Chapter 34

1.3K 55 0
                                    

Napatulis ang nguso ko dahil sa kaniyang sinabi. At ako pa talaga ang nagturo sa kaniya ng mga kabastusan? Kasalanan niya kaya siya nagkakaganiyan! Labas na ako riyan! Labas na ako sa kabastusan at kamanyakan niya ngayon!



"Kung bastos ako noon, mas bastos ka ngayon," madiing sabi ko.



Humalakhak siya habang nagmamaneho. "Sa 'yo lang ako bastos, Rai."



"Huwag mo nga akong kausapin, sinisira mo ang araw ko," I said irritatedly and grumpily crossed my arms over my chest.



May sinasabi siya pero hindi ko siya pinakinggan. Tinuon ko ang aking buong atensyon sa labas ng bintana. Ayaw kong kausapin siya, naba-bad trip ako. Matapos nang ginawa niya ay magkakaganito siya sa akin? Lalaki ba naman!



Buong biyahe ay tahimik kami. Natauhan na lang ako nang pinarada niya ang sasakyan sa harapan ng mansiyon namin. Bumilog ang mga mata ko nang lumabas siya sa kotse. Tumalima ako at kaagad ding lumabas, saktong umikot naman siya para sana pagbuksan ako ng pinto. Nabangga ako sa kaniyang malapad na dibdib, lumayo kaagad ako at tiningala siya.



"Bakit nandito tayo?" naiirita kong saad. "We shouldn't be here. Sa inyo na lang sana dumiretso, kaya ko rin namang umuwi nang mag-isa at magmaneho kapag makauwi ka na, eh."



He chuckled. "Am I not welcome in your home, Rai? Aren't you going to invite me inside? How nice of you..." Nahimigan ko ang panunuya sa kaniyang tono. "Let's get inside your mansion, Rai..."



"Huwag na, ihatid na kita," wika ko at akmang hahawakan siya sa kaniyang siko para hilahin nang may narinig ako ng pamilyar na boses.



Napatingin ako sa gate ng mansiyon at nakitang nakatayo si Mommy roon. Napalunok ako at natulos ako sa kinatatayuan ko nang matanaw na papalapit sa gawi namin si Mommy. Tiningala ko si Rence, nakatitig siya sa akin at kaagad na sinundan ang tingin ko.



"Nephele Rai!" Mommy called me.



Tinuwid niya ang pagitan niya sa amin at natigilan siya nang umangat ang kaniyang tingin kay Rence. Napayuko na lang ako at hindi makapagsalita. Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Mommy at alam kong nakikita niya si Nero kay Clarence.



Nagmana talaga ang aking anak kay Clarence. Kahit bali-baliktarin man ang buong mundo, masasabi talagang ama ni Nero si Rence. Sa kaniya nagmana ang anak ko, hindi ko nga lang masasabi sa ugali dahil minsan ay paiba-iba ang mood ng anak ko. Hindi na nga rin kailangan pa ng DNA test para ipaalam na anak talaga ni Rence si Nero dahil kung ipagsama silang dalawa, masasabi talagang mag-ama nga sila.



"Bakit nandito kayo sa labas, anak? Kung hindi ako nagtapon ng basura ay hindi ko pa malalaman na nandito ka na," ani lang ni Mommy nang makabawi sa gulat.



"A-Ah kasi, Mommy, aalis pa kami," sagot ko at sinulyapan si Rence na nakatitig na naman sa akin.



"Pasok muna kayo," anyaya ni Mommy at iminuwestra ang gate. "Maghahanda rin ako ng makakain ninyo."



Magsasalita pa sana ako na mag-utos na lang sana siya pero napaisip ako na wala pa lang mga katulong sa bahay ngayon. Sa susunod na linggo pa sila babalik, pati na rin ang mga guwardiya. Pinaalam sa akin ni Mommy iyon kahapon.



"M-Mom," I called my mother and she looked at me. "I-Is he inside?" I asked stuttery and glanced at Rence.



I did not mention a name but my mother knew that I am referring to my son. Sumulyap din si Mommy kay Rence bago ako sinagot.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now