Muli tayong magkita.
Kapag ang unos ay humupa na.
Kapag ang direksyon ng hangin ay nag-iba.
Kapag ang mga sugat ay naghilom na.
Muli kang magpakilala.K
apag ang takot ay nawala na.
Kapag ang pagdududa ay binitawan na.
Kapag ang kalungkutan ay lumipas na.
Muli tayong magmahalan.
Kapag wala ng ibang masasaktan.
Kapag may paglago sa gitna ng kabiguan.
Kapag may paghilom sa kabila ng di pagkakaunawaan.
Muli tayong magkita.Muli kang magpakilala.
Muli tayong magmahalan.
Sa pakakataon na 'yon,
sana wala ng paalam.
![](https://img.wattpad.com/cover/293908906-288-k800304.jpg)
YOU ARE READING
Tatlong Dekada (Filipino)
PoetryAng TATLONG DEKADA ay koleksyon ng mga tula na aking isinulat noong aking ika-tatlumpung taong kaarawan. Talumpung taon. Tatlumpung tula. Naging inspirasyon ko sa pagsusulat nito ay ang aking personal na kuwento nang pagpapatawad, pagpapakatatag, pa...