QUEEN SERIES #3: THE MILK TE...

By Gretisbored

26.1K 2.7K 458

She came to Edward's for their to-die-for milk teas. She never thought her secret trips to the store would br... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
EPILOGUE

CHAPTER THIRTY-TWO

547 58 10
By Gretisbored

Shane Andrea Juarez

Hindi ko alam kung totoong sumakit talaga ang tiyan ni Felina o gusto lang kaming magkaroon ng quiet moment ni Micah. Kami na nga lang dalawa ang sumakay sa pump boat at nag-ikot sa isla.

Na-mesmerize ako sa mga bahay diumano ng mga politiko, celebrities, at multi-millionaires na nakahilera na parang sa isang postcard sa isang isla na pinuntahan namin.

"That's the house of Senator Lee," sabi sa akin ni Micah. Iyong Senator Lee na sinasabi niya ay ang may-ari ng mga cheap housing sa bansa. Grabe, nalula ako sa ganda ng bahay niya. Gawa sa fiber glass ang dingding at ang bubong ay ginawan pa raw ng helipad. Straight from a postcard din ang hardin na nakabalandra sa pampang.

"Iyan naman ang bahay ng dating Chief Justice natin. I think that's one of the most expensive houses in that village. He used to serve as the associate justice for two consecutive presidents of the country."

Napanganga ako sa bahay lalo pa nang makita itong napaligiran ng mga armadong bodyguards. Tanaw mula sa kinaroroonan namin ang kanilang infinity pool at mga exotic trees. Parang hindi aakalain ninuman na nasa Pilipinas ang tanawing iyon. Sobrang ganda!

May pinindot si Micah sa sinasakyan naming pump boat at tila nag-honk ito. Kitang-kita kong napa-hand salute ang gwardyang pinakamalapit sa pampang.

"I always had to do that to let them know who I am. Namamaril ang mga iyan ng magkakamaling mapalapit sa pampang."

Napanganga na naman ako. "No kidding?"

Umiling-iling si Micah. "I'm serious. The Chief Justice is a good friend of my abuelo."

Napaisip ako roon. Sabi kasi nila, birds of the same feather, flock together. At sigurado akong hindi nakuha ng hukom na iyon ang kanyang kayamanan sa malinis na paraan. Hindi naman siguro nakaka-bilyonaryo ang pagiging chief justice ng Pilipinas. Sinarili ko na lamang ang naisip ko about his grandfather.

Umikot pa ang sinasakyan naming pump boat hanggang sa pinakadulo ng isla at bawat malampasan naming pamamahay ay larawan ng grandiosong disenyo. Muntik na akong malaglag sa bangka nang sinabi niya kung magkano ang pinakamurang bahay doon. Nine hundred million pesos daw! Ang pinakamahal naman ay umaabot ng tatlong bilyong piso. Bahay pa lang daw iyon at hindi pa kasama ang accessories sa loob na natitiyak niyang papantay o hihigit pa sa overall worth ng kabahayan.

Nilingon ko uli ang isla. Ang bahay ng isang female celebrity ang pinakamura roon. Binalikan ko sa isipan ang mga nagawa niyang pelikula at TV shows noon. Hindi ko sukat-akalain na sa ganoong pa-ekstra-ekstra lang sa kung ilang movies at TV series ay makakalikom siya ng ganoon ka laking halaga. Na-question ko tuloy kung tama bang nasa advertising ang pinili kong kurso.

"She's a mistress of a corrupt politician," pahayag ni Micah. Nabasa siguro ang laman ng isipan ko. Pagkabanggit niya sa pangalan ng naturang politiko, naimbyerna ako. Now, I know kung saan napupunta ang pork barrell ng legislator na iyon. Nainis ako agad.

Habang nagkukwento siya tungkol sa bawat may-ari ng mga nadaanan naming bahay, pinagmasdan ko siyang mabuti. He looked relaxed and happy. Walang pinagkaiba sa Micah na una kong nakilala. I felt happy and contented just by looking at him. Winish ko nga nang mga sandaling iyon na hindi na matapos ang aming pamamasyal. Parang ayaw ko nang bumalik sa resort dahil alam kong nandoon ang toxic niyang ex saka ang mahaderang ex din ni Thijs na kahit saan niya ako makasalubong sa beach ay pinaparinggan pa rin ako. Parehong bruha.

Napahawak sa mukha niya si Micah. No'n lang ako napakurap-kurap. I felt like I was caught red-handed doing something I was not supposed to do.

"May dumi ba ako sa mukha?" may himig pagbibiro niyang tanong.

"W-wala. I was looking t-through you," kaila ko.

He let out a chuckle. Shit. Ang sexy ng tunog. May napukaw na kung ano sa kaloob-looban ko. May naalala akong something naughty, but I tried to hide it the best way I can. Iniwas ko ang tingin sa kanya at tinuro kunwari ang isang umbok na isla. Malayo na ito sa amin kaya nagmukhang isang dakot na lang. Tinanong ko siya kung ano iyon.

"No idea. Maybe that's a private island owned by another politician," may himig pagbibiro niyang sagot. He was smiling, too, kaya alam kong hindi siya seryoso. Ganunpaman, nainis na naman ako dahil malaki ang posibilidad na totoo ang sinabi niya. Ba't gano'n? Puro na lang politician ang may-ari ng isla o magagarang bahay doon?

"What about yours?" pabiro kong tanong.

Napalingon siya sa akin. Seryoso na ang mukha niya. Tinitigan ako with warmth in his eyes. I was touched. I could feel his raw emotions radiating from his eyes.

"Meron dati, but my grandpa took it back," sagot niya sa mahinang tinig.

"Oh, I was just kidding. Totoo pala?"

Ngumiti siya but it did not touch his eyes. I felt there was something more to it. Pakiramdam ko'y may malalim na kuwento ang isla na noo'y kanya pero binawi ng lolo niya. Naisip ko tuloy, konektado kaya iyon sa akin? Sa nangyari sa amin noon?

"Sir Micah!"

Napalingon kami sa isang papalapit na pump boat. May megaphone na hawak ang isang sakay noon at tinatawag si Micah.

"Sir, may emergency! You need to go back to the resort!"

Napakaway siya sa mga ito to signal na narinig niya ang lalaki. Binalingan niya ako at humingi ng paumanhin. Iniwan na nga namin ang cell phone ng bawat isa para walang istorbo, pero naistorbo pa rin kami. Ni hindi pa nga namin napag-usapan ang plano niya for us, pabalik na kami ng resort. Hay buhay. Siguro, I just have to follow Ate Eileen's advice. Just let things be. No one can ever snatch from you what God has reserved for you. Pinagdasal ko na lang na sana ay ni-reserve na siya ni God para sa akin.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

"Sir, Micah!" salubong ng staff ng resort as Shane and I were approaching the hotel. "May emergency call po ang taga-Singapore. They rescheduled your meeting with Mr. Wang. Mamayang gabi na raw po instead of next week."

"What? Are you sure?"

"Yes, sir." At binigay niya sa akin ang nai-take down note sa usapan nila ng mga tao namin sa Singapore. Nalungkot ako agad. I did not want to go yet. Ayaw ko pang iwan si Shane. Bigla ay nakaisip ako ng ideya. Inulit ko sa kanya ang imbitasyon ko kanina sa text.

"What?" nagulat siya. "Hindi ko dala ang passport ko."

"We can pick it up or we can ask your mom to have it delivered to you to the airport."

Natigilan saglit si Shane. That's when her best friend came from nowhere and waved at her. For someone who had a stomach problem an hour or so ago, mukhang sobra namang aliwalas na ng mukha niya. Hindi mo aakalain na naempatso kanina.

"Okay ka na?" tanong nga ni Shane sa kanya.

"Oo naman. Bakit naman hindi ako magiging okay? O, ano? Musta?" Kinurut-kurot pa nito ang kaibigan at parang nagpipigil lang na tumili. Sinulyapan ako nito nang mahagip siguro ang presensya ko from the corner of her eye. "Hi there, sir!" At kunwari'y nag-hand salute pa ito sa akin. Tapos nagpasalamat sa VIP treatment daw ng staff ko sa kanya.

"I'm sorry. I cannot go with you," bigla na lang nasabi ni Shane.

I was disappointed, but what can I expect? Gusto ko sanang sumama siya dahil I really want to make her feel special. Iyong hindi na niya pagdudahan kailanman na seryoso ako sa kanya. Baka kasi mag-iba ang ihip ng hangin kapag may marinig na kung ano sa kampo ni Janice. Nagbanta pa naman ito kanina sa akin through a text message na guguluhin niya ang buhay ko. Hindi raw pupwedeng ako lang ang maging masaya.

"Ha? Ano'ng you cannot go with him? Niyayaya ka? Saan? Go! Bakit hindi ka sasama?" sabat agad ng kaibigan niya. Napangiti ako rito. I turned to her and hoped she would listen to her friend.

"Ano ba? Sabay tayong dumating dito, sabay din tayong aalis."

"Eh di, fine! Tapos kanya-kanya na tayo pagdating sa Manila."

"You can bring your friend with you," sabat ko sa kanila.

Saglit na natigilan si Shane. Tingin ko seryoso na niyang kino-consider ang alok ko. Who wouldn't, naisip ko pa. All expense paid ang trip to Singapore an inaalok ko sa kanya.

"Sir, the chopper that would take you to Manila is already in the helipad. Naghihintay na rin ang private jet n'yo sa NAIA," paalala ng staff. She seemed impatient now.

I saw Shane glanced at the woman and to my other staff who were urging me to hurry and go to the helipad. Na-pressure siguro si Shane kaya napasabi sa akin na, umalis na raw ako roon. Okay lang daw sa kanya na next time na lang kami mag-usap. No'n naman umeksena ang ex ko. Mukha siyang lasing. Napailing-iling ako. Drunk at 10AM?

"Look who's here! My husband with a tiny cock!" At humagalpak ito ng tawa. Inalok pa si Micah ng hawak-hawak nitong drinks.

Natigilan si Shane at ang kaibigan niya sa sinabi ni Janice. Ang ibang guests na nakarinig sa kanya ay napatingin sa amin. Nagbulung-bulungan sila. I think they believed Janice. But I do not give a shit! So I rolled my eyes.

"You're drunk, Janice," sabi ko.

"No, I'm not. I'm sober. And I know what I'm talking about. Don't you want them to know that your cock is as tiny as this?" At tinaas niya ang pinky finger at tinuro ng thumb ang kalahati no'n saka humagalpak ng tawa.

Napanganga ako sa kabiglaanan sa sinabi niya. Imbes na mainis, I was amused. And for some reason, bigla akong naawa sa kanya. I could feel her bitterness emanating from her sad eyes. Gayunman, nag-worry din ako na baka maeskandalo ang mga naroroon at siyempre, nahiya rin ako kay Shane na ganoon ka bulgar at walang finesse ang ex-wife ko.

Shane and her friend seemed stoic-faced. Pinagmasdan lang nila si Janice. They were quiet. Ang ibang naroroon naman ay napabungisngis. I'm not worried about what they're thinking. Kung paniniwalaan nila si Janice na ganoon nga kaliit ang ano ko, kanila na iyon. I don't really care.

"Where are the guards?" tanong ko sa isang staff in a low voice.

Bago pa namin matawag ang guwardiya ng hotel, dumating na ang dalawang kaibigang puti ni Janice. They apologized to me and dragged her away from us.

**********

Shane Andrea Juarez

Napahumindig ako sa ginawa niya. I couldn't believe I was seeing and hearing her myself. How low could someone go? But then, I tried my very best to appear cool about it na para bagang walang narinig na ganoong eskandalo sa bunganga ng socialite na iyon.

Inisip kong maiinis si Micah o maiinsulto man lang, pero hindi. Napailing-iling lang ito kay Janice at minanduan ang kanyang staff na dalhin na ito sa kanyang silid.

"No! I still want to talk to my husband with a small dick! C'mon, you guys! Let me be!"

May lumapit na dalawang puti kay Janice at inilayo siya roon.

"You will NEVER get satisifed with his small dick, you bitch!" sigaw pa niya at sa akin na nakatingin. "Fuck you! Let me go!" asik naman niya sa dalawang puting lalaki na may hawak ng magkabila niyang braso.

Nagulat ako sa naging reaksyon ko sa pagwawala ng babae. I thought I would get mad. She called me a bitch for crying out loud. Pero ang pagwawala niya ay iisa lang ang kahulugan sa akin. Bitter siya. May something siyang hindi nakuha kay Micah at pinagsisintir niya iyon. Kahapon ay nagduda pa ako tungkol sa legalidad at finality ng divorce nila dahil sa pinagsasabi ng bruha, pero ngayon ay nasiguro ko nang hindi nagsinungaling si Micah sa akin. How I wanted to tell him I have no doubts about him now, pero naisip ko ring para ko na ring pinagkanulo ang sarili no'n. Kahapon kasi'y sinabi kong pinaniniwalaan ko siya although I had a lot of doubts about him and Janice.

Para makaalis na rin si Micah, nagpaalam na lang ako sa kanya.

"Some other time na lang. Micah. Mukhang you need to go there ASAP, eh. Ingat ka na lang," sabi ko sa kanya at tatalikod na sana, pero hinawakan niya ako sa kamay. He then kissed my hand gently and looked straight into my eyes.

"Take care of yourself. If you need anything---anything, just let me know. Naka-roaming ang number ko. Text me and I'll call you."

Medyo na-ill at ease ako nang makita ang reaksyon ng mga tao sa paligid. Palagay ko nag-a-assume na sila ng kung ano. Napalunok tuloy ako at nag-umpisa nang mag-init ang mukha ko sa hiya. Paano kasi may narinig na akong tanong ng iilan kung ako ba ang third party sa hiwalayan ng mag-asawa. I guess nobody knew that the person they are talking about is the legally single owner of the resort himself.

Tumango na lang ako para makaalis na si Micah. Ganunpaman, parang ayaw pa nitong iwan ako roon. Nag-uumapaw tuloy ang tuwang nararamdaman ko. I have to admit, I was so flattered by his gesture. Ang hiya ko kanina'y napalitan ng pride.

"Sir, Micah, we need to hurry," paalala na naman ng isa sa mga staff niya.

Napabuga siya ng hangin at bigla na lang akong niyakap doon.

"Wait for me, Shane. As soon as I come back, mag-uusap tayo---tayo at ng mga magulang mo. Please take care of yourself for me." At hinalikan niya ako sa pisngi. "I love you." Mahina na ang tinig niya sa puntong ito.

Hindi ko alam kung bakit pero pinangiliran ako ng luha. At napabulong din ng, "I love you, too."

Lumayo siya sa aking nakangiti. Si Felina nama'y impit na napatili. Kinurut-kurot niya ako sa tagiliran at nagharutan kami pabalik sa cottage namin.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...