May mga laban
na mahirap aminin
sa sarili.
May mga tao
na hindi pa handa
kaya nagkukubli.
Hindi man maihayag
ang pangungulila
sa bawat gabi,
naipaglalaban naman
ang pag-ibig
hanggang sa huli.
Pag-ibig,
na hindi man
maipagsigawan sa lahat.
Sapat naman ang apoy
na lumalatay sa balat.
Nagniningas ang tapang
na manatiling matatag.
Natatakot lang
na may masaktan
pero hindi naman naduduwag.
Inihahanda lang ang mga puso
para kalasag ng pag-ibig
ay di mabuwag.
Sa ngayon,
nakatagpo sila
ng sarili nilang mundo.
Isang maliit
at payapa
na espasyo.
Malayo sa ingay
at panghuhusga
ng ibang tao.
Isang araw,
maiwawagayway din
ang watawat
na patotoo,
mas maliwanag ang buhay
kung ang pag-ibig
ay may iba't ibang kulay.
KAMU SEDANG MEMBACA
Tatlong Dekada (Filipino)
PuisiAng TATLONG DEKADA ay koleksyon ng mga tula na aking isinulat noong aking ika-tatlumpung taong kaarawan. Talumpung taon. Tatlumpung tula. Naging inspirasyon ko sa pagsusulat nito ay ang aking personal na kuwento nang pagpapatawad, pagpapakatatag, pa...