Beneath The Clouds (Passion S...

By marxxter

103K 3.6K 289

PASSION SERIES #2: THE CLOUD Being true to myself won't diminish my worth. I embrace my flaws; it's my thing... More

Prologue
Disclaimer
Marxxter
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Notes

Chapter 46

1.4K 49 5
By marxxter

"We're here," Rence announced as he parked his car on the carpark. "Wait for me, pagbubuksan kita ng pinto."



Nauna siyang bumaba mula sa kaniyang sasakyan bago umikot sa harapan para pagbuksan ako ng pinto rito sa shotgun seat. Bumaba kaagad ako at iginala ang aking paningin sa paligid. Kinuha naman sa akin ni Rence ang dala kong bag at sinukbit niya iyon sa kaniyang balikat.



Nandito na kami ngayon sa carpark sa harap ng kaniyang condominium. Kararating lang namin at sinundo niya ako kanina katulad ng aking kagustuhan.



"There are so many stars up there," pansin niya habang nakatingala sa kalangitan. "Let's stay here for a little while."



"Sige," sang-ayon ko rin at tumingala rin sa langit. "Ang ganda ng mga bituwin," puna ko.



Bilyung-bilyong mga bituwin ang makikita sa kalangitan. Maliban sa sinag ng buwan, ang mga bituwin ay nagsisilbi ring liwanag sa paligid. The stars did not refuse to shine, it was sparkling so bright. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kalangitan na pinapaligiran ng mga bituwin.



"Come here, let us trace the stars and write our names together," biglang anyaya ni Rence sa akin.



Napatingin ako sa kaniya. He gently held my elbow and pulled me near him. Nagtaka naman ako sa pag-anyayang ginawa niya. We'll trace the stars together? For what? Ano na naman bang pauso ito?



"Let's write our names through connecting the stars," he said. "Subukan natin baka magkatotoo pa ito."



"Magkatotoo ang ano?" I asked astonishingly.



"Basta," aniya at tumikhim. "You'll write my name on the sky through connecting the stars and I'll do the same on your name," dugtong niya at sumulyap sa langit.



"Bakit ko naman isusulat ang pangalan mo sa mga bituwin?" My forehead creased because of astonishment. "Huwag na," tanggi ko pa. "Malay mo, maaga kang kuhanin ng langit niyan," biro ko pa at tumawa.



He laughed at me also. "No, baby, trust me... Just write my name in the sky and I will write yours. I don't believe in this kind of thing but let us try. Malay ba nating magkatotoo ito."



"Ang alin nga ang magkatotoo?" tanong ko pa.



"Magkatotoo na maging akin ka habang-buhay," he answered and chuckled. "Come on, let me guide you, baby," he presented and positioned behind me. "You'll write my whole name. Clarence Jayv Martinez Evans."



Hindi na ako nakaprotesta nang inangat niya ang aking kamay sa hangin. Hinayaan ko siya nang unti-unti niyang pinag-uugnay ang mga bituwin gamit ang aking hintuturo. Nilingon ko siya at saktong nagtama ang mga labi naming dalawa. Mabilis lang iyon dahil tumuwid kaagad ako ng tayo at muling inangat ang tingin sa kalangitan.



Nang matapos ang kagustuhan niya ay napagpasyahan na namin pareho na pumasok na sa condominium at tinungo na ang kaniyang condo unit nang tahimik lamang. Pinadausdos niya sa aking baywang ang kaniyang braso nang makapasok na kami sa loob ng kaniyang unit. Hinayaan ko lamang siya at iginiya niya naman ako sa may sala.



"May gusto ka bang kainin?" marahan niyang tanong nang paupuin niya ako sa mahabang sofa. "Magluluto ako ng uulamin natin, hindi pa naman ako nakapaghapunan kaya sumabay ka na sa akin."



"A-Ah, sige," sagot ko at tiningala siya, nakatayo siya ngayon sa aking harapan. "Kahit ano lang diyan," I added in a lower voice.



"Okay," he said before bending over to level his face to mine. He gave me a peck on my lips. "Magluluto na 'ko. Feel at home, Rai."



Inilapag niya muna sa aking gilid ang bag kong nakasukbit sa kaniyang balikat bago umalis sa aking harapan. Sinundan ko siya ng tingin nang tumungo siya sa kusina. Sumandal lang ako sa backrest ng sofa at pinagkrus ang aking mga binti. Nilabas ko kaagad ang aking cellphone mula sa bag ko.



I opened my phone and dialed Stella Maris' number. May number naman ako ni Trevon pero mas mabuting ipaalam ko kay Steris muna kung papayag siyang kuhanin namin ang kaniyang asawa bilang isa sa mga engineer sa kompaniya. Ayaw ko na kasing magkahiwalay sila at baka ako na naman ang dahilan.



"Oh, Elle?" bungad niya nang masagot ang tawag ko. "Napatawag ka?"



"Ahm.. I wanna ask your permission first," panimula ko. "Kailangan kasi ng isang engineer at isang architect para sa kompaniya namin, eh. Puwede ba si Trevon, Ris? Magsa-suggest lang ako kay Dad para sa kontrata na pipirmahan ni Trevon. Hindi naman gaano ka-strict ang company namin kaya paniguradong papayag si Trevon," paliwanag ko pa sa kaibigan.



Tumawa siya. "Oo naman. Hindi mo pa pala siya napagsabihan tungkol dito?"



"Hindi pa," sagot ko. "Nagpaalam muna ako sa 'yo. Katakot na at baka iwan mo naman ang asawa mo dahil nagseselos ka naman sa akin," pang-asar ko pa sa kaniya.



I can see her image in my mind, rolling her brown eyes to me. Alam kong iniirapan na ako nitong si Steris dahil sa pang-aasar ko sa kaniya. Pa'no ba naman kasi, napakaselosa niya. Sa dinami-rami naman ng puwede niyang pagselosan ay ako pa talaga? Pinagselosan niya ako noon dahil akala niya ay ang asawa niya ang nakabuntis sa akin, iyon pala ay namaling-akala siya.



"'Tsaka nga pala, nagbanggit ka rin na kailagan ninyo ng architect? I recommend you Kissy Imasel Collins. Kilala mo naman siya, hindi ba?" tanong niya lang. "Siya ang project partner ni Treice," dugtong pa niya.



"Of course, I know that Kim. Isa rin kasi siya sa mga pinagseselosan mo, eh," natatawang tukso ko pa sa kaibigan. "Anyway, kumusta na pala siya riyan? Kayo pala?"



"We're fine," she said and let out a laugh. "Ayos din naman si Kim sa puder nina Phoenix at Jessica," she added.



Phoenix Alexander and Jessica are also Stella Maris' friends when she went to the California years ago. Sa pagkakabalita ko rin ay kasal na iyang si Jessica kaso nga lang hindi ko alam kung kanino dahil hindi naman talaga ako ganoon ka-close sa kaniya. We can be friends, but not that close.



"Anyway pala, Elle, hinanap ka ng mga boy friends mo sa akin noong nakaraan," Steris told me out of the blue. "'Yong bakla at pati na rin si Jeydee. 'Yong kaibigan mo kasing iyon ay ang asawa ni Jessica kaya nagkita kami at kasama niya ang ibang mga kaibigan mo. Kinumusta ka nila sa akin pero sinabi ko ayos ka naman at ilang linggo ka pa lang dito sa Pinas at galing ka sa German."



"Lahat sila?" tanong ko pa. "Sina Jeydee, Prince, Marco, Van, Archie, Clark, at Doremi? Lahat sila?"



Of course, kilala ko pa rin ang mga kaibigan ko at kabisado ko pa rin ang kani-kanilang mga pangalan kahit ilang taon na ang nagdaan simula nang hindi ako nagpakita sa kanila. Minsan pa nga ay nami-miss ko ang kanilang kakulitan. Sobrang tagal na kasi nang hindi ko sila nakita. Nawalan din ako ng balita sa kanila, puwera na lang ngayon. Kahit sila nga rin ay nawalan din siguro ng balita sa akin. Paniguradong hindi pa nila alam na may anak na ako.



"Oo, Elle," sagot naman ni Steris. "Nang pumunta ako sa mansiyon nina Jess ay naroon ang lahat na mga lalaking kaibigan mo. Miss na miss ka na ng mga iyon, ilang taon ka na kasi nilang hindi nakita, eh."



"Uhm.. did you tell them about Nero?"



"What? No, Ellai. I didn't tell them about your son, I don't have a right, girl. Ikaw na lang ang magsabi sa kanila kung gusto mo," pahayag niya. "O siya nga pala, ikaw na ba ang bahala kay Treice tungkol sa alok mo? Or do you want me to call him now? Nasa silid siya namin, kasama ang anak namin."



"Ah sige, ikaw bahala." Tumango pa 'ko kahit alam kong hindi niya naman ako makikita. "At kay Kim Collins naman, ikaw na lang ba ang magsasabi sa kaniya?"



"Oo, basta para sa 'yo," aniya at humalakhak. "Sandali lang, tatawagin ko muna ang asawa ko."



May narinig pa akong kung anong ingay sa kabilang linya. Hindi ako nagsalita at hinintay na ibigay ni Steris sa asawa niya ang cellphone niya para makausap ko na kaagad iyon. Mayamaya pa'y may narinig na naman akong kaluskos. Pinanatili ko lamang nakatapat sa tainga ko ang speaker ng cellphone ko.



"Treice, tumawag si Ellai, gusto ka raw niya kausapin." Dinig kong sabi ni Steris sa asawa niya.



"Bakit daw ba?" Rinig ko ring tanong ni Trevon sa background bago ako nakarinig ulit ng kaluskos. "Hello?"



Mukhang nasa kaniya na ang cellphone, ibinigay na yata ni Steris sa kaniya. Tumikhim ako nang marinig kong humalakhak siya, paniguradong may iba na namang pumasok sa isipan nito.



"Bakit ka napatawag, Ellai? Ano? Magpapatulong ka na ba sa akin kung paano ligawan si Kuya?" patuksong saad niya.



"Tumigil ka nga," suway ko. "Hindi ko na rin kailangan ng tips mo, 'no. At saka, nandito ako sa condo niya ngayon."



"Wow," he wowed laughingly. "Kung si Maris ay may ka-fuck buddy, ikaw naman ay may ka-fuck daddy."



"Hoy!" Hindi nakalusot sa tainga ko ang pagsaway ng kaibigan ko sa lalaki. "Ang bastos mo, Treice!" sigaw pa ni Steris sa kaniyang asawa pero tinawanan lamang siya ni Trevon.



"Ano na, Elle?" sa halip ay tinanong niya lamang ako. "Bakit ka napatawag? Gusto mo ba ng suhestiyon ko para sa posisyon ninyo---"



"Tumigil ka nga!" putol ko sa kaniya. "God, good thing that Rence's not with me right now," pabulong kong usal.



"Oy narinig ko 'yon!" Humagalpak naman ng tawa si Trevon na tila may sinabi akong nakakatawa. "Nasa'n si CJ kung ganoon?" tanong pa niya. "Tinago mo? O pinosasan sa kama?"



"Puro talaga kabastusan 'yang laman ng utak mo," kumento ko lang. "He's in the kitchen, cooking something for our dinner."



"Baka ikaw pa ang gawin niyang dinner diyan, ha," biro pa niya. Akmang sisinghalan ko na siya pero inunahan niya 'ko. "Oh ano na pala? Ba't ka napatawag? Siguradong may kailangan ka sa akin, eh. Hindi ka naman tatawag kung wala."



"Isa pa, ha, nakakapikon ka na. Hay, hindi ko alam kung paano ka natiis ni Steris!"



"Mahal niya kasi ako kaya kayang-kaya niya akong tiisin," pagmamayabang niya. "'Di tulad sa 'yo, tinaguan pa talaga ng anak si Kuya."



"Ikaw naman ay iniwanan ni Steris," I fired back.



"At least binalikan niya ako," pabalang niyang sagot. "Pasalamat ka talaga dahil hindi ko pa sinabi kay CJ na may Nero na kayo," banta niya pa sa akin.



"Baka nakakalimutan mong malaki ang utang na loob mo sa akin?" pambla-blackmail ko sa kaniya. "Isa ako sa mga dahilan kaya kayo nagkatuluyan ni Stella Maris, 'no."



"Just destiny, Elle," natatawa niyang sabi. "At sige na nga, nalintikan na. Bakit ka napatawag?"



"Kailangan pa kasi ng kompaniya namin ng isang engineer at isang architect," I said. "Ikaw sana at iyong kapares mong si Kim Collins. Ayos lang naman, hindi ba? Sabihin mo na ayos lang."



"Grabe, wala man lang akong choice?" natatawa niyang sabi sa kabilang linya. "Elle, baka nakakalimutan mong may sarili rin kaming kompaniya. Pero dahil malaki ang utang na loob ko sa 'yo, papayag ako. Basta, bayad na 'ko pagkatapos, ha? Huwag ka nang maningil sa 'kin ng utang na loob. Ako na rin ang bahala kay Kissy para walang problema."



"Oo, kayong dalawa ni Steris ang bahala kay Kim," I surrendered. "Kakausapin ko muna si Dad tungkol dito at sigurado naman akong papayag siya na kuhanin kang engineer. Ako na rin ang bahala sa kontrata mo, ninyo pala ni Kim kung papayag man siya. Tawagan mo lang ako kung pumayag si Kim."



"Papayag 'yon, malaki rin ang utang na loob niyon sa akin kaya hindi makahindi iyon kapag ako ang magsabi sa kaniya," mayabang na usisa pa niya.



"Oh sige, singilan ng utang na loob na lang tayo rito," I said laughingly. "Sabi mo, ha, ikaw ang bahala kay Kim. Sige na, baba ko na 'tong tawag at baka magselos na naman ang asawa mo sa akin."



"Tsk," he tsk-ed on the other line. "Hindi na selosa ang Maris ko. Baka ikaw na ang nagseselos diyan sa amin? Balikan mo na kasi si Kuya para hindi ka na maging bitter."



"Gumagawa ka ng kuwento riyan," naiirita kong wika. "Hindi ako bitter, 'no! At hindi rin naman naging kami ng Kuya mo."



"Ah, hindi kayo pero nakabuo?"



"Shut up!" I hissed. "Namimikon ka na. Ibababa ko na 'to, sa susunod na tayo mag-usap pero dapat maging matino ka na, ha? Tigilan mo na ang pagiging utak-lamok mo."



"What? Utak-lamok? Sino?"



"Ikaw siyempre! Piste! Alangan namang---"



"Kausap mo?"



Namula ako dahil sa inis. "Hay, Trevon. Namimikon ka na talaga!"



Pinatay ko na kaagad ang tawag nang hindi hinihintay ang sagot niya. Sakto rin na katatapos lang ng tawag namin ay dumating si Rence mula sa kusina at may dala-dalang tray kung nasaan may mga pagkain doon at mayroon ding dalawang baso na may lamang juice. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalapit siya sa akin.



Nilapag niya ang tray sa may lamesa bago umupo sa tabi ko. Pinagdikit niya ang aming mga binti at pinadausdos naman ang kaniyang braso sa likuran ko hanggang sa tumungo iyon sa baywang ko. Hinayaan ko lamang siya at pinatong ang palad ko sa hita niya.



"Ang bilis mong magluto," kumento ko at sinulyapan ang niluto niya. "Ah, kaya pala ang bilis mong magluto dahil spam at adobong manok lang pala ang niluto mo."



He chuckled. "Wala na akong maisip na lutuin, Rai, ang mahalaga ay makapaghapunan tayo ngayon."



I snapped. "May punto ka."



"Hindi ka pala nanood ng T.V.?" tanong niya nang dumako ang kaniyang paningin sa kaniyang telebisiyon. "I told you to feel at home."



"Busy kasi ako, tinawagan ko kasi ang kaibigan ko," I told him.



Tumango siya at pasimpleng kumibit-balikat. Sa halip ay kinuha niya ang remote na nakalapag sa may lamesa na katabi lang ng tray. He pressed the on button and the television automatically turned on.



"What do you want to watch, Rai?" he gently asked and took a glance at me.



"What about porn?" I kidded innocently.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 291 12
weing you are so shameless. Awwwwww my cute boyfriend. allle allle Shame on my boyfriend. aww so cute. If you like my story then please vote. And go...
52.8K 2.4K 52
"W-what-" Minho placed his thumb on Jisung's lips. "You want me to teach you the art of passion, huh?" Jisung looked away, face red from embarrassmen...
134K 3.7K 47
Melody's life was going just how she'd planned. She got into RADA, graduated and now her acting career is working out the way she wanted it to. All t...
1.6M 185K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...