Chapter 49

1.2K 46 2
                                    

Han invited me to the longue to talk about everything. Naudlot nga lang iyon nang nilapitan ako ng isa sa mga katulong. I apologized to Han before entertaining the maid who wanted to talk to me. Humarap ako sa kaniya at binigyan siya ng nagtatakang tingin.



"What is it, Miranda?" I asked her.



"Uh.. Ma'am, may naghahanap po sa inyo. Nasa labas po sila, Ma'am, at inutusan kami na tawagin daw kayo," she said. "Mga kaibigan n'yo raw sila, Ma'am, hindi ko naman sila kilala dahil baguhan lang po ako rito."



Tumawa ako. "I know, Miranda, it's okay. Ako na ang haharap, hindi ba sila nagbanggit kung sino sila?"



"Hindi naman po, Ma'am, pero kausap sila ngayon ni Manong. Mukhang kilala po sila ni Manong, Ma'am, at marami po sila."



"Bakit hindi n'yo na lang sila pinapasok?" tanong ko. "Sana pinapasok na lang ninyo sila, Mir."



"Ay, Ma'am, ayaw po nilang pumasok, eh. Pero sinabi nila na gusto ka nilang makausap, tamang-tama rin, Ma'am, dahil nandito kayo ngayon."



I nodded slowly. "Sige, lalabas na 'ko," I said before drifting my eyes to the man beside me. "Han, kakausapin ko muna iyong mga nasa labas."



Ngumiti lang siya. "Sure, I can wait for you here. Naghihintay na 'yong mga bisita mo sa labas kaya puntahan mo na at baka mabagot pa ang mga 'yon sa kahihintay sa 'yo."



Pabiro kong sinuntok ang braso niya. "Ikaw talaga, Han, eh!"



Matapos iyon ay lumabas ako para tingnan kung sino iyong mga nasa labas. My lips formed into a smile when I saw my friends back when I was in college. Napatauptop ako sa aking bibig nang matanaw ang mga kaibigan, mabilis akong tumakbo palapit sa kanilang lahat at ang una kong niyakap ay ang baklang si Archie.



"Oh my gosh, Archie! Nagiging lalaki ka na!" I exclaimed before letting go from the hug.



Hinagod ko siya ng tingin. Naka-formal attire ang bakla at lalaking-lalaki sa kaniyang suot. Kilala ko pa rin ang hitsura ng kaibigan ko na ito kahit na marami na ang nagbago sa kaniya. Nagiging lalaki na siya at naging matured na ang kaniyang mukha. Naging matcho rin siya at masasabi kong parang hindi lang bakla ang kaharap ko ngayon.



He laughed awkwardly before tapping my shoulder. "I miss you, Ellai."



"I miss you, too, bakla!" Tumingkayad pa 'ko at hinalikan siya sa kaniyang pisngi. "Naging lalaki ka na tignan, Cheng, at ang guwapo mo pa lang maging lalaki," I stated the fact.



Tumikhim naman ang isa mga kaibigan ko na nakilala kong si Van. "Elle, lalaki na 'yan ngayon."



Nanlaki ang mga mata at gulantang na binalik ang tingin kay Archie. My mouth formed into a circle. Hindi talaga kailanman pumasok sa isipan ko na maging lalaki rin itong si Archie.



"May kinakabaliwan na 'yang babae, Elle," si Prince.



"Wow," I wowed and disbelievingly stared at Archie. He smiled at me and nodded his head. "Congrats! Lalaki ka na, pre!"



Tumawa si Cheng. "Nagulat din ako, kahit ako nga rin ay hindi nakapaniwala."



"Gumanda ka lalo ngayon, Ellai," si Marco naman.



Napatingin ako sa kaniya. "Ikaw rin, gumuwapo ka rin lalo ngayon. Kumusta ka na pala? Crush mo pa rin ako siguro, 'no?" biro ko pa.



"Oh, no, no," umiiling niyang sambit at inangat ang kaniyang kamay kung nasaan may singsing siya roon. "I'm already married, Elle, and I love my wife."



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now