If I Could Turn Back The Time...

By terelou1220

8.4M 163K 5K

"Pinagsisihan ko ang mga panahong iniwan kita Jesica. Please give me another chance to set things right" Pags... More

Prologue
Chapter 1 part 1
Chapter 1 part 2
Chapter 2 part 1
Chapter 2 part 2
Chapter 3 part 1
Chapter 3 part 2
Chapter 4 part 1
Chapter 4 part 2
Chapter 5 part 1
Chapter 5 part 2
Chapter 6 part 1
Chapter 6 part 2
Chapter 7 part 1
Chapter 7 part 2
Chapter 8 part 1
Chapter 8 part 2
Chapter 9 part 1
Chapter 9 part 2
Chapter 10 part 1
Chapter 10 part 2
Chapter 11 part 1
Chapter 11 part 2
Chapter 12 part 1
Chapter 12 part 2
Chapter 13 part 1
Chapter 13 part 2
Chapter 14 part 1
Chapter 14 part 2
Chapter 15 part 1
Chapter 15 part 2
Chapter 16 part 1
Chapter 16 part 2
Chapter 17 part 1
Chapter 17 part 2
Chapter 18 part 1
Chapter 18 part 2
Chapter 19 part 1
Chapter 19 part 2
Chapter 20 part 1
Chapter 20 part 2
Chapter 21 part 1
Chapter 21 part 2
Chapter 22 part 1
Chapter 22 part 2
Chapter 23 part 1
Chapter 23 part 2
Chapter 24 part 1
Chapter 24 part 2
Chapter 25 part 1
Chapter 25 part 2
Chapter 26 part 1
Chapter 26 part 2
Chapter 27 part 1
Chapter 27 part 2
Chapter 28 part 1
Chapter 28 part 2
Chapter 29 part 1
Chapter 29 part 2
Chapter 30 part 1
Chapter 30 part 2
Chapter 31 part 1
Chapter 31 part 2
Chapter 32 part 1
Chapter 32 part 2
Chapter 33 part 1
Chapter 33 part 2
Chapter 34 part 1
Chapter 34 part 2
Chapter 35 part 1
Chapter 35 part 2
Chapter 36 part 1
Chapter 36 part 2
Chapter 37 part 1
Chapter 37 part 2
Chapter 38 part 1
Chapter 38 part 2
Chapter 39 part 1
Chapter 39 part 2
Chapter 40 part 1
Chapter 40 part 2
Chapter 41 part 1
Chapter 41 part 2
Chapter 42 part 1
Chapter 42 part 2
Chapter 43 part 2
Chapter 44 part 1
Chapter 44 part 2
Chapter 45 part 1
Chapter 45 part 2
Chapter 46 part 1
Chapter 46 part 2
Epilogue
Special Chapter

Chapter 43 part 1

79.4K 1.7K 46
By terelou1220

A.N.

Enjoy reading guys :) Palapit na tayo ng palapit sa ending ^ ^

Please don't forget to vote and leave your comments :)


_______________________


Chapter 43 part 1

Tuwang tuwa ang lahat lalo na si Jesica ng mailipat na si Venice sa recovery room, ibig sabihin nito ay tuluyan ng ligtas sa peligro ang bata. Ang sabi ng doctor ay kailangan pang manatili ni Venice ng ilang araw sa hospital para mamonitor ng mga ito ang pag response ng mga gamot sa katawan nito.

 

 

"Mommy, Tita Divina mas mabuti po siguro kung umuwi muna kayo para makapagpahinga. Kami ng bahala ni Vincent dito." Naaawa rin si Jesica sa matatanda, kitang kita sa mukha ng mga ito ang pagod. Napakalaki ng pasasalamat niya na meron siyang isang ina na katulad ni Lourdes, mula sa simula ng pagdadalantao niya kay Venice ay hindi siya nito pinabayaan.

"It's okay hija. We can stay here, napag-usapan na naming ito ng mommy mo. Ang tito Francis mo lang ang uuwi dahil may mga aasikasuhin pa siya sa kumpanya. Don't worry about us, we're still young." Nakangiting baling ni Divina kay Lourdes na nakaupo sa tabi ng apo. "Di ba Lulu?"

 

 

Nginitian ni Lourdes si Divina. Kaninang nasa chapel sila ng hospital ay doon lalong naging malapit sila sa isa't isa. Alam na rin nila na hindi magtatagal ay magkakaroon na ng ugnayan ang pamilya nila. Natutuwa din si Lourdes na nakahanap siya ng isang kaibigan sa katauhan ni Divina.

 

 

"May napapansin ako... Kayo bang dalawa okay na?" Kay Jesica nakatingin si Lourdes.

 

 

"Yes tita, I love your daughter at gusto kong mabuo ang pamilya namin." Mabilis na tugon ni Vincent. Ito ang pagkakataong hinihintay niya kanina pa ang maungkat ang tungkol sa kanila ni Jesica.

Napasinghap si Divina sabay sapo sa dibdib nito."Thanks God! nagkaayos din kayo. Welcome to our family Jesica." Nilapitan ni Divina si Jesica at niyakap. "You've made the right decision hija. Hindi ka naman namin pababayaan na muling saktan nitong si Vincent."

"Tita! Ilang oras pa lang kaming nagkakaayos ni Jessie baka biglang magbago ang isip niya." Maktol ni Vincent. Bigla ba namang ipaalala ng tiyahin kay Jesica ang ginawa niyang pananakit ng damdamin nito.

Natawa na lamang si Divina, kitang kita sa mga mata ng kanyang pamangkin ang takot na muling mawala sa kanya ang mag-ina. "Ang mabuti pa Lulu umuwi muna tayo, mukhang gustong masolo nitong pamangkin ko si Jesica." Sinabayan nito ng mahinang tawa para hindi maistorbo si Venice na kasalukuyan pa ring natutulog.

Kahit hindi nakikita ni Jesica ang sarili alam niyang namula ang kanyang mga pisngi sa sinabi ni Divina.

"Huwag mong pansinin yang si Tita, mahilig talaga yang mag match." Bulong ni Vincent kay Jesica.

Nang lalabas na ang dalawang ginang ay humabol si Vincent sa kanila.

"What's wrong?" Nagtatakang tanong ni Lourdes ng umagapay sa paglalakad nila si Vincent.

"Kukunin ko lang ang cell phone ko sa kotse."

 

 

Si Jesica naman ay agad na nilapitan ang natutulog na anak pagkalabas ni Vincent. Awang awa siya sa hitsura nito, hanggang ngayon ay namumutla pa rin ito at kitang kita sa mukha nito ang paghihirap na dinanas. Hinalikan niya ang magkabilang pisngi ni Venice at mahigpit na niyakap. "I love you so much sweetie." Tuluyan ng pumatak ang mga luha ni Jesica. Ngayon niya napagtanto na ang anak ang kahinaan niya, hindi niya kayang mawala ito sa kanya kaya.

Natigilan si Jesica ng marinig niyang tumutunog ang kanyang cell phone. Agad niyang dinampot ito at nakita niya na ang tumatawag ay ang kanyang tita Lucila, siguro nabalitaan nito ang nangyari kay Venice kaya napatawag.

"Tita, kumusta po?" Bungad ni Jesica.

 

 

"Kadarating ko lang noong isang araw form Bacolod. Nang tumawag ako kanina sa mansiyon nasabi sa akin ni Aning ang nangyari kay Venice. Kumusta na ang apo ko?" hindi maitatago sa tinig nito ang pag-aalala.

"She's in recovery room now. Okay na po siya."

"Jessie, hindi aksidente na nakakain ng nuts si Venice."

"Tita, I –I don't understand you." Nakakunot ang noo ni Jesica dahil parang may ibang ibig sabihin ang kanyang tiyahin.

 

 

"Listen very carefully Jesie, I've met my old friend this morning kadarating lang niya from London. Nagpasama siya sa akin na ihatid ang pasalubong sa pinsan niya."

 

 

"Tita, paano naman nasali si Venice dito. I don't even know your friend."

 

 

"Makinig ka muna kasi.. You don't know my friend pero ang cousin niya kilala mo at siya ang may kagagawan kung bakit nasa hospital ngayon si Venice."

Bumilis ang tibok ng puso ni Jesica sa narinig. Wala siyang matandaan na nakaaway maliban kay Mia na patuloy pa ring naghahabol kay Vincent. Umupo siya sa gilid ng kama dahil nararamdaman niya na unti unti na ring nanghihina ang kanyang mga tuhod.

"Jesie, are you still there?" Tanong ni Lucila sa kabilang linya.

"Yes, tita. Sino po yung taong sinasabi mo?" Tugon ni Jesica.

Itinuloy ni Lucila ang pagkukwento. "Nang dumating kami sa bahay ng pinsan niya naabutan naming nakikipagtalo ito kay Alejandro."

Muntik ng napamura si Jesica, parang kilala na niya ang taong tinutukoy ng tiyahin. "Tita, si Carmen po ba?" Biglang nabuhay ang galit sa kanyang dibdib. Ngayon lang niya napag-isip na mula kaninang dumating siya sa hospital ay wala ang kanyang daddy.

"Oo hija, narinig ko na tuluyan ng nakikipaghiwalay ang daddy mo sa kanya. Kaya lang mukhang nagmamatigas pa ang Carmen na ito, mabuti na lamang ay hindi ako nakita ni Alejandro. Siguro dahil sa galit nito  kaya nagmamadali ng umalis, baka nga parating na siya diyan."

 

 

"Tita, paano mo nalaman ang ginawa ni Carmen?"

"Mismong sa harap ko ng sabihin niya sa kaibigan ko ang tungkol sa pagpapakain niya ng nuts sa bata. Ang sabi niya ay magiging miserable ang buhay ni Alejandro kung mawawala ang apo nito."

 

 

"Hindi ka ba niya nakilala?" Ang pagkakaalam ni Jesica ay minsan ng nakaharap ito ng kanyang tiyahin.

 

 

"I don't know, actually nandito pa rin ako sa bahay niya or I should say sa bahay na binili ng daddy mo para sa kanya." May bahid ng inis ang tinig ni Lucila. " I can't stay long Jessie baka may makarinig sa akin dito, pupunta ako diyan mamaya." Mabilis na paalam ni Lucila sa pamangkin na makita niyang papalapit na sa kanya si Carmen at ang kaibigan niya.

"Take care tita." Nang maibaba ni Jesica ang telepono ay nakapagdesisyon siya na hindi niya palalampasin ang ginawa ng babaeng yun sa anak. Kung noon ay nagsawalang kibo ang kanyang mommy this time she'll do everything para mapagbayaran nito ang kasamaan. 

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 133K 60
Isang Montenegro ang magpapabago sa apelyido ni Dalisay Capekpek. Nakaplano ang lahat kay Isay. Matindi ang kagustuhan niyang mapa-ibig ni Danz...
28.3K 705 21
It's another bestfriends turns lovers story with a super heartache twist!
1.9M 36.8K 36
Sa unang gabi ng pagkikita nila ni James Madrigal ay agad nahulog ang puso ni Francine Montojo para sa binata. Ngunit isang pangyayari ang nag-udyok...
3.6M 49.5K 72
Bryle & Zeria's Whirlwind Story **WILL EDIT THIS SOON**