The Sweetest Escape

By endlesslaugh

318K 8.6K 485

Isang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Thank You!

Epilogue

8.1K 235 40
By endlesslaugh

Hannah

Graduation ko bukas. Sana makapunta ka. I reserved a seat for you.

And I'm sorry. I'm sorry dahil sa mga sinabi ko. Sorry dahil matagal kitang hindi kinausap. Sorry dahil napagsalitaan ko ng masama si Claire pati na rin yung baby. Sorry, Migs. Sana mapatawad mo ako. We're still friends, right?

Binasa ko uli yung messages na na-send ko kagabi. Hindi ko naman pinagsisisihan na sinend ko ito at halos nasa puntong nagmamakaawa na ako. What I do regret is being childish all these months and not talking to him. Noon, siya yung nagmamakaawa na pakinggan ko siya. Now it's my turn.

"Wait, aayusin ko lang yung hood mo," pinigilan ako ni Janice sa pagpunta ko sa upuan at inayos ang hood ng toga. Pagkatapos ay hinagod niya ang balikat ko at pinisil ito. Dati, magfi-flinch ako sa contact na iyon pero ngayon, I welcome it. "Congratulations!"

Isang malaking ngiti ang ibinigay ko sa kanya kahit na medyo nalulungkot ako dahil hanggang ngayon wala pa rin yung hinihintay ko. "Salamat. Hindi ako makakarating dito kung hindi mo ako tinulungan."

Nang lumipat ako, nilipat din ni Janice ang practice niya sa Maynila. Sinabi ko sa kanya na i-refer na lang ako sa ibang doktor pero nagdahilan siya na balak na rin naman niyang lumipat at nagkataon lang na sumabay yung desisyon ko sa plano niya kaya hanggang ngayon ay siya pa rin ang nag-aasikaso sa akin.

And I finally know kung bakit niya kinuha ang kaso ko. Because she's been through the same.

Hindi ako naghahanap ng taong mapagkukumparahan ko ng experiences pero dahil alam niya first hand yung mga nangyari sa akin, naging mas madali yung pagpapatuloy ko sa kanya sa buhay ko. 'Di ko kinailangang itago ang sarili ko sa kanya dahil lahat ng brutal na detalye, naiintindihan niya. And when I finally cried for me, for the little lost girl that I was, she cried with me.

"Tinatawag na tayo, Apo. Magsisimula na." Inakbayan ako ni Lolo patungo sa designated naming upuan. Doon siya sa kaliwa ko nakaupo.

Napatingin ako sa kamay niya na nakapatong sa arm sa gitna ng mga upuan namin. Matanda na ang Lolo ko at siya na dapat ang inaalagaan. Sa kabuuan ng pananatili ko sa Maynila, siya ang nag-aalaga sa akin. Madalas siyang bumisita sa dorm na tinitirahan ko. Siya rin ang tumabi sa akin last year nang napagdesisyunan kong magsalita tungkol kina Lando at Papa. Dahil sa pagsasalita kong iyon, sobrang laking relief ng naramdaman ko. Nabawasan yung bigat na dala-dala ko sa dibdib ko.

Napatawan ng lifetime imprisonment si Lando. Sabi ng mga abogado, pwede pa raw bawiin ng korte ang hatol kung may makita silang improvement sa kanya over the years. Tinanong naman ako ni Lolo kung anong pakiramdam ko kung sakaling mangyari ito and honestly, ayos lang ako. Yung mga taong kagaya ni Lando, iyon ang mga taong mahirap nang baguhin. At kung magbago man siya at mapalaya nang maaga, I'll be ready for him.

Nasa rehab naman si Papa at pagkatapos noon, seven years na kulong. Never ko siyang binisita kahit pa siya na mismo ang kumontak sa akin. Nakapagdesisyon na kasi akong putulin yung mga loose strings. Yung mga strings na humihila sa akin pabalik. Kaya kahit anong pagmamakaawa ni Papa na bisitahin ko siya, I never would. Heartless na siguro kung titingnan pero simula ngayon, ang mga taong papapasukin ko sa buhay ko ay yung mga taong iaangat ako at hindi yung mga taong alam kong makakasakit lang sa akin.

Alam kong hindi pa ako buong-buo. It's been more than two years already pero binibisita pa rin ako ng mga bangungot. Natuto na akong tanggapin at harapin ang mga ito. Alam ko na habambuhay nang magiging parte ng pagkatao ko ang dark phases nito. I've learned to accept them and deal with them.

Nang simulan ng emcee ang program, napatingin ako sa bakanteng upuan sa kanan ko. Hindi ako dapat makaramdam ng disappointment pero 'di ko rin napigilan dahil hindi sumipot si Migs sa graduation ko. Kasalanan ko rin naman kasi. Sobrang gulo ng pakikitungo ko sa kanya.

Sobrang na-miss ko si Migs. Anim na buwan pagkatapos kong umalis ng rancho, doon ko hinayaan ang sarili ko na kunin yung papel na inabot niya sa akin. It was a weak moment for me dahil binalikan namin ni Janice yung mga ginawa ni Lando at ang gusto ko lang gawin pagkatapos ng therapy ay ang mahagkan si Migs. Kahit boses lang niya ang marinig ko, ayos na.

Pinindot ko na ang mga numero sa phone ko at nakahanda nang tumawag.

Sa tuwing nararamdaman kong nagkakalat at sumasabog ako, si Migs lang ang hinahanap ko. Pero hindi ko siya maramdaman ngayon dahil ang layo niya. At paano kung masaya na siya? Magagawa ko bang istorbohin ang buhay niya sa mga kargada ko?

Iyon ang mga thoughts na sumunod sa akin dahil sa balak kong gawin. Kaya nga ibinaba ko kaagad yung phone at ibinaon yung papel sa pinakadulo ng drawer ko. Dalawang linggo pagkatapos ay sumuko rin ako at tinext siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero sinundan ko kung anong sinasabi ng guts ko. They were only three words but it took a lot of courage to send them.

I miss you.

Pagka-send ko ng message ay kinabahan ako. Gusto kong bawiin.

Kaso hindi ako binigyan ni Migs ng chance para gawin iyon dahil tumunog kaagad yung phone. Hannah.

Pangalan ko lang yung sinulat niya pero nagwala kaagad yung puso ko. Nanginginig ang kamay ko habang nakaposisyon na ang mga daliri ko sa keypad. Anong susunod kong sasabihin? Paano niya nalaman na ako yung nag-text, eh hindi naman ako nagpapakilala?

Bago pa man ako makapindot, tumunog uli yung cellphone. I miss you, too.

Nagkakatext na kami simula no'n. Hindi araw-araw pero mga ilang beses lang sa isang buwan. Nakakapamahagi na ako kay Migs kahit hindi niya ako pilitin na magkwento. Siya ang unang tao bukod kay Janice na kumportable akong mag-share sa sarili ko. Sa bagong ako.

Sa kanya ko rin ipinapadala ang mga likha ko. Dati, laging lapis ang gamit ko sa pagguhit. Now I'm painting. Si Migs ang nag-suggest na kumuha ako ng mga klase para mas lumawak pa raw yung kakayanan ko. At dahil ayaw ko nang matakot pa sa kahit ano, I took the challenge. Noong una panay dark paint lang ang nauubos sa palette ko. Ngayon ay nag-e-experiment na ako sa color.

Nang ipaalam ni Migs sa akin na may nakakita ng gawa ko at gusto itong bilihin, nagdalawang-isip ako. Iyon kasi yung unang work na nilagyan ko ng kulay. Tsaka ang personal din kasi ng piyesang iyon. Nire-represent nito yung innocence, and at the same time, brokenness ng babaeng nasa canvas. Sobrang tagal bago ko mapagdesisyunang ibigay kay Migs yung go signal para ibenta ito. Nang magawa ko iyon, pakiramdam ko may na-achieve ako. For the first time in my life, may nagawa ako para sa sarili ko.

Slowly, napagtatagpi-tagpi ko na ang sarili ko. I'm becoming my own person.

Si Migs, si Lolo, si Janice, at ang pagpipinta... iyon ang mga nakagawang magbigay sa akin ng positive reinforcement. In a way, masasabi kong perfect na ang lahat.

Hanggang sa sirain ko na naman yung perfection na bumalot sa akin.

Nagkaroon kami ng misunderstanding ni Migs two months ago. Ewan ko kung paano pero biglang pumasok sa usapan ang pangalan ni Claire. Tapos may batang involved. Nag-panic ako dahil yung control na akala kong meron ako, may nakakalusot pa pala roon. Ayaw kong mawalan ng control muli kaya nag-shutdown ako. Hindi ko na nagawang buksan ang mga messages niya ever since.

Sinabi ko na rin naman sa kanya na huwag niya akong hintayin. Na gusto kong magkaroon siya ng masayang buhay kahit wala ako roon. Na sapat na sa akin kahit friendship lang. The past two years, ramdam na ramdam ko yung pagkakaibigan namin ni Migs. Pero sa tuwing matatapos ang mga usapan namin, lagi akong nakakaramdam ng emptiness sa dibdib ko. Ibang klaseng emptiness sa mga nararamdaman ko dati. Kasi this time, alam kong merong taong nakalaan para punan iyon.

Pero hindi pa rin naalis yung selfishness ko pagdating kay Migs. Kaya nga kahit hindi ko binasa yung mga messages niya, I still sent him one. Inimbitahan ko siya sa graduation ko. Kasi in a way, isa siya sa mga taong naging inspirasyon ko sa pag-aaral. Gusto kong magsikap katulad niya. Hindi ko man mapantayan yung talino niya, at least kahit yung kasipagan at pagpupursigi niya, makuha ko.

I took Business Administration. Medyo nahirapan ako sa pag-shift pero buti pinayagan ako ng university na gamitin yung mga units na tapos ko na. Nag-overload ako ng subjects para makatapos nang tama, kasabay nung mismong batch ko. Yung summer break ko, nag-aaral pa rin ako. Pinagsikapan ko talaga yung narating ko. Bukod sa paintings, may nagawa na naman ako para sa sarili ko. Nahawakan ko ang sarili kong buhay. I took control. It feels so amazing.

Ganito pala ang pakiramdam nang may pinatutunguhan. Suddenly I have a future. I have goals. Natututo akong mangarap ng mga bagay na ngayon ko lang pinagbigyan ang sarili ko na pangarapin. Ako ang magpapatuloy sa business ni Lolo. At the same time, sinisimulan ko yung maliit na art gallery ko. I'm still working on it pero soon, gagawin ko siyang business.

Again, I'm under control.

Pero may isa pa rin akong natutunan sa mga sessions namin ni Janice. Isang lesson na laging naroon sa tuwing nag-uusap kami: Kapag nakasama na ang damdamin sa equation, nawawala na ang sense, ang reason, ang control. Kaya in a way, naintindihan ko kung bakit nagawa ni Mama ang ginawa niya.

Napatingin uli ako sa bakanteng upuan. Kung buhay siguro si Mama, siya ang makakatabi ko. Maging proud kaya siya sa narating ko?

Minsan ko na ring naitanong iyon kay Migs. Napagaan niya ang loob ko nang mag-reply siya. Siyempre. Magiging proud siya dahil nagawa mong marating ang narating mo. Sa kabila ng lahat, lumabas kang matatag. Huwag ka nang magduda, she's proud of you. Hell, I'm proud of you.

Habang nagsasalita yung guest speaker, kinuha ko yung cellphone at binalikan yung mga text ni Migs. Yung messages na iniwasan kong basahin. Yung messages na nagpuno sa puso ko ng deep regrets at kaunting pag-asa.

Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kaya, please, basahin mo na lang ang gusto kong sabihin. You misunderstood. Kaibigan ko lang si Claire.

Hindi sa akin yung bata pero para hindi siya mapag-isipan ng masama, nasabi niya sa mga magulang niya na ako ang tatay. Mahabang istorya pero naayos ko na ang lahat.

Kilala mo naman ako, Hannah. Hindi ko gagawin iyon. Lalo pa't may iba akong gusto.

Alam kong sinabi mong huwag na akong maghintay. Hindi ko kayang gawin. Wala eh, mahal talaga kita.

Ayokong mag-assume, pero... mahal mo rin ba ako?

Nakahanda na ang mga daliri kong sagutin ang tanong niya. ilang buwan nang late ang tugon ko pero ayaw ko nang palagpasin pa ang mga oras.

"Lopez, Hannah Kayla V. Cum Laude," tawag ng Chairperson ng college namin bago ko pa mai-send. Medyo nanaig din ang pagkaduwag ko kaya pinabayaan ko muna yung message. I just hope na kapag nagkaroon na ako ng lakas ng loob na sagutin si Migs, iyon pa rin ang nararamdaman niya.

❈    ❈    ❈

Paglabas namin ng venue, ang daming tao na nagkalat sa grounds. Kumpol-kumpol ng mga estudyante, magkakaibigan, at magkakapamilya ang nasaksihan kong nagkukuhanan ng pictures sa paligid. May ilan pa akong naging classmate na humila sa akin para magpapicture pero bukod doon, wala na akong ibang gagawin kaya didiretso na kami ni Lolo para magmerienda.

Hinihintay namin si Janice na dumating dahil kinuha pa niya ang kotse niya nang may marinig akong pamilyar na sigaw.

Tumingin ako sa likod ko at nakitang tumatakbo papalapit sa akin si Rica. Naka-outstretch na ang mga kamay niya at ready na akong yakapin kaya kahit marami akong hawak, ibinuka ko ang mga bisig ko para sa yakap niya. Pagka-hug niya sa akin ay binuhat niya rin ako.

"Bakla! Congratulations!" Yinakap niya pa akong mabuti bago niya ako ibinaba.

Natawa naman ako sa enthusiasm niya. "Thank you, Rica. Na-miss kita."

Binitawan niya ako at nag-hair flip siya. "Dapat lang. Dalawang taon kang hindi nagparamdam sa amin. Kung nandoon ka lang, makikita mo yung changes kay Fafa Migs-"

"Ah, Rica..."

Na-sense niya ata yung pagiging uncomfortable ko sa sasabihin niya kaya iniba niya ito. "Mas hot na siya ngayon!"

"Hannah, congrats!" Napatingin ako sa mga nasa likod ni Rica at nagulat nang makita si AJ, Kiel, Barney, at Manang Lita. Ngayon ko lang uli sila nakita at habang pinalilibutan nila ako't pinauulanan ng well-wishes nila, nakaramdam ako ng fullness sa puso ko. I realized na kahit anong distansya pa ang ilagay ko, yung mga taong ito na ang pamilya ko at hindi na ako lalayo.

Akala ko tapos na yung kasiyahan ng pag-celebrate ng graduation ko pero nang dumating sila, mas naging makabuluhan ito. Nagsikuhanan kami ng litrato. Tinuruan pa nila si Lolo na mag-selfie. Walang kaduda-dudang nakuhanan ng camera ang lahat ng ngiti sa labi ko. Masayang masaya na ako.

I thought that was all the happiness I could get that day. Wala palang makakapantay nang tumama ang tingin ko sa kanya. Napatulala ako kagaya nung mga ibang taong napapatigil at napapatulala habang naglalakad siya palapit sa grupo namin. Sigurado akong kagaya ko, lumalambot ang tuhod nila para lang sa lalaking ito.

Natameme ako nang masilayan siya. Hindi ko rin napigilan nang isuyod ko ang tingin ko sa buong katawan niya. Yep, tama si Rica. Mas hot na ngayon si Migs. Hindi natakpan ng formal attire yung kagandahan ng hubog ng katawan niya. Ngunit wala pa ring tatalo sa kurba ng labi at ang nagniningning na mga mata niya kapag nakangiti. Miss na miss ko na nga talaga si Migs.

May tinuro siya sa gilid ng labi niya nang makalapit. "Mukhang may tumutulo, Hannah."

Napahawak ako sa gilid ng labi ko bago ko ma-realize ang ibig niyang sabihin. Tinabig ko yung kamay niya at inirapan siya.

"Cute," komento niya. May hawak siya bouquet na iniabot niya sa akin. "Congratulations, Boss."

Gusto kong sumagot at magsuplada sa kanya, gaya ng mga banter namin dati. Pero hindi ko magawa. Meron pa siyang unanswered question at yung sagot ay tila nakabara sa lalamunan ko at ayaw akong pagsalitain.

He took my silence in the wrong way. Napansin kong medyo bumagsak ang balikat ang nabawasan ang ngiti niya. Kailangan kong ayusin ang lahat before it's too late.

Hinarap ko si Lolo. "Mauna na kayo, Lo. Susunod na lang kami."

Understanding filled his eyes. "Malayo na ang narating mo, Hannah. Proud ako sa'yo, okay?"

Tumango ako at pinipigilan yung happy tears na dulot ng mga salita niya. Iyon rin ay happy tears dahil everything is finally falling into place.

Kaming dalawa ni Migs ang naiwan. Inihahanda ko na ang mga salitang sasabihin ko sa kanya ngunit naunahan niya ako. "Huwag mo nang pansinin yung mga text. Kunwari hindi mo pa nababasa. Masyado akong excited at hindi mapakali at nai-insecure kaya nasabi ko ang mga iyon. Totoo pa rin naman pero pwede tayong magpanggap na walang nangyari. Susundan ko pa rin yung pace mo, Hannah."

Umiiling ako dahil hindi ko pa rin magawang magsalita sa sobrang shock. Ngayon ko lang uli siya nakita at sobrang lakas ng urge ko na yakapin siya.

Pero nanatili lang akong nakatayo at nakatulala sa kanya.

Kitang-kita ko ang paggalaw ng Adam's apple niya nang lumunok siya. Then he licked his lips. "Pinapasabi ni Shasta na miss ka na raw niya."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Pati si Ares. Tsaka si Dimples. Tsaka si Luna."

Strange, kasi yung pag-akto niya ay tila kinakabahan siya. I hope hindi siya kinakabahan dahil sa presensya ko. I don't want us to be like this. "Hmm... Si Doc Miguel Guevarra kaya?"

Napalunok uli siya. "Sobra. Miss na miss ka na raw niya."

"Talaga? Bakit parang hindi naman."

Siya naman ang umiling. "May pinabaon pa nga siya sa akin."

"Ano 'yon?"

Isinara niya ang distance sa pagitan namin, yinakap ako, at hinalikan sa noo. Mabilis lang ang mga pangyayari kaya bago ko maproseso ang mga ito, nakalayo na siya sa akin. Gusto kong sumunod sa kanya at ibalot sa akin yung mga kamay niya but I stopped myself.

Ako naman ang napalunok. "Iyon lang ba? Parang hindi naman ako gaanong na-miss."

"Baka raw matakot ka kapag naipakita niya sa'yo yung kabuuan ng pagka-miss niya sa'yo."

"Pakisabi sa kanya na hindi na ako takot. Pakisabi na miss ko na rin siya. Pakisabi na mahal ko siya." Tumingala ako upang magtama ang tingin namin. Ewan ko kung anong nakikita niya sa mga mata ko pero sa tingin ko magkapareho lang ng tingin na ibinibigay niya sa akin. A look filled with longing and hope. "I love you, Migs."

Nang sabihin ko ang mga salitang iyon, nabura lahat ng nerbiyos sa features niya at sumulpot yung dimples niya. Hiyang-hiya ang mga bituin sa ningning ng ngiti ni Migs.

Nag-e-expect ako ng response mula sa kanya pero nanatili siyang nakangiti na parang walang bukas. "Hindi ba ito yung part kung saan dapat yayakapin mo uli ako at hahalikan nang matagal tapos sasabihin mong mahal mo rin ako?"

Sobrang lakas ng tawa ni Migs sa sinabi ko. Sinusubukan niyang tumigil pero kada sumisilip siya sa akin, tumatawa uli siya.

Napikon ako at sinuntok siya sa braso. Parang walang tumama sa kanya pero kinontrol pa rin niya ang pagtawa sabay hawak sa kamay na sumuntok sa kanya. "Ikaw ah. Natuto ka lang mag-movie marathon, ang taas na agad ng expectations mo."

"Gusto kitang sipain sa tuhod pero kapag ngumingiti ka talaga nakakalimutan ko ang sarili ko." Nagulat ako sa admission na 'yon samantalang tuwang-tuwa naman siya. Inirapan ko si Migs para takluban yung slip-up ko at pilit na tinanggal ang kamay ko sa hawak niya. "Whatever. Uuwi na nga ako."

Medyo malayo na ang nalakad ko nang hilahin niya ako pabalik sa kanya. "Wait lang, may nakalimutan pa akong gawin."

Ipinuwesto niya ang kaliwang kamay sa bewang ko at lumapit sa akin. Yung isa naman niyang kamay ay humaplos sa pisngi at sa buhok ko. Iginala niya ang mata sa buong mukha ko, as if memorizing every detail hanggang sa titigan niya ang labi ko.

It was inevitable and it was definitely magical. Nang ilapat niya ang mga labi niya sa labi ko, I felt complete. Siya talaga yung piyesang kumukumpleto sa pagkatao ko. He is the last piece that holds me together and won't let me fall apart.

Sobrang swerte ko because I'm one of the people he cares about. Yung pag-ibig niya ay yung tipo ng pag-ibig na alam mong maasahan mong poprotekta sa'yo forever.

Bago pa man kami madala sa emosyon namin, lumayo na si Migs at ipinatong ang noo niya sa ulo ko. Isa pang halik ang iniwan niya sa noo ko bago siya huminga nang malalim. Hindi niya naman na kailangang sabihin dahil alam ko naman na ang mga nararamdaman niya. All the time I've known him yung mga actions niya ang nagpapatunay ng mga bagay na iyon. But it still made my heart skip a beat nang ibulong niyang, "Mahal na mahal kita, Hannah. Gusto kitang protektahan at gusto kong panatilihing ligtas ka. Gusto kong maging parte ng pamilya mo at gusto kong ibigay sa'yo yung pamilya ko para hindi ka na magduda na may nagmamahal sa'yo."

Tumatango ako sa sinasabi niya. "Kayo naman talaga ang pamilya ko. I know that now. At alam kong hindi ako perpekto, and you deserve perfect pero... I love you more than anyone else in this world. Araw-araw kong sasabihin sa'yo para hindi mo makalimutan. You're worth every bad thing that has ever happened to me because going through all of them led me to you."

"Hannah, huwag mong sabihin 'yan."

Umiling ako. "Kung meron mang positive sa buhay ko noong mga panahong iyon, ikaw 'yon Migs. Hindi naman kita talaga hinanap at pinangarap but you were there. Kaya nga forever akong magiging thankful dahil isa ako sa mga lucky ones."

"Hannah." Tila hindi niya mapigilan ang sarili niya at mabilis akong hinalikan sa labi. Mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin, yung boses niya mas naging husky dala ng emotions niya.

"Migs?"

"Hmm?"

Inilayo ko ang katawan ko sa kanya para magtama ang tingin namin. Tapos sinuklian ko ang ngiti niya kaya nagmukha kaming ewan habang nagtitinginan doon. But I don't care, I'm happy. "Let's go home."


❈    ❈    ❈

Art by Danny O'Connor. See external link for more of his works.

Continue Reading

You'll Also Like

119K 3.4K 88
Paano kapag na-in love ka sa kaaway ng kapatid mo? kaaway ng pamilya mo? . . . i-gigive up mo ba ang magandang samahan nyo ng pamilya mo? ng kapatid...
Sana By yzabelle

Short Story

2.1K 127 32
Tragic Epistolary #1 Henry Joshua Marasigan and Melissa Rosario never experienced the word forever because Henry have a disease called Schizophrenia...
1.5K 160 36
MOON SERIES #2 | COMPLETED Gabrielle Angela Garcia is a very close person to Arely in their squad- buddy, sister, name it that she will do everything...
26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...