QUEEN SERIES #3: THE MILK TE...

By Gretisbored

26.1K 2.7K 458

She came to Edward's for their to-die-for milk teas. She never thought her secret trips to the store would br... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
EPILOGUE

CHAPTER TWENTY-FIVE

498 60 14
By Gretisbored

Shane Andrea Juarez

Hindi ko maintindihan si Micah. Lately ay lagi na lang siyang nagpapakita sa akin. One time nang pumunta kami ni Ate sa Rustan's sa Makati, bigla na lang naming nakasalubong at inanyayahan kaming magkapatid na magkape sa Starbucks. Kung ako lang, hindi ako sumama. Kaso si Ate ay atat. Siya pa ang kinilig. Nang pauwi na nga kami pinagsabihan ko siya.

"Ate naman, eh. Parang pinaparamdam mo sa tao na welcome pa rin siya sa buhay ko."

"Hindi ba?"

"Hindi na. Matagal nang hindi."

"Sus, kunwari ka pa. Umamin ka na at nang matapos na ang paghihirap mo."

"Ano'ng aaminin ko? Tsaka hindi ko matanggap ang ginawa niya sa akin noon. Kung kailan convenient sa kanya saka siya makikipag-close. He led me on. Basta. Ayaw ko na sa kanya!" And I pouted. Sinulyapan ako ni Ate habang nagmamaneho. Napangiti siya.

"Ganyan din ako noon kay Roark. Pero nang hinayaan ko na lang ang puso ko to lead the way, naging smooth-sailing ang lahat."

"Iba naman ang sa inyo. Ever since ay sinabi ni Kuya Roark na gusto ka niya. He never played a game with you."

"Ano ka? Akala mo lang iyon! Hindi ba't he made me fall for him muna as a taxi driver bago niya inamin na kanya pala iyon at pinagpahinga niya lang ang tunay nilang driver just to have fun? I made a fool of myself dahil one time nag-drama pa akong ayaw ko sa mga poor. Umiyak-iyak ako. But then I said I couldn't help myself from falling for him, too. Kaya ang sabi ko papag-aralin ko siya para nang sa gano'n ay magkaroon ng better opportunities. Iyon pala may MBA na sa Wharton! Ang tawa nga niya secretly no'n."

Napangiti na rin ako. Ilang beses ko nang narinig ang kuwentong pag-ibig ni Ate pero every time ay kinikilig pa rin ako. It took us a long time to click as sisters, pero nang magkasundo kami na-notice kong my ate is so much fun to be with. Parang Eula na may halong Keri at Felina. Lalong lumawak ang ngiti ko nang maalala ang mga kaibigan ko.

Speaking of Eula, may nire-rekomenda na naman ang bruha sa akin. Relative daw ni Sir Maurr. Guwapo rin naman kaso hindi ako mahilig sa blond. Exception to the rule nga lang si Thijs noon. Saka ayaw ko ng walang dugong Pinoy. After Thijs, napagtanto ko na mahirap makipagrelasyon sa isang banyaga. Lagi kang nangangapa kung ano ba ang ibig sabihin ng kilos nila. Heto nga si Micah na half-Russian lang mahirap ding alamin minsan ang pag-uugali. How much more ang puro?

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang maka-receive ng isang text message. Napaupo ako nang matuwid nang mapag-alamang galing iyon sa isang advertising company na pinag-aplayan ko noong isang araw.

"Yiiiieeee!" naisigaw ko nang mabasa ang mensahe. Iniimbitahan daw ako sa isang interview. Napasulyap uli sa akin si Ate.

"Nag-propose na naman ba si Micah sa iyo through text?" kantiyaw niya.

"Hindi no!" I pouted. "Better than that! I was shortlisted! May interview ako bukas sa O&T Advertising Company!"

"Ano bang in-apply mo diyan? Taga-timpla ng kape?"

"Of course not! You are now looking at O&T Advertising's future Account Executive!"

"Yabang! Gagawin ka lang utusan do'n eh. Saan ka naman nakakita ng company na magha-hrie ng fresh grad para sa Account Exec nila?"

Naisip ko rin iyon nang kino-compose ko ang cover letter para mag-apply sa trabahong iyon. Pero mayroon naman akong magandang portpolio. Sa ad agency kung saan ako nag-internship, I worked directly under their account executive. At bilang training ko and my co-interns kami mismo ang gumawa at nag-manage ng budget ng isa sa pinakamalaki nilang clients, ang well-known real estate company. Ako pa ang naatasan to coordinate with the client para maging smooth-sailing ang proseso ng paggawa ng ad para sa kanila. The ad we created for them was well-received by the public. Nabigyan nga ang team na kinabibilangan ko ng recognition for it. Marahil iyon ang dahilan kung bakit ako na-short list.

Pagdating namin sa bahay sa Parañaque, nauna pa si Ate na magbalita no'n kina Mom and Dad.

"Congratulate your bunso. She is going to be O&T Advertising Company's Account Executive soon!"

"Hoy! Ano ba! Naakainis ito!"

Namilog ang mga mata ni Mommy. Para sigurong nakakita ng cash register sa mukha ko. Niyakap agad ako at maluha-luha akong binati. Sinaway silang lahat ni Dad dahil baka raw mausog ang swerte. Iyon nga rin ang naisip ko.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

"She applied for a job at your company?" paniniguro ko kay Olezka.

"Hindi ba iyon nga ang sinabi namin?" sagot ni Toby at kunwari'y itinirik ang mga mata.

"Hire her," sabi ko agad. Nakangiti.

"Ba't naman namin gagawin iyon? Unang-una, she's a fresh graduate. Oo may relevant internship experience siya sa karibal naming ad agency, pero wala siyang work experience. Iba naman kasi ang internship sa tunay na work experience," ani Olezka.

"Saka mukhang pushover ang babaeng iyon, eh. Baka mapaglaruan lang ng mga sira-ulong kliyente. We want somebody assertive," sabat naman ni Toby.

"C'mon. Favor n'yo na rin sa akin ito."

They glared at me before leaving me at our breakfast table. Nasa bahay kami ni Lolo nang araw na iyon. Kada Sabado at Linggo, as much as possible, ay binibisita namin ang matanda. Bagama't nagka-stroke ito ng mga magdaang taon, he didn't look frail. Katunayan, ibang-iba siya ngayon kaysa sa pinakita niyang kalagayan ng kanyang kalusugan four years ago. Tama nga ang mommy. Drama lang ni Lolo ang lahat para mapilitan akong mag-asawa. Nang makitang hindi naman umobra pati na ang pagrereto sa akin kay Janice, natigil din. Kaso nga lang palagi akong sina-silent treatment. Bukod pa iyan sa pagbawi niya sa kalahati na pinamana sa akin.

Speaking of mana, simula nang hatiin nang patas ang mga mana sa aming tatlong magpipinsan, nawala na rin ang death threats na halos ay araw-araw kong natatanggap. Bukod doon, wala na ring nagpapadala ng kung anu-anong morbid packages sa bachelor's pad ko. Ang suspicion ni Mommy na may gawa no'n ay ang mga pinsan ko o di kaya ang aking mga tetyas. It's not important to me now. Ang importante wala na akong inaalala. Ang kaso lang, Mom hated it. I mean ang paghahati ng mana in three equal parts. Para sa kanya unfair iyon dahil para raw sa akin dapat ang two-thirds ng property at cash deposits ni Lolo sa bangko.

Nakaalis akong Batangas na hindi kinikibo ng aking abuelo. Wala ring linaw sa usapan namin ng mga pinsan ko kung bibigyan nila ng special treatment si Shane. I was hoping they would. Confident kasi akong magagampanan naman niya iyon nang maayos. Sa loob ng kung ilang taon kong pag-o-obserba sa kanyang progress sa school, I have come to realize na hindi siya brat at may disiplina sa sarili. Higit sa lahat, she has a lot of potential in advertising. Katunayan, idea niya ang naging ad campaign para sa isang kilalang real estate company. Ang dinig ko sa mga staff namin, that ad campaign raised the sales of that company by more than fifty percent. Medyo naapektuhan ang aming kompanya. Mayroon din kasi kaming negosyo sa real estate. Ito ay mina-manage naman ng pinsan kong si Tobias. Sa akin napunta ang banks, hotels, at high end coffee shops ng pamilya samantalang sa pangangalaga ni Olezka ang advertising company at farm sa Batangas.

"I do not like you being so close with your cousins. You saw what they did to you," salubong agad sa akin ni Mom pagkababa ko sa sasakyan ni Olezka. Nag-hitch na lang ako sa kanila dahil tinamad akong magdala ng kotse pauwi ng Batangas.

I kissed Mom's cheeks and pretended I didn't hear her. Tuluy-tuloy ako papasok sa mansion na iniwan sa amin ni Dad. Balak kong doon muna mag-stay dahil I promised to have dinner with her before I go back to my bachelor's pad.

"I said, stay away from your cousins!"

"Mom, please! Don't start again, okay?"

"Hindi mo ba napansin? Your death threats are gone! Your weird packages stopped coming, too! And that started when your abuelo divided the inheritance among the three of you! Your cousins are evil! So are your tetyas! I do not want you to get close to them anymore! I hate them all!"

Inagaw ko sa kamay niya ang basong may laman ng iniinom na gin. She protested. Pero hindi ko na iyon sinoli pa sa kanya. I told the maids to lock the wine cellar pati na rin ang mini-bar sa bahay. Galit na galit na nagsisigaw si Mom but I took the key from the maid and left the house. Hindi ko na itinuloy ang balak kong pagsabay sa kanya sa dinner table.

Ang gusto ko lang sana ay mag-ikot-ikot sa Makati. But when I saw a familiar-looking car moving towards Greenbelt, sinundan ko ito. Nag-park din ako sa parking area kung saan ito tumigil. I just made sure na may pagitan sa aming kung ilang sasakyan dahil baka mahalata nila ako. Hinintay ko muna silang makababa bago bumaba rin ng kotse. I felt like a stalker. Pero wala rin akong magawa gayong ayaw akong paunlakan lagi ni Shane.

Tama nga ang aking sapantaha. It was her! Kasama niya ang medyo chubby niyang kaibigan. Nagsuot ako ng dark sunglasses before ko sila sinundan. Nang makita kong papunta sila sa isang Japanese restaurant sa fourth floor ng Greenbelt, I called my cousin Olezka. Buti na lang at nasa area pa rin siya. Sinabihan kong samahan niya akong mag-dinner doon para hindi naman ako magmukhang tanga.

"I couldn't believe you are doing this for a girl!" pahayag niya agad pagdating sa area.

"Tell your friend to prepare a table for us," utos ko.

Kaibigan kasi nito ang manager doon. Mahirap magpa-book ng table sa restaurant na iyon dahil laging puno. In fact, kailangan mag-advance booking ng at least one month bago ma-accommodate doon kaya kailangan ko ng influence niya.

Napailing-iling siya habang tumatawag sa kaibigan. Mayamaya pa'y may lumabas na mukhang singkit at kinawayan kami papasok ng restaurant. Nasa loob na rin ang dalawa nang mga oras na iyon. At laking gulat ko nang hindi lang pala sila ang nandoon. Mayroon silang dalawang lalaking kasama! Nakilala ko agad ang Dutch national. Pagkakita ko nga sa kanya pinangunutan ako agad ng noo. Hindi pamilyar sa akin ang mukha ng isa nilang kasamang lalaki. May hitsura rin ito at natitiyak kong ito naman ang date ng chubby niyang kaibigan.

"Ang kupad mo kasi! Kung bakit hindi mo pa pormal na ligawan. What we're doing is so cringey. Masahol pa tayo sa mga nerd teenagers!"

Hindi ko siya pinansin. I was busy trying to pacify my heart. Pakiramdam ko kasi'y parang may himigop bigla sa enerhiya ko. Nawalan na ako ng ganang kumain. Ang gusto ko na lang ay lapitan ang grupo nila para bigwasan sa panga ang kasama nilang Dutch. Pero siyempre, hindi ko ginawa iyon.

**********

Shane Andrea Juarez

I had high hopes nang dumating ako sa opisina ng O&T Advertising sa Ortigas nang umagang iyon. Sabi kasi sa natanggap kong text, they were impressed by my resume.

"Ms. Juarez?" anang receptionist na sumalubong sa akin.

"Yes. I'm Shane Juarez."

Medyo nalungkot ang mukha ng babae. "I'm sorry, ma'am. May na-interview na po sila Sir kanina. Iyon na po ang kinuha namin."

"What?" napataas ang boses ko. Nawala na ang politeness na pinraktis ko nang ilang beses. "I woke up pretty early for this. I prepared for this interview."

"I'm sorry, ma'am. Kung gusto n'yo I have another position for you to apply to. Nag-i-interview na rin kami ngayon para sa copyeditor."

Tiningnan ko nang ilang saglit ang papel na hawak niya. Kaunti lang din ang deperensya ng salary offer. At sa kanila pa rin ang work. Pero hindi iyon ang pinunta ko roon nang araw na iyon.

"Who's interviewing for this Account Executive position?" tanong ko. Hindi ko pinansin ang sinasabi niyang another job vacancy nila.

"Our CEO himself, ma'am." Medyo kinakabahan na rin ang babae.

"Take me to his office."

"Ms. Juarez, pasensya na po. Mahigpit po kasi ang bilin na ---"

Hindi ko siya pinansin. Nagtuluy-tuloy na ako sa loob at huminto sa harap ng pintuan marked Chief Executive Officer. I knocked on the door three times. When I heard the words, "Come in," nagtuluy-tuloy na ako sa loob.

"I was told by your staff that you are no longer interviewing people for the account executive position because you have already hired somebody for the job. Is that correct?" malumanay ang tinig ko. But I made it clear that I was offended and I wouldn't take it sitting down.

Nakatayo patalikod ang mukhang CEO at may kinakausap ito na nakaupo naman sa couch sa left side ng malawak na opisina. Natigil ang pag-uusap nilang dalawa at napalingon sa akin ang nakatayong lalaki. And I gasped when I saw his familiar face. Pinsan ni Micah! Hindi ko na matandaan kung alin ito sa dalawa, Toby o Olezka.

"Oh. Did she say that?" kalmado nitong sagot. And he looked behind me. No'n lumitaw ang natatarantang receptionist at nagpaliwanag ito.

"It's not her fault. She made it clear that you are no longer interviewing people, but I insisted on coming here to stress a point. It's not fair to treat applicants this way just because you call the shots."

Pagkasabi ko no'n, tumalikod na ako. To hell with the job, I thought.

"You're hired!"

Natigilan ako sa may pintuan. Napalingon ako sa kanya nang nakakunot ang noo.

"You see, I was just testing you. Hindi kasi pwede ang passive o sobrang mabait sa posisyong ito since you may be dealing with obnoxious clients.Tama lang ang ginawa mo."

While he was explaining his weird style for testing applicants, nahagip ng paningin ko ang lalaking tanging laman ng isipan ko nitong mga nakaraang araw. Prenteng-prente siyang nakaupo sa couch. Siya pala ang kausap ng bwisit na CEO ng kompanyang ito.

"Good morning, Shane! It's good to see you again."

"What are you doing here?" tanong ko kay Micah sa mahinang tinig.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang magpinsan. Pakiramdam ko napaglaruan nila ako. Lalong uminit ang ulo ko. Hindi ko na pinansin ang damdaming tila nabuhay pagkakita sa kanya. Taas-noo kong ni-reject agad ang job offer right there and then.

Continue Reading

You'll Also Like

966K 30.7K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
467K 13.7K 34
Isla de Vista Series #5 Cresia, The girl of perfection, emotionless, unbothered, silent, and immovable. She is used to the life dictated to her how...