Captains na pinili ko.

Itinuon ko lamang ulit ang buo kong atensyon sa harapan nang may marinig akong boses na nagsasalita na naman. She have a soft and silvery voice. Hindi ko alam kung nagpapacute lang ba s'ya o ganito talaga ang boses n'ya. Parang hindi makabasag pinggan at hindi nakakasawang pakinggan. Habang nagsasalita s'ya nakangiti ang mga labi n'ya at gano'n na din ang mga mata n'ya.

Ganito ang mga hinahanap ni Daddy. Ganitong ganito ang gusto n'ya.

"How old are you, hija." Daddy asked that makes her stopped.

"Twenty-five, Sir." Nakangiti pa rin s'ya, pero ramdam ko ang kaba sa boses n'ya. Hindi nga lang n'ya pinahalata.

"What do you think, Manuel?" Nilingon ni Daddy si VP Pimentel. "Board of Directors?" Nilingon n'ya ang ilan pang mga lalaki at babae na nakaupo din.

"She has a pleasant voice. Masarap pakinggan, hindi din s'ya nautal. Good for me." Sagot no'ng babae na sa tingin ko ay miyembro ng Board of Directors.

Napangiti ako sa sinabi n'ya na 'yon.

"She's also tall and slender. Maganda 'yong ngiti, natural. Tapos 'yong mga mata parang nangungusap habang nagsasalita." Si VP Pimentel na s'yang sinang-ayunan ng lahat.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko at hindi kalaunan ay tumango.

"You, Yvette? What do you think? Pasado ba?" Biglang tanong ni Daddy na s'yang nagpawala ng ngiti ko sa labi. Kaagad akong napaayos ng upo nang nasa akin na ang mga mata ng lahat. Napatikhim din ako nang wala sa oras.

"Well, for me, she's fit to be one of the —"

"Congratulations, you're qualified. You're now part of Project: REMI." Daddy said while nodding his head.

Kung kanina ay halos mapunit na ang labi ng babaeng Flight Attendant dahil sa lapad ng kan'yang ngiti, ngayon ay halos mabinat naman ang kan'yang labi dahil sa labis na pagkakaaawang ng kan'yang bibig. I know, she's shocked. I can also feel that she wanted to cry because of her swelling eyes.

"O My God, Sir! Thank you very much for this —"

"No, don't thank me, thank yourself. Thank yourself for doing your best here in our audition." Matapos 'tong sabibin ni Daddy kaagad s'yang pinaulanan ng palaklakpan ng mga Board of Directors at gano'n na din ni VP Pimentel. Nakisabay na rin ako sa pagpalakpak at gano'n na din ang mga Flight Attendants na nasa harapan namin.

After three hour, may isa na ring naging qualified! God, thank you! Akala ko matatapos ang araw na 'to nang walang magiging qualified sa panlasa nila! Sa panlasa ni Daddy!

"So, time check, it's already eleven-thirty am. Mag-lu-lunch na muna tayong lahat dahil halatang mga gutom na ang ating mga Flight Attendants dahil walang kabuhay-buhay ang kanilang mga mata ngayon."

Kaagad kong nilingon si Daddy sa kan'yang puwesto nang bitawan n'ya ang mga salitang 'yon.

"Alam ko ang mga iniisip ninyo," Tumayo si Daddy sa kan'yang silya at pinatitigan ang lahat ng Flight Attendants na nasa harapan namin. "Iniisip ninyo na wala akong puso, na masama ako, na hindi maganda ang ugali ko." Sabi ni Daddy habang tumatawa ng konti. "I am not like that, guys. However, kung 'yon ang iniisip ninyo tungkol sa akin at hindi na 'yon mababago, okay lang. Sanay na ako." Bahagyang lumingon si Daddy sa akin na s'yang nagpakabog ng puso ko. "Pero, ito lamang ang masasabi ko. Kung ngingiti man kayo ng peke, galing-galingan naman ninyo. Convince us not just with your voice but also with your smile. 'Yong smile na umaabot sa mga mata, hindi 'yong hanggang labi lang. Tandaan ninyo, beauty queens ang makakasalamuha ninyo, hindi lamang ordinaryong mga pasahero. Beauty queens 'to, guys, all over the world. Kaya kung gusto ninyong mapasama sa Project: REMI, just follow my simple rule; don't stutter. You guys are all Flight Attendants, so technically speaking all of you are fluent in public speaking. So, why stuttering is still visible? Why, I can still hear Flight Attendants stuttering at a simple word? Show us what you have guys, show us your potential. Convince us that you're deserving to be part of Project: Remi. That's all, you can now all take your break. May libreng pananghalian doon sa information desk. Puwede na kayong makalabas." Mahabang pananalita ni Daddy habang ang boses ay hindi tumataas. Para s'yang guro sa kan'yang boses na tinuturuan ang kan'yang mga estudyante. Para s'yang guro na pilit pinapaintindi sa mga estudyante ang leksyon na hindi nila naiintindihan. Very soft.

Kaagad namang nagsitanungan ang mga Flight Attendants na nasa harapan namin at pagkatapos no'n ay isa-isa na silang tumayo. Class is still visible in every action that their body does. Their sweet smile stil didn't fade. Napakadisente nilang tingan.

Ngayon na lahat na sila ay nakatayo at unti-unti nang kumokonti ang mga Flight Attendants na andito sa hall, malaya ko na silang napagmamasdan nang hindi naiilang. Huminto lamang ako sa pagmamasid nang may mahagip na babae ang mga mata ko. Naglalakad s'ya kanina, pero huminto nang matapat s'ya sa lalaking Flight Attendant na nasa pinakadulo ng unang row ng silya. Kinausap n'ya ito, pero parang wala namang pakialam ang lalaki sa kan'ya.
It's like she's flirting with that Flight Attendant.

Napaiwas naman ako ng tingin nang huminto na naman ang babae sa paglalakad na ngayon ay nasa gilid ko na. Nilingon n'ya ako at nginisian. Nagpatuloy lamang s'ya sa paglalakad nang iwan s'ya ng lalaking Flight Attendant na kausap n'ya.

Si Dorothy ang nakita ko. Si Dorothy ang ngumisi sa akin. At ngayon napapaiihi na ako. Napapaihi ako hindi dahil sa takot, kundi dahil sa mukha n'ya. Mukha kasi s'yang inidoro.

Nakakainis. Kanina pa ako naiilang dahil sa kan'ya. Pa'no ba naman kasi pilit n'yang hinuhuli ang mga mata ko at kapag nagtatagumpay naman s'ya, nginingisian n'ya ako o hindi kaya ay bibigyan n'ya ako ng isang makahulugang titig.

Hindi ko alam kung para saan ba 'yong mga ginagawa n'ya. Dahil ba ito kay Benjamin? Dahil ba ito sa closeness namin ni Benjamin? Gaga, hindi na silang dalawa, matagal na. At kani-kanina lang ay may nilalandi s'yang lakaki.

I don't know what is her reason behind those actions. Is this because of Benjamin? Is this because of our closeness? Tsk. Matagal na silang hiwalay ni Benjamin, mag-ta-tatlong taon na, tapos nagagalit s'ya, naiinis s'ya sa akin dahil magkaibigan kami ni Benjamin? Magkaibigan lang naman kami! At tiyaka wala na s'yang pakialam kung sino ang gustong maging kaibigan ni Benjamin, dahil nga tapos na sila. Tapos na ang relasyon nilang dalawa.

"Dad, banyo lang ako." Pagpapaalam ko kay Daddy habang nakangiti. Ayaw ko namang ibuntong kay Daddy ang init ng ulo ko para kay Dorothy, at tiyaka nakakahiya naman kung mag-bre-break down ako dito, 'no. Ang dami kaya namin dito.

"Okay. Basta sumunod ka sa amin sa living hall pagkatapos mong magbanyo."

Tumango lamang naman ako kay Daddy bilang sagot at nagpaalam na sa iba pa naming mga kasama. Tumango lamang din naman sila sa akin bilang sagot kaya lumabas na ako dito sa loob ng hall. Nang nasa labas na ako ng hall, mas lalong namilipit ang mga binti ko. Parang puputok na ang ihi ko. Parang gusto nang lumabas. Kahit gusto ko mang kausapin o makipag-usap sa mga Flight Attendants na nasa labas ng hall, hindi na kaya ng ihi ko. Lalabas na talaga ito.

Kasalanan ito ni Dorothy! Mukha kasing inidoro kaya ayan napapaihi na ako!

Lakad at takbo ang ginagawa ko upang marating ang banyo dito sa headquarters. Lumalakad ako nang normal kapag may mga nakakasalubong akong mga tao, habang tumatakbo naman ako kapag ako na lamang ang mag-isa.

Bakit ba kasi walang banyo doon sa hall?!

Nang nasa mismong gitna na ako ng dalawang magkaibang banyo para sa mga lalaki at babae, huminto muna ako at pilit na kinakalma ang sarili. Hiningal ako doon. Habang kinakalma ang sarili, pabalik-balik ko kung basahin ang dalawang salita na nasa itaas ng dalawang pinto na magkatapat. Male and female. Sa ibaba naman ng mga salitang 'yon ay ang icon na nagsasabing sino ang puwedeng pumasok sa loob ng dalawang magkaibang banyo.

Nang maramdaman kong kalmado na ako, tiyaka ko lamang pinihit ang doorknob sa pintuan ng mga babae at kaagad ding pumasok. Pagpasok ko sa loob, kaagad na bumungad sa akin ang mga pintuan ng bawat cubicle na nakabukas. Walang tao.

Nagkibit balikat na lamang ako at hindi na 'yon pinagtuunan pa ng pansin. Pinili ko ang pinakaunahan na cubicle. Kaagad kong sinerado ang pintuan. Kumuha muna ako ng tissue at pinunasan ang bunganga ng bowl. Pagkatapos no'n ay umupo na doon.

Habang umiihi ako, may naririnig akong mga yapak ng heels na tumatama sa tiles na sahig. Maya-maya lamang ay narinig ko na lamang ang paglock ng taong pumasok sa pintuan ng isang cubicle. At least may kasama na ako.

Nang tapos na ako sa pag-ihi ko, kaagad kong flinush ang inidoro at lumabas na ng cubicle. Hindi ko pa man nasasarado nang maayos ang cubicle ay napangiti na kaagad ako nang makita ang repleksyon ko sa malaking salamin na nasa harapan ko. May hand free faucet din sa bawat puting sink na kung saan ay automatic itong maglalabas ng tubig kung makakadetect itong ng kamay na nakatapat doon. Kaagad akong pumunta doon at kaagad na itinapat ang dalawang kamay sa baba ng gripo. The faucet instantly released water without me opening it.

Nakakabilib. Now I wonder kung kami lang ba ay may ganitong klase ng gripo?

Napalingon ako sa debotelyang hand liquid soap na nasa gilid lamang naman ng lababo. Inalis ko muna ang isa kong kamay sa tapat ng tubig habang ang isa ay nanatili doon, kaya nanatili ding umaagos ang tubig. I pressed nonstop the bottle until I got the right amount of liquid soap that I want. Ibinalik ko ang isa kong kamay sa tubig at doon na hinugasan ang dalawang kamay habang ang mga mata ay nasa salamin.

Napahinto lamang ako sa paghuhugas ng kamay nang makita ko kung sino ang babaeng kalalabas lang ng cubicle na nasa tabi ng cubicle na ginamit ko kanina. Nagkakatititan kami sa salamin kaya binigyan n'ya ako ng isang matamis na ngiti. A sweet smile that Flight Attendants usually does.

"Oh, Captain. Ikaw, pala." She utter nicely, but her eyes weren't. Hindi ko s'ya pinansin, itinuon ko lamang ang mga mata ko sa umaagos na tubig. "Hindi mo man lang ako babatiin?" Tanong n'ya sabay tabi sa akin sa paghuhugas ng kamay. Kaagad n'yang itinapat ang dalawa n'yang kamay sa gripo kaya kaagad ding naglabas ng tubig ang gripo.

"Hi." Simple kong sabi sabay ngiti sa kan'ya ng maliit.

Tumawa naman si Dorothy kaya naagaw n'ya ang atensyon ko. "Ano pala ang ginagawa mo dito? You're not part of the Board of Directors, right? As far I know you're a Flight Captain...so it's not your work to be here...and not because you're the daughter of the President of YZ Airlines will mean that you can be here."

Tumawa naman ako kagaya ng pagtawa n'ya kanina. "Paladesisyon ka? Ikaw ba ang may-ari nitong headquarters para pagbawalan ako? As fas as I know you're just working at our company," Huminto ako at nginisian s'ya habang ang mga mata ay hindi kumukurap. Ito ang unang pagkakataon ko na ipagmayabang na amin ang kompanyang ito. "So...you don't have any rights to dictate what should I do or where should I go. At tiyaka, ano pala ang ginagawa mo dito?" Iniurong ko ang mukha ko at nginitian s'ya ulit. Isang ngiti na nakakabuwisit. Pagkatapos ko s'yang ngitian, inalis ko na ang dalawa kong kamay sa tapat ng gripo kaya kaagad ding huminto sa paglabas ng tubig ang gripo. "Nag-au-audition? Sa tingin mo matatanggap ka? Tingnan mo nga 'yang ugali mo, pakiramdam mo. Diba, basura?"

Dorothy's eyes narrowed because of what she heard, but it was only lasted for a moment. Humalaklak s'ya. "At least ako, hindi uto-uto. Eh, ikaw? Uto-uto na nga tatanga-tanga pa."

Natigilan ako sa sinabi n'ya pero hindi ko 'yon pinahalata. I kept my poker face on. Nakapoker face na para bang wala akong pakialam sa sinabi n'ya, kahit na ang totoo ay nangagalaiti na ako.

"Do you really expect that your friendship with Benjamin is true? Do you really expect that he genuinely wants you to be his friends?"

"Ah, so si Benjamin na naman? Alam mo kung iniisip mo na may gusto ako sa kan'ya kaya galit na galit ka sa akin, puwes bobo ka. Wala akong gusto sa kan'ya, at kung gusto mo ikadena mo s'ya sa katawan mo para hindi s'ya makaalis sa tabi mo. O hindi kaya ay sarili mo ang ikadena mo total aso ka naman, diba? Kasi habol ka nang habol sa amo mo na ayaw na sa'yo. Habol ka nang habol kay Benjamin na diring diri na sa kakahabol mo."

Hindi pa din nagpatinag si Dorothy. Nakangisi pa din s'ya na para bang walang effect 'yong sinabi ko sa kan'ya. Na para bang hindi s'ya nasaktan sa sinabi ko.

It's not my intention to say those hurtful words, but she pushed me to say those words. Those hurtful words.

"Hindi ako andito para kay Benjamin. Andito ako para balaan ka sa kan'ya. Para tulungan ka. You don't him. You don't know him well. Ni hindi mo nga alam ang agenda n'ya kaya lumalapit s'ya sa'yo."

"Kung ano man 'yang dahilan na nalaman mo, sarilinin mo na lang dahil wala akong pakialam." Tumalikod na ako at handa na sanang maglakad nang may makalimutang sabihin sa kan'ya. "Hindi ko din pala kailangan ng tulong mo, dahil ang ginto na tulad ko ay hindi dapat nakikinig sa mga basurang katulad mo."

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 37.3K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
242K 13.7K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.2M 33.4K 35
Beatrix Hayle Ponce de Leon always gets what she wants pero sa tuwing nakukuha niya kung ano ang mga gusto niya ay kaagad lamang siyang nagsasawa. Es...
2M 79.4K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.