Chapter 12

1.7K 60 4
                                    

Nang makarating sa classroom ay naroon na ang first sub professor namin. Pagpasok ko sa silid ay halos lahat ng mga kaklase ko napatingin sa akin at sinundan pa ako ng tingin hanggang sa makaupo na ako sa aking upuan.



"Kanina ka pa raw nandito sa school, bakit ka na-late?" Archie asked me whispery.



Magkatabi kami ngayon at ang iba naman ay nasa likuran lang. Tahimik lang ako na umiling kay Archie. Humarap ako sa guro naming nagsisimula na sa pagtuturo sa harapan. Si Archie ay siniko pa ako kaya napatingin naman ako sa kaniya.



"Ano ba, Cheng?"



"Girl, I am asking you. Bakit ka na-late? Eh, sabi ng schoolmates natin ay maaga ka pa raw? Nakita ka raw nila kanina," aniya pa.



"A-Ah, wala lang..."



"At may iba namang nagsabi na pinapunta ka raw ni Sir Evans sa opisina niya? Ano'ng nangyari? Pinagalitan ka na naman ba? Sabi kasi ng iba ay nakita ka ni Sir Evans na iniinsulto mo raw ang Dean Lister?" Tukoy niya kay Romick.



Bumuntong-hininga ako. "Pinatawag ako ni S-Sir Evans sa opisina niya dahil may pinagawa siya sa akin... iyon lang."



"Pinagawa? Ano'ng pinagawa niya sa 'yo?" tanong pa niya.



"Ba't ba ang dami mong tanong, Cheng?" I irritatedly asked back. "Baka mapagalitan tayo dahil sa 'yo, eh," I added stressfully.



"Eh, ba't 'di mo na lang sagutin nang sa ganoon ay tatantanan na kita?" saad niya at tinaasan pa ako ng kilay nang masulyapan ko siya. "Sige na, Elle."



Napalunok ako. "I-Iyong lamesa ni Sir ay pinalinis niya sa akin at inayos ko rin iyong mga kumakalat sa opisina niya kaya natagalan ako roon."



"What? Kailan pa naging marumi at natutong magkalat si Sir Evans? Eh, halos nga walang alikabok iyong opisina niya, eh. Sa lahat yata ng lalaki sa buong mundo, si Sir Evans yata ang kilala kong hindi marunong magkalat, eh."



I glared at him. "Ako ang nagkalat kahapon at ako rin ang pinalinis niya."



"Ba't ka naman kasi nagkalat kahapon, Ellai?"



"Bakit ba ang dami mong tanong?! Puwede bang manahimik ka na lang, ha?!"



Hindi ko na napigilan ang sarili ko, I stood on my seat irritatedly and my voice suddenly echoed in every corner of the classroom as I shouted at my friend. Nagulat ang lahat at kahit ako rin dahil sa biglaang naging akto ko.



Oh my, God?! Sinigawan ko si Archie?!



Kahit kailan kasi ay hindi ko sinisigawan ang isa sa mga kaibigan ko, kahit ilang beses na nila akong inaasar o kinukulit pero ngayon ay aywan ko kung bakit bigla na lang ako nakaramdam nang matinding inis. What's wrong with me now?!



"Miss Clarkson, may problema ba tayo?" our Professor calmly asked me.



Kalmado akong bumalik sa kinauupuan ko at sinandal ang aking likod sa sandalan nito. Mariin akong napapikit dahil sa kahihiyang natamo ko ngayon, hindi lang sa kaibigan ko kung hindi sa lahat ng mga kaklase ko at pati sa guro namin. Ano na naman ba ito, Ellai?



"Late ka na nga, sinira mo pa ang magandang klase ko," sermon pa ng guro namin sa akin.



"S-Sorry, Elle..." I heard Archie mumbled beside me.



I shook my head. "I should be sorry, Cheng."



Natapos ang buong klase pero feeling ko ay nalulutang lang ako sa ere. Hindi rin ako sumama sa mga kaibigan ko nang mag-recess na dahil aywan ko ba, feeling ko kasi ay may problema sa akin ngayon, eh.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now