Maraming aral mula sa kahapon
yakapin mo ito sa'yong pagbangon.
Ang sarili'y palayain mula sa kahon.
Bitawan ang masasakit na alala
sa bawat paglingon.
Ang bawat umaga ay panibagong pagkakataon.
Walang hindi mararating na destinasyon.
Kaya sana sa mundo ang iyong maging tugon.
"Lalaban pa ako, hindi pa tapos ang kuwento ko".
BINABASA MO ANG
Tatlong Dekada (Filipino)
PoetryAng TATLONG DEKADA ay koleksyon ng mga tula na aking isinulat noong aking ika-tatlumpung taong kaarawan. Talumpung taon. Tatlumpung tula. Naging inspirasyon ko sa pagsusulat nito ay ang aking personal na kuwento nang pagpapatawad, pagpapakatatag, pa...