(1)
Madalas yung matagal nating hinihintay
hindi natin nakikita dahil nakatingin tayo sa iba.(2)
May mga pagkakataon na piniling pakawalan.
May mga pangarap na nagdulot ng kabiguan.(3)
Ang iba ay natatakot madapa sa pagsulong.
Mga pangarap nila'y sa hangin na lamang ibinubulong.(4)
Hindi mo maabot ang mga tala kung lagi mo lamang tatanawin. Hindi mo matutuklasan ang panibagong mundo
kung dagat ay di mo sisisirin.(5)
Huwag kang tumingin sa nakikita lamang ng iyong mga mata. Hanapin mo ang kahulugan sa pagitan ng bawat letra.(6)
Maging sa pangarap ay may mga pintuang nagsasara. Sapagkat sa landas na di mo inakala,
doon pala'y nakatadhana ka.(7)
Huwag matakot kumilos patungo sa pangarap.
Huwag hayaan na kabiguan ay pilayin ang iyong mga pakpak.(8)
Hindi ka man makalipad ng matayog sa ngayon.
Ang mahalaga ay hindi ka tumitigil sa pagsulong.(9)
Sugatan man at masakit ang buong kalamnan.
Walang makakatinag sa puso
na sigurado sa kanyang ipinaglalaban.(10)
Ano man ang iyong pinagdadaanan:
makulimlim man ang iyong kalangitan,
o ang araw ay unti-unti mo nang nasisilayan,
lagi mong piliin ang kabutihan.
YOU ARE READING
Tatlong Dekada (Filipino)
PoetryAng TATLONG DEKADA ay koleksyon ng mga tula na aking isinulat noong aking ika-tatlumpung taong kaarawan. Talumpung taon. Tatlumpung tula. Naging inspirasyon ko sa pagsusulat nito ay ang aking personal na kuwento nang pagpapatawad, pagpapakatatag, pa...