My Personal Yaya

By Eibhline

10.5K 953 65

May isang babaeng nag ngangalang Alisha Vargas, o mas kilala bilang Ali. Isang simpleng babae na ang hangad l... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 21

154 17 0
By Eibhline

Chapter 21

“Thank you po ma’am!”

Tumingin ako sa cellphone, kung kakablack pa lang ng screen. Napangiti ako at gusto kung magtitili sa tuwa, kaso naisipan ko rin na wag na lang dahil dama ko ang mga mata ni Sir Zach, na nakatingin sa akin.

“What is it?” Tanong niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya, at nag-approved sign.

“Okay na. Tanggap na ako at makapasok na rin ako sa Monday!” Ngiting-ngiti kung saad sa kanya.

Nandito kami ngayon sa living room, siya ay nanunuod ng parati niyang pinanunuod; basketball. Ako naman ay nakasalampak na nakauso sa carpet, habang inaayos ko ang pagkakasalansan ng mga magazine sa ilalim ng center table nila, at nililinisa’t tinatalgalan ng mga alikabok ang ilang figurines na naka-desplayed roon.

“Excited na ko!” Pumalakpak pa ako na parang bata.

Napailing siya.

“Para kang bata riyan, tigilan mo nga iyan.”

“Grabe ka naman Si–Zach. Hindi ba pwedeng masaya lang.”

“Tss! Nasayin mo na, na Zach lang itatawag mo sa akin, especially if we’re inside the university I don’t want other people know about it.”

“Naiintidihan ko Si–Zach. Zach. Zach. Zach.” Paulit-ulit kung banggit sa pangalan niya. “Oh ayan na…”

“Sa akin ka sasabay…”

“Huh? Hindi na, tsaka kabisado ko na naman na ang daan papunta roon. Magcu-cummute na lang siguro ako.”

“What? No. Pwede ka namang magpahatid sa isa sa mga driver namin diyan.”

“Okay lang naman ako Zach. Ayuko sumabay sa'yo kasi nakita kung sikat ka sa unibersidad, lalo na sa mga babae noh! Baka pagnakita nila tayong magkasama, baka dumugin pa ako ng mga fans mo at masamain pa ng iba eh, mapaaway pa ako. Ke-bago bago ko lang eh.”

“Seriously? Fans?” Tumawa siya.

“Hmm…”

“Ewan ko sa'yo.”

Katahimikan ang sunod na namayani sa aming dalawa.

“Tsaka, pala Zach…” Nagsalita ako pagkaraan ng mahabang katahimikan. Lumingon siya sa akin, tiningnan ko siya direstyo sa mga mata niya.”Sobra-sobra talaga akong nagpapasalamat sa mga magulang mo. Ang babait nila… binigyan nila ako ng pagkakataon na ipagpatuloy at tuparin ang audlot kung pangarap. Maraming salamat sa pamilya niyo Sir Zach, utang na loob ko ito sa inyo.”

“Don’t thank me, I didn’t do anything. Thank my parents instead. Tsaka, wag ka ngang sumeryosu r’yan, hindi ako sanay.”

Tumawa ako, “Magpapasalamat pa rin ako sa iyo, Zach. Kasi kung hindi dahil sa’yo, ay wala akong trabaho, wala ako dito. Wala ka ngang ginagawa pero ikaw pa rin ang dahilan, kaya nangyari ang mga ito, pati ang maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Kita mo?”

“Tss! Oo na…”

“Ang suplado mo talaga.” Nginisian ko siya, na inirapan niya lang ako pabalik.

Tumawa ako.

Tayo na sana ko ng may napansin akong nakaipit sa ilalim ng long sofa sa gilid ko. Kinuha ko iyun at ng makita ko ng tuluyan, ay nakita kung isa iyong picture ng cute na cute na bata na sa tingin ko ay tatlong taon ang edad. Napangiti ako, ang cute. Sa larawan makikita ang baby na kumakain ng chocolate at kalat na ang mantsa nito sa damit ng bata, pati ang mukha ay puro chocolate na rin.

Nagulat ako ng may biglang humablot sa hawak kung larawan. Napatingin ako kay Sir Zach. Ngumiti ako at umupo sa tabi niya, pero may sapat pa namang distansiya sa pagitan naming dalawa.

Tinititigan niya 'yun, na para bang inaalala ang pangyayaring iyon.

“Sino ‘yan bata Zach? Ang cute! Ikaw ba?”

“Yeah. That’s me.”

Tumingin ako sa larawan, sa bata at sa kanya. Wala namang nagbago, sa itsura niya, mas lalo lang itong nahuhulma’t nadedepina sa pagdaan ng mga taon. Bata pa ay maitsura na ito, mapagkakamalan mo pa yatang artista ito eh. At, ngayon na nasa wasto na itong edad ay talaga naman…

“Bakit Zach?” Kita kung titig na titig ito sa akin.

Tumingin rin ako sa kanya at napansin kung sobrang lapit na namin sa isa’t isa. Suminghap ako at agad na lumayo sa kanya, binigyan ng distansiya ang pagitan namin.

“Sorry,”

Awkward, yan ang matatawag mo sa nararamdaman ko ngayon. At, siguro ay maging rin siya ay gano’n  ang nararamdaman.

Tumikhim siya.

Binagay niya sa akin pabalik ang picture niya, ng baby pa siya. Kinuha ko iyon agad at tiningnan.

“Ang cute mo dito Sir,”

“Tss. I’m not cute I’m handsome.” Inirapan niya ako.

“Gwapo nga, suplado naman.” Bulong-bulong ko habang isinilid ko na ang larawan sa photo album. Binalik ko na ang album sa lagayan at tumayo na roon.

“What did you said? Don’t lie to me.”

“Ang sabi ko, ang gwapo mo nga suplado naman, eh wala rin.” Kunwaring nanunuya kung saad sa kanya.

“Aba’t!”

Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya, habang tumatawa pa.

Dumating ang pinakahihintay ko, ang araw ng lunes. Maaga akong nagising upang maghanda, hindi nga siguro ako nakatulog sa sobra kung pagka-excite sa araw na ito. Siguro, ilang oras lang ang naging tulog ko, hindi ko na alam.

Dahil sa nakuha ko na ang schedule ko kahapon ay naging madali na sa akin malaman ang schedule ko sa buong araw na ito. Ang iisipin ko na lang ay ang mga rooms ko kung saan ang mga ito.

Bago ako lumabas sa aking silid ay inayos ko ang kakailanganin ko, naligo na rin ako bago at nagtungo sa kusina para mag-almusal, pero hindi pa ako nag-bihis ng uniporme ko. Baka madumihan pa iyun, mamaya na lang pag-aalis na ako.

“Ali aga natin ah?”

“Excited, eh. By the way good morning ate Risa.”

“Good morning!” Nagulat ako ng bahagyang tumaas ang boses ni Kary, nilingon ko siya. “Oh, Ali. Aga mo, ah!”

“Mag-almusal muna kayo.” Nilagay ni manang Koring ang mga pagkain sa lamesa. Dinagdagan pa ito ng pagkain na nilapag rin ni ate Risa.

Umupo na kami sa lamesa, “Kayu po ba? Nakapag-almusal na, manang Koring, ate Risa?”

“Oo. Kakatapos lang, samalat.”

Tumango ako at nagsimula ng kumain. Nahagip pa ng mga mata ko ang orasan, nakita kung mag-aalashete pa lang naman, maaga pa. Alas-otso pa naman ang first class ko, kagaya ng oras ng time ng pasok ni Zach.

“Kary! Ano ka ba! Hinay-hinay lang sa pagkain.” Saway ni manang Koring sa anak niya.

Sasawayin ko na sana, kaso nauna lang ako ni manang Koring.

“Ano ba yan, Kary wala namang aagaw ng pagkain mo.” Saway din ni ate Risa.

“Sorry, naaalala ko magawa nga pala ako ngayon! May gagawin pa pala kaming preparasyon para sa report namin! Hay!” Sabi niya habang madaling umiinom ng tubig, pagkatapos ay nagmamadali siyang tumayo at naglakad pabalik sa kanilang silid. “Padala nalang ng plato ko sa lababo! Thank you!”

Makalipas ang kinse minutos ay lumabas rin ito, nakabihis na ng uniporme nila, at dala na ang bag at, may dala pa itong hindi kalakihang board. Siguro ay ito ang gagamitin nila mamaya sa reporting nila tulad ng sabi niya kanina.

“Bye, Guys!” Kumaway siya sa amin, hindi pa siya nakakailang hakbang ay humarap ito sa amin, nakangiti. Lalo na sa akin. “Ali. Magpicture ka mamaya, suot yun uniform mo, ah? Tapos send mo sa ‘kin gusto kong makita.” Tapos ay nagsimula na ulit siyang maglakad “Hoy, Ali!”

“Oo!”

Ako man ay pinagpatuloy na rin sa pagkain, para madali na rin akong makatapos. Kinatok ko na rin ang kwarto ni Zach, narinig ko naman na sumigaw siya na babangon na siya, okay lang ang sinagot ko sa kanya.

Nang nagpasado alashete na ay nagbibihis na ako, hindi pa ako magkanda-ugaga sa palda ko, kakabababa. Dahil sa tingin ko at para sa akin ay maiksi ito. Ti-nak-in ko ang putting long sleeves sa palda ko, habang binubutunes ko ito ay nakatingin ako sa salamin, na half body lang ang kita. Pagkatapos, ay nilagay ko na rin ang necktie ko, pinalibot ko ito sa aking leeg at inayos, kapagkuwan, tsaka ko pa lang sinuot ang blazer top ng uniform ko.

Sinuklay ko ang buhok ko, hindi ko na ito tinali at hinayaan na lang na nakaladlad sa likod ko. Ang pang huli ay ang pagsuot ko sa aking sapatos. At, tapos na! Saktong pagtingin ko sa oras sa cellphone ko ay 7:30 na, sakto lang ako, dahil magcu-cummute lang naman ako papunta roon.

Kinuha ko na ang bag ko, at nilagay ang isang straps nito sa balikat ko. Bago ko buksan ang pinto ay huminga muna ako ng malalim at binaba ang palda ko dahil tumaas. Isang beses pang paghinga ang ginawa ko bago ko buksan ang pinto ng tuluyan.

Unang nakakita sa akin ay si ate Risa, na nanlalalaki ang mata ng makita ako. Nahihiya ko siyang nginitian, at pagkatapos ay binaba ko naman ang palda ko dahil tumaas minsan ito pagnaglalalad ako.

“Oh my gosh! Ali! Bagay na bagay sa’yo ang uniform mo!” palahaw ni ate Risa.

Napatingin na rin si manang Koring sa akin, at ngumiti ng makita ako ang ang suot ko.

“Naku, hija! Bagay sa’yo, tamang tamang sa sukat mo.”

“Talaga po?” nahihiya kung tanong.

“Oo! Ano ka ba, ang ganda! Bagay sa’yo.” Si ate Risa ang sumagot. Binitawan niya ang papunas ng tuyo sa pinggan at nagmamadaling lumapit sa akin.

“Talaga parang ang ikli nga ng palda, eh.” Binababa ko pa ang palda.

Sinaway naman ako ni ate Risa, at tinapik ang kamay ko. “Ano ka ba Ali! Sakto lang sa’yo, anong maikli ka d’yan?!” inayos-ayos niya pa ang kwelyo ng uniporme ko.

“Naku, hija! Magseselos n’yan si Kary sa’yo panigurado. Inggit yun sa uniporme ng mga babae sa university nila Sir Zach."

“Oo!” tumawa silang dalawa, “Kung alam mo lang. Kaya nga kanina bago umalis nanhihingi ng picture mo! Selos na naman iyun. Akina cellphone mo picturan kita pagselosin pa lalo natin.” Tumawa siya, nakita na rin ako.

Binigay ko sa kanya ang cellphone ko, at pi-nicturan niya ako, pinagpupose pa nga niya ako na nahihiya at napipilitan ko namang sinunod.

“Ang gaganda!” Tinitingnan ni ate Risa ang mga kuha niyang litrato sa akin habang ako naman ay busy kakaayos sa palda ko.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko, habang ginagawa ko ‘yon ay naaninag ko sa gilid ng mata ko na pumasok si Zach sa kusina. Nahihiya akong tumingin o kahit lingonin manlang siya, lalo pa't nararamdaman ko ang mga mata niyang direstyo agad ang tingin sa akin, ng pumasok siya dito sa kusina. Nakakahiya!

“Good morning, Sir Zach!” Magkasabay namin bati ni ate Risa sa kanya.

Kahit nahihiya ay naglakas-loob akong tumingin sa kanya. Napasinghap ako ng makita ko siyang madilim ang mukhang nakatingin sa mga hita ko. Mula roon ay nilakbay niya ang tingin sa akin pataas, hanggang sa umabot iyon sa aking mukha, at magtama ang aming mga paningin.

Kumunot ang kanyang nuo sa akin at mabilis rin nag-iwas ng tingin, kapagkuway. Hindi niya ba nagustuhan? Masyado ba talagang maikli ang palda? Tumingin ako sa paldang suot ko, two inches above the knee ang haba nito, pero hindi kasi ako nagpapalda eh. At, kung magsusuot naman ako ay minsan lang, at two inches below the knee naman iyon. Kaya gano'n yata siguro kasi, hindi ako sanay!

Pero dapat ko na rin siguro sanayin ang sarili ko na ganto na ang susuutin ko araw-araw, at sa buong taon ng eskwela.

Binalik na sa kin ni ate Risa ang cellphone ko. Pagtingin ko sa oras ay seven-forty na roon, Hala! Dali-dali ko iyun nilagay sa bulsa ng blazer ko. Habang ginagawa ko iyon ay naglalakad na ako. Baka, malate na ako nito mag-aabang pa ako ng masasakyan sa labas ng subdivision dito. Unang pasok ko sa klase, late pa! Nakakahiya naman ‘yon lalo na kaila ma’am Celine.

“Your going now?” Tanong ni Sir Zach na nakapagpahinto sa paglalakad ko.

Hinarap ko siya. “Ah oo male-late pa ako nito, mag-aabang pa ako ng sasakyan sa labas ng—”

“Why is your skirt is short? Ganyan ba talaga ‘yan?” Tanong niyang nakaturo sa palda ko.

“Ano ka ba Sir Zach okay lang ang haba n’yan! Normal n’yan. Baka nga iyan palda ni Ali ang mas mahaba sa lahat eh!” tumawa siya. “Aalis ka na? Magpahatid ka na lang kay Rey, baka malate ka, hahanapin mo pa yun room mo baka matagal ka sa kakahanap, mahuli ka pa sa first class mo.”

Baka nga mahuli pa ako, nito bukas na lang siguro ako magcu-cummute total naman eh alam ko na no’n kung saan ang mga room ko.

Tumango ako, “Segi…”

Nagulat ako ng tumayo bigla si Zach sa kanyang kinauupuan. “Wait for me here, I just get my things. Sa akin kana sumabay.”

“Ay! Oo, kay Sir Zach kana sumabay Ali.”

Ang sumunod na nagyari, ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakasakay sa luxurious sports car ni Zach, at natatanaw ko na ang building ng university mula kung saan kami. Medyo may kabilisan ang patakbo niya sa kanyang sasakyan, kaya siguro ay madali lang kami nakarating.

“Magkapareho pala tayo ng kinuhang course?” Tumango ako. Business ad ang kinuha ko. “Your building just besides mine. Sa left side ang building niyo.”

Tumango ako.

Binalik niya sa akin ang cellphone ko, kung saan ay tiningnan niya ang schedule ko. Kanina habang nakahinto ang sasakyan, dahil sa nag-red light, ay hiningi niya ang schedule ko.

Napag-usapan na rin namin kanina na tulad ng dati. Siya muna ang unang bababa, pagkatapos ay mag-aantay ako ng ilang minuto, tsaka palang ako bababa. At, tulad rin noon nakaraan ay nandoon siya sa may guard naghihintay sa akin, at ng makita niya akong naglalakad na papalapit, ay naglakad na rin siya.

Sinusundan ko lang siya ng tingin, habang ako’y naglalakad, mahirap na baka mawala na naman siya sa paningin ko. Sabi niya pa naman ay magkatabi lang kami ng building, kaya siya itong sinusundan ko para malaman ko rin kung saan iyon.

Mariin kung hawak ang straps ng bag ko, habang naglalakad ako. Iniiwasan ang ibang mga matang minsa'y napapatingin sa akin. Sa pag-iwas ay nahagip pa ng mata ko ang isang kaibigan ni Zach, na kung hindi ako nagkakamali sa pagkakatanda ko pangalan ay si Jake ‘yon.  Papasalubong sa kanya si Zach, ng makita niya ito ay nag-high-five ang dalawa. May tatlong nakapaligid na babae kay Jake. Sabi na eh unang kita ko palang sa mukha nito, alam ko na na babaero ang isang ‘to. Hindi naman sa pagiging judgemental, pero kasi halata naman eh. Asan kaya si Hans?

Pinalibot ko ang paningin ko sa paligid, ng mapadamo ang paningin ko sa tatlong lalaking nakaupo sa isa sa mga bench doon at nakatingin sa akin, lumingon pa ako sa likod ko kung ako nga ang kanilang tiningnan, wala namang malapit sa likod ko, kun’di ang isang babaeng may suot na eyeglasses at nakatungong naglalakad. Binalik ko ang tingin sa kanila, at nakumpirma kung ako nga ang kanilang tiningnan, Papalapit ako sa gawi kung nasaan ang mga ito. Kita ko pa ang dalawang lalaki na tinutulak ang isang lalaki papalapit sa akin.

“Hi! Miss. Bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita rito sa campus.”

“A-Ah oo eh…” nahihiya kung sagot sa kanila.

Maglakad na sana ako ng nagsalita pa ang isa namang lalaki. “Miss. Can I have your number please…”

“Naku, sorry po…”

Nagmamadali na akong naglakad palayo sa kanila. Huminto ako sa building na sinasabi ni Zach, ito na siguro iyon. Tumingin ako sa may right side ko at nakita ko siyang nakatingin sa akin, kasama na nila si Hans. Tumingin ako kay Hans katawanan nito si Jake, ang ganda talaga ng ngiti niya, lalo’t  pa’t lumalabas ang dimple nito. Tumingin ulit ako kay Zach na nakatingin pa rin sa akin, pagkatapos ay tumingin siya kay Hans tapos sa akin ulit, tapos ay suplado niyang iniwas sa akin ang kanyang mga mata.

Luh! Problema nito?

Naglakad na ako paakyat sa hadgan hanggang sa matuntun ko ang third floor kung saan nakalocate ang room ko, pangalawa siya kung ang daan mo ay sa right side, kung sa kabila ka naman dumaan ay pangatlo naman ito. Buti nalang sa kanan ako dumaan, buti nalang…

Nag-aalangan pa ako kung papasok na ba ako, dahil ang iba kung magiging kaklase ay nasa labas pa. Kalaunan, ay nagkalakas na rin ako ng loob na pumasok sa loob, lalo pa ng makita ko roon sa loob, nakaupo sa pinakadulo malapit sa bintana, ‘yun babaeng nakasuot ng eyeglasses at nakatungong naglalakad nasa likod ko kanina.

Sakto dahil nakita kung may bakante pang upuan sa tabi niya.

“Hello miss, may nakaupo ba dito?” Tanong ko sa kanya.

Nag-angat  siya sa akin ng tingin, mula sa pagkakatingin niya sa cellphone niya. “Wala miss, pwede kang umupo d’yan.” Nahihiya niyang sabi.

Ngumiti ako sa kanya, “Salamat…” Umupo ako sa tabi niyang upuan at ipinatong ko ang bag ko sa lap ko. Inayos ko ang buhok ko, nilagay ko ang mga takas ng buhok ko sa likod ng tenga ko at, niladlad ko sa likod ko ang buhok ko.

Nagulat ako ng ang ilang estudyante sa loob ay nakatingin sa akin. Napansin ko rin ay karamihan sa kanila ay mga lalaki. Nahihiya akong tumango’t nginitian sila.

“Miss. Classmate kaba namin? I mean ngayon lang kasi kita nakita rito eh. Transferee…?” Napatingin ako sa harap ko ng magsalita roon ang isang babaeng nasa unahan namin nakaupo, katapat ko.

“Oo bago lang ako…”

Magsasalita pa sana siya, ng tumunog ang bell hudyat na simula ng klase. Napatingin ako sa pintu mag-unahan ang iba pa naming classmate, pumasok sa loob. Ang huli kong nakitang pumasok ay ang lalaking kung titingnan ay namin mid thirties ang edad, mukhang ito na ang prof namin.

Ginapangan agad ako ng kaba, dire-diretsyo ang pasok niya, ng makarating siya sa lamesa sa harap ay nilagay niya roon ang dala niyang index card. Tumikhim siya, at pinalibot ang mga mata  sa bawat Isa sa amin. Inayos nito ang suot niyang round eyeglasses. Wala akong marinig na ingay kung hindi ang leather shoes niya nasuot habang naglalakad ito sa harap, umupo ito sa dulo ng lamesa at pinag-cross ang braso sa dibdib nito.

Nagramdam kung pinagpapawisan ang dalawang magkasalikop kong mga kamay. Tingin ko pa lang sa mukha niya ay istrikto na. Good God kinakabahan ako!

“Before we start our discussion,” napaayos ako ng upo, ng pumuno sa pandinig ko ang baritong boses niya. “Let’s me introduce infront of you first your new classmate. Please stand, you knew who you are.”

Nahihiya akong dahan-dahan tumayo at naglakad sa harap nilang lahat.

“Proceed...”

Ngumiti ako sa kanila at bahagya tumango, “Hi! Everyone, I am Alisha Marie Vargas I ahm… I hope I can be friends with you all. That’s all, thank you.”

Tumingin ako kay Sir, “Give me your index card.”

“Yes, Sir…”

Dali-dali akong nagtungo sa upuan ko at naglabas ng isang index card, pagkatapos kung isulat ang pangalan ko roon ay ibinigay ko na iyon sa kanya.

“You’re two weeks late, your many lessons about to catch up. Miss Vargas.”

“Okay po, Sir… I understand.”

Gano’n ang naging set up ko, sa ilang pang klaseng pinasukan ko. Puro pagpakilala at paalala ng prof, na marami akong lesson na hahabulin, dahil dalawang linggo akong late sa klase. At, sa lahat rin ng klase ay magkaklase kami ni Ruby, yun babaeng may suot na eyeglasses na katabi ko sa first class ko.

Napansin ko aloof siya sa mga kaklase namin at hindi siya pinapansin. Naging magaan ang loob ko sa kanya, nag-alok rin ako ng kung pwede ko ba siyang maging kaibigan. Wala naman siyang naging tugon at tumango lang sa akin.

Nang mag-lunch break ay sinamahan niya ako sa cafeteria, bumili ng makakain. Nalaman kung hindi siya nagpupunta rito kapag lunch, at nagtutungo lang sa library at doon siya kakain ng baon niya.

“Ang mahal naman pala ng mga bilihin dito sa cafeteria, noh?” Sabi ko ng makaupo kami sa upuan sa loob ng library.

Nginitian niya ako. "Minsan nagbabaon ako."

Tumango-tango ako sa kanya, pumapasok na rin sa isipan ko na magbabaon na rin ako ng pagkain para makatipid ako.

Nang pumatak ang oras ng uwian, ay nakatanggap ako ng text kay Zach na antayin ko raw siya sa pinag-park-in-ngan ng kanyang sasakyan, pero sabi ko sa reply ko ay nakasakay na ako ng taxi. Magkasama kami ni Ruby sa taxi, pareho ang aming daan pauwi kaso nga lang ay mauuna ako sa kanya bumaba.

“Bye!” Paalam ko ng makababa ako sa taxi.

“Bye! See yah. It’s nice meeting you, Ali.”

“Ako rin. Bye, Ruby!" Ngumiti ako sa kanya at kumaway.

Continue Reading

You'll Also Like

92K 1.7K 41
[FIRST BOOK OF THE MAFIA SERIES] ******* "Ivan." "Queen. I need to tell you someth-" "Its fun playing with you Ivan." "Ivan. I need to end this game...
2.2K 403 42
"bakit ikaw pa ang leader?" ✍︎ THEBGETIT EPISTOLARY #1: LEADER [you x lee sangyeon] - Date Started: September 23, 2020 Date Finished: October 10, 2020
63.8K 1.8K 53
Sypnosis Winter Villa Fuentes is her name. She had everything in her life back then. But one incident change her whole life, include herself. In tha...
50.4K 1K 34
JSeries #1 : Unwanted Child Being unwanted is hard. Imagine being hated by many just because you are different. But being betrayed by the people who...