Chapter 4

1.9K 75 7
                                    

Nagpumangalumbaba akong bumaba sa hagdanan habang sapu-sapo ang ulo ko. Masakit ang ulo ko, parang nag-hang over lang kagabi.



Hindi ako makatulog sa kaiisip kasi pa'no ba naman, mamana kaya ako kay Mommy kapag mag-asawa ako?



Nakakahiya na kaya iyon! Ano pa kaya kung ako mismo ang magsasabi na gusto ko pa ng isang anak sa asawa ko? Shit! No way! That'll be the most embarrassed thing I ever do!



"Good morning," Dad greeted me casually when I suddenly appeared in front of them.



He and Mom are eating in the dinning area when I finally stepped in there. Namataan ko pa ang mga katulong namin na nagbubulong-bulungan habang nakatingin sa akin ngunit kaagad ding bumalik sa kanilang trabaho at nagkunwaring parang walang pinag-usapan.



Napairap ako sa kawalan dahil paniguradong kalandian ko ang pinag-uusapan nila. Tumingin na lang ako kay Mommy at natagpuan siyang nakatitig sa akin, tila kinakabisado ang bawal anggulo ng mukha ko.



She smiled at me. "Good morning, Ellai. How's your sleep?"



"A-Ayos lang naman, Mommy," maikli kong sagot.



"Kagabi, ibang sasakyan naman daw ang humatid sa 'yo," panimula ni Mommy. "Our guard told me about it. Sino naman ang lalaki mo? Nephele Rai, you are matured enough and please... stop that, okay?"



"Mom, I am just having fun. Mali ba 'yon? Don't worry, hindi naman po ako magpapabuntis. I am too young for that, and also, I am just making outs with my boys."



Napahilamos ng palad si Daddy, nagtitimpi ng galit sa mga narinig galing sa akin. Si Mommy ay umiling na lang at halatang nadidismaya na.



Pagdating naman sa ganito ay hindi talaga nila ako mapipigilan. Hinayaan ko na nga silang pumili ng pag-aaralan ko, pati ba naman sa kagustuhan ko sa buhay ay hahayaan ko rin sila? Hell no!



"Ellai..." nagbabantang banggit ni Daddy sa pangalan ko. Binaba niya pa ang kubyertos niyang hawak. "Stop that, okay? Bakit hindi ka na lang maghanap ng matinong lalaki?"



"Dad, hindi naman ako ang lumalapit sa mga lalaki, kung hindi sila ang lumalapit sa akin," mayabang kong anas. "Pinagbibigyan ko na nga sila kasi sabi nila, gusto nila ako kaya hayun..."



"You shouldn't be like that, Ellai. Hindi ka namin pinalaking ganiyan. Please, find someone who can love you despite of your awfulness. Find someone who will love you even at your worst."



"Dad, in my generation, love doesn't exist. Sa generasyon lang ninyo ni Mommy may gano'n. Pero sa amin? Wala na kasi... karamihan ngayon sa mga lalaki ay cheater."



"You can't say that, Nephele Rai." Dad shook his head disbelievingly. "We, your parents do believe that there is someone... loving you secretly and truly. There's someone accepting who you really are, Ellai."



"Basta, Daddy. Hindi ako naniniwala sa mga ganiyan," giit ko.



It ended like that. I ate my breakfast with them. Matapos kong kumain ay saka na ako naligo at nag-ayos dahil mukhang late na ako sa klase. Bahala na!



I wore my school uniform and I applied some light make ups on my face. Lipstick and cheek tint are enough. Pinagmasdan ko ang aking repleksyon sa salamin at ngumisi sa sarili. Ang ganda ko talaga! Sobra! Yeah, I have this perfect body kaya habulin ako ng mga lalaki sa school. Mayabang na kung mayabang pero iyan ang totoo.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now