Chapter 8

1.7K 77 2
                                    

WARNING: SPG.
---------------------

"Sa wakas! Makapag-party na rin ulit tayo!" kantiyaw ni Archie nang makapasok na kami sa isang club. Iginala pa niya ang kaniyang paningin sa paligid at palihim na siniko ako sa aking tagiliran. "Wow!" he wowed. "Maraming hotdogs at boys, Elle! Huwag magpagalaw, ha! Ang kalandian, ilugar mo muna 'yan!" pagbibiro niya pa sa akin.



I chuckled and playfully rolled my eyes. "Men? I let them touched my cherries and peach, but I won't let them touch my flower. Duh. Nasa lugar naman ang kalandian ko, Cheng. Kahit na gaano man kakati 'tong bulaklak ko, hindi ko hahayaang may pumasok na talong dito, 'no."



Van and Jeydee shook their heads unbelievably when they heard me. I laughed at them and playfully punched their arms. Lumapit na lang ako muli kay Archie ay kumapit sa braso niya samantalang pagala-gala ang kaniyang paningin sa paligid.



"Wow," he wowed again.



I arched a brow before following his gaze. Nakatingin siya sa pang-ibabang bahagi ng isang foreigner. Napailing na lang ako dahil masasabi ko talaga na sa tuwing nagba-bar kami ay ganito talaga si Archie. Baklang-bakla talaga ito, eh.



"Elle, look at that guy!"



Nang makarating kami sa isang table ay may dinuro si Archie na isang pamilyar na lalaki. Nanlaki lang ang mga mata ko nang makilala ang lalaking iyon. Kumunot pa ang aking noo at iniisip kung bakit nandito siya ngayon.



May mga kasama siyang mga babae at mga lalaki. Ang isa sa mga babae ay inaabutan pa siya ng kopitang naglalaman ng inumin. Tumatanggi lang siya at umiiling sa babae, bakas din sa kaniya na hindi niya gusto sa mga ganito. Eh, bakit kaya nandito siya?



I know that guy. His name is Jaxxon Reyes. Zani's biggest fan and he is a doctor. Nakilala ko lang naman siya dahil sa tuwing magkita kami ng kaibigan ko ay nakasunod siya roon kaya naisipan na rin ni Zani na sabihin sa akin ang tungkol sa lalaki.



"Ang guwapo niya, Elle, halatang masarap!" hiyaw pa ni Cheng na nasa tabi lang ni Van. "Lapitan mo kaya, Elle?" he suggested jokingly.



"Ikaw talaga ang nag-iimpluwensya kay Ellai, eh." Narinig kong suway sa kaniya ni Van. "Dito lang si Ellai sa 'tin, hindi siya puwedeng pumunta sa kung saan. Kapag may mangyari sa kaniya, lahat tayo ay malalagot sa kina Tito Matt."



"His name is Jaxxon Reyes," tipid kong sabi kay Archie at inignora si Van. "He is Zani's biggest fan. Pass na lang sa kaniya. Hindi ko siya type at... hindi rin puwede dahil sa kaibigan ko lang siya."



Kilala ng mga kaibigan ko sina Zani at Steris. Of course, matagal ko nang ipinakilala ang dalawang iyon sa mga lalaking kaibigan ko sa school, eh. Nakakatuwa ngang isipin mukhang hindi naman tutol sina Steris na puro lalaki ang mga kaibigan ko.



"Ah, sayang pero may point ka," bigong sabi ni Archie.



I know my limit when it comes to boys and men. Matinik lang ako pagdating sa mga lalaki pero hindi ko ugaling landiin ang mga lalaking para sa mga kaibigan ko lamang. That Jaxxon guy, he looked responsible. Every time I am looking at him, I know that he is a good man.



Kinalaunan ay naisipan na lang namin na mag-inuman na. Van is trying to stop me from drinking but I keeps ignoring him. Sinabihan din naman siya ng iba na ayos lang dahil napag-usapan naman namin na dapat kaming magpakasaya ngayong gabi, hindi para bantayan nila ako.



"Mga dude! Huwag na nating painumin si Ellai!" I heard Van. "Lasing na siya, oh!"



"Everyone is already drunk here, Van, ikaw na lang ang hindi umiinom," I told him hoarsely. "Come on, enjoy this night. Don't worry, sa susunod ay hindi na ako magpapakalasing."



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now