My Personal Yaya

Od Eibhline

10.5K 953 65

May isang babaeng nag ngangalang Alisha Vargas, o mas kilala bilang Ali. Isang simpleng babae na ang hangad l... Více

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 19

166 18 0
Od Eibhline

Chapter 19

“Hahaha...”

Sumimangot ako ng pinagtawanan ako ni ate Risa ng ikinukuwento ko sa kanya ang pag inom ko ng alak no’ng nakaraang gabi. Nakaupo kami ngayon dito sa may high stool nagpapahinga matapos maglinis ng bahay. Ibig kung sabihin ay si ate Risa lang pala ang nagpapahinga dahil siya naman halos lahat gumawa, tinulungan ko lang siya sa iba.

“Ganon talaga kahit sino naman mapapangitan sa lasa kapag una palang. Gano’n din ako, eh.”

“Oo nga, ‘yan ‘yun sabi ni Sir Zach sa akin.”

“Diba sabi niya Zach lang daw itawag mo sa kanya. Pagnandito yun at marinig ka  susupladuhan ka nanaman non.” Nagngising aso siya.

Inirapan ko siya na tinawanan lang ako pabalik.

“Tss, nakakailang kasi ate Risa. Kayo may Sir pagtinatawag siya ako wala… parang…ay ewan basta okay na ako doon sa suplado mood niya.”

“Hmm…” Umigos siya.

“Hay, guys…” Sumalampak ng upo si Kary sa tabi ko. Nilagay niya ang malaking plastic bag sa ibabaw ng lamesa tsaka tamad na pumangalumbaba.

Binigyan ko siya ng isang basong tubig na agad niya namang ininom. Naka uniform pa siya at nakikita ko ang pumupunong pawis sa kanyang nuo. Mayamaya sumunod sa kanya si manang Koring na agad tinulungan ni ate Risa sa mga dala nito.

“Anong nangyari sayo at ganyan ang itsura mo?” tanong ko kay Kary ng nakangiwi.

“Kary, magbihis ka na doon, wag mong patagalin ang damit mong basa sa katawan mo uubuhin ka n’yan.” Saway sa kanya ni manang Koring ng makitang hindi pa ito nagbibihis.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at basta na lang bumaba sa kanyang kinauupuan at tamad na naglakad papuntang silid nila. Tumingin ako kay ate Risa na inilingan lang ako. Nagkibit balikat ako at tinulungan na siya sa paglalagay  ng iba sa ref na pinamalengke ni manang Koring.

“Ihiwalay niyo na ang rekados ng menudo at kari-kari at maya maya ay ihahanda ko na yan, magluluto na ako.” Tumango lang kami ay pinagpatuloy ang ginagawa.

Maya maya pa ay lumabas na si Kary sa kanilang silid na gano’n pa rin ang postura—tamad na tamad na naglalakad. Sinundan namin siya ng tingin. Tamad niyang kinuha ang mga prutas at nilagay sa area nito.

“Kary okay ka—”

“Meron ako, wag kayong makulit!”

Nang maintidihan namin ang sinabi niya ay hindi na kami ng nakialam pa sa kanya at pinabayaan siya.

“Nay Koring, bakit ang dami niyo yatang lulutuin ngayon?” tanong ni ate Risa.

“Dadating ang mag asawang Torres.” Simpleng sagot ni manang Koring.

Napasinghap ako, buti na lang nakapaglinis kami—si ate Risa—kanina. Darating pala ang mag asawang Torres ngayon.

Tinutulungan ko si ate Risa sa paghihiwa, ako sa sibuyas at bawang at siya naman ay sa mga gulay tulad ng sitaw at talong. Hinahanda namin ang rekados para sa kari-kari dahil naunang tuluin ni manang Koring ang menudo kaya ito na ang isusunod. Wala si Kary dahil nasa kanilang silid ito nagpapahinga at masakit raw ang kanyang puson. Hindi na namin inabala pa at hinayaan na lang siya.

At tulad nga ng sabi ni manang Koring dumating nga ang mag asawang Torres. Magtatakipsilim na ng makarinig kami ng makina ng paparating na sasakyan. Ako na ang nagbulontaryong magbukas ng pinto at sasalubong sa kanilang pagdating. Dahil wala yatang balak si ate Risa na busy sa kanyang ginagawa gano’n din sa manang Koring.

“Magandang gabi po…” Bati ko sa mag asawang Torres ng pagbuksan ko sila ng pinto.

Hay!...wala pa nga pala rito si Sir Zach. Patay anong sasabihin ko pag nagtanong ang mommy niya. Dapat kasi sinasabi niya sa akin kung may lakad siya o wala, eh. Tungkulin mo ‘yun Ali dapat ikaw ang nagtatanong. Itetext ko na lang siya, naaalala ko yun cellphone na bigay niya nga pala ay may number niya. Tama.

“Good evening to you too, Ali.” Bati ni ma’am Celine pabalik sa akin.

Tulad ng dati ay tango lang ang tugon sa akin ni Mr. Torres.

Sinara ko ang pintu ng tuluyang na silang nakapasok sa loob ng bahay.

“Ah, by the way where is my son? Is he here?” nakalingon si ma’am Celine ng magtanong siya sa akin. Nakaangkla ang isang braso niya sa braso ng kanyang asawa habang ang isang kamay niya naman ay humahaplos dito. Si Mr. Torres naman ay may kausap sa kanyang cellphone na tulong siguro sa kanilang kompanya dahil narinig kung may sinabi siyang ‘Investor’.

Nakangiti sa akin si ma’am Celine.

“On the way na po siguro si Sir Zach dito.”

Tumango lang siya sa akin at hindi na nagtangkang magtanong pa ulit.

“Magandang gabi Mr. And Mrs. Torres. Tatawagin na lang po namin kayo paghanda na ang pagkain.” Sabi ni manang Koring ng bigla siyang lumabas galing sa kusina at binati ang aming amo.

Napahinto sa akmang pagtapak sa ikalawang baitang ng palapag ng hagdan ang dalawa para bumati rin pabalik sa kanilang mayorduma. Ako na may ay excuse sa pag alis at nagmamadaling naglakad patungo sa aking silid. Nang makapasok ay agad akong nagtungo sa aking kama, iniangat ko ang unan at kinuha roon ang cellphone ko—na bigay ni Sir Zach—para magtext sa kanya.

To: Sir Zach

Sir Zach. Pauwi na po ba kayo? Nandito ang parents mo.

Inabot yata ako ng tatlong minuto sa pagtatype lang. Sensya naman hindi pa talaga ako sanay dito, eh. Pagkatapos kung ma-hit ang send ay nag antay pa ako ng ilang minuto doon. Baka sakaling mabasa niya agad at replayan ako. Pero umabot na ang ilang minuto na wala pa rin ay nagpasya na akong lumabas na at dalhin na lang ang cellphone. Para kung magreply man siya ay malalaman ko agad.

Pagbalik ko sa kusina ay nakita kung nilalagay na ni manang Koring ang mga gulay na hiniwa kanina ni ate Risa. Nagtungo ako kay ate Risa na nalalagay na ng plato sa ibabaw ng placemats. Tinulungan ko siya ako naman ay sa baso at nilalagyan ko ito ng juice at ang isa naman ay tubig lang.

“Paki tawag na sila ma’am. Risa.”

Agad namang tumalima ai ate Risa matapos niyang ilagay ang lalagyan ng kanin sa lamesa. Saktong pagbalik ni ate Risa ay tapos na kami.

“Pababa na sila.” Aniya.

Tumango lang kami sa sinabi niya.

“Wala pa ba si Zach?” tanong ni ma’am Celine ng makaupo siya sa kanyang upuan sa kanan sa tabi ng kanyang asawa na nakaupo sa puno nito.

“Wala pa po ma’am Celine, eh.”

Nakita kung umiling si Mr. Torres sa isinagot ko sa tanong ng kanyang asaw. Parang desmayado ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tiningnan naman siya ni ma’am Celine at ngumuso ng makitang nakatingin sa kanya ang kanyang asawa.

Pasimple kong Kinuha sa likod ng bulsa ng suot kung maong short pants ang cellphone ko. Binuksan ko iyon at tiningnan kung may reply na ba si Sir Zach pero wala kaya binalik ko na rin iyon agad sa bulsa ko.

Magkatabi kami ni ate Risa na nakatayo dito sa gilid nila sa kanilang dining room. Nag aabang sa kung ano mang ipag uutos nila sa amin. Habang busy sa pagkain ang mag asawang Torres ay bumulong si ate Risa sa akin.

“Ang ganda naman ng cellphone mo, Ali.”

Nakangiwing tumingin ako sa kanya at binulungan rin siya. Nasa hapag pa rin ang tingin namin alerto kung mag uutos man ang aming amo.

“Oo nga, pero hindi ko pa naman maalam gamitin.”

“Huh?”

Umiling ako sa kanya.

“Wala” Kumunot ang kanyang nuo na nginitian ko lang.

Papatapos ng kumain sila ma’am Celine ng dumating si Sir Zach. Nakita ko ang gulat niyang ekspresyon ng makita ang kanyang dad na nandoon sa hapag. Mabilis lamang iyon at napalitan agad ng blankong ekspresyon.

“Oh, son….”

“Mom.”

Lumapit siya sa kanyang ina at hinalikan ito sa kanyang pisngi. Hinalikan at hinagkan rin siya pabalik ng kanyang ina. Doon na rin siya umupo sa tabi ng kanyang mommy, kaya dali dali kung nilagyan doon ng plato at nilagyan ito ng pagkain.

Nararamdaman ko ang namumuong tensyon sa silid kung saan ang kinaruruonan namin. Lalo na sa pagitan ni Mr. Torres at sa anak niyang si Sir Zach. Na hindi man lang pinansin ang kanyang ama at mukhang wala man lang pakialam dito kung andon man ito o wala.

Nagulat ako ng tumayo si Mr. Torres. “Bilisan mong kumain dyan. Then, after that go to our library. I am going to talk to you.” Sabi ni Mr. Torres gamit ang authorative voice. Tsaka ito naglakad paalis doon.

Ngayon ko lang yata siya narinig na nagsalita ng gano’n kahaba ang sinabi niya. Sa pang–katlong na beses na nakita ko siya dito sa kanyang bahay ay itong pang apat na nakita ko siyang nagsalita ng gano’n kahaba. Puro maiikling salita lang kasi ang naririnig ko sa kanya eh. At masyado siyang pormal at maotoridad kapag magsasalita siya.

Hawak ko ang baso habang sinasalinan ko ito ng juice. Sinundan ko ng tingin ang pag alis sa kusina ng haligi ng kanilang tahanan. Kaya tuloy ng bumaling ako sa hawak kung baso ay may unting tapon na ito sa lamesa.

“Don’t worry about your dad, just eat there, okay. I’ll follow your dad.” Sabi ni ma’am Celine at bago siya tumayo at umalis sa kanyang kinauupuan ay hinalikan niya muna ang kanyang anak sa sintido nito.

Nang bumaling si Sir Zach sa akin ay nakita niya akong pinupunasan ang juice na natapon sa lamesa.

“Tss.”

“Sorry…”

Nagsimula na siyang kumain at pagkatapos niya ay agad siyang tumayo at umalis doon. Sinundan ko siya ng tingin at kita ko ang pag igting ng kanyang bagang. Na para bang may pupuntahan itong ayaw, at kapag siya’y kinanti o kung sinuman ang kumalaban sa kanya ay agad niyang mapapatumba.

Napailing ako.

Siguro higit pa dito ang makikita kung ekspresyon niya kapag tunay na galit talaga siya.

Nakakatakot naman.

Kinabukasan pagka alis ng sasakyan na kinalilulanan ng mag asawang Torres ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Nang mapatingin ako sa malaking wall clock nila sa may living room. At, makita na isang oras na lang bago ang oras ng pasok ni Sir Zach ay naisipan kung gisingin na ito. Kaya dumeristyo na ako paakyat sa ikalawang palapag para matungo ko na ang kwarto ng alaga ko. Tss!

Nang nasa ikalawa sa huling baitang na ako ng hagdan sa taas ay napatigil ako. Ang isa kung kamay ay napahawak sa barandilya ng hagdan at ang isang kamay ko naman ay napahawak sa aking nuo. Dahil sa pagbangga ko sa matigas na bagay at ang matigas na bagay na iyon ay ang abs ni Sir Zach.

Nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko si Sir Zach. na nakakunot ang nuong nakatingin sa akin. Naka sandong puti siya at boxers short lang. At dahil nasa mataas na baitang siya ng hagdan ay nakatingala ako sa kanya. Habang siya naman ay nakatungo ng bahagya ang kanyang ulong nakatingin sa akin. 

“Sir Zach kayo pala. Papunta pa lang sana ako sa kwarto niyo, para katukin kayo eh. Akala ko tulog pa kayo.”

“Well, you don’t have to knock on my door. You see I already in front of you.”

Asuuus nagsusuplado na naman itong alaga ko. Mukhang hindi yata maganda ang tulog nito. 

“Stop smiling, it gives me goosebumps!” Hindi ko namalayan na nakalagpas na pala siya sa akin. At lalong hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako! “...seems like you’re thinking something in your mind that I’m the subject. I am right? Alisha?” Sabi ni Sir Zach habang pababa siya ng hagdan.

“Grabe ka Sir Zach. Hindi, ah…” akila ko. Habang sinusundan ko siya pababa ng hagdan.

“Uh ha… keep denying.”

“Wala naman talaga.”

Inunahan ko siya sa paglalakad. Narinig ko naman ang marahan niyang tawa kaya nilingon ko siya at pinanliitan ng mga mata. Tumaas naman ang kanyang kilay at may sumusipil na ngiti sa kanyang mapupulang labi. Na para bang pinipigilan nito ang pagtawang pang aasar sa kanya.

“Hmp…!”

“Ingat ka Sir Zach!”

Tinitigan ko ang papaalis na sasakyan ni Sir Zach. Bumusina siya bago mabilis na pinaharurot ang kanyang sasakyan. Mabagal akong bumuntong hininga habang tinatanaw ang, papawala ng sasakyan ni Sir Zach. May ingit na unti unting namamayani  sa akin kalooban.

Naiingit ako kay Kary dahil kahit na gano’n na mahirap ang buhay nila, ay sinisikap niyang makapagtapos ng pag aaral. Sumama siya kay manang Koring dito sa Manila para tulungan itong maghanap buhay. Nagtatrabaho siya at the same time ay nag aaral siya.

Gusto ko rin sana ang gano’n, gusto kung ipagpatuloy ang pag aaral ko kung sana lang…  pero, bakit hindi diba? Katulad kay Kary nagtatrabaho siya at nag aaral din. Puwede kung gawin rin iyon, kaso nga lang wala akong pera para doon — hindi iyon kasama sa budget ko. May pera nga ako pero para ito sa pagpapaopera ni mama. Hindi pa ito sapat para sa operasyon niya given na nakakasimula ko palang sa trabaho ko. Tsaka na siguro iyon, pagkatapos kung makaipon ng pera para kay mama — para sa operasyon niya. Siya muna ang prayurity ko sa ngayon, tsaka ko na iisipin yan pagmaayos na ang lahat at pagnatiyak ko na okay na talaga si mama. Siguro doon ko palang iisipin ang sarili ko sa ngayon siya muna bago ako.

Ginagawa ko ito para sa kanya, magtatrabaho ako na siya ang insperasyon ko.

Pangalawang araw matapos ang huling pag uwi ng mag asawang Torres, ay umiwi rin ito ng araw na iyon. Mukhang napapadalas na yata ang pag uwi dito ng mag asawang Torres ah. Oh well…

“Kary, kumuha ka nga ng wine at dalawang wine glass at dalhin mo ito sa library.” Utos ni manang Koring.

Tinigil naman ni Kary ang kanyang ginagawang pagpunas ng tuyo sa plato at walang salita na sinunod ang utos ng kanyang nay Koring. Ako ang pumalit at tinuloy ang ginagawa niya. Makailang minuto ay bumalik rin siya at sinabi niyang gusto raw akong makausap ni ma’am Celine.

“Bakit daw?” tanong ko.

Nagkibit balikat siya. “Hindi ko alam eh. Ang sabi lang sa akin ay papuntahin daw kita doon at gusto ngang makausap.”

“Pumunta ka na lang Ali para malaman mo kung bakit.” Sabi ni ate Risa na ngayon ay pinupunasan ang kanyang kamay dahil tapos na siyang maghugas ng mga kubyertos.

Tumango ako.

Ano kaya iyon? Bakit nila ako gustong makausap? Kinabahan naman ako bigla.

Huminga ako ng malalim ng nasa harapan na ako ng pintu ng library nila doon sa second floor. Inayos ko ang sarili ko, sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko at isa pang beses na huminga ng malalim bago ako kumatok sa pintuan.

“Come in!” boses ni ma’am Celine ang narinig kung nagsalita mula sa loob.

Bumuga ako ng hangin bago unti unting tinutulak papasok ang pintuan. Nang tuluyan ko ng nabuksan ang pinto ay bumungad sa akin ang pagkarami raming libro na nakalagay sa naglalakihang estante. Malamang library nga eh tss!

“Have a seat, hija.”

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita kung nakaupo si ma’am Celine sa visitor chairs, sa harap ng lamesa doon. May naka engraved sa transparent glass na nakapatong sa ibabaw ng lamesa na pangalan ni Mr. Charlie Torres at sa ibaba nito ay ang CEO. Habang, ang nagmamay-ari ng pangalan ay nakaupo sa swivel chair sa likod ng lamesa.

Nahihiyang akong naglakad papasok at umupo sa harapan na upuan ni ma’am Celine. Pinalibot ko ang paningin ko, ngayon palang ako nakapasok dito kaya namamangha ako sa bawat nakikita at madadapuan ng mga mata ko. Ang kulay ng silid ay naglalaro lang sa dalawa — brown at puti.

Tumikhim si ma’am Celine kaya napaayos ako ng upo at tumingin sa kanya.

“What year did you stop from studying, hija?” tanong ni ma’am Celine.

Kumunot ang nuo ko, nalilito sa biglaan niyang tanong. Gayumpaman, ay sinagot ko pa rin ito.

“A-Ah… senior high po. B-Bakit po?” tumango tango si ma’am Celine habang si Mr. Torres naman ay tumayo sa kanyang kinauupuan ng tumunog ang cellphone nito para sa tawag.

“Do you want to continue your study? I mean if you were given a chance, do you still… you know… grab it and continue your study?”

“Sa totoo lang po, hati po ang isip ko d’yan.”

“And what is that? Care to tell me.”

“Ahm siguro po kung may oportunidad na dumating ay igagrab ko po ang oportunidad na ‘yon. Syempre, po gusto ko pong ipagpatuloy ang pag aaral ko, yun po ang pangarap ko ang makapagtapos ng pag aaral. Para nama po matulungan at maibalik ko po kay mama ang mga sakripisyong nagawa niya para sa akin. Pero po parang hindi po yata gusto ng oportunidad na iyon, hindi ko man po gusto, kailangan ko pong tumigil sa pag aaral. Para po magtrabaho at kumita ng pera para po makaipon pampaopera ni mama ko po.”

“Hmm… so you’re here in Manila to work at the same time to save money for your Mama?”

“Opo.”

“So, what if I’ll tell you that I will going to sponsored so you can continue your study.” Sabi ni ma’am Celine na kinagulat ko. 

Umawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Ito na yun eh yun oportunidad. Kung totoo nga ang sinasabi ni ma’am Celine na iisponsoran niya ako para maipagpatuloy ko ang pag aaral ko, na siguro naman akong gagawin nga niya pag nagkataon.

Ito na yun eh, ang pangarap ko maipagpatuloy ang pag aaral ko.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

92K 1.7K 41
[FIRST BOOK OF THE MAFIA SERIES] ******* "Ivan." "Queen. I need to tell you someth-" "Its fun playing with you Ivan." "Ivan. I need to end this game...
481K 14.1K 109
Paano kung may biglang dumating na blessing sayo? Isang batang di mo naman ka-ano ano? You will a take risk to save his life? You will take the respo...
303K 9.9K 113
[FIN] Simpleng babaeng 4'M, maharot, maharot, maharot at maharot! Nagbakakasakaling makahanap ng trabaho sa Maynila ang kanyang last choice, at kung...