Take a Sip (Love Potion Serie...

By _DUCHESS

1.8K 266 1.1K

Ciera Larraine Davis, the young multi-millionaire and the vice president of Bright Telecommunications, the fi... More

Epigraph
Chapter 1: Invitation
Chapter 2: Madam Divina
Chapter 3: Love Potion
Chapter 4: The Party
Chapter 5: Messed up
Chapter 6: Finding the Solution
Chapter 7: A Gift Basket
Chapter 8: Confession
Chapter 9: Blame
Chapter 10: Acceptance
Chapter 11: Dinner
Chapter 12 Text Message
Chapter 13: Late Night Talk
Chapter 14: Resignation Letter
Chapter 15: Mini Date
Chapter 16: Dating Scandal
Chapter 17: Confrontation
Chapter 18: Comfort
Chapter 19: Offer
Chapter 20: Broken Heart
Chapter 21: Something is Wrong
Chapter 22: Welcome Party
Chapter 23: Truth or Dare
Chapter 24: Talk
Chapter 25: Advice
Chapter 26: Confusion
Chapter 27: Flashback
Chapter 28: Jealousy
Chapter 30: Let's make it Official
Epilogue

Chapter 29: Opening my heart

41 6 6
By _DUCHESS

Ciera's POV

"Kasalanan mo kasi! Sorry ah? Deserve mo rin naman 'yan kasi shunga ka!"

'Yan ang unang mga sinabi ni Mellisa matapos kon ikuwento sa kaniya ang nararamdaman ko kay Callum pati na rin ang mga nangyari noong nakaraan.

On the way na rin kami sa birthday party ni Lavin na gaganapin sa isang resort na pagmamay-ari din ng kanilang pamilya. One day ahead ang birthday party ni Lavin dahil nais niyang salubungin ngayong gabi ang kaniyang birthday ng saktong 12 am.

Oo, gabi nanaman ang party, pero ito ay kainan lang at katuwaan, walang halong inuman, kung mayroon man siguro ay slight lang hindi tulad noong birthday ni Callum.

Ngayon lang din kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ni Mellisa. Kung hindi pa nga kami sabay na pupunta sa birthday ni Lavin ay malamang sa susunod pa kami makakapag-usap.

"Oo na, kasalanan ko na," inis kong sabi. "Pero kasalanan ko ba na late ko na napagtanto ang nararamdaman ko para sa kaniya?!"

Binigyan naman ako ni Mellisa ng isang mapanghusgang tingin na ani mo ba'y hinuhusgahan niya ang buo kong pagkatao.

"Oh? Bakit ka ganiyan makatingin? Hindi ko naman kasalanan na wala akong alam sa pag-ibig ah? Hindi ko naman kasalanan na medyo shunga ako pagdating sa ganoong bagay!" depensa ko sa aking sarili. "Makatingin ka naman diyan pang ako lang ang tanga sa pag-ibig."

Akala mo naman kasi kung makatingin siya expert siya sa love eh kapag nga nagkakaroon siya ng boyfriend ay hindi sila nagtatagal. Kung hindi ako nagkakamali, ang pinakamatagal lang na relationship ni Mellisa ay umabot ng 2 months, 'yon lang.

"Excuse me?! Paalala ko lang sa'yo ah? Marami akong alam sa love!" pagmamayabang niya pa.

Aba! Ngayon niya pa ako yayabangan! Akala mo talaga expert siya!

"Hoy babae! Papaalala ko lang sa'yo ah? Two months lang ang pinakamatagal mong relationship!" pagkontra ko naman sa kaniya.

Umiwas naman siya ng tingin na para bang guilty talaga siya sa sinasabi ko.

Napangisi naman ako dahil sa kaniyang naging reaksiyon, "Oh? 'Di ka yata makapagsalita? Tama naman ako ah?" pang-aasar ko sa kaniya.

"At least sikat na artista 'yon!" nahihiya niya namang sabi. "Nakabingwit ako ng artista! 'Yon ang mahalaga! Tsaka ang guwapo kaya no'n!"

Hindi ko na napigilan pa ang aking pagtawa nang dahil sa kaniyang sinabi.

"Oo na! Ikaw na ang nagkaroon ng ex na sikat, artista, guwapo, at mayaman!" natatawa kong sabi.

"Oo! Buti pa ako may ex na ganoon! Samantalang ikaw shunga na nga sa pag-ibig, no boyfriend since birth pa!" pang-aasar naman niya sa akin.

Ouch ah! Aaminin ko medyo nakaka-offend 'yon!

"At least sikat din ako! Mayaman din ako at maganda! Tsaka magaling sa negosyo!" pagdepensa ko sa aking sarili.

"Oo na! Ikaw na ang magaling! Kaso puro nga lang trabaho ang alam mo, kawawa naman magiging boyfriend mo," natatawa niyang sabi.

Aba! Grabe na ah! Inaasar ko lang naman siya kanina tapos ngayon ako naman ang inaasar niya?!

"Pero seryoso, Ciera? Gusto mo na talaga si Callum? Parang noong nakaraan lang si Lavin ang gusto mo ah?" seryoso niyang tanong at binigyan ako ng isang taas kilay na tingin.

Mukha ba akong nagsisinungaling?

"Oo naman! Sigurado ako! Sabi ko naman sa'yo na nahulog ako dahil sa mga efforts ni Callum!" confident kong sabi.

"Paano kung si Callum pala ang confusion at si Lavin talaga ang mahal mo?" kunot noo niyang tanong sa akin.

Sandali naman akong natigilan sa kaniyang tanong.

Naalala ko tuloy 'yong sinabi ni Cairo na iisa lang daw talaga ang gusto at mahal ko, samantalang 'yong isa ay confusion lang.

Nararamdaman ko at sigurado naman ako na si Callum ang gusto ko at si Lavin lang ang confusion, pero bakit natigilan ako sa tanong ni Mellisa?

"Nililito lang talaga kita. Sinusubukan ko lang din kung confident ka pa rin bang sasagot sa akin, pero base sa nakita kong reaksiyon mo, hindi ka pa talaga sigrado, Ciera." Umiiling na wika ni Mellisa.

"Pero pakiramdam ko sigurado na ako!" bahagya nang napataas ang aking boses.

Nginitian naman ako ni Mellisa at tinapik niya ang aking balikat, "Kung sigurado ka na talaga na si Callum ang gusto mo at hindi na si Lavin, hindi ka titigil upang mag-isip pa kapag tinanong ka kung sigurado ka na ba talaga sa nararamdaman mo. Alam mo, Ciera, kung siguradong sigurado ka na kasi na sa nararamdaman mo, kahit tanungin pa kita ng isang daang beses kung sigurado ka ba kay Callum, hindi ka na hihinto pa para mag-isip, sasagutin mo na agad ang tanong ko kahit paulit-ulit."

Napayuko naman ako dahil sa kaniyang sinabi.

May point naman siya, baka nga hindi pa talaga ako sigurado sa nararamdaman ko? Baka masyado lang din akong nadala sa aking mga emosiyon. O baka naman hanggang ngayon ay may confusion pa rin ako sa nararamdaman ko?

"Tama ka nga, dapat sigurado muna ako," bulong ko sa aking sarili.

Inilipat ko na lang din ang aking atensiyon sa labas kung saan nakikita ko ang mga matataas at malalaking mga building at mga sasakyang dumadaan, baka kasi sa ganitong paraan makapag isip-isip ako at mapagtanto ko kung ano talaga ang totoo kong nararamdaman.

"Hindi naman sa ginugulo ko ang nararamdaman mo ah? Gusto ko lang talagang maging sigurado ka lalo na sa magiging desisyon mo. Alam ko kung gaano kahirap ang pag-ibig at ayaw ko lang din na masaktan ka," malumanay na wika ni Mellisa na tinanguan ko na lamang.

Tama nanaman siya. Sa pagsasalita niya nga ngayon para na talaga siyang expert pagdating sa pag-ibig.

Hindi na kami muling nag imikan ni Mellisa hanggang sa hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa resort.

Pagbaba naman sa sasakyan ay agad na bumungad sa amin ang mga dumaraming tao na mga bisita rin ni Lavin. Ang ilan din sa mga nakikita ko rito ngayon ay mga kakilala ko lalo na sa larangan ng negosyo.

Pumasok na kami sa loob ng resort at bumungad naman sa amin ang mga nakakasilaw na makukulay na mga ilaw, pati na rin ang mga samo't saring palamuti.

Sa hindi malamang dahilan ay agad na hinanap ng aking mga mata si Callum. Alam na alam ko kasi na pupunta siya rito dahil birthday ito ng kaibigan niya.

"Ciera! I'm glad that you came!" masayang bungad sa akin ni Lavin na akin namang ikinagulat.

Lumingon naman ako dahil siya pala ay nasa aking likod at binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

"Hi, Lavin! Happy birthday!" I greeted him as I handed my birthday gift to him. "I wish you more birthdays to come!"

"Thank you, Ciera!" masaya naman niyang sabi at tinanggap ang regalo ko.

"Happy birthday, Lavin! I wish you happiness!" masaya ring bati ni Mellisa at ibinigay ang regalo niya para kay Lavin.

Masaya namang tinanggap ni Lavin ang regalo ni Mellisa sa kaniya at natatawa rin siya dahil sa sinabi ni Mellisa.

Kahit ako ay natatawa rin eh! Sino ba naman kasi ang nagsasabi ng "I wish you happiness" sa may birthday? Hindi ba pang kasal 'yon? Itong babae talagang 'to hindi man lang nag-iisip!

"Parang pangkasal na yata ang sinabi mo, Mellisa!" natatawang sabi ni Lavin. "You should've just saved it, malapit na rin naman akong ikasal."

Bigla namang naglaho ang aking ngiti nang dahil sa kaniyang sinabi at napansin ko ang babaeng nakaangkla sa kaniyang braso. Ang babaeng kasama niya ngayon ay ang babaeng nasa picture na pinost niya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, pero one thing is for sure, hindi ako nasasaktan sa sinabi ni Lavin, mas nakakaramdam pa nga ako ng tuwa para sa kaniya, at gulat lang din ang nararamdaman ko ngayon dahil hindi ko inaasahan ang sinabi niya.

"Oh my goodness! Ikakasal?! Kanino?!" hindi makapaniwalang wika ni Mellisa na napatakip pa sa kaniyang bibig.

Napakamot naman si Lavin sa kaniyang batok at nahihiyang napatingin sa amin, "Ia-announce ko pa sana mamaya, kaso dahil close friends ko naman kayo, sasabihin ko na lang ngayon," pabulong niyang sabi.

"This is Maddison, my fiancée," pagpapakilala ni Lavin sa babaeng kasama niya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya, "Nice to meet you, Maddison! I'm Ciera, a close friend of Lavin!" masaya kong sabi at nakipag shake hands kay Maddison. Nagpakilala rin sa kaniya si Mellisa.

She looks so nice, they also look good together. Purong saya lang din ang nararamdaman ko ngayon para sa kanilang dalawa lalong lalo na para kay Lavin.

"Congratulations to the both of you!" I beamed.

"Oo nga! Basta ninang ako sa magiging anak ninyo ah?" natatawang biro ni Mellisa.

Nagpasalamat naman si Lavin sa mga bati namin at parehas silang natawa sa biro ni Mellisa. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin dahil kinailangan nang umalis ni Lavin upang i-entertain ang ibang mga guests.

Hindi rin naman nagtagal ay nag-umpisa na ang kainan at kuwentuhan. Pinakilala na rin ni Lavin sa lahat ang kaniyang fiancée.

"Ang bait ni Maddison noh?" bulong sa akin ni Mellisa.

"Oo nga eh. I'm so happy for them, they really suit each other," masaya kong wika habang nakatingin kayna Lavin at Maddison na masayang nag kukwentuhan.

"Hindi ka nagseselos? Hindi ka man lang ba nasasaktan kasi may fiancée na si Lavin?" seryosong tanong sa akin ni Mellisa.

Kunot noo ko naman siyang tiningnan, "Hindi ah! Masaya nga ako para sa kanila! Legit happiness din ang nararamdaman ko noh!"

Napatango na lamang si Mellisa nang dahil sa aking sinabi.

Lumalalim na ang gabi at malapit na mag 12 am ngunit wala pa rin ang taong kanina ko pa hinihintay... ang taong kanina ko pa hinahanap.

"Parang kanina ka pa may hinahanap ah?" kunot noong tanong sa akin ni Mellisa nang mapansin niyang kanina pa ako tumitingin sa paligid.

"Wala, tinitingnan ko lang mga kakilala ko," palusot ko. "Punta muna ako sa restroom, diyan ka lang."

Hindi ko naman na hinintay pa ang sagot ni Mellisa at tumayo na ako upang pumunta sa restroom.

Hindi naman talaga ako naiihi or what, sadyang gusto ko lang maging mapag-isa, sakto namang walang ibang tao sa loob ng restroom.

Tiningnan ko ang sarili kong repleksiyon mula sa salamin at sinuklay ang aking mahabang buhok.

Pinipilit kong huwag bumagsak ang aking mga luha na kanina pa nagbabadyang bumagsak.

Hindi talaga ako naiiyak dahil nagseselos ako sa fiancée ni Lavin, siguradong sigurado na talaga ako na hindi si Lavin ang gusto ko, na hindi talaga siya ang mahal ko. Ramdam ko sa puso ko na nabura na ang pangalan ni Lavin at napalitan na ito ng isang panibagong tao na hindi ko inaasahang mamahalin ko. Kaya nga lang, I think it's already too late, mukhang may iba na si Callum.

"Tanga tanga naman kasi, Ciera!" inis kong sabi sa aking sarili at nagsimula nang magsibagsakan ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Ang bigat sa puso... Bakit naman kasi parang ang malas ko talaga sa pag-ibig? Kung kailan handa na akong harapin ang nararamdaman ko bigla namang may iba na siya.

Gayumahin ko kaya ulit si Callum? This time siya na kaya ang gawin kong target?

"No! Don't think like that, Ciera! Hindi napipilit ang pag-ibig!" pagsita ko sa aking sarili.

"Don't worry, Ciera, you will have a happy ending, just think wisely."

"I guess I won't have that happy ending since mali ang naging desisyon ko sa buhay at hindi ako nag-iisip ng matino," mapait kong sabi sa aking sarili.

Pinunasan ko na ang aking mga luha dahil hindi naman puwedeng dito lang ako sa banyo habang buhay at umiyak na lang hanggang sa matuyuan ang buo kong katawan.

Lumabas na ako sa restroom at sakto namang paglabas ko ay sinalubong ako agad ng mga maiingay na fireworks, hudyat na 12 am na at birthday na talaga ni Lavin.

Natanaw ko naman mula sa malayo sina Lavin at Maddison. They look so happy as they kissed each other.

Nagsimula nanamang magsibagsakan ang aking mga luha nang dahil sa aking nakita.

I'm not crying because I'm mad at the fact that Lavin already has a fiancée; I'm crying because I wish I would be as happy as them with a specific someone; Someone who isn't even here.

Nagulat naman ako dahil may kamay na biglang tumakip sa aking mga mata.

I can even feel the presence of that person behind me, and I can smell his manly scent.

His scent was so familiar that I can recognize him right away.

"Don't look at them you'll just get hurt." I can smell his minty breath as he whispered those words.

I knew it! It's him!

"Callum," I whispered.

My heart is beating fast right now, and it's all because of him. His presence is enough to make me feel butterflies and to make my heart beat so fast.

"Timbangin mo kung sino at ano ang mas lamang, 'yan lang ang mapapayo ko sa'yo."

Mas lalo ko nang hindi napigilan ang aking mga luha nang maalala ko ang mga katagang ito.

Hindi ko na rin napigilan pa ang aking sarili na humarap at yakapin si Callum.

"Ikaw talaga ang mas matimbang, Callum. Siguradong sigurado na ako sa nararamdaman ko, wala nang bawian," I said as I buried my face on his chest.

"What are you talking about, Ciera?!" hindi makapaniwala at nalilitong wika ni Callum.

Alam kong mukha akong ewan dahil umiiyak ako ngayon, pero inangat ko pa rin ang aking ulo at diretso ko siyang tiningnan sa kaniyang mga mata.

"I love you, Callum," I said full of sincerity.

His face turned red immediately.

I know for sure he was taken aback because of what I've said. Pero ayos lang, ang mahalaga ay nasabi ko na ang nararamdaman ko kahit alam kong too late na.

"I love you too, Ciera," he said as he cupped my face. "I love you so much at walang magbabago sa nararamdaman ko sa'yo. Tatlong buwan na ang nakalipas simula noong nainom ko ang gayuma, at tingnan mo, wala pa ring nagbabago sa nararamdaman ko para sa'yo. Mahal pa rin talaga kita, at walang kahit na anong gayuma ang magpapabago doon."

I was shocked when he suddenly pressed his soft lips into mine. It even took me a couple of seconds before I kissed him back.

Our lips parted after a couple of seconds, and I don't why am I still longing for more. It's as if his kiss was a drug that I am addicted to.

"Let's get out of here, Ciera. I have something for you." He grabbed my wrist and took the lead.

I don't know where we are going, but one thing is for sure; I'll go wherever he is going.

=END OF CHAPTER 29=

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 37.8K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
9.1K 338 49
Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?
17.4K 168 57
Pananampalataya. Faith. Bible. Worship. Ang mga salitang kumokonekta kay Alexandra Jane Laude. She may be one of the world's most faithful person whe...
2.1M 81.2K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.