Chapter 26

1.2K 42 0
                                    

"What?! Text?! I did not text you, Rai!" he hissed. "Tell me, ano ba iyong tinext sa iyo, ha?!"



Napalunok ako at dahan-dahang inabot sa kaniya ang cellphone ko. Hinablot niya iyon sa aking kamay at napahilamos ng palad nang mabasa ang text. Napalunok lang ako at nanginig ang aking labi sa kaniyang reaksiyon ngayon.



"You know that I will never ask you for your nude pictures, Rai!" bulyaw niya na umalingawngaw sa kaniyang opisina. "Fuck!"



"I-I really thought that it was you, Rence. R-Rai rin kasi ang pangalan na nakalagay sa mensahe, eh, kaya akala ko ay ikaw talaga iyon."



"Come here," he commanded.



Nagsenyas pa siyang lapitan ko raw siya at kaagad ko namang sinunod ang gusto niya. Mabilis niya akong kinulong sa kaniyang bisig at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay takot at pangamba. I sent a nude photo of mine to someone. Hindi man lang pumasok sa isipan ko na hindi hihingi sa akin si Rence ng mga ganoong klaseng larawan.



"Putang ina kung sino man iyon," bulong niya sa galit na boses. "Kung alam ko lang na mangyayari ito ay sana nilagyan ko na lang ng password o lock iyong cellphone ko. Do you still have nude pictures in your phone, Rai?"



Marahan akong tumango. "Y-Yeah, I have a lot of it. Y-You can check my phone."



"Is it okay if I delete it all?" he asked for my permission in a lower voice. "Ayokong humantong na pati ang cellphone mo ay mawala rin at baka makita nila iyong nude pictures mo."



"G-Gusto ko lang naman kasi kuhanan ng larawan ang sarili ko, eh," I told him and pouted.



"Na nakahubad?" he added sarcastically.



Unti-unti akong tumango. "O-Oo, h-hindi naman kasi pumasok sa isipan ko na... aabot sa ganito ang lahat, eh."



Muli niyang binuksan ang aking cellphone matapos kumalas sa pagkakayakap niya sa akin. Sinilip ko ang cellphone ko para malaman kung ano ang ginagawa niya roon.



Binuksan niya ang gallery ko at napalunok ako nang umigting ang kaniyang panga nang makita ang nude pictures ko.



He selected all of my nudes and immediately tapped the delete button. Tumikhim ako at inayos ang sarili.



"Kailangan nating malaman kung sino ang may hawak ng cellphone ko ngayon," he said and clenched his fist. "Hindi ko alam kung nasaan na ang cellphone ko, pero may ebidensya at pruweba na tayo."



"What? Evidence? What proof are you talking about, Rence?" I confusingly asked him.



"There was a Rai name on the text. Aside from Sir Uy, Miss Deizel knew that I am calling you using that name. We'll ask her first to confirm. Pumunta kasi siya rito kanina, pero dapat muna nating kumpirmahin."



Napayuko ako at napaisip bigla. Naalala ko iyong pangalan na tinawag sa akin ni Marco. He called me "Rai" earlier. Ayoko siyang pagdududahan pero hindi ko lang mapigilan, he's acting weird also. Pero bago ko sasabihin ang tungkol dito, kailangan ko munang kausapin si Marco para kumpirmahin kung siya talaga.



I will be happy if he'll tell me that Rence's phone wasn't with him. Kaibigan ko pa naman siya, ayokong mabigo lalo na't pinagdududahan niya pa naman kami ni Clarence.



Naisip ko pa lang nga kung si Marco talaga iyon, hindi ko lang alam ang gagawin ko. Ayoko rin namang masira kami at ayokong mawala na parang bula lang ang mga pinagsamahan namin. Marco is very important to me, I can't imagine him fooling me around. I witnessed how he changed ever since I reached tertiary level. May pagka-bad boy noon si Marco pero nagbago siya nang makilala kaming mga kaibigan niya.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now