Promises Beneath The Blue Clo...

By ms_peppa_pig

3.2K 163 16

Yvette Remi Zendaya a woman who is madly inlove with aircraft. A woman who will prioritize more the word 'wor... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27

CHAPTER 10

73 5 0
By ms_peppa_pig

"Oh, Yvette!" Napahinto ako sa paglalakad at kaagad na inihanda ang malapad na ngiti nang marinig kong tawagin ang pangalan ko. "Mabuti at nakahabol ka! Kanina ka pa namin hinihintay!" Tumayo na si Missy sa kan'yang kinauupuan at lumapit na sa akin.

"Missy, sorry kung nalate ako sa birthday ng anak mo." Hinawakan ko ang kamay ni Missy at pinisil-pisil ito ng marahan.

"Ano ka ba, okay lang, 'no." Nakakunot ang kan'yang noo at medyo hinampas ang balikat ko at maya-maya lamang ay humagikgik na. "Tara na, doon tayo oh," Tinuro nito ang isang mesa na pahaba kung saan nakapuwesto ang ilang mga katrabaho namin.

Tumango naman ako at bumuntong hininga, pagkatapos nito ay nagpatinaod na ako sa hila ni Missy.

Sa totoo lang wala talaga akong balak na pumunta dito sa bahay nina Missy dahil alam kong imbitado din si Benjamin sa kaarawan ng anak n'ya, pero dahil nakokonsensya ako, at dahil na din inaanak ko ang anak ni Missy, I swallowed my pride and shyness.

"Captain, sinong sumundo sa'yo?" Kaagad akong tinanong ni Mara nang makaupo na ako sa silyang bakante. Alam kong may taong nakaupo dito kanina dahil ang init ng puwetan ng bangko.

"Ah, wala. Alam ko naman ang bahay nina Missy kasi nakapunta na ako dito noon," Ngumiti ako at medyo inilibot ang ulo sa kabuuan ng bahay nina Missy.

Wala ng masyadong tao sa loob ng bahay nina Missy dahil sa tingin ko ay nagsi-uwian na ang mga ito, mukhang tapos na kasi ang selebrasyon. Iilan na lang ang natira at 'yon ay ang mga taong nagliligpit ng mga pinagkainan ng mga bisita.

Nakakahiya naman.

"Oh, Yvette," Boses mula sa likuran ko at paglingon ko ay Missy ito at may dalang isang plato na puno ng pagkain. "Pasensya na, ah. Ito na lang ang natira," Ngumiti ito ng maliit at inilapag na sa mesa ang plato na dala n'ya. "Teka lang bibili lang ako ng softdrink mo sa labas. Ubos na kasi. Inubos ng mga uhugin naming bisita." Sabi n'ya gamit ang seryoso at medyo galit n'yang boses at maya-maya lamang ay umalis na ito sa likuran ko at lumabas na ng bahay nila. Naiwan naman akong nakanganga at hindi makapaniwala sa sinabi n'ya.

Napalingon naman ako sa harapan ko nang marinig ang pigil na tawa ng mga kasamahan ko sa mesa.

"Hindi ka pa nasanay sa bibig ni Missy. Alam mo namang walang kontrol ang bibig no'n."

"Uhugin."

"Grabe naman 'tong si Missy, parang hindi n'ya kapitbahay 'yong mga bisita n'ya kanina."

Kan'ya-kan'ya ang reaksyon ng mga kasamahan ko. May ibang napapailing, may ibang nauubo na sa tawa, may ibang nakangisi, habang ang iba naman ay nakatungo lamang ang ulo at halatang pinipigilan ang sarili na tumawa.

"Kanina kasi Yvette, puno ng softdrink 'yong tatlo nilang malaki na ice box, tapos no'ng nagkainan na, ayon kan'ya-kan'ya nang kuha ang mga bata na tinawag n'yang 'uhugin' kanina. Nagmalay na lang kami ubos na pala. Kaya ayon galit na galit si Missy." Pagpapaliwanag ni Arthur sa akin nang makita ang nagtataka kong mukha.

Kaagad naman akong tumango at medyo tumawa dahil sa narinig.

Kaya pala galit na galit si Missy.

"Ay, kumain na ba kayo?" Tanong ko kahit na alam kong tapos na sila dito dahil mga baso na may lamang alak na ang laman ng aming mesa. May malaking bowl din sa gitna ng mesa at ang laman ay chitcharon na ginagawa nilang pulutan.

"Oo kanina pa kami tapos. Shot?" Si Mara sabay taas ng baso n'yang may laman na alak.

Ngumiti naman ako at umiling. Umiinom naman ako pero hindi alak, kundi wine.

Sisimulan ko na sanang lantakan ang pagkain ko nang may maramdaman akong humahawak sa likod ng bangko ko at paglingon ko kung sino ito parang umurong ang gutom na nararamdaman ko.

"Benjamin, dito ka na lang, oh!" Kaagad na nagsalita si Arthur na nasa harapan ko at maya-maya lamang ay tumayo na ito sa bangko n'ya at pumunta sa isang puwesto kung saan nakasalansan ang mga puting monoblock at kumuha doon ng isa. Inilagay n'ya ang monoblock na kinuha n'ya sa pinakagilid ng mesa at doon umupo.

"Ay si Arthur, para-paraan." Pagpaparinig ni Yen nang dumapo ang mga mata ni kay Arthur na ngayon ay nasa tabi na ni Mara.

Kaagad namang umingay ang mesa namin at nakisali ako doon. Napalingon ako sa harapan ko nang umupo doon si Benjamin. Kumabog ang puso ko at hindi ko na alam kung saan ko itututok ang mga mata ko.

"Sorry, Arthur, ha? Strict kasi ang parents ko." Pabebeng usal ni Mira at pagkatapos no'n ay kumawala s'ya ng isang malutong na tawa na mas lalong nagpaingay sa mesa namin. Hindi naman ako nakisali doon dahil nakatutok ang mga mata ko sa pagkain ko.

Kanina nang makita ko ang laman plato na binigay sa akin ni Missy bigla akong nagutom, ngayon parang bigla akong nabusog.

Tama ang hinala ko kanina na may nakaupo dito sa bangko na kinauupuan ko at 'yon ay si Benjamin. Akala ko umuwi na s'ya, hindi pa pala.

Bahala na. Kahit naiilang ako sa paraan ng pagtitig sa akin ni Benjamin ipinagpatuloy ko pa din ang naudlot kong pagkain kanina. Kahit parang ayaw lunukin ng bunganga ko ang pagkain, pinilit ko pa rin na lunukin ito para lamang may magawa ako.

Hindi naman ako na-o-out of place dito dahil kilala ko naman ang lahat ng tao na andito sa mesa, pero parang naiilang ako dahil sa mga titig at sulyap ni Benjamin sa akin.

Nilakasan ko ang loob ko. Inangat ko ang ulo ko at walang sabi-sabing tinitigan ng diretcho sa mga mata si Benjamin na ngayon ay parang naiilang na. He took the glass next to the bowl which I think was his and drank the beer straight.

Ako naman ngayon ang nailang at napaiwas ng tingin. Pinagpapawisan na din ako ng malapot at nanlalamig na din ang mga daliri ko sa paa.

Why does he looks so hot while drinking his beer?

Parang bigla akong nauhaw dahil sa paraan n'ya ng paglunok ng beer n'ya.

God! Nasaan na ba 'yong softdrink ko? Nasaan na ba kasi si Missy? Bakit ang tagal? Nauuhaw na ako!

"Buwisit!" Napahinto ang mga kasamahan ko sa pag-uusap-usap at sabay-sabay kaming napalingon kay Missy na ngayon ay kadarating pa lamang at may dalang dalawang litro ng softdrink habang ang mukha ay nakabusangot.

"Oh? 'Nong nangyari d'yan sa mukha mo?" Natatawang tanong ng asawa ni Missy habang karga-karga nito ang babaeng anak nila.

"Buwisit kasi 'yang si Minda na 'yan. Ang arte! Sinabihan ba naman ako ng malabnaw daw 'yong spaghetti ko, pero nagtake out! The audacity! Bisita na nga lang, tapos nangjujudge pa! Buwisit!"

"Pabayaan mo na, totoo naman. Napadami kasi 'yong lagay mo ng spaghetti sauce kaya ayon medyo umasim at malabnaw." Sagot naman ng asawa nito habang may malapad na ngisi sa labi. Halatang mas lalong pinapainit ang ulo ng asawa.

"Kita mo 'to?" Itinaas ni Missy ang dalawang bote ng softdrink. "Gusto mo ihampas ko sa ulo mo?" Tanong nito habang ang mukha ay walang emosyon.

"Joke lang, sabi ko nga patutulugin ko na anak natin."

Umirap lamang naman si Missy bilang sagot at pumunta na sa puwesto namin habang ang mukha ay ang ali-aliwalas. Parang walang nangyari.

"Yvette, sorry kung natagalan ako sa pagbili ng softdrink." Missy gave me an apologetic smile.

"Its okay, Missy. Hindi pa naman ako nauuhaw." Pagsisinungaling ko kahit na ang totoo ay uhaw na uhaw na ako.

"Dito ko muna 'to ilalagay. I'll just get a glass for you, Yvette."

Missy was about to leave our place when Nick suddenly asked a question.

"Missy, pa'no kami? Hindi mo kami kukuhaan ng baso?"

"Bakit? Si Yvette ba kayo? At tiyaka may mga baso naman kayo ah, puwede na 'yan." Sagot naman ni Missy at hindi na hinintay pa ang magiging sagot ni Nick dahil umalis na ito.

"Patrick, grabe naman 'yang asawa mo. Grabe ang bibig, mabuti at natagalan mo." Himutok ni Nick sa asawa ni Missy na ngayon ay nakaupo na sa monoblock chair sa hindi kalayuan sa amin.

"Kaya nga, eh. Ginayuma kasi ako kaya ayon 'di ko maiwan-iwan." Patrick joked and then laughed. Kaagad naman kaming nagsitawanan dahil doon.

Mabuti at napunta na sa ibang bagay ang atensyon ko, dahil kung hindi siguro hanggang ngayon trapped pa rin ako sa mga titig ni Benjamin sa akin.

Natahimik lamang ang lahat sa pagtawa nang dumating na si Missy ng may dalang dalawang baso sa kamay. Ang isa ay binigay n'ya sa akin at 'yong isa ay para kay Nick.

"Hala! Nagbibiro lang naman ako, Missy, pero salamat. Bait mo talaga."

"Mabait na lang." Pag-uulit ni Missy gamit ang walang buhay nitong boses.

Kung dati ay nabubuwisit pa ako at naiilang sa pag-uugali ni Missy, ngayon ay hindi na. Nasanay na ako sa pag-uugali at bibig n'yang walang preno. Kahit gano'n ang bibig ni Missy marami naman ang may gusto sa kan'ya not in romantic way but in friendly way. She has a lot of friends and I am one of them. Madali lang kasi s'yang maging kaibigan dahil mabait s'ya, maasikaso, at palangiti. Malayong-malayo kay Dorothy na kokonti lang ang kaibigan. Mabuti nga hindi n'ya 'yon inimbitahan, hindi naman kasi sila close no'n.

Naalala ko sa kan'ya si Valkyrie. I missed her.

"Ay teka! Patrick, pahiram muna ng anak natin." Saad ni Missy at nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan ng asawa habang ngumunguya ng chitcharon at pagkatapos no'n ay kinuha na ang anak sa asawa at bumalik ulit sa kinaroroonan n'ya. Sa tabi ko.

I instantly swallowed my food that I hadn't chewed properly when Precious was already on my lap. Medyo nabulunan pa nga ako dahil sa hindi ko pa nangunguya ang kinain ko.

"Hi, Precious! Happy Birthday! Long time no see!" I instantly greeted Precious with a huge smile on my lips. Tiningnan lamang naman ako ni Precious na para bang sinusuri ako. Na para bang nagtatanong kung sino ako.

"Anak, Ninang mo 'yan. Hingi ka regalo."

I closed my eyes tightly as there was a suppressed laugh on my lips when I heard what Missy said. Sabi na nga ba eh, may dahilan ang pagkuha ni Missy sa anak n'ya. Manghihingi pala ng regalo sa akin.

"Precious, hindi ako nakabili ng regalo para sa'yo. Pera na lang, ha?" Kinausap ko ang inaanak ko pero ang sinabi kong 'yon ay para talaga sa kan'yang ina na si Missy.

"Hala, Yvette nagbibiro lamang naman ako. Joke lang. Ito naman hindi mabiro." Kaagad na sumagot si Missy nang marinig ang sinabi ko.

Sa pagkakataong ito hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na tumawa at maya-maya lamang ay napailing na.

Nilingon ko ang mga kasamahan namin sa mesa na alam kong nakatingin sa amin, sa susunod kong gagawin. Nginitian ko sila isa-isa maliban na lang kay Benjamin. Iniwas ko na kay Benjamin ang mga mata ko at itinuon na lang ito sa maliit na purse na dala ko na ngayon ay pinagigitnaan na namin ni Precious at humugot doon ng tatlong libo.

"Hala! Naiingit ako bigla! Parang gusto kong magpabinyag ulit at kunin na Ninang si Captain!"

"Captain, buntis ako, puwede ba na ikaw ang Ninang?"

Kan'ya-kan'ya na namang reaksyon ang mga kasamahan namin. May ibang tumatawa at may iba namang naiingit. Habang si Benjamin naman ay nakatungo ang ulo at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan.

"Missy, sorry ha? Hindi kasi ako nakabili ng regalo para kay Precious, puwede pera na lang?" Tanong ko habang nakangiti sabay pakita ng tatlong libo sa kan'ya.

Kaagad namang nagliwanag ang mukha ni Missy nang makita ang tatlong libo sa kamay ko habang ang bibig ay nakaawang at parang hindi alam kung ano ang sasabihin.

"S-Salamat." Sa unang pagkakataon nakita ko si Missy na mahiya.

Tumango lamang naman ako at inabot sa kan'ya ang tatlong libo, pagkatapos no'n ay sinubo ko ang pagkain na nasa kutsara ko. Pagkatapos kong isubo ang pagkain ay itinuon ko na ulit ang atensyon ko kay Precious at hinalikan ang tuktok ng ulo nito.

I love kids no doubt for that, but I don't think this is the right time for that. Tiyaka na kapag handa na akong pumasok sa isang relasyon, tiyaka na kapag dumating na ang tamang lalaki para sa akin.

Napakurap-kurap naman ako ng mga mata nang maramdaman na para bang napapaihi ako kaya kaagad kong binigay kay Missy ang anak n'ya at nagpaalam na magbabanyo muna.

Hindi ko gano'n ka-kabisado ang bahay nina Missy pero hindi naman ito ang unang pagkakataon na makarating ako dito kaya medyo alam ko na ang pasikot-sikot dito. Alam ko kung saan nakapuwesto ang banyo nila. Nasa likod bahay nila. Hindi ko alam kung bakit do'n nakapuwesto ang banyo nila, pero wala na akong pakialam doon dahil bahay nila ito at bisita lamang ako.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng banyo nang may humigit sa kamay ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon dahil sa kabog pa lamang ng puso ko kilala ko na kaagad kung sino ito.

"Bakit?" Itinaas ko ang dalawa kong kilay habang nakangiti sa kan'ya. "Iihi ka?"

Umiling s'ya at binitawan ang kamay ko na hawak n'ya. Itinungo n'ya ang ulo n'ya na s'yang ikinakunot ko ng noo, pero maya-maya lamang ay iniangat na n'ya ang ulo n'ya at ang kan'yang mga mata ay namumungay na.

"You're drunk." Saad ko at tinakpan ang ilong habang ang mukha ay nangangasim. Ginawa ko 'to para suportahan ang sinabi ko kahit wala naman akong naamoy na mabaho sa kan'ya.

Umiling s'ya bilang tugon sa sinabi ko habang nakangiti.

Heto na naman tayo, nginitian na naman n'ya ako at ang puso ko naman ay kaagad na nagreact dito.

"I am sorry." He simply said that gave my heart a distress. It's still beating fast but in different way.

"Okay." Ito lamang ang naisagot ko dahil hindi ko mahanap ang tamang salita para sa sinabi n'ya.

"No, hindi sa gano'n, Yvette—"

"Captain. Not Yvette. Captain." I corrected him with emphasis.

Alam kong hindi na oras ng trabaho pero ayaw kong tawagin n'ya akong Yvette. Hindi kami magkaibigan para tawagin n'ya akong Yvette.

Kaagad na rumirehistro ang sakit sa kan'yang mga mata pero panandalian lamang ito dahil napalitan din ito ng lungkot.

"I am sorry." Saad n'ya.

"Okay." Sagot ko ulit at tatalikod na sana nang magsalita na naman s'ya.

"It's not my intention to treat you like that, C-Captain. Believe me." Sabi n'ya pero hindi ko s'ya hinarap dahil nakatalikod pa rin ako sa kan'ya. "But, I need to. I love my work, I need to sustain the needs of my family, I need to support my family in order us to live. Nag-aaral pa si Marian. K-Kung mawawalan ako ng trabaho pa'no ko bubuhayin ang pamilya ko? H-Hindi pa tapos ang bahay namin, may mga binabayaran pa kaming utang, C-Captain. K-Kung sasabihin mo bakit hindi ako mag-apply sa ibang airlines ang sagot ko d'yan ay mahihirapan ako."

Nang huminto na sa pagsasalita si Benjamin tiyaka ko lamang s'ya hinarap at nagulat ako nang sa pagharap ko mga nagmamalabis na luha kaagad ni Benjamin ang bumungad sa akin.

Why is he crying? And what the hell he's talking about? Anong mawawalan ng trabaho? Hindi ko s'ya naiintindihan.

Handa ko na sanang ibuka ang bibig ko para makapatanong sa kan'ya nang tumalikod na si Benjamin at naglakad papalayo sa akin na para bang walang nangyari.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 58.4K 45
WARNING•R18 A cruise captain and a chief executive officer's story. Falling in love was never part of my plans. It was as if the wind blew and I got...
905K 30.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2M 78.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.