Nakakatakot nang ipakita sa mundo na masaya ka.
Laging may gagawa ng paraan para wasakin ka.
Mga taong laging naghihintay na sumablay ka.
Habang ikinukubli nila sa tapang ang mga dungis nila.
Madalas yung hangdang dumurog sa'yo
ang tunay na bilanggo ng kalungkutan.
Natatakot sila na tuluyang maiwanan.
Hindi matanggap na sila lang ang nasa karimlam.
Kaya sa susunod na madapa ka at mapagtawanan.
Ngumiti ka pa rin sa kanila nang may tapang.
Humarap ka sa mga taong mapanlinlang.
Ipanalangin mo pa rin ang tunay nilang kaligayahan.
Sa pagyakap sa pagpapatawad ay may kapayapaan.
Sa pagkakaloob ng pag-unawa ay may kalayaan.
YOU ARE READING
Tatlong Dekada (Filipino)
PoetryAng TATLONG DEKADA ay koleksyon ng mga tula na aking isinulat noong aking ika-tatlumpung taong kaarawan. Talumpung taon. Tatlumpung tula. Naging inspirasyon ko sa pagsusulat nito ay ang aking personal na kuwento nang pagpapatawad, pagpapakatatag, pa...