Meet My Boyfriend: Ana's Ace...

بواسطة Lyfavie

102K 1.7K 353

[ONGOING STORY] [Cliche story coz life is cliche] Dala ng pagkakamali at pagsisinungaling, ay naituro ni Ana... المزيد

Meet My Boyfriend: Ana's Ace
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 - Part one
Chapter 17 - Part two
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 13

3.3K 68 17
بواسطة Lyfavie

CHAPTER THIRTEEN

"The secret to humor is surprise."

                                         - Aristotle

 

Maganda ang bahay nina Ace. Parang nakakahiyang tawaging bahay iyon dahil sa laki at ganda. Kulay puti iyon na tatlong palapag ang taas. Napakalawak din ng garden ng bahay. Tatalunin pa yata ng garden ng bahay na iyon ang mga bulaklak sa Burnham Park. May mga pine trees din na nakatanim sa ilang sulok ng garden.

“Ganda naman ng mga garden niyo,” di niya mapigilang puri.

“Si Mommy nag-aalaga ng mga yan. She made the landscaping of our garden herself,” tugon naman ni Ace. Pinark na nito yung sasakyan at bumaba na. Sumunod din siya dito.

“Teka lang!” awat niya kay Ace ng makitang tuloy-tuloy ito sa paglalakad at patungo na sa bahay.

“Bakit?” lingon nito.

“Dali, picture-an mo ako dito sa garden niyo!” Inabot niya yung phone niya kay Ace. “Gusto ko kuha lahat yang mga yan ha,” sabay turo sa mga magagandang bulaklak na tanim.

“Huh? Nagpapapicture ka dito sa garden namin?”

“Oo nga, kasasabi ko lang di ba? Picture mo na ako,” nagsmile siya ng pagkaganda-ganda.

Kahit naguguluhan ay kinunan naman siya ni Ace.

“Patingin nga. Baka pangit ng kuha mo sa akin.”

“Kung pangit ang pinipicture-an, talagang pangit din ang lalabas,” komento nito.

Iningusan niya ito at padaskol na kinuha ang cellphone mula dito.

“Wow! Ang ganda naman,” she exclaimed when she saw her picture. “Maganda yung picture, ibig sabihin – maganda ako,” she looked at Ace at hinamon ito sa mata.

Tumingin ito sa picture. Tapos sa kanya.

“In this case, that’s what you call SKILL. Talented lang talaga ako sa pagkuha ng picture. Kahit pangit nagiging maganda kapag ako kumukuha.”

“Sinasabi mo bang pangit ako?!”

“Wala akong sinasabing ganyan ha. Ikaw nagsabi niyan. Ikaw talaga tisay mahilig mambintang.”

“Heh! Kontrabida ka talaga kahit kailan!”

Di na niya ito pinansin at pinagpatuloy na lang pagpicture sa garden nina Ace.

“Bakit mo ba pinipicture-an garden namin? Kung gusto mo lang yang mga bulaklak, puwede ka ng pumitas diyan. Di naman mapapansin ni Mommy kung nabawasan.”

“Ay, hindi na uy ano. Malalanta lang yung mga bulaklak kapag pinitas ko diyan. Sayang naman. Para ito kay Nanay. Gusto kong ipakita. Mahilig din iyong magtanim.”

Nakailang shot pa siya bago natapos.

“Sige tara na sa loob,” aya niya dito.

“Kung makapag-aya ka parang bahay mo ito ah,” natatawang wika nito habang naglalakad na sila papasok ng napakalaking pintuan.

“Sa feel at home ako dito eh.”

Kung gaano kaengrande ang labas ng bahay ng mga Tolentino, ganun din iyon sa loob ng bahay. Lahat ng kagamitan doon mamahalin talaga tignan. Ultimo yata tiles na inaapakan niya ngayon ay worth ilang libo na. Ngunit sa una lang nakakaintimidate tignan ang loob ng bahay. Later on, napansin niya ang ilang mgabagay na kung saan mafefeel mong nasa bahay ka talaga at hindi nasa loob ng isang museum or lobby ng hotel. Marami kasing mga picture frames na nakadisplay around the living room na nakapagbigay ng “home-ish” feeling sa loob.

“Sir, dumating na po pala kayo.”

Salubong sa kanila ng isang may-edad na lalaki. Nakasuit ito ha. He must be the butler then. Uso pa pala ang mga ganun ngayon? Sila nga sa bahay walang butler eh.

“Mr. Joseph, padala ho ako ng snack sa recording room. Para po sa dalawa.”

Tumingin yung butler sa direksyon niya.

“Hello po! Ako nga po pala si Ana,” pakilala niya sa sarili.

“Tawagin mo na lang akong Mr. Joseph Ma’am.” Yumukod pa ito sa kanya.

“Ana po at hindi Ma’am pangalan ko,” pagtatama niya dito.

“Alam ko po yun Ma’am.”

“Tawagin niyo na lang po akong Ana.”

“Sige po Ma –”

“Ana.”

“Ms. Ana.”

“Ana lang -”

“Ana, tigilan mo na nga si Mr. Joseph,” saway sa kanya ni Ace.

“Okay Ms. Ana kung Ms. Ana.” sumusukong tinignan niya ang butler. “PERO since ayaw niyo akong tawaging Ana lang, Mr. Jo na lang din itatawag ko sa inyo,” pilyang wika niya.

Ace flashed a smile at her, “You really never give up, don’t you?”

“Ako pa!” pambibida niya sa sarili.

Nakita niyang ngumiti din ng tipid si Mr. Jo. Mukhang natutuwa naman sa kanya ang butler ng pamilyang Tolentino.

“Ms. Ana, ano pong gusto niyong meryenda?” tanong sa kanya ni Mr. Jo.

“Mr. Jo, kahit ano na lang pong meron diyan. Di naman po ako mapili.”

“Drinks Ms. Ana?”

“Uhm, kahit ano na lang din po basta may mainom.”

Marami pang tinanong si Mr. Jo sa kanya sa mga gusto niya. Nagtaka tuloy siya.

“Ngayon lang po ba nagdala ng bisita si Ace dito?” takang tanong niya. Kung makaasta kasi si Mr. Jo parang ngayong lang siya magseserve ng bisita.

Umiling ang butler. “Madalas din sina Sir Bob at Sir Ken dito.”

Nabakas siguro ni Mr. Jo sa kanyang mga mukha ang katanungang nasa isip niya kaya nagpaliwanag ito. “Ngayon lang nagdala si Sir ng babaeng bisita hija.”

“Huh? Ngay -”

“ANA, COME UP HERE ALREADY!” naiiritang sigaw ni Ace sa kanya mula sa ikalawang palapag. Nauna na palang umakyat ang tukmol di man lang niya namamalayan.

“Nasa monster mode na naman si tukmol!” nakaingos niyang bulong ng marinig ang naiinip na boses ni Ace. Napatakip siya ng bibig ng mapagtantong narinig siya ni Mr. Jo. “Hala, wag niyo po akong isusumbong sa alaga niyo ha.”

“Maasahan mo ako Ms. Ana,” nakangiting tugon nito.

“Thanks po! Akyat na ho ako. Baka mag-evolve na naman si monster at maging dinosaur na.”

Umakyat na siya pataas. Nahagip pa ng mga mata niyang nagbow pa ulit sa kanya si Mr. Jo. Next time ay pagbabawalan niya itong magbowbow.

Pagdating sa second floor, wala siyang Ace na nadatnan.

“Asan na yun?” kunot-noong inilibot niya ang mga mata sa second floor. Wala siyang makita kung hindi isang parang living room na kanyang kinatatayuan ngayon. Sa right nun ay may pasilyong maraming pintuan. Sa left ganun din.

Alangan namang isa-isahin niyang buksan lahat ng pintuan na iyon?

“ACE???” malakas niyang tawag dito.

Wala pa rin siyang marinig ni kaluskos.

Naglakad siya paforward konti.

Napatingin siya sa taas. Alam niyang may ikatlong palapag pa ang bahay. Pero ang alam niya sa ikalawang palapag nanggaling ang boses ni Ace kanina.

“Hoy Ace! Asan ka na?!”

Pinagtataguan ba siya ni Ace?!

“In ten seconds kapag di ka pa nagpakita, UUWI NA AKO!” banta niya dito.

One…Two…Three…Four…Five…Six…Seven…Eight…Nine…Ten

Nang walang Ace na lumabas at narinig, nagdecide na siyang umuwi na lang.

Dinala lang ba siya ni Ace sa bahay nito para maglaro ng taguan?

Paturn around na siya ng biglang…

“WHOAAAAAA!!!”

“AHHHHHHHH NANAY KO!!!” malakas niyang tili.

Napahawak pa talaga siya sa dibdib dahil pakiramdam niya ay sandaling tumigil iyon sa pagtibok dahil sa pagkabigla at gulat.

“Pwahahahahahahaha! Shit! Yung mukha mo Ana! Hahahaha!”

Nagbago ang ekspresyon niya sa mukha ng mapagtantong ginoodtime siya ni Ace. Lalong nag-init ulo niya ng makitang may hawak itong tablet at vinideo pa pala nito ang ginawa nitong panggugulat sa kanya. What the F -!!

Agad niyang hinablot yung cam sa mga kamay nito. Subalit mabilis si Ace at maagap nitong nailayo iyon mula sa kanya.

“Akin na yan!” pilit niyang kinukuha dito ang tablet. Pero dahil mas matangkad sa kanya si Ace, di niya maabot iyon dahil tinaas talaga ng tukmol ang mga kamay sa ere para di niya maagaw mula dito ang tablet.

“No way! Idedelete mo lang eh,” nang-aasar na sagot nito.

“Talagang idedelete ko kapag napasaakin ang tablet na yan! Kaya akin na yan!!!”

“Hahahahahaha! This is so funny to delete tisay. Sayang naman. Katawa kaya reaksyon mo!”

“Arghhhhhhh! Pag inatake ako kanina kasalanan mo kapag namatay ako.”

Ace paused for a little bit and cautiously asked, “You have a heart problem?”

“Uhmm….” Nakita niyang bahagyang naibaba ni Ace ang mga kamay. Sinamantala niya iyon at hinablot niya kaagad yung tablet mula sa kamay nito saka mabilis na sumagot ng, “WALA!”

That caught Ace offguard. “Give it back!”

“After I delete it!” tumakbo pa siya palayo kay Ace para hindi nito iyon maagaw sa kanya.

She played the video.

Tama nga si Ace, nakakatawa reaksyon niya. Kasi siya mismo tumatawa ng mag-isa habang pinapanood niya yung video. Hindi niya mapigilang tumawa.

“I told you, nakakatawa yung video mo tisay. Kapag inupload ko yan sa youtube, magiging viral kaagad iyan,” ani Ace ng makita ang naging reaksyon niya.

She gave him an evil glare then she looked at the screen in the tablet again. She tapped the delete button.

“Oh tablet mo,” binalik na niya dito ang gamit nito.

Kinuha naman ni Ace ang tablet.

“For your info, naforward ko na yung video sa isang laptop ko,” ani Ace.

Wais din talaga itong si Ace! Walang kuwenta yung effort niya.

“Don’t tell me, pinapunta mo lang ako dito sa bahay niyo para gawin ang prank na iyon sa akin?”

“Of course not. Come, I want you to hear something.”

Naglakad sila patungo sa isang room.

“Baka kalokohan na naman iyan ha.”

“Hindi na. Matino na ito.”

“Whe! Matino? Lalo tuloy naging kahina-hinala.”

Ace opened the door. Pumasok silang dalawa doon.

Nasorpresa siya ng malamang mistula iyong isang recording studio. Kompleto rin iyon sa gamit at mga instrumento.

“Kumakanta ka?” tanong niya kay Ace habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng studio.

“Hindi, sumasayaw,” sagot ni Ace habang may pinipindot itong kung anu-ano.

Pinalampas niya lang ang sinagot ito dahil wala siyang oras makipagargumento. She was more fascinated to learn that Ace can sing. Or can he?

Hindi niya alam na miyembro ng kung ano mang banda si Ace. Ang alam lang niya mahilig ito sa sports. Pero singing? Never had she heard people mentioned about it.Never had she heard him sing a song too.

Umupo siya sa isang bakanteng upuan. Tapat nun yung parang mini stage kung saan may nakasalang na microphone. May kinuha itong electric guitar at sinaksak muna saka ito muling bumalik sa mistulang stage. Yung microphone inayos nito ang posisyon para mailevel sa mukha nito.

Tumaas kilay niya habang nakatingin sa binata.

May pumainlanglang na background music sa studio. Then she saw and heard him played the guitar.

Kakanta talaga ito?

If that’s the case, kailangan niyang gawin ito. Palihim niyang nilabas ang cellphone. Ivivideo niya ang binata!

An eye for an eye. A tooth for a tooth. A video for a video.

Amanos na sila kung sakali.

Naputol pagmumuni-muni niya ng marinig ang boses ni Ace. The first word came out from him surprises her. Not because pangit boses nito. Kabaligtaran nun actually. Maganda boses nito kahit ayaw niyang aminin.

Lumayo ka na sa akin
Wag mo kong kausapin
Parang awa mo na
Wag kang magpapaakit sa akin
Ayoko lang masaktan ka
Malakas ako mambola
Hindi ako santo

Hindi siya mahilig sa music. Halos wala ngang lamang songs sana ang cellphone niya kung hindi dahil kay Chi-chi na kusang naglagay nun sa phone niya.

Pero how can this be? Paanong nagkaroon ng magandang boses ang tukmol na si Ace? Mahirap siyang iplease na tao pagdating sa kanta. But why she’s loving this song na kinakanta sa kanya ni Ace? She heard this song before. But only now her heart is making strange beats.

Ace looked at me in this part. Hindi niya alam pero lalong lumakas tibok ng puso niya. Nadadala yata siya ng boses ni Ace.

Pero para sa'yo
Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo

Hindi niya maalis ang tingin kay Ace. Putik! May sa gayuma yata boses nitong si tukmol. Bakit tumatagos sa kanya lyrics ng song? Dati naman walang effect sa kanya ang kahit anong song na marinig niya.


Hindi ikaw yung tipong niloloko
At hindi naman ako
Yung tipong nagseseryoso
At kahit
Sulit sana sa'yo ang kasalanan
Lolokohin lang kita
Kaya't kung pwede wag na lang dahil
Ayoko ngang masaktan ka
Wag kang maniniwala
Hindi ako santo

Pero para sa'yo
Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo

Kumindat si Ace sa akin. Iningusan niya ito dahil ayaw niyang malaman nitong tinatablan siya nung song. Ni hindi nga niya alam kung bakit siya nito kinakantahan eh.

Bakit nakikinig ka pa
Matatapos na ang kanta
Pinapatakas na kita
Mula nung unang stanza
Hinde ka ba natatakot
Baka ikaw ay masangkot
Sa mga kasalanan ko

Pero para sa'yo
Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo

Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo

Hindi niya namalayang natapos na pala yung kanta.

“Tisay, maganda ba?”

Narinig niyang tanong ni Ace na siyang nagbalik sa kanyang katinuan.

She immediately pressed the save button of her cellphone at kaagad na nilagay sa bag.

“O-oo maganda.” She’s stuttering! Kailangan niyang kumalma. “Di ko alam na kumakanta ka pala?” Pinilit niyang gawing normal ang pagsasalita. Tagumpay naman siya.

“You know now,” sagot nito habang nilalagay yung electric guitar sa pinagkunan nito.

Tumayo siya sa pagkakaupo at pinamaywangan ito.

“So pina-absent mo ako sa isang subject ko para lang iparinig sa akin na magaling kang kumanta?”

She heard Ace laughed.

“Yes. Gusto ko lang marinig mo ang aking pang recording na boses,” hindi lumilingong turan nito.

“Yabang mo naman! Pero sabagay, maganda naman talaga boses mo. Hindi ko ineexpect iyon,” amin niya.

“Oohh… dahil diyan, sa iyo ko ibibigay ang aking first autograph CD,” ani Ace habang papalapit sa kanya.

Napakunot-noo siya sa narinig. “Para namang may album ka talaga. Teka, may balak kang maging singer?”

Bago pa niya narinig ang sagot ni Ace, may kumatok na sa pinto.

“Handa na po yung meryenda Sir.”

“Ah, si Mr. Jo!” Mabilis niyang binuksan ang pintuan.

“Nasa veranda po yung pagkain Ms. Ana,” bungad nito sa kanya.

Nilingon niya si Ace. “Kain na daw tayo.”

Nagtungo sila sa sinasabing veranda ni Mr. Jo. Sa third floor pa pala iyon.

“Bakit ngayon ka lang nagdala ng bisitang girl dito sa house niyo?” tanong niya kay Ace habang naglalakad sila. Naalala kasi niya iyong sinabi ni Mr. Jo.

“Kanino mo naman nalaman iyan?”

“Kay Mr. Jo…hehehe...kaya ‘wag kang magkakaila.”

Tumawa si Ace. “Hindi ako nagdadala ng babae dito sa bahay dahil ang mga babae kasi iba ang mentality. Porke’t dinala na sa bahay ng boyfriend, kung anu-ano ng pumapasok sa isip at nag-aassume na ng kung anu-ano.”

“Bakit nagbago isip mo at dinala ako kung ganun dito sa bahay niyo? Sige nga…”

“Ana, babae ka ba?” Tanging sagot ni Ace pagkatapos ay mabilis itong naglakad palayo sa kanya.

Nanlaki mata niya sa narinig. “Aba’t!!!”

Saka niya ito hinabol para batukan.

Ana can’t sleep that night. Hindi siya makatulog sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tuwing pipikit siya ay mukha ni Ace ang nakikita niya. Ginayuma talaga yata siya ng boses ng binata.

Naiinis na kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang tabi at plinay ang video ni Ace na kumakanta.

Ewan niya kung paano lumabas na maganda ang pagkakakuha niya kahit palihim lang niya iyong vinideo. Nakalimutan pa nga niyang vinivideo pala niya ito. Pero kuhang-kuha ng video lahat.

Nakatingin si Ace sa video – no, sa kanya pala dahil di naman nito alam na vinivideo niya ito habang kumakanta.

Titig na titig siya kay Ace. Bawat salitang kinakanta nito pakiramdam niya ay para sa kanya talaga. Like he meant everything in it. Like those words are really for her. Alam niyang dapat hindi niya bigyan ng kahulugan ang lyrics ng kanta. Kanta nga lang iyon eh.

Pero bakit iba ang sinasabi ng puso niya?

Para sa’yo yung kantang iyon…. sabi din ng mumunting tinig sa kanyang isip.

Wag mag-assume girl! Protesta naman ng isang bahagi ng kanyang isip.

Naguguluhan na siya.

Siguro nga mali ang pagpayag niyang pagsama sa bahay ni Ace kapalit ng ilang araw na hindi nito panggugulo sa kanya. Kapalit ng ilang araw na katahimikan.

Mali yata.

Dahil ngayon, kasama na ang puso niya sa ginugulo ni Ace.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...