QUEEN SERIES #3: THE MILK TE...

By Gretisbored

26.1K 2.7K 458

She came to Edward's for their to-die-for milk teas. She never thought her secret trips to the store would br... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
EPILOGUE

CHAPTER TWENTY-SEVEN

479 68 8
By Gretisbored

Shane Andrea Juarez

Hindi ko alam kung papaniwalaan ko si Micah. Hindi raw natanggap ang halos lahat ng mga sulat at cards ko liban sa iilang nauna. Ewan ko ba. Since naloko ako ni Thijs, ang hirap na sa aking maniwala kung nagsasabi nang totoo ang isang lalaki. May trust issue na ako. Ang sabi naman ni Mom, bigyan ko raw siya ng chance. But that was Mom. Si Mom naman kasi'y madaling masilaw sa pera. Kapag binigyan ng financial favors, umiiba ang ihip ng hangin for her. Hindi na ako nagtataka sa reaksyon niya. Afterall ay binaliktad ni Micah ang naging desisyon ng bangko nila ukol sa loans nila ni Dad. He honored what his mom promised my parents for agreeing to let me marry him noong nagda-drama pa ang lolo niya. Si Dad lang ang tahimik about Micah's visit. Wala siya halos sinabi kahit nang nagpaalam na itong umuwi sa kanila.

"O, ano'ng sinabi niya? Nag-propose ba uli? Dali, kuwento na!"

Napa-double take ako kay Mommy nang biglang ulanin ako ng tanong pagkaalis ni Micah. Daig pa mga BFF ko. Naalibadbaran ako sa kanya.

"Hindi," pakli ko. My tone was flat.

"Ano'ng hindi? Nakita ko ang atat niya sa iyo eh!"

"Hindi nga, Mom. Saka kahit mag-propose siya, hindi ko na papatulan pa."

"What? Are you out of your mind?!"

Umakyat na ako sa room ko. Tinatamad akong makipag-usap sa mommy kong wala nang inisip kundi pera. Nakakaimbyerna rin.

Sinundan niya ako sa kuwarto at kinatok nang kinatok, pero hindi ko na pinansin. I heard Dad followed her, too. And I also heard my father telling her to just let me be.

Tinawagan ko si Felina pagkadating sa kuwarto ko. She was with someone kaya hindi agad ako nasagot. Pero tumawag siya uli.

"Really? May nambasket doon sa mga pinadala mong sulat at cards? Sigurado akong dati niyang jowa iyan. That is kung totoo."

"May posibilidad na gawa-gawa lang ni Micah iyon?"

"Not sure. Baka. Who knows."

"Ba't naman gagawin no'ng tao iyon?" singit ng isang pamilyar na boses.

Keri? Magkasama sila ni Keri?

Na-excite ako agad! It has been ages since the last time I talked to her.

"Magkasama kayo ni Keri?" excited kong tanong.

"Actually, pati ni Yolanda. Nandito sila sa bahay."

Sumingit na nga pati ang baliw naming kaibigang si Eula. Both of them agreed na walang motibo si Micah para magsinungaling. Saka sa naaalala raw nilang character ng tao, wala raw sa karakas nito ang gumawa-gawa ng kuwento.

Naisip ko rin iyon. I just want to be sure.

"When did you guys come back home?" tanong ko sa dalawa. Ang alam ko kasi'y nasa Iceland si Eula at nasa Italy naman si Keri.

"The other day pa. We called you up sa landline ninyo, pero mom mo ang sumagot. Iyong mobile number mo naman ay cannot be reached." Si Keri.

Napatingin ako sa CP ko sa kama. At naalala ko na pinatay ko nga pala iyon nang buong araw for ilang days na dahil sa kagustuhan kong mag-social media detox.

Nag-usap pa kami about our college days at nagkasundo na magkikita sa susunod na araw. Napansin kong hindi na masyadong balahura ni Eula. Her stay in Iceland could have helped tone down her personality. Base sa naririnig kong kuwento about Icelandic people, parang halos lahat ay katulad ni Sir Maurr. Pormal. Seryoso. At hindi baliw kagaya ng kaibigan ko.

May kakaiba rin akong napansin kay Keri. Dati na itong seryoso, pero mukhang mas naging seryoso. Ang alam namin ni Felina, masalimuot ang kanyang family life. Ang akala naming mommy niya ay hindi niya pala tunay na ina kundi dati lamang yaya na bandang huli'y pinakasalan ng ama. Ang dad naman niya na inakala namin ni Felina na sobrang gentle to the point of being submissive doon sa nakagisnan niyang mommy ay kabaliktaran pala. Isipin mong may koneksyon pala sa isang Italian mafia! Saka ang kuya ni Keri! My gosh! Sino ang mag-aakalang may kuya pala siyang ubod ng guwapo? Hindi namin inisip ni Felina na half-Pinay siya, although makikita sa mga mata niyang may lahi. Paano kasi'y mas lamang ang Filipino roots niya sa overall look niya. Mas mtangkad lang sa karaniwang Pinay. Iyon lang marahil ang masasabi naming hindi Filipino trait niya. Pero ganoon din naman si Eula at hindi naman biracial ang baliw na iyon. Nakakaloka nga ang recent discovery namin kay Keri.

Tinapos ko agad ang usapan naming tatlo nang makita kong tumatawag sa CP ko si Ate. Pagka-hello ko, tinanong agad ako kung totoong nanliligaw daw uli sa akin si Micah.

"Ate, he has never courted me."

"Sus, kunwari ka pa! Alam naman namin ni Mom noon pa na type na type ka no'n eh. Ewan ko ba s ainyo. Pareho kayong pabebe."

No'n ko na-realize na tinawagan siya ni Mom tungkol sa pagdalaw ni Micah. Kinompirma ko sa kanya at hindi naman nagkaila.

"Yes! At h'wag ka nang magpatumpik-tumpik pa! Maraming malalandi sa Pilipinas, ikaw rin! They will devour him in no time kapag alam nilang single pa rin siya hanggang ngayon. Biruin mo, mayamang CEO, walang jowa?"

"I need to take a shower, Ate. Ang init. Sige."

At hindi ko na hinintay na sumagot siya. I ended the call and turned off the phone. This time ay ayaw kong maimpluwensyahan ninuman. Ayaw kong i-entertain ang mga speculations nila na gusto ako ni Micah at liligawan na niya ako just because he went to me straight away after discovering my letters and cards. For all I know, gusto lang niyang mag-apologize dahil na-guilty na hindi niya nasagot ang mga sulat ng isang nahihibang na babae noon.

Binalikan ko sa isipan ang mga sinulat ko sa kanya noon, especially iyong tungkol sa last dinner namin together in Pizza Hut. I cringed. May isang parte kasi ng sulat na parang nagpakita na ako ng motibo sa kanya. I told him I was already over Thijs nang mga sandaling iyon. At ang puso ko ay nabighani na ng isang taong hindi alam na gusto ko na siya.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

As I went over what I did after discovering Shane's letters and cards, naisip ko, hindi kaya ako nagmukhang atat? Or presumptuous? Ang tagal na no'n. She could have already moved on. Kung hindi man with that Dutch national na dati niyang nobyo, maaaring sa ibang lalaki.

"Here you are. Iinom mo na lang iyan," nakangising sabi sa akin ni Toby at binigyan ako ng maiinom. Isang scotch on the rocks.

"Kung bakit kasi ang hina mo, couz. Kung sa akin iyan, matagal ko nang naikama iyan and have gotten over her already." Si Olezka naman.

I glared at both of them but drank what Toby gave me.

"Did I do it right? Hindi kaya binigla ko siya?"

"What you did was so nerdy." At tumawa pa si Toby. Nakitawa na rin si Olezka. Dapat man lang daw, imbes na sumugod ako kina Shane, tumawag muna ako. O di kaya nakiramdam muna kung tulad pa rin ng dati ang lahat.

"Kung milk tea flavors nga nag-e-evolved, feelings pa kaya ng tao?" sabi pa ni Olezka sabay tungga ng hawak-hawak na malamig na malamig na San Mig beer.

I looked at him as I processed what he said mentally. May katwiran siya. Kada buwan ay may sinusumiteng milk tea flavor ang mga tao ko sa mina-manage kong high end coffee and milk tea shops dito sa Pilipinas at sa ibang panig ng Asya. How silly and stupid of me to assume that Shane feels the same way. Nalungkot ako sa isiping baka may iba na siyang gusto.

Tumayo na lang ako bigla at nagpaalam sa mga pinsan ko. Napatayo na rin silang dalawa.

"Wait. You can't drive, couz. Nakainom ka," pigil ni Olezka.

"I'll call my driver to drive me home."

"Hindi. Ipapahatid ka na lang namin ni Olezka sa driver niya total naman ay dito siya magpapalipas ng gabi sa pad ko. Are you sure uuwi ka pa? Ayaw mong dito na rin makitulog?"

Mabilis akong umiling. At hindi na ako naghintay pang pilitin ako ng isa sa kanila bago umalis sa mini-bar ni Toby.

Pagdating sa sarili kong pad, nakita kong nakailaw ang answering machine ko. Pagkapindot ko rito ang galit na galit na boses ni Mom ang narinig ko. Grabe ang himutok niya sa naririnig daw na closeness naming mag-pinsan.

"They fvcking sent you death threats tapos nakikipagmabutihan ka pa sa kanila?" sigaw pa niya in mixed English and Russian. Sunud-sunod na pagmumura sa lenggwahe nila ang sumunod kong narinig, Minura rin sina Toby at Olezka.

Sa totoo lang, kinutuban din ako sa dalawang iyon noon, pero nang paimbestigahan ko naman sa detective ko'y napag-alaman kong hindi guilty ang dalawa. Kung hindi sila ang nagpadala ng mga iyon sa akin noon, dalawa lamang ang pwede kong maging suspect. At totoo ngang kagagawan ng mga moms nila. Pinalampas ko na. Total naman ay natigil din. But Mom wants me to file a case against them. And meantime daw, putulin ko na raw ang koneskyon sa mga pinsan ko. Tingin ko naman, hindi na kailangan. Saka wala akong gaanong kaibigan para ipagtulakan kong palayo ang dalawang taong lagi kong karamay. I cannot tell her everything I am having problems with. Mas maigi na in good terms kami ng mga pinsan ko.

I erased Mom's messages and went straight to my bathroom. Itinapat ko ang mukha sa malamig na tubig na nagmumula sa shower head. I thought about Shane's letters, cards, and her reactions nang ora-orada ay puntahan ko sa kanila. Mukhang mommy niya lang ang excited. Baka tama nga ang mga pinsan ko. Sometimes, men need to feel the ambience first. Gusto ba sila ng babaeng gusto nila? Hindi ba nila ini-imagine lang ang damdamin nito?

Kinuskos ko nang kinuskos ang katawan. Doon ko na lang binunton ang pagsisisi. Bakit naman ako nagpadala sa bugso ng damdamin? Dapat dinahan-dahan ko man lang sana siya. Nakailang palpak na yata ako. Noong una, iyong gimmick ng mga pinsan ko sa ad agency ng pamilya na inakal ni Shane na ako ang may pakana. Ang sumunod ay ang ora-orada kong pagbisita sa kanila with a huge bouquet of flowers. Hay. Tama nga si Toby. Pang nerd ng style ko!

**********

Shane Andrea Juarez

Nakailang interviews na ako sa mga pinag-aplayan ko pero lagi na lang bigong umuuwi. Naisip ko tuloy, karma na siguro sa akin ito for declining the offer doon sa ad agency nila Micah. Kung bakit nagpadala ako sa pride. Sa ngayon, natutuyuan na ako ng utak. Hindi ko na alam kung saan pa mag-a-apply. Napadalhan ko na yata ng resume at application letter ang lahat ng posible kong mapagtatrabahuhan.

"Shane!"

Napalingon ako. It was Felina. Old, chummy Taba was by the door na ng dating Edward's kung saan ako umiinom ng wintermelon tea nang mga oras na iyon.

"Ano na naman ang drama natin, Shanitot?" natatawa nitong salubong sa akin matapos naming magbeso-beso. Siya lang ang dumating sa kanilang tatlo. I also asked Keri and Eula but given their current condition, parehong buntis, naiintindihan ko naman kung bakit hindi nakapunta. Marahil ay pinagbawalan ng kani-kanilang asawa.

"Hindi na siya nagparamdam! Letse! Nasobrahan yata ang pagpapakipot ko."

"Si Micah pa rin ba ito, Shanitot?"

Napabuntong-hininga ako. Suddenly, nagseryoso si Felina. H'wag daw akong mabibigla. Kinabahan ako. She held my hand.

Parang may pumiga sa puso ko nang makita ang balitang nakuha niya sa isang kakilala. Tsinika raw iyon ng sekretarya ni Micah. May bago na raw itong nililigawan. At hindi iyon si Janice, ang rumored ex-wife. Bago.

Napakurap-kurap ako. I thought I was over it, pero hayun at mukhang kinapos ako sa paghinga. Naubos ko ang more than half of a medium-sized cup ng wintermelon na inorder ko kani-kanina lang. Pinanlamigan pa ako.

"Ikaw kasi, eh. Sabi ko naman, if you still like him, at least give him a chance. H'wag mong ipamukha na hindi mo na siya gusto at NEVER mo na siyang bibigyan ng pagkakataon."

"Shit! What should I do?"

"I like to tell you na go for him at sabihin mo sa kanyang you changed your mind, pero sigurado akong that's kind of off-putting. Baka imbes na ganahan sa iyo ay matu-turn off forever."

"Eh, ano nga!"

Napabungisngis si Felina. "Just let it be. Hintayin mo siyang lapitan ka niya uli. At sana sa susunod ay iparamdam mo na sa kanya ang feelings mo. Pero dapat hindi pa rin obvious, ha? Kasi may mga lalaking nawawalan agad ng interes kapag pinadali mo sa kanila ang lahat."

Napaorder uli ako ng wintermelon. Napa-double take sa akin ang server. That was my third cup na kasi at dumating lang ako after lunch. Alas dos pa lang ng hapon. Inagaw na iyon ni Taba at sinabihan akong quota na ako sa milktea that day.

Nakasakay na ako sa grab pauwi sa amin sa Parañaque nang makatanggap ng text. Inakala ko agad na galing kay Micah iyon. Hindi pala. It was another rejection text. Hindi na naman ako natanggap sa pinag-aplayan kong trabaho.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

Nagulat ako nang may nakita akong komosyon sa bandang reception ng beach resort na kaa-acquire pa lang ng korporasyon namin.

"What's going on?" tanong ko sa isang staff na nagmula sa direksiyong iyon.

"Nagpang-abot po kasi ang isang celebrity vlogger tapos iyong ex daw po ng foreigner na naging nobyo rin ni vlogger. Nagkaroon daw po ng confrontation."

Naintriga ako. Nakatalikod sa amin ang sinasabing dalawang babae, pero mukhang pamilyar sa akin ang tindig ng isa. Nagulat ako nang bigla itong humarap sa akin. She was the last person I thought I would see that day. My heart skipped a beat.

"Shane?"

Napakurap-kurap siya. Mukhang nagulat.

Hindi man lang nag-slow down ang babaeng uma-accuse sa kanya na naging third party daw sa hiwalayan nito at ng Dutch national. Nang maunawaan ko kung sino ang pinag-aawayan ng dalawa napailing-iling ako.

"Sorry, Miss. It's so unfortunate that you were tricked by that guy into believing that he was into you. Ang totoo niyan---"

Binalingan ako ng babae. "Who the fvck are you?"

Napasinghap ang mga staff ng resort. Mamagitan sana sila, pero pinigilan ko. I just let the woman say what she wanted to say at nang matapos ay mahinahon kong pinaliwanagan na kilala ko si Shane. Nagulat siya. Tinitigan niya ako from head to foot and vice-versa. Tapos napahalukipkip siya at dumila sa lower lip niya.

As she was looking at me seductively, I told her how I came to know Shane. Tinaas lang nito ang isang kilay nang mapag-alaman na naunang niloko ng Dutch si Shane.

"He made her believe he was gay. Iyon pala may iba nang ka-relasyon. Everybody was fooled by his drama. Including myself," sabi ko pa.

I stopped myself from revealing more info nang makita kong tila nagpo-protesta na si Shane sa isang tabi.

"Still what this bitch did was unforgivable. Siya ang dahilan ng break up namin ni Thijs!"

"Paanong siya ang dahilan?" malumanay kong tanong.

"She flirted with him. She seduced him, for crying out loud!"

"That's impossible. Nobya ko na siya nang mga panahong sinasabi mo," walang kagatul-gatol kong sagot. Na pinangunutan ng babae. Napasulyap siya kay Shane at sa akin and back to Shane. Si Shane naman ay mukhang na-shock.

"Ito? Naging nobya mo?" May pagdududa ang tono ng babae. May pang-uuyam na rin. "You deserved better, Mister---"

"Contreras. Micah Contreras."

Nanlaki ang mga mata ng bababe. "Micah Contreras? The Micah Contreras?!"

Medyo nagulat ako sa reaksyon niya. Naisip ko na lang na siguro ay nagbabasa siya ng Tatler dahil laging may artikulo tungkol sa pamilya namin doon.

I nodded at her.

"Sabi ko sa iyo, girl, tumigil ka na, eh," narinig kong bulong sa kanya ng isang kaibigang babae. "Paano na tayo niyan ngayon? Are we still staying here?"

"So, you own this resort?"

I nodded again.

At nagbago na ang ekspresyon sa mukha niya. Nawala na ang galit at napalitan na iyon ng kakaibang sweetness. She was giving me an eye. No'n ko binalingan si Shane. Nakatalikod na siya sa amin. Kausap na niya ang isa ring kaibigan.

Nilapitan ko siya, then I addressed everyone in the resort.

"This is the special guest I was telling everyone about. Whenever she's here, treat her like a queen."

At umalis na ako roon.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...