QUEEN SERIES #3: THE MILK TE...

By Gretisbored

26.1K 2.7K 458

She came to Edward's for their to-die-for milk teas. She never thought her secret trips to the store would br... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
EPILOGUE

CHAPTER TWENTY-NINE

494 61 13
By Gretisbored

Shane Andrea Juarez

Tumigil kami sa paglalakad at nang hindi ako makasagot, Micah held me by the shoulder at pinaharap niya ako sa kanya. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanyang mga mata. I tried to compose something cool as a response to his question, but nothing came in my head. Para bagang tinukso pa ako ng pagkakataon. Kung kailan ko kailangang-kailangan ng sagot saka naman naging mailap ang witty answer.

"Do I know him?" ulit niya sa mas mahinang tinig. I felt his warm fingers on my chin. Tinataas niya ang baba ko para makita ang mga mata ko.

Dahil na rin sa kaba at sa pagiging conscious sa kapiranggot na telang tumatakip sa halos hubad kong katawan, napadila ako sa lower lip ko. Narinig ko siyang napasinghap at nabitawan niya ako. Daig pa niya ang napaso. Napakurap-kurap naman ako. Parang no'n lang bumalik ang huwisyo ko.

"T-that was years ago. A lot --- a lot of things have happened since then."

Tinitigan niya ako sa mga mata. Pinilit ko ang sariling makipagtitigan sa kanya.

"So---iyong lalaking tinutukoy mo noon, the one you said you were falling for, h-hindi na siya ang gusto mo?"

Napatango ako agad. "H-hindi na," pakli ko. Ang bilis pa ng sagot ko. And I regretted it the moment I saw him smile awkwardly. Makikita na ang ibayong lungkot sa kanyang mga mata.

"At least naitanong ko kahit medyo huli na. Ingat ka, Shane. It's good to know you."

Napamaang ako nang bigla na lang siyang umalis sa harapan ko. Shit! I messed up! Magpapakipot lang naman sana ako nang slight, eh! Ba't hindi mo ako hinamon sa sagot ko?!

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang ilang minuto. Para akong naengkanto. Nang ma-realize na baka he was saying goodbye to me for good nang sinabi niya ang, "It's good to know you," napahabol ako sa kanya.

"Micah, saglit lang! Micah, hintay!"

Hindi ko na siya naabutan. Ang bilis-bilis niyang maglakad. Nakakainis! Nilakad-takbo ko pabalik sa reception area. Pinagtinginan ako ng guests dahil naka-two-piece swimwear lang ako samantalang lahat ng tao doon ay halos balot na balot pa. Ang nakasuot lang ng maiikling denim shorts at tube ay mga dalagitang parang noon lang tinubuan ng pubes. Sa ibang pagkakataon siguro'y mahihiya ako sa sarili ko, pero nang mga oras na iyon my mind was set on only one thing. Kailangan kong maabutan si Micah. Bahala na kung magmukhang cheap. Aamin na talaga ako. Peks man!

"Si Sir Micah po ba, ma'am?" pagkompirma ng isang staff.

"Nakaalis na po yata pabalik ng Manila. Ngayong gabi po kasi ang alis niya papuntang Singapore."

"Ha? Ang bilis, ah! Kanina lang ay kausap ko pa! Wala po bang pwedeng maghabol?"

Napa-double take sa akin ang lalaking staff. I read his name tag. Doug ang pangalan.

"Doug, pakitawagan mo naman siya, o. Urgent lang!"

"We don't have his cell phone number, ma'am. Wala po ba kayong number niya?"

Shit! Meron!

Tumakbo ako pabalik ng cottage para sa cell phone ko. May kausap si Felina sa phone nang datnan ko roon. Nakabihis na siya into a low cut, spaghetti-strap, red sundress. Ang lalim pa ng ukab sa dibdib. Kung hindi lang ako nagmamadali ay bibiruin ko pa sana siya kung sino ang balak niyang i-seduce ngunit naunahan ako ng kanyang pagsinok.

"Felina? What's wrong?"

Dali-dali itong tumalikod sa akin at binaba ang cell phone. Nang humarap na'y nakangiti na siya.

"O, ba't bumalik ka agad? Akala ko sa breakfast na lang tayo magkikita?" At tumawa ito. Pero it was an empty laugh. Napatitig ako sa kanya. I thought about what she said to me a while ago. May nangyari na sa kanila ni JT Zaldua. Si JT kaya ang kausap niya?

"Kumusta ang pag-uusap n'yo ni Micah?"

No'n ko na-realize kung bakit ako nandoon kaya imbes na sumagot ay humalungkat ako ng bag. Hinanap ko ang cell phone ko.

Tinawagan ko agad si Micah. Cannot be reached ang number niya. Nagsend ako ng texts. Sunud-sunod. Anang una: Hindi totoong may iba na. Walang sagot. I tried again: Iisa lang ang naging laman ng puso't isipan ko all these years. Wala pa ring sagot. Naiiyak na ako. Pero hindi ako sumuko. Nagpadala pa ako ng one last message: Bakit sa tingin mo naadik ako sa milktea? Nang hindi pa rin ako sinagot, hinagis ko na lang ang cell phone sa kama at binagsak ang katawan doon. Tinabihan ako ni Felina.

"Nagpakipot ka na naman ba, girl?" pabulong niyang tanong.

Tumangu-tango ako. Nakapikit pa rin. Bumungisngis siya nang mahina.

"Hay naku. Kaya walang nangyayari sa mga lovelife natin dahil saksakan tayo ng pakipot. Pareho tayong pabebe."

Hindi ako nagkomento. Totoo kasi ang sinabi niya. Naisip ko nga, kung kasing ugali ko si Yolanda, siguro'y may nangyari na sa amin ni Micah. Baka kasal na rin kami ngayon. At baka nga, buntis na ako! Haist.

"Akala ko ba sabi mo sa akin noong nakaraan, susunggaban mo na agad at one tiny bit of paramdam from him?"

"Wala, eh. Naunahan ako ng hiya. Nagpakipot pa rin."

"H'wag kang mag-alala, Shanitot. If he loves you, he'll come back. At least, alam mong mutual ang feelings n'yo sa isa't isa. So unlike me and---"

Naramdaman kong gumalaw ang kama. Binalingan ko si Taba dahil bumangon ito at dumungaw sa bintana ng cottage namin. Tila may kinausap roon. Mayamaya pa, bumalik naman agad at may kasama nang nakakagutom na roasted chicken. Kumulo ang tiyan ko. Oo nga pala. Ni hindi kami masyadong nakapag-lunch dahil inuna namin ang pagtampisaw sa dagat. Mabuti't nag-order ng makakain si Taba.

Dahan-dahan na rin akong bumangon para saluhan siya sa late lunch nang nanlaki ang mga mata ko. Hindi si Felina ang nakatayo sa bandang paanan ng kama namin kundi si Micah. He was carrying a tray of food in one hand and a single red rose on his other hand.

"Micah!"

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

Nang deretsahan niyang sinabi na hindi na niya gusto iyong lalaking sinasabi niya sa sulat noon, nabatid ko nang nahuli na ang dating ko. Imbes na ipagpilitan ang sarili, I decided to accept it as a real gentleman. What else can I do?

"Rupert, ihanda mo na ang sasakyan. Babalik na tayo ng Manila."

Napa-double take sa akin ang driver ko mula sa pambobola sa isang staff ng resort. Sabi ko kasi kanina'y sa makalawa pa niya ako ihahatid sa NAIA. Dito muna ako sa hotel ng kaka-acquire lang naming resort sa Batangas titigil for a few more days until my flight to Singapore on Sunday. Kaso, heto nga at nabasted na kaya ano pa ang saysay ng paglalagi roon? It would be a waste of time.

"Sir, cell phone n'yo po. Naiwan sa conference room."

"Thanks, Doug."

Binulsa ko agad ang cell phone at pumuntang reception area. Binigay ko sa kanila ang susi ng suite ko at binigyan din ng instruction ang naka-stand by doong bell boy na kunin na ang nag-iisa kong travelling bag sa kuwarto ko.

Habang naglalakad kami ni Rupert papunta sa sasakyan, sunud-sunod na nag-vibrate ang cell phone na nasa bulsa ng shorts ko. I ignored it. Papalabas na kami ng resort nang makita ko sa rearview mirror na tumatakbo pahabol sa amin si Doug. May sinisenyas ito.

"Pakibagalan nga," utos ko kay Rupert sabay baba ng bintana sa passenger's seat at nilingon ko si Doug. May tinuturo ito sa resort. Nalilito ako.

"Wala kayong nakalimutan, boss?" Si Rupert.

"My luggage is here with us already."

Kinapa ko ang bulsa. Dinukot ko mula roon ang cell phone at tiningnan kung baka may tawag o texts mula sa resort staff. Sa kanila, wala. Pero sa isang taong hindi ko inaasahang mag-text, meron. Nang makita ko ang sunud-sunod niyang texts, kaagad kong pinabalik ang sasakyan.

"Bakit, boss?" nalilitong tanong ni Rupert.

"We are staying," sabi ko.

Hindi pa niya naipu-full stop sa parking area ng hotel ang pick up, binuksan ko na ang sa side ko at tumakbo na pabalik ng hotel. Timing namang may ide-deliver sa cottage nila Shane na late lunch daw ng magkaibigan. Ako na ang nagprisintang maghatid no'n. Nangiti ako nang humabol si Doug at maglagay ng isang tangkay ng red rose sa tray.

"Good luck, Sir Micah," ang sabi niya sabay kindat. Natawa ako. I made a mental note to give him a raise when everything's a success.

Ang kaibigan niyang si Felina ang dumungaw sa akin sa bintana nang kumatok ako sa cottage nila. Nang makita ako ng BFF niya, nanlaki ang mga mata nito. But then, wala na itong tanung-tanong pa at pinagbuksan ako agad. Then, she quietly left their cottage smiling. Binilin ko naman ito sa isang staff na napadaad na siya na kamo ang mag-asikaso rito.

Napalunok ako nang sunud-sunod nang makita siyang nakahiga sa kama. Her legs were spread apart and her arms were extended upwards. Nakapikit siya. Ang dami kong naisip na malalaswang bagay nang makita siya sa ganoong posisyon. Kung ilang beses nga akong napasinghap. And I felt guilty for enjoying the scenery.

I cleared my throat. She groaned softly. Then, she moved in slow motion. Bumangon siya. Nang makita niya ako sa bandang paanan ng kama, nanlaki ang kanyang mga mata. Napatayo siya bigla at napahablot ng bathrobe na nakasampay sa headboard ng kama. I looked away for a few seconds.

"I read your --- text messages."

Pinamulahan siya ng mukha. Nang makita ko ang reaksyon niya dumagundong lalo sa kaba at excitement ang puso ko. Nanginig pati ang mga kamay ko. Kinailangan kong ilapag muna ang dalang tray ng pagkain sa ibabaw ng mesa bago ko pa iyon matapon. Inabot ko sa kanya ang isang tangkay ng red rose na kamumukadkad lamang.

Namasa-masa ang kanyang mga mata. Hindi ko na hinintay pang magsalita siya. I closed the gap between us and hugged her tightly. Napayakap din siya sa akin nang mahigpit.

"Ako ang lalaking tinutukoy mo sa sulat, right?" pagkompirma ko pa. I felt the tightening of her hug. Pero hindi siya nagsalita. "I---I wanted to ---tell you then that I---feel something special for you. Kahit noon pa. Kahit noong una pa lang kitang nasilayan sa milktea shop ko."

Narinig ko ang kanyang pagsinghap. Binitawan ko siya saglit at sinapo ang magkabila niyang pisngi. I looked in her eyes.

"Nang niyaya kitang maging girlfriend for hire noon, may nararamdaman na ako para sa iyo kaso lang I felt it was unfair on your part na samantalahin ko ang vulnerability mo knowing that you have just broken up with your Dutch boyfriend."

"Really? That was a long time ago!"

Ngumiti ako at tumangu-tango. "Hindi ako nagsalita tungkol sa nararamdaman ko para sa iyo dahil baka ma-misinterpret mo ako. You might think that I was simply in need of a girlfriend to show to my grandfather so I can claim my inheritance."

"Sana sinabi mo."

Inasiman ko siya ng mukha kunwari. "I doubt you would believe me."

"Kung sa bagay, oo. Wrong timing nga if ever. Kasi --- kasi, I was still pinning my hope on Thijs."

Medyo nahiya siya nang aminin iyon.

"Nang dinala kita sa ancestral house namin sa Batangas noon at dalhin mismo sa secret place ko roon, sigurado na ako sa feelings ko sa iyo. And I was happy that my grandfather approved of you right away. But then, naging problema rin iyon sa akin. Kasi kung sinabi ko agad noon ang totoo kong damdamin, natitiyak kong hindi mo ako paniniwalaan."

Napangisi siya at tumangu-tango uli. "Dugyot days ko iyon. I would surely doubt your intentions."

"What's dugyot?"

Natawa na siya. Pinangunutan ko siya ng noo nang maintindihan ko iyon through her explanations.

"You were never dugyot, Shane. You know that. You were kind of thin at that time, but dugyot? No. That's for sure."

"Sus. Mambobola ka pa, eh."

Gradually, napanatag ang aming kalooban. Kahit wala nang I-love-you-I-love-you, we both understood how we felt for one another. Nayakap ko siyang muli.

**********

Shane Andrea Juarez

Sinayaw-sayaw ako ni Micah nang magyakap kaming muli. May pumailanlang kasing musika mula sa labas lang ng cottage. It was an old Filipino love song. Parang may nanghaharana kung kanino kasi it didn't seem to come from a stereo o kung ano pa mang sound system. Pamilyar din naman ako sa kantang iyon. Sa pagkakaalam ko'y original OPM iyon na unang kinanta ni Roel Cortez. Kinakanta kasi iyon ni Felina sa mga karaoke session namin sa tuwing nagda-drama.

Nakapikit ako sa halos buong kanta at nagpapadala na lang sa galaw ni Micah. Napadilat na lang ako nang mag-hum siya at mapakanta na rin, "Nais kong malaman mo na iniibig kita. Nais kong malaman mo na iniibig kita."

Ang cheesy ng lyrics, pero imbes na maalibadbaran, na-touch ako nang husto. Napatitig ako sa kanyang mga mata. I could feel the warmth in his stare. Nang maghinang ang mga mata namin, dahan-dahang bumaba ang kanyang mukha at naramdaman ko na lamang na lumapat na ang malambot niyang mga labi sa labi ko. Bukod doon, may na-feel akong pumipintig-pintig sa puson ko. Nang mapagtanto ko kung ano iyon, na-excite ako lalo at nangatog pa ang mga tuhod. Hindi na ako nagprotesta pa nang dahan-dahan niya akong dinala sa harapan ng kama at maingat na ihiga roon.

"Just say no and I'll stop," anas niya bago bumaba muli ang mga labi sa labi ko.

Napapikit ako.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...