Beneath The Clouds (Passion S...

By marxxter

102K 3.6K 289

PASSION SERIES #2: THE CLOUD Being true to myself won't diminish my worth. I embrace my flaws; it's my thing... More

Prologue
Disclaimer
Marxxter
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Notes

Chapter 53

1.4K 69 18
By marxxter

Mabuti na lang ay tumahan na si Shekainah bago dumating si Rence na bagong ligo lang. Nilapitan ko kaagad siya at niyakap. Si Shekainah naman ay ngumiti sa kaniya at ginantihan niya rin ng ngiti ang babae.



"Hindi pa 'ko nakapagluto," si Rence 'tsaka ako inakbayan. "Baka gutom na kayo?" dugtong pa niya ay isa-isa kaming binalingan ni Shekainah. "Sige na, magluluto muna ako ng makakain natin."



"Ako na lang ang magluluto," biglang prisinta ni Shekainah. "Wala rin naman akong gagawin, eh."



"Maiwan ko muna siguro kayo dahil uuwi ako ngayon," I said that caught their attentions. "Mauna na lang ako, magpapasundo lang ako kay Han."



"Iiwan mo kami na kami lang dalawa?" si Rence. "Are you sure, Rai?" paninigurado niya pa. "Baka magselos---"



"Wala naman akong dapat pang pagselosan, eh, may tiwala naman ako sa inyo pareho," I said and glanced at Shekainah. "Ikaw na ang bahala rito, Shek."



"Ihatid na lang siguro kita, Rai," Rence insisted. "Umuulan sa labas at baka mapa'no ka."



"Umuulan?" tanong ko pa. "At ayos lang, Rence. Hindi mo na ako kailangan pang ihatid dahil magpapasundo naman ako kay Han. Iingat naman kami---"



"Why he need to fetch you?" Gumalaw ang panga ni Rence. "Nandito naman ako, ihatid na kita---"



"Nasa kay Han ang sasakyan ko, Rence," putol ko rin sa kaniya. "Han and I are just friends and he's already engaged with someone else so you don't have to worry about."



"He's engaged with someone else?" he asked unbelievably.



"Oo nga, unli lang?" natatawang saad ko pa bago siya ginawaran ng halik sa kaniyang pisngi. "Sige na, aalis na muna ako, babalik ako mamaya rito dahil pareho naman tayong walang gagawin. Kailangan ko lang umuwi ngayon para may ipakitang mukha sa kina Mommy at Daddy, baka magtaka na kasi sila, eh."



At kailangan ko ring umuwi dahil alam kong hahanapin ako ni Nero, maaga pa naman at minsan ay tulog pa iyon ng ganitong oras pero mas mabuting nandoon na 'ko. Kaya nang matapos kong pumaalam sa kina Rence at Shekainah ay umalis na kaagad ako at tinawagan si Han para magpasundo.



Naisip ko rin na dadaan muna kami sa kanila para makausap ang parents niya. Kahapon kasi ay hindi ako nakapagpaalam kay Tita na umalis dahil sa sobrang pagmamadali at gabi pa naman. Si Han ay pumayag namang sunduin ako at parating na raw siya.



Natutuwa naman ako kay Han kasi sa isang tawag ko ay nandiyan na siya kaagad. Halos ilang minuto lang akong naghintay ay may pamilyar na sasakyang tumigil sa harapan. Lumabas sa driver seat si Han na may dala-dalang payong. Kumaway kaagad ako sa kaniya, napangiti naman siya at halos takbuhin pa ang pagitan naming dalawa.



Umalis ako sa pinagsisilungan ko at lumapit sa kaniya, sumilong kami pareho sa payong na hawak niya. Inakbayan niya ako para lamang ipagkasya kami sa isang payong. Dali-dali naman kaming tumungo sa kaniyang sasakyan. Pinagbuksan niya muna ako ng pintuan sa shotgun seat, hinintay niya akong makapasok sa loob bago siya umikot sa kabila at pumasok din doon.



Sinara niya ang payong bago sinara ang pinto at kaagad na pinaandar ang makina ng sasakyan. Kaniyang kotse ang ginamit niya ngayon at mukhang iniwan niya yata sa kanila ang sasakyan ko. Tahimik lamang ako hanggang sa matahak na namin ang bahay nila. Nauna siyang bumaba, dala-dala ang payong at umikot na naman sa kabila para pagbuksan din ako pinto.



Sabay kaming pumasok sa loob ng kanilang bahay at saktong naroon pa ang kaniyang mga magulang, kasama nila si Aquisha. Ngumiti kaagad ako kay Aki, gumanti naman siya at nang dumako ang kaniyang tingin sa braso ni Han sa balikat ko ay umiwas kaagad siya ng tingin. Nakaakbay kasi ngayon si Han sa akin at kinalas ko naman iyon 'tsaka lumapit kay Tita at nakipagbeso-beso.



"Tita, I'm sorry about yesterday," I apologized whispery. "Nagmamadali po kasi ako kaya hindi ako nakapagpaalam," I added.



"Ano ka ba, hija? Ayos lang naman dahil sinabi naman sa akin ni Sky na nagmamadali ka," aniya lang at tumawa pa. "Ayos ka lang bang nakauwi kahapon, hija? Wala naman sigurong nangyaring masama sa iyo, hindi ba?"



"Wala naman po, Tita." I chuckled. "Okay naman po ako."



"Okay naman siya, Mom, pero muntik ko na siyang posasan dahil akala ko kagabi ay kriminal siya," sulpot ni Han sa pabirong tinig.



"Hoy! Kriminal? Sa ganda kong ito?" mayabang kong saad nang balingan si Han, hinawi pa ang buhok ko at binehlatan siya. "Inggit ka lang, pare."



"Ah, yeah... You're too beautiful to be called criminal," he said laughingly and went near us.



Nakipagkuwentuhan pa ako sa kina Tita ng halos isang oras at kalahati. Mabuti nga lang ay hindi sila nagalit talaga sa akin dahil noon, nang malaman nilang buntis ako at hindi si Han ang ama. Matutuwa pa sana sina Tito at Daddy kaso nang malaman na hindi si Han ang ama ay parehong dismayado ang dalawa at tinanggap na lang ang desisyon kong huwag ituloy ang kasal namin ni Han.



Nagpaalam kaagad ako sa ginang at sa ama ni Han nang matapos kong makipagkuwentuhan sa kanila. Hinintay ko pa munang tumila ang ulan bago naisipang umalis. Hindi na rin ako nagpahatid pa kay Han, ginamit ko ang aking sasakyan nang bumalik ako sa mansiyon at mabilis ko ring natahak iyon.



"Umuwi ka pa, ano?" si Dad ang unang sumalubong sa akin.



"I'm sorry, Daddy," I whimpered and hugged him around his waist. "Nagtatampo ka na ba sa 'kin?"



"Hindi naman, anak." Bumuntonghininga si Dad at marahang hinaplos ang ulo ko 'tsaka kumalas sa yakap ko. "Kumusta naman pala ang kaibigan mong si Zani?"



Napalunok. "A-Ah, ayos lang naman daw po siya," I answered even though I don't know if Zani is okay or not. "Pagod lang po siya sa shooting niya kahapon. Marami kasing pina-shots sa kaniya, sabi niya sa 'kin." That was not a lie.



"Unti-unti na siyang sumisikat," puna ni Daddy.



"Oo nga po, Daddy," sang-ayon ko rin. "Nasaan na po pala ang anak ko, Dad?" pag-iiba ko na lang ng usapan.



"He's in your room with your mother," he simply answered and kissed my forehead.



Nang sumunod na mga araw pa'y parang ganoon din ang eksena. Minsan ay pumupunta ako kay Rence sa tuwing tulog na si Nero kinagabihan pagkauwi ko galing trabaho. Minsan pa nga rin ay naroon si Shekainah pero hindi na talaga ako nagduda lalo na nang nakikita ko siya tuwing gabi na parang may ka-video call siyang lalaki. Hindi ko nakikita ang hitsura pero naririnig ko naman ang boses at parang pamilyar sa akin.



Hindi na rin ako nanghimasok pa sa kina Shekainah at Zani, hindi na ako nagtanong ng tungkol sa kanila dahil baka lumala ang situwasyon at madagdagan ko pa. Alam kong galit si Zani kay Shekainah sa hindi ko alam na dahilan pero wala naman akong kinakampihan sa kanila dahil para sa akin ay pareho naman silang mabuti.



At nang mag-Linggo naman ay inimbitahan ko sina Archie, Van, Prince, Doremi, Jeydee, Marco, at Clark, na pumunta sa mansiyon dahil inutusan ako ni Daddy. Nakipagkuwentuhan pa silang lahat kay Daddy at si Daddy naman ay feeling teenager, parang barkada niya lang ang mga barkada ko. Magaling talaga makisama si Daddy sa mga taong magaan ang loob niya.



Nakisabay nga rin pati si Nero sa kanila at wala naman akong magawa kung hindi sumabay rin.



Ilang araw na nga ang nakalipas pero hindi ko pa rin naipapaalam kay Rence ang tungkol kay Nero dahil sa tuwing bubuka ang bibig ko para magsalita ay nawawalan ito ng boses, walang boses na lumalabas mula rito. Gustung-gusto kong sabihin kay Rence na may anak na kami pero hindi ko magawa dahil hindi ko mahanap ang boses ko.



Bumalik nga kami sa dating kami. He confessed to me last time that he's still into me after all these years, he confessed that he still loves me. At dahil ako naman itong si marupok, umamin din kaagad sa kaniya. I confessed my feelings towards him also and told him how much I love him.



Minsan talaga ay ang hirap pigilan ng nararamdaman ko para kay Rence. Pagdating sa kaniya ay aaminin kong ang bilis ko lang bumigay. Sobrang mahal ko talaga siya at kahit na ilang lalaki na ang dumaan sa akin, hindi ko pa rin nararamdaman sa iba ang nararamdaman ko para kay Rence.



"Ellai, kailan mo ba pagsasabihan si CJ, ha?!" bulyaw sa akin ni Mommy isang araw. "Hindi ko na siya ma-contact! Kahit si Zani ay hindi ko rin ma-contact! Punyeta, Ellai! Nananadya ka ba, ha?! Ano ba'ng plano mo sa buhay?!"



"Mom, naghahanap pa 'ko ng tamang panahon. Hayaan n'yo muna ako, please, sasabihin ko rin naman sa kaniya, eh. Nag-uusap pa kami pero---"



"Buwesit!" sigaw ni Mommy na pumutol sa sinasabi ko. "Huwag mo 'kong kausapin ngayon, Ellai! Nakakapuno ka na!"



"Mommy, ang mga ganitong bagay ay hindi dapat pinagmamadalian---"



"Hindi dapat pagmamadalian? Ano'ng gusto mo?! Magpapalipas ulit ng ilan pang taon bago sabihin kay Clarence ang tungkol kay Nero, ha?! Jusko, Ellai! Matalino ka, gamitin mo 'yang utak mo!"



I massaged the bridge of my nose stressfully. Maaga akong nag-leave sa trabaho pero ito ang sumalubong sa akin, bulyaw kaagad at panininghal ni Mommy. Marami na nga akong iniisip, dumagdag pa ito kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko talaga alam kung paano sasabihin kay Rence na may apat na taong gulang na anak na kami, hindi ko talaga alam kung saan ako magsisimula.



"Mommy, nasaan po si Nero?" I asked my mother instead.



My son is my stress reliever. Sa tuwing galit ako, masama ang loob, nagtatampo, o ano.. isang tingin ko lang sa anak ko ay gumiginhawa ang aking pakiramdam. Bigla akong nabubuhayan ng loob at lumiligaya. Isang sulyap ko lang sa anak ko ay napapawi kaagad ang galit ko.



Si Nero ang nagbibigay patunay sa akin na kailangan kong maging masaya para sa sarili ko. Siya ang dahilan kung bakit nagpapatuloy pa rin akong maging masaya kahit sa kabila ng mga iniisip ko ngayon. My son is my angel. God gave me a lovely and handsome angel who's always at my side, who always bringing me in peace. Natutuwa ako kasi nagkaroon ako ng anak. I am proud at myself also for bringing him in this world.



"Ang anak mo ay wala rito, pinasama ko kay Emeline dahil nag-aanyayang gumala si Nero," sagot ni Mommy sa aking tanong sa mababang boses. "Pinayagan ko namang lumabas dahil ayaw kong magtampo ang apo ko sa akin. Ayaw ko ring mabagot siya rito sa mansiyon, ayaw kong ikulong siya rito kaya bigyan natin ng kaligayahan ang anak mo."



"I know, Mom," sabi ko at tumango pa sa ina.



Kauuwi ko lang dito sa mansiyon at pinaagahan ko pa kasi akala ko ay nandito ang anak ko pero sinamahan pala ni Emeline na gumala iyon. Naisipan ko na lang na isukbit muli ang bag kong dinala ko sa trabaho kanina, aalis muna ako para hanapin sina Emeline. Ako na lang muna siguro ay magpapasyal sa anak ko. Minsan lang naman ito, eh.



"Saan ka naman pupunta, Ellai?" si Mommy. "Hay naku, aalis ka na naman---"



Bumuntonghininga ako at nilingon si Mommy. "Mom, please.. give me some peace. Aalis ako dahil hahanapin ko sina Emeline. I will stroll my son around the place, Mom. Ngayon ko na nga lang maipapasyal dito ang anak ko, eh, kaya hayaan n'yo naman sana ako."



"Siguraduhin mo lang, Ellai, ah! Huwag mo 'kong punuin!" banta ni Mommy sa akin.



Hindi na 'ko pumatol o sumabat pa kay Mommy, I immediately went out from the mansion. Hahanapin ko kasi ang anak ko at si Emeline, wala namang cellphone iyong babae. Ang telepono lang sa mansiyon ang ginagamit niya sa tuwing gusto niyang matawagan ang kaniyang pamilya sa probinsya. Sa totoo lang naman ay hindi naman talaga kami ganoon kahigpit sa mga katulong at sa mga trabahador sa mansiyon, eh, kaya malaya silang gawin ang gusto nilang gawin basta magawa lang nila ang kani-kanilang mga trabaho.



Saktong kalalabas ko lang ng mansiyon ay kapapasok din ni Emeline na tila hinahabol ng aso. Tumigil siya at humingal-hingal pa. Lumingon ako sa likuran niya at hinanap doon si Nero pero wala akong maaninag na pigura ng anak ko roon.



"Where's my son?"



Imbes na sagutin ako, sa halip ay lumuhod siya sa harapan ko. Bumilis ang aking hininga nang humagulgol sa harapan ko si Emeline at parehong pinaglapat ang kaniyang mga palad.



"M-Ma'am, h-hindi ko po alam..." she bawled that makes my knees weakened. "N-Nawawala po si Nero, Ma'am."



Nangatog ang aking mga tuhod at sa kabila niyon ay nakaramdam ako ng matinding galit. Marahas kong hinatak si Emeline patayo at madiing siyang binaon ang aking kuko sa kaniyang braso. Bumubuhos ang mga luha niya at hindi niya magawang salubungin ang mga mata ko.



"Nasaan ang anak ko?!" sigaw ko sa kaniyang mukha. "Ano?! Pinabayaan mo si Nero kaya siya nawala, ha?!"



"M-Ma'am---"



"Emeline! Pinagkatiwalaan kita!" I yelled in anger. "Pinagkatiwala namin si Nero sa 'yo! Putang ina mo!" bulyaw ko, gumagaralgal na ang aking tinig at ngayon ay nagpupuyos na sa galit. "Shit! Ang anak ko!"



"Ellai!"



Hindi ko magawang lingunin ang tumawag sa akin pero alam kong si Dad iyon. In my peripheral vision, I saw him with Han, they're walking to our direction. Namuo ang mga luha ko sa aking mga mata at halos hindi na 'ko makapag-isip nang maayos.



"Ano'ng nangyari?!" Umalingawngaw sa paligid ang baritonong boses ni Daddy. "Ellai! Bitiwan mo si Emeline! Sinasaktan mo---"



"Dad! Naiwala niya si Nero!" I shouted furiously and faced my father as I let go of the maid. "Nawawala ngayon si Nero!"



"We don't have time for this," si Han. "Huwag na tayong magsisihan dito, mas mabuting huwag nating sayangin ang oras natin at hanapin natin si Nero."



"H-Han, si N-Nero..." I sobs and hugged Han. "A-Ang anak ko..."



"Huwag kang mag-alala, hahanapin natin si Nero," he consoled me. "Mahahanap natin siya, okay?"



"P-Please, nawala na noon si Nero, ayokong.. ayokong tuluyan siyang mawala sa akin." Bumasag ang aking tinig nang sabihin iyon. "I can't loose my son... Please, Han..."



"Yes, Ellai. Hahanapin ko, hahanapin natin si Nero," masiguradong wika niya. "Hali ka, sumama ka sa akin."



"Can't we report this to the police station?" si Dad.



"W-Wala pa pong bente kuwatro oras nang mawala si N-Nero sa may labas ng Mall, S-Sir---"



"Ikaw ang may kasalanan nito, eh!" putol ko kay Emeline at dinuro siya. "Hindi ko alam kung mapapatawad ba kita kapag may nangyaring masama sa anak ko!"



"Ellai!" sigaw ni Dad sa pangalan ko. "Don't blame her! Hindi rin ginusto ni Emeline na mawala si Nero kaya puwede ba, anak?! Manahimik ka muna at hanapin na natin ang anak mo!"



I was with Han and both of us decided to find my son. Halos sa buong biyahe ay humagulgol ako nang humahagulgol, lalo na't sa bawat sulyap ko sa kalangitan. Madilim ang paligid at mukhang uulan pa, maggagabi na pero nawawala pa ang anak ko.



"Ellai, don't worry... Sisiguraduhin kong mahanap natin si Nero bago pa lumalim ang gabi," si Han sa gitna ng biyahe.



"I-I'm sorry and thank you so much, Han," I said between sobs. "H-Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. H-Hindi mapapanatag ang loob ko kapag hindi ko mahanap ang anak ko ngayon."



"Alam ko, Elle, kaya dapat mahanap natin si Nero kaagad. Nandito lang siya, hindi naman siya sasama sa kung sino---"



"W-Wait.." I stopped him when something came up from my mind. "P-Puwede bang dumaan muna tayo sa police station?"



"Elle, wala pang bente kuwatro oras nang mawala si Nero kaya hindi ka pa makakapag-report doon."



"We're not going there to report, we're going there to find my son," I said.



Back when we were in Germany, I told Nero that if he ever get lost, he should find or he should come to the nearest police station and tell the police men that he's missing or he got lost. Kilala naman ng anak ko ang mga pulis at sinabihan ko rin siya noon na hindi siya sasama sa kung sinong tao na hindi ko pa naipakilala sa kaniya. My son is smart at his age, I know that he won't go with strangers. Sa ngayon, ipanalangin ko na lang na sana ay nasa mabuting kalagayan siya ngayon at sana walang nangyaring masama sa kaniya.



"How can you sure that he's there?" Han asked me.



"I am not sure, but let us just drop off there," I stated. "Puntahan natin ang police station na malapit lang sa may Mall," utos ko pa sa kaibigan.



He did what I want. We went to the police station that was near from the Mall. Diretso lang ang pasok ko roon at may mga pulis pang napatingin sa gawi ko, si Han naman ay nakasunod sa likuran ko. Natigilan lang ako nang may isang pamilyar na pigura akong namataan.



Halos ilang minuto pa 'kong nag-isip kung ano nga ulit ang pangalan ng lalaking ito. Pinagmasdan ko muna siya at doon ko na naalala na isa itong kaibigan din ni Rence. He changed a lot but I still recognized him, Rence introduced this guy to me.



"Doc!" I called him.



"Doc? Ellai, nawawala lang si Nero ay nagkaganiyan ka na?" I heard Han behind me. "Nasa police station tayo, Elle, wala sa hospital."



Hindi ko siya pinansin at sa halip ay nilapitan ang pulis na si Doc na may kausap na isang pulis din. My gaze went to his left chest where his name was written on the tag there. "Doc Vixen Santilian". That was his name. Habang nakikipag-usap siya sa kapwa niya pulis ay tumatango-tango pa siya. Bigla siyang napabaling sa gawi ko at nagulat nang makita niya 'ko.



Naningkit pa ang mga mata niya, napamilyaran niya rin yata ako. Nagsenyas siya sa kaniyang kasama na sandali lang daw muna kaya tumigil iyon at napabaling din sa gawi ko. Tinuro niya ako, naniningkit pa rin ang kaniyang mga mata.



"You looked very familiar, lady," he said, couldn't take his eyes off me. "Magkakilala ba tayo noon?"



"Yes, Doc," I answered. "Kaibigan ka ni Clarence Jayv, hindi ba? Pinakilala ka niya sa akin noon. I am Nephele Rai Clarkson or you can call me Ellai, do you remember me?"



"Ikaw?!" gulat niyang sabi at halos lahat ng narito ay napalingon pa sa gawi namin pero parang wala lang sa kay Doc. "Oh, nahanap na pala ang anak mo."



"What? Alam mong hinahanap ko ang anak ko?" I asked astonishingly.



Tumango siya. "Oo, pumunta iyon dito, eh, at sinabing nawawala raw siya. Lumabas muna saglit 'yong anak mo kasama si CJ."



Napaatras ako. "W-What?"



Nagtatakang tumango siya muli. "Your son is wth his father. Tumawag ako kay CJ at sinabing sunduin niya ang anak niya rito. Kamukhang-kamukha niya kaya alam kong anak niya iyon. Babalik din sila rito mayamaya---oh nandiyan na pala sila! CJ!"



Namutla ako at tila binuhusan ng malamig na tubig. Nanghina ang mga tuhod ko at kahit na ganoon pa man ay nagawa ko pa ring humarap sa gawi kung nasaan si Rence. His oceanic eyes met my eyes. His eyes stuck on mine. Nakahawak pa sa kaniyang kamay ang anak kong may hawak-hawak na pagkain.



Bumitiw si Nero kay Clarence at kaagad na tumakbo sa akin. He hugged me using his other hand on my right leg. Napalunok ako nang lumalim ang titig ni Rence sa akin. Hindi ko rin magawang masulyapan ang kahit sino dahil napako na ang tingin ko sa kaniya.



"R-Rence..." I uttered his name.



"Mag-usap tayo, Rai."

Continue Reading

You'll Also Like

32.2K 315 20
What happens when chuck sister ends up with the goonies and they end up on a adventure? Will she fall in love with one of chuck friends?? Will they...
54.7K 755 16
Hello this is my first ever story well more oneshots these are mostly going to be 18+ but there will be some soft ones too Please don't give me hate...
17.6K 436 23
Wanda awakes to find herself in a suburban town named Westview, where she see's impossible things occur, but what she doesn't know, is how she got he...
1M 66.7K 33
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...