Chapter 16

1.6K 61 3
                                    

So hayun nga, nag-bonding ako kasama ang mga kaibigan ko. Si Zani ay walang shooting at si Steris naman ay hindi pumasok sa trabaho niya, kahit ako nga rin ay lumiban sa klase ko dahil gusto ko silang makasama, eh.



Clarence told me earlier na siya na raw ang bahalang magturo sa akin sa mga missed lesson ko. Siguro, tatanungin niya ang ibang sub teachers kung ano ang tinuro ng mga iyon ngayong araw. Patuloy pa rin niya naman akong tinuturuan sa Stenography, at siguro nga isasabay niya rin doon ang ibang lessons na nalibanan ko ngayong araw.



Gabi na ng makauwi ako dahil halos lahat yata ng lugar ay pinuntahan na namin ng mga kaibigan ko, eh. Si Zani ang gumastos at naglibre sa amin ni Steris. Pumayag naman kami kahit may mga pera kami dahil mapilit si Zani. Gusto niya raw munang ilibre kami dahil next week ay wala siya rito, luluwas daw siya patungong Santa Rosa at pagkatapos niyon ay may shooting pa raw siya sa London kaya matatagalan bago na naman kami magkikita-kita.



"Gabing-gabi na, Rai."



Iyan ang bumungad sa akin nang makauwi ako sa condo unit ni Clarence. Lumabi ako bago siya nilapitan at niyakap. Hinagod niya lang ang aking likod at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Kabado ako dahil akala ko pagkauwi ko ay pagagalitan niya ako o sisigawan kasi gabi na, pero kalmado lang siya ngayon.



"Aren't you mad at me?" I gently asked him before letting go from the hug. "G-Ginabi kasi ako dahil naaliw ako sa kina Zani, hindi namin namalayan na gabi na pala, eh."



"Wala namang may nangyaring masama sa inyo o sa iyo, hindi ba? Hindi ka naman siguro pinagtripan sa daan?" sa halip ay tanong niya lang, inignora ang tanong at ang aking rason.



Lumabi ako. "Hindi naman. Bakit?"



"Just be careful," tugon niya. "Huwag ka nang magpagabi sa susunod dahil masyadong delikado sa daan, baka ano pa ang mangyari sa 'yo. Kung gagabihin ka man, tawagan mo 'ko para ako na lang ang susundo sa iyo kung nasaan ka."



"Caring and lovely professor," I muttered and smiled at him. "What an ideal man, huh."



"Stop that, you're starting again," mahinahong aniya. "I cooked a kaldereta, Rai. Kumain ka na dahil baka ginugutom ka na ngayon."



"Hindi naman, kakakain lang kaya namin ng mga kaibigan ko," I told him. "At naparami ang kain ko, 'no. Busog pa ako at pansin ko rin na tumataba na ako, eh. Sinasadya mo yatang patabain ako, eh."



Nitong mga nakaraan ay napansin ko na talaga ang pagbabago ng katawan ko at parang tumataba ako, nagkabilbil nga ako, eh. Kain ba naman ako nang kain at pagkatapos ay uupo lang.



Rence chuckled. "Sabi nila kasi... Kapag nasa mabuting kamay ang isang babae, talagang tataba siya."



Napatawa ako. "Sino ba'ng hindi tataba kung ikaw ang mag-aalaga? Halos nga oras-oras ay pinapakain mo ako, eh. Parang tumatakaw na tuloy ako ngayon," biro ko pa at sinundot ang tagiliran niya.



"You're losing weight last time, Rai, I noticed that. Ayokong pumayat ka kaya ganoon. Kumain ka lang nang marami pa. Hayaan mong tumaba ka, mas maganda ang babaeng mataba."



"What?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong nairita nang marinig iyon mula sa kaniya. "Eh, hindi ako mataba. Bakit ako'ng kasama mo ngayon? Sana naghanap ka na lang ng matabang babae tutal iyon naman ang gusto mo."



Napahalakhak siya. "Rai, why sounded jealous?" natutuwa niya pang tanong. "Ang tinutukoy ko ay mas maganda kung tumaba ka. Maganda ka rin naman kahit hindi ka mataba pero hindi puwedeng hindi ka tataba ngayon, lalo na't nasa puder kita."



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now