Chapter 11

1.8K 72 1
                                    

"There," he said finally as he done buttoning my uniform. "Mabuti dahil hindi ko nalukot ang uniporme mo."



I blushed when I heard that from my Stenography Professor. I really can't believe it. Did I just give in? Ganoon kadali at ganoon kabilis? Dagdag mo pang hindi ako lasing at nasa katinuan ako. What did just really happened?



"N-Nahihiya ako," I told him.



"Don't be, Rai," he consoled me and caressed my cheeks. "Uhm... anyway, gusto mo bang sabay tayong lumabas o mauuna ka na lang?"



"Mauuna na lang ako," tipid kong sabi. "S-Sir, sana huwag n'yo pong sabihin sa kahit sino iyong nangyari sa atin. I don't want anyone to know about it and plus, baka mawalan ka ng lisensya."



Tumango na lang siya bago inayos ang kaniyang sarili. Hindi na lang ako nagsalita nang wala na akong narinig mula sa kaniya. Pinagmasdan ko lang siya at napalunok ako habang nakatitig sa kaniyang katawan na balot na ngayon ng damit. I lifted my head and looked at him.



"I'll keep everything about us, Rai. Kung iyon ang gusto mo, gagawin ko."



"I'll go now," sa halip ay sabi ko na lang, hindi pinansin ang kaniyang sinabi.



Lumabas na ako mula sa opisina niya matapos iyon at bumalik na sa classroom na puno ng ingay ang paligid. Namula ako nang bumalik sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Sir Evans. Pa'no na 'to? Walang kami pero may nangyari sa amin?



"Hoy, Ellai!" bungad sa akin ni Archie at niyakap kaagad ako.



I fake my smile to him and let go from the hug. Lumapit din ang ibang barkada namin sa amin. Inikot ko ang aking paningin at karamihan sa mga kababaihan ay nakatingin sa amin. Inirapan nila ako at dahil hindi ako talunan, inirapan ko rin sila pabalik. 'Kala nila, ah.



"Ano'ng nangyari? Pinagalitan ka naman ba ni Sir Evans?" tanong pa ni Archie. "Natagalan ka roon, eh."



Napalunok ako at nagsinungaling, "H-Hindi naman, sinabi niya lang na mabuti dahil pumasok ako sa klase niya."



"Iyon lang ang sabi niya? Bakit ka natagalan doon?" si Marco.



I coughed. "A-Ah, kasi tinuruan niya ako."



"Tinuruan?" he asked astonishingly. "Tinuruan ng ano?"



"S-Sa Steno codes," sagot ko kaagad. "P-Pero hindi ko pa rin talaga kabisado at hindi pa rin ako magaling sa pagsusulat niyon, pinag-aaralan ko pa lang at nahirapan pa nga si Sir sa akin, eh."



"Do better next time, Ellai," si Doremi at tinapik pa ang aking balikat. "Anyway, mukhang wala yata si Professor Caballez, eh, may meeting daw. Cafeteria tayo?" anyaya niya na lang.



Good thing that Doremi interrupted us. Feeling ko kasi ay parang naghahanap ng butas si Marco. Hindi ko alam pero parang naiilang ako sa kaniya ngayon at para bang gusto niyang basahin ang laman ng isipan ko.



All of us went to the cafeteria and bought some foods and drinks. Walang pera si Prince kaya nilibre na lang namin siya. Ganito talaga kaming lahat na magkabarkada, eh. Kung may pagkain ang isa sa amin, mayroon din dapat ang iba pa. Having boy best friends like them is a great blessing. Sobrang suwerte ko talaga sa kanila, eh.



Kinabukasan ay maaga akong pumasok at bumungad sa akin si Romick na may dalang isang pirasong rosas at inabot niya iyon sa akin pagkapasok ko sa school. Tiningnan ko lang iyon at hindi tinanggap, pinagbigyan ko na siya noong nakaraan at ayoko nang paasahin pa siya dahil wala siyang pag-asa sa akin. He's not my type and like I said, boys are nothing to me.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now