Promises Beneath The Blue Clo...

By ms_peppa_pig

3.2K 163 16

Yvette Remi Zendaya a woman who is madly inlove with aircraft. A woman who will prioritize more the word 'wor... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27

CHAPTER 12

87 5 0
By ms_peppa_pig

Ang sarap pala sa pakiramdam kung ang lahat ng gusto mong mangyari ay sumasang-ayon sa'yo. 'Yong tipong dati pinapangarap mo lamang, ngayon abot kamay mo na. 'Yong tipong dati nag-iimagine ka lang, ngayon totoo nang nangyayari.

Napangiti ako habang pinagpapatuloy ang pag-aayos ng buhok ko. As I fixed my hair, I couldn't help but to remember all the things happened this past few weeks.

After what happened at the Marshall's residence, I feel something has changed. From the way how Benjamin treated me to the way how he started at me. Kung dati-rati ay iniiwasan ako o hindi kaya ay hindi pinapansin ni Benjamin kapag nagkakasalubungan kami o 'di kaya ay nagkakatitigan, ngayon ay halos mapunit na ang kan'yang labi kakangiti sa akin. Sa aking mga mata mas lalong umaaliwalas at gumaguwapo ang kan'yang mukha kapag ngumiti s'ya.

Hindi lamang 'yon ang nangyari. Napapansin ko din na nitong mga nakaraang araw mas nagiging close na kami ni Daddy sa isa't isa. Mas nagiging open na ako sa kan'ya, at parang umi-improve na rin ang relasyon namin bilang mag-ama.

When I feel good and comfortable with my look and outfit, I instantly got up from my seat and picked a sandals that will compliment my outfit. I chose the mint green sandals which I think has three inch heel. Napangiti naman ako ng mapagtanto kung anong kulay ang suot ko ngayon. Our theme for today is mint green! Mula sa mint green off shoulder dress pababa hanggang sa mint green sandals. Sayang wala akong mint green chain bag, ang tanging mayroon ako ay 'yong shoulder bag ko na palagi kong suot kung saan ako pumunta at ang matagal ko nang binili na black chain bag na minsan ko lang kung gamitin. Hindi naman kasi ako mahilig sa bag, pero dahil napaka-espesyal nitong gabi na 'to para sa akin ang gagamitin ko ay 'yong black chain bag ko.

Dinner date kasi namin ngayon ni Daddy kaya dapat lamang na maganda at presentable ako. Minsan lang kasi mag-aya si Daddy nang ganito kaya pinaghandaan ko ito nang husto.

Bago lumabas ng kuwarto, pinatitigan ko ulit ang katawan ko sa harap ng malaking salamin. Napangiti ako. I'm nervous yet excited.

"Manang!" I greeted Manang Rose with an ear-to-ear smile when I saw her downstairs.

Nilingon naman muna ako ni Manang Rose bago ngitian. "Oh? May date ka?"

I laughed softly. "Yes, Manang. I have —"

"May boyfriend ka na pala?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Manang habang ang mga mata ay hindi kumukurap.

Kaagad akong napangiwi nang marinig ang sinabi ni Manang Rose.

Porque sinabi kong may date ako, boyfriend ko na kaagad ang kadate ko? Wala nga akong boyfriend!

"Manang, boyfriend kaagad? Hindi pa puwede na si Daddy?" Natatawa kong tanong. Huminto lamang ako sa pagtawa nang hindi natawa si Manang sa sinabi ko. Kumunot lamang ang kan'yang noo at parang naguguluhan sa sinabi ko.

"Daddy mo?"

"Yes, Manang. Mag-di-diner date kami ni Daddy! God! Nakakakilig, Manang. Imagine, 'yong relasyon namin bilang mag-ama, unti-unti nang bumubuti. Kung dati palaging maiinit ang ulo ni Daddy sa akin, ngayon minsan na lang. Nakakaproud bilang anak." Nakangiti kong saad habang ang mukha ay maaliwalas.

Manang Rose was about to speak when I interrupted her.

"Manang, alis na ako, ha? Seven pm kasi 'yong oras na sinabi ni Daddy. Six-thirty na. Ba-bye! Pakisabi kay Mommy na papunta na ako doon sa place na sinabi sa akin ni Daddy. Ba-bye, Manang!" I waved my right hand.

Nang nasa labas na ako ng bahay, kaagad na akong pumasok sa isang kotse namin at kaagad na nagpahatid sa driver namin.

Funny, right? I am a Pilot, I have a licensed, I have a passport, I have a visa, yet I don't have a driver license. Marunong naman akong magmaneho ng sasakyan, pero natatakot lamang ako na magmaneho dahil baka matiyempuhan ako na may check-point tapos wala akong maipakita na driver license. Tiyaka hindi naman din kailangan ng driver license para magpalipad ng eroplano.

Malapit lamang naman sa bahay namin ang lugar na sinabi sa akin ni Daddy kahapon, mga ilang minuto lamang ang bi-biyahe-hin. Ang hindi ko lamang maintindihan ay bakit sa Chinese Restaurant gayong hindi naman doon kumakain si Daddy. May be he wants to try something new. May be.

Napalingon ako sa labas ng bintana. Street lights are everywhere. Nagsisimula nang maging mausok ang kalsada dahil sa kabi-kabilang ihawan. 'Yong mga maliit na kainan na bukas sa gabi ay nagsisimula nang magbukas, habang ang iba naman ay nagsisimula nang magserado. Nagiging buhay na ang kalsada dahil sa dami ng tao.

Napabuntong hininga ako at inihilig na lang ang ulo sa bintana. Itinuon ko na lang ang mga mata ko sa aircon na ngayon ay naglalabas ng mabangong hangin.

Naramdaman kong lumiko ang sasakyan kaya alam kong malapit na kami. Alam ko kasi kung saan ang Chinese Restaurant na 'yon dahil minsan na akong pumunta doon nang manlibre si Sydney ilang araw matapos ang kasal nila ng asawa n'yang si Aeiou.

Speaking of my freinds, how are they? Na-mi-miss ko na sila. Ilang buwan na din kaming hindi nagkikita, dahil busy kami sa kan'ya kan'ya naming buhay. Sana kapag hindi na kami busy at kapag kumpleto na ang lahat sana naman gumala kami, kamain sa restaurant, at magliwaliw. Na-mi-miss ko na ang kakulitan nilang lahat, lalong-lalo na ang kakulitan ni Valkyrie.

"Ma'am, andito na tayo." Imporma ni Mang Arnel—ang aming driver kaya kaagad akong tumango at binuksan na ang pinto.

When I stepped my right foot out of the car, I was immediately greeted by a nervousness that I had never felt before. I feel something wrong, I feel like I want to go home even though I just arrived here.

Iniiling ko ang ulo ko para mawala ang lahat ng bumabagabag sa akin at inihakbang na rin ang kaliwang paa para buong katawan ko na ang nasa labas ng sasakyan.

"Yvette, sino bang kikitain mo d'yan sa Chinese Restaurant?" Tanong ni Mang Arnel sa akin kaya ibinaling ko na sa kan'ya ang buo kong atensyon na kanina ay nasa Restaurant.

Ngumiti muna ako bago sumagot. "Si Daddy, Mang Arnel. Dinner date."

Katulad nang naunang emosyon na nakita ko kanina kay Manang Rose, nagulat at naguluhan din si Mang Arnel dahil sa sagot ko.

Ako naman ngayon ang napakunot ng noo. I looked at him ridiculously.

May mali ba sa naging sagot ko?

"Andito pala si Sir? Akala ko nasa bahay lang. Hindi kasi nagpahatid sa akin kanina."

Ewan, pero pakiramdam ko mas lalo akong kinabahan dahil sa sagot na 'yon ni Mang Arnel, unti-unti na ring nababasa ang kilikili ko.

"O, s'ya. Ingat ka, Yvette, ah. Susunduin ko kayo ng Daddy mo mamayang ten pm."

Hindi ko sinagot si Mang Arnel dahil kinain ng kaba ko ang boses ko kaya ang ginawa ko ay tumango na lamang ako. Nararamdaman ko din ang panginginig ng mga kamay ko at ang pamamasa ng dalawa kong palad.

Nang maramdaman ni Mang Arnel na wala na akong sasabihin, nagpaalam na ito sa akin at tumalikod. He immediately enter inside the car. Hinintay ko munang makaalis si Mang Arnel bago pumasok sa loon ng Chinese Restaurant. Nang wala na ang sasakyan, tumalikod na rin ako at bumuga ng hangin. Kinakalaban ko ang kaba ko.

Nang nasa entrada na ako ng Chinese Restaurant, kaagad akong binati ng malamig na hangin na dala ng aircon. Napapikit muna ako at napangiti. Pagkamulat ko ng mga mata ko kaagad kong inilibot ang paningin ko sa kabuuan nito.

Pula at dilaw lamang ang kulay na nakikita ko sa kabuuan ng loob ng restaurant. Mula sa ceiling na ang kulay ay pula na pinalamutian ng kulay dilaw na mga palamuti pababa sa mga silya at mesa na gawa sa kahoy na may maliit na unan na ang kulay ay pa rin. May mga dragon na kulay pula at dilaw din akong nakikita sa magkabilaang dingding ng restaurant. Kapansin pansin rin ang kulaw dilaw na malaking kutsara at tinidor sa pinakasentro ng Restaurant. Dahil sa dalawang kulay na pumapalibot sa loog ng Chinese Restaurant nagmimistulang madilim sa loob kahit na may mga ilaw naman kaso nga lang medyo dim. Napansin ko rin na hindi ganoong puno sa loob ng Restaurant, siguro dahil kailangan ng reservation kapag kakain dito sa loob.

"Hāi, wǎnshàng hǎo, nǚshì! (Hi, good evening, Ma'am!) Welcome to Golden Spoon Chinese Restaurant! May I know your reservation name, Ma'am?" Kaagad akong binati ng isang magandang babae na nakakulay pula na uniform nang makita akong papunta sa direksyon n'ya.

"Hi, good evening, too." Bati ko din sa kan'ya gamit ang wikang ingles. Naintindihan ko kasi 'yong una n'yang sinabi na mandarin. "Rex Ysmael Zendaya." Sagot ko naman sa tanong n'ya sa akin habang nginingitian din ang babaeng nasa harapan ko.

Tumango lamang naman sa akin ang babae habang ang ngiti ay hindi pa din nawawala at maya-maya lamang ay tumungo na s'ya para hanapin ang pangalan ng Daddy ko sa mga taong may reservation.

"I am sorry, Ma'am, but no one made a reservation here whose name is Rex Ysmael Zendaya." Nakangiti ngunit ang boses ay malungkot na aniya ng babaeng kausap ko.

Nangunot naman ang noo ko at naguluhan.

Walang Rex Ysmael Zendaya na nagpareserve dito? Namali ba ako ng restaurant na pinuntahan? Pero ang sabi ni Daddy ay sa Golden Spoon Chinese Restaurant daw kami kakain. Kung walang nagpareserve dito na ang pangalan ay Rex Ysmael Zendaya, ano palang ginamit ni Daddy na pangalan para magkaroon ng reservation dito? Nagpareserve nga ba talaga s'ya dito o gino-good time lang ako ni Daddy?

"But, Ma'am," Itinuon ko ulit ang mga mata ko sa babae nang magsalita ulit s'ya. "There's a reservation here that is under the name of Yvette Remi Zendaya?" Patanong n'yang dagdag.

Kaagad naman akong nabuhayan ng loob nang marinig ko ang pangalan ko.

Si Daddy naman, eh! Hindi sinabi na pinangalan pala n'ya sa akin 'yong reservation!

"That's me." Saad ko sabay taas ng kanang kamay.

Pumorma naman ng letrang 'o' ang bibig ng babae at maya-maya lamang ay ngumiti na naman s'ya sa akin at tumango.

"Do you have any valid identification card, that will prove that you're Yvette Remi Zendaya, Ma'am?" Magalang at nakangiti pa ring tanong ng babae.

Kaagad namang nawala ang ngiti ko sa labi nang maghingi ang babae ng ID. May dala ba ako? Parang wala.

"Just wait a little seconds, Ma'am." Sagot ko habang nakangiti. Kaagad akong naghalungkat sa loob ng bag ko. Kinuha ko ang wallet ko na malaki at binuksan 'yon. Napapikit ako ng mga mata nang mapagtanto na wala talaga akong dala na ID. Hindi ko naman kasi alam na kailangan pa 'yon.

"Ma'am I am sorry but if you don't have any valid identification card that will prove —"

"I have one...but you do accept any valid identification card, right?"

"Umm..." Hindi na nakangiti ang babaeng kausap ko at para rin s'yang nag-aalangan na sumagot. "It depends, Ma'am."

Tumango-tango naman ako at kinuha ang palagi kong dala na airport identification card at pagkatapos no'n ay inilapag sa harapan n'ya. Kinuha ito ng babae at sinuri.

Hindi ko alam kung kasama ba sa valid ang airport identification card ko. Pero sana naman valid ang airport card ko.

"Ahh, wait. Ummm...how about visa? I have visa here." Pagsasalita ko nang hindi umimik ang babae nang ipakita ko sa kan'ya ang airport identification card ko. Hinalungkat ko ulit ang maliit kong bag at hinanap ang visa ko, pero imbes na visa ang makuha ko passport ang nakuha ng kamay ko. "How about passport? I have —"

"Ma'am, you're airport identification card is valid. We consider it. You don't need to show any other proof to prove that you're Flight Captain Zendaya." She teased me that maked me stopped.

Tumawa na lamang naman ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot sa sinabi ng babae. Nang tumawa na ako narinig ko ring tumawa ang babae. Huminto lamang kami sa pagtawa nang huminto na ang babae sa pagtawa at lumabas sa parang pabilog n'yang kinalalagyan kung saan sad'yang balikat lamang ang nakalitaw. Nang makaalis na s'ya dito ay nauna na s'yang maglakad sa akin at sumunod ako  sa kan'ya.

Habang naglalakad, may mga nadadaanan akong mga mag-anak, magkakaibigan, o hindi kaya ay mag-shota na kumakain. Ang iba ay mukhang Chinese, 'yong iba naman ay mukhang foreigner na galing sa kanluran, habang ang iba naman ay Filipino. Mixed ang kumakain dito.

"Ma'am, this is the table that has been reserved under your name." Mahinahon na sabi sa akin ng babae nang huminto na kami.

Kaagad namang akong ngumiti at kaagad ding ibinaba ang mga mata. Gano'n na lang ang gulat  at pagtataka ko nang hindi si Daddy ang makita ko na nakaupo sa silya.

Ibang tao ang nakaupo. Lalaki s'ya at mukhang Chinese. Halatang may hinihintay.

"Uhh, I think we went to the wrong table." Nahihiya kong saad sa babae at medyo kinakabahan na. Nakatingin na kasi sa akin ang lalaki na nakaupo sa silya at natatakot ako, kahit na wala naman s'yang ginagawa sa akin.

Kaagad na humarap sa akin ang babae at kinunotan ako ng noo. "But this is table ninetineen, Ma'am."

Nilingon ko ulit ang lalaking guwapo, mukhang Chinese, maputi, at chinito na nakatingin sa akin.

"B-But he's not my father." Nauutal kong saad at alam kong namumula na rin ako sa hiya.

Hindi s'ya si Daddy at sigurado ako doon! Matanda na si Daddy! At lalong-lalo na hindi s'ya chinito!

Mas lalong kumunot ang noo ng babae at pabalik-balik na ang mga mata nito sa lalaking nakaupo sa table nineteen at sa akin na para bang nagtataka s'ya at nalilito.

"But you reserved table nineteen, Ma'am." The girl insisted.

Pero hindi ko naman Daddy ang nakaupo sa table fifteen! Parang kaedaran ko lamang ang lalaking nakaupo dito!

"Uhh, excuse me, Sir. May I know your name? Do you reserved this table nineteen? Or you just mistook that this is your table?" Magalang na tanong ng babae sa lalaking guwapo.

"Uhh... my date reserved this table for us. I am Miguel Tan." Pagpapakilala ng lalaki sabay tayo sa silya para pormal na magpakilala.

Kaagad akong dinapuan ng kung anu-anong emosyon nang marinig ko ang pangalan n'ya.

Miguel Tan? Teka, s'ya ba 'yong nirereto sa akin ni Daddy na anak ng may-ari ng Red Shipping Lines?

Wait, is this a set-up? Si-net-up ba ito ni Daddy para matuloy ang naudlot namin na date ni Miguel Tan dahil hindi ako pumunta no'ng nag-set sila ng unang date?

Kaya ba parang nagulat at litong-lito sina Manang Rose at Mang Arnel nang sabihin kong si Daddy ang ka-date ko?

Kaya ba parang kinakabahan ako? Kaya ba parang gusto ko nang umuwi kanina kahit kadarating ko lang? Kaya ba walang sumalubong sa akin pagbaba ko ng sasakyan kanina kasi wala si Daddy dito?

Fuck it.

Continue Reading

You'll Also Like

880K 16.8K 17
Pangako by Martha Cecilia Published by PHR
236K 13.5K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
164K 3.9K 54
What will you do if you end up in someone else body?