Tatlong Dekada (Filipino)

Oleh abbyliveinlove

383 53 0

Ang TATLONG DEKADA ay koleksyon ng mga tula na aking isinulat noong aking ika-tatlumpung taong kaarawan. Talu... Lebih Banyak

1. SA PAGITAN NG IKAW AT AKO
2. SA PAGITAN NG BAWAT PERO
3. PAGLAYA SA KARIMLAN
4. PAGSIBOL
5. UMIINDAP-INDAP NA LIWANAG
6. MGA TRAYDOR NA ALAALA
7. LATAY AT HAGUPIT NG BUHAY
8. PAMBANSANG THIRDWHEEL
9. BAKURAN NG PANGARAP
10. PARANG KAYO PERO HINDI
11. PARA SA'YO
12. ANG MGA KAIBIGAN NA HINDI MO NAKIKITA
13. SAMPUNG BAGAY NA NATUTUNAN KO PAGKATAPOS MABIGO
15. HANGGANG KAILAN KA MAGIGING MATAPANG?
16. MULING PAGTATAGPO
17. TELESERYE NG TUNAY NA BUHAY
18. "KARERA"
19. ANGKLA SA PAGLALAYAG
20. MULING BUKSAN ANG PUSO
21. SAGOT SA PANALANGIN
22. PAGKAWALA SA KAHON
23. PAGYAKAP SA KAPATAWARAN
24. E S P A S Y O

14. MAYROON NGA BANG HINDI PA NAGPAALAM SA PAG-IBIG?

12 2 0
Oleh abbyliveinlove


May nagmahal bang hindi nagpaalam?

Maaaring isa ka sa mga natagpuan na.

Maaring isa ka sa mga nakatagpo na.


Pero ni minsan ba,

masasabi mong 

hindi ka pa nagpaalam?


Nagpaalam sa unang pag-ibig.

Nagpaalam sa kaibigan na di ka inibig.

Nagpaalam sa pag-asa sa wala.


Nagpaalam sa malabong usapan.

Nagpaalam sa pagiging pangalawa lang.

Nagpaalam sa hapdi ng panloloko.


Nagpaalam sa latay ng kataksilan.

Nagpaalam sa lapnos ng pagbubulag-bulagan.

Nagpaalam ka, pinalaya mo ang sarili mo.


Maaring di mo pa natatagpuan ang nararapat para sa'yo.

Maaring di mo pa nahahanap ang sagot sa panalangin mo.

Pero p'wede kang magpaalam para sa sarili mo.


Puwede kang magpaalam para sa paghilom.

Puwede kang magpaalam para sa paglaya.

Puwede kang magpaalam para sa pag-asa.


Pag-asa na isang araw, 

muling mabubuo ka.

Isang araw, magiging masaya ka.


Sa pagkakataon na 'yun mas magiging matatag ka na.

Sapagkat bumangon ka nang di umaasa sa iba.

Babangon ka nang may ngiti sa bagong umaga.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

137K 520 28
(completed) Gusto ko lang ibahagi sainyo ang aking tula na ginagawa.
40.5K 659 98
Koleksiyon ng mga tulang bunga ng kalayaan kong magpahayag ng sariling opinyon at damdamin tungkol sa lahat ng nakikita, naririnig, nararamdaman, nal...
10.3K 1.2K 38
Koleksyon ng mga tula. Kwentong nakabalot sa bawat talata. Basahin ang kwento ng kalapastangan ng araw, luha ng ulap, at lihim ng buwan sa "Araw, Ula...
1.4K 77 45
[COMPLETED] Unsent and Untold.