Chapter 5

1.9K 66 4
                                    

Pagkalabas ko ng mansyon ay saka na ako nakahinga nang maluwag. Pumaalam na ako sa kina Mommy at Daddy. My heart is pounding. Shit! Kinabahan ako sa kuwento ni Mommy! Bakit ba kasi roon napunta ang usapan? At bakit naman kasi nagtatanong ako ng mga kuryosidad ko?!



Diretso lang sana ang lakad ko patungo sa nakaparada kong sasakyan na kinuha ng isa sa mga tauhan nina Mommy sa school ko. Nakaparada iyon sa labas ng mansiyon namin nang may isang hindi pamilyar na sasakyan ang tumigil sa harapan kaya bumaling ang aking tingin doon. It's a Lamborghini one. Kumunot ang noo ko dahil mukhang hindi naman iyan sasakyan ng isa sa mga lalaki ko, eh.



My brows furrowed when a familiar man stepped out from the car. Ngumisi ako at dali-daling lumapit sa lalaki. Lumipad sa ere ang kaniyang kamay para makipag-appear sa akin. Well, we're not that close. Sadyang may pagkapareho kami. He is a playboy and he is my best friend, Zani's brother. Pinasadahan niya ako ng tingin kaya tinaasan ko siya ng kilay.



"What brings you here, Treice Von?" I know his name, Stella Maris, my friend mentioned his name to me.



Kumibit-balikat siya. "Napadaan lang ako rito, kagabi rin. Hinatid ko kasi si Maris," he reasoned. "I saw yesterday night, you were with my brother? So... may past talaga kayo?" patanong niyang sabi.



Inaakala niyang may past kami ng Kuya niyang may sayad?!



"He's my professor," I cleared. "Hinatid niya lang ako sa bahay kasi ginabi ako ng uwi," dugtong ko at inarkuhan din siya ng kilay. "Oh? Bakit? Inggit ka? Sabihin mo lang, sasabihin ko kay Sir na siya na maghahatid sa 'yo."



Humalakhak lang siya. "Easy! Actually, I am here kasi nalaman ko na rito ang tirahan mo. Anyway, gusto kong makipagkilala sa 'yo nang maayos kasi mukhang hindi maganda ang pagkikita natin noong una kasi kaagad akong umalis." Ngumisi siya at nag-abot ng kamay sa akin. "Treice Von Evans, Zani and CJ's brother. Stella Maris Laurent's future husband."



Napailing ako. "Gago, kung naghahanap ka ng mapaglaruan mo. Huwag si Steris, hindi iyon papatol sa kabulastugan mo."



Of course, Stella Maris was so inlove with her ex fiancè! Asa namang magkakagusto iyong kaibigan ko sa lalaking katulad nito, babaero!



"Oh? I am not playing with her, Nephele Rai. Baka ikaw, pinaglalaruan mo ang kapatid ko? Kuya CJ doesn't deserve to be hurt, okay? Seryoso iyon sa buhay."



"Pinapangunahan mo ba ako?" I asked irritatedly, getting pissed off. "Walang namamagitan sa amin ng Kuya mong araw-araw may dalaw. Hinatid niya lang ako, iyon lang 'yon."



"Oh really?" he teased. "Minsan, diyan nagsisimula ang lahat---"



"Tumahimik ka nga!" Tumaas na ang boses ko.



Duh! Bakit ba ganoon? Bakit ba nila ako inaasar kay Sir Evans?!



"Para kang gago! Tigilan mo 'ko, Treice Von." I gave him a deathly glare.



"Woah! Easy!" He raised both of his hands laughingly. "Okay... I am here 'cause I want to ask you about something."



"Something? O baka tungkol naman 'yan kay Steris?" saad ko.



He snapped. "You're right! Tatanungin ko lang naman kung may nagugustuhan na siyang lalaki dahil mukhang wala siyang planong magkuwento sa akin tungkol sa buhay niya."



I shut my eyes. Shit! Hindi ako puwedeng madulas! Hindi ko rin puwedeng sabihin ang tungkol sa nakaraan ni Steris! She might be mad at me for sure. Kung interesado talaga ang isang Evans na ito sa kaibigan ko. Well, hindi ko na problema iyon. Maghintay siya kung kailan sasabihin ni Steris sa kaniya ang lahat!



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now