She's A Bad Girl

By Sweetmagnolia

4.4M 111K 10.2K

Miisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path... More

She's A Bad Girl
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Final)
EPILOGUE

Chapter 37

76.2K 1.9K 154
By Sweetmagnolia



Pinagpapawisan ng malamig ang kamay ni Miisha habang kaharap at hirap tumingin ng diretso sa mga magulang ni Jacob. Nasa malawak at magarang sala sila ng bahay. Nakaupo ang mga magulang ng lalaki sa mahabang sopa samantalang nakatayo lamang sila. Wala siyang pagsidlan ng kaba habang hinihintay ang sasabihin ng mga ito. Kung hindi lang kakaiba na magtago siya sa likod ni Jacob ay baka kanina niya pa ginawa. Alam na ng mga ito ang tungkol sa pagdating niya sa bahay sapagkat ipinagpaalam na siya ni Jacob nung inaabangan pa lamang siya nito sa labas ng motel na pansamantala niyang tinuluyan.


Mas matanda sa kanyang Daddy ang ama ni Jacob, tantiya niya'y nasa mid 50's na ito at ganun din ang edad ng nanay. Mababait naman ang mga hitsura pero dama niya ang pagkakonserbatibo at tradisyunal ng mga ito. Sa mga mata at manerismo ng tatay ay kita niya na ang pagiging matalino at mapanuri nito. Sa ama nakuha ni Jacob ang kanyang pagkasingkit, sa nanay naman ang kaputian.


His Mom is wearing a purple closed neck mini dress with white pearl necklace. Although kita na ang mga wrinkles sa gilid ng mga mata, she has still an exceptional beauty and a youth-like physique. His father on the other hand carries the typical politician aura. Intelligent, authoritative but still charismatic.


"So you're the mysterious daughter of Cong. Carballo. Finally, we met. I'm Rafael Marcelo and this is my wife Julianna. Your father is a very close friend of mine," nakangiting pahayag sa kanya ni Mr. Marcelo na isa ring kongresman.


Nahihiyang yumukod si Miisha nang magkasunod sa dalawang kaharap. "Hello po Ma'am. Good evening po Congressman Marcelo..."


"Maupo ka iha," nakangiting alok ni Mrs. Marcelo.


Saka lamang naupo sina Miisha at Jacob.


"Ikaw pala ang gifted na anak ni Congressman Carballo. You're not just talented but pretty too," puri ng ina. Her voice is too soft and refined na kaunting hina pa ay mapagkakamalan mo nang maysakit ang nagsasalita. Ang pagkakaupo at ngiti ay sukat na sukat. "I saw some of your works when my son was keeping them in one of our rooms. I was amazed on how beautiful they are..." She pouted on her son. "Kaya lang pinagbawalan agad ako ni Jacob. He said you just don't show your works to everyone."


Kiming ngumiti si Miisha. "Pasensiya na po. I did gave him that impression pero wala pong problema kung tingnan niyo yung mga paintings."


"Really?" pairap na tumingin ito sa anak. "You heard that son? Pwede naman pala eh." sabik ngunit may kabagalang wika nito. Muli itong lumingon kay Miisha. "Can you show it to me tonight?"


"Not tonight Mom. Let her rest first," saway ni Jacob.


Mahinhing sumimangot ang ginang. "Okay, e di bukas na lang."


Congressman Marcelo cleared his throat, straightened and rested his both arms on the chair. "Iha, the truth is... I don't want to meddle between you and your father's affair. Alam kong meron kayong hindi pinagkakaunawaan ngayon at gusto ko na sana'y maayos niyo yan without my family being involve..." Bumuntong hininga ito ng malalim. "... but after hearing from my son kung anong klaseng lugar ang tinutuluyan mo ngayon, I had no choice but to let you stay in this house... Maybe you just misunderstand the way your father express his love for you but believe me he do cares a lot for you. Hindi siya matutuwang sa ganoong klaseng lugar ka tumutuloy. Since you're his daughter, I'll treat you as my own too. Right now I'm tempted to tell him of your whereabouts but I won't do it because I'm sure you'll just run away from him again..."


Napapalunok, nakatungo at tahimik lamang na nakikinig si Miisha.


"...Alam kong gusto mong ilihim sa Daddy mo ang pagtira mo dito...and I have no choice but to agree on that now because I worry about your safety outside. You can stay here as long as you stay away from troubles," seryoso ngunit mahinahong pahayag ng kongresman.


Nahihiyang nag-angat ng mukha si Miisha at ngumiti. "Maraming salamat ho. Huwag po kayong mag-alala, hinding-hindi ko po kayo bibigyan ng problema... At pag nakahanap din ho ako ng part time job, lilipat din po agad ako."


"Hindi mo kailangang maghanap ng trabaho at lalong hindi mo kailangang lumipat. All I want ay ang magkaayos kayong mag-ama. When that happens, you're free to leave our house."


Nanahimik si Miisha at sumagot lamang ng tipid na ngiti.


Congressman Marcelo settled his eyes in the two youths in front of him and smiled. "I'm glad that the two of you got closer."He looked at Miisha. "Your Dad was the one who informed me na sumali ka sa club nina Jacob. Mismong araw na yun ay pinakiusapan ko ang anak ko na gabayan ka. I'm glad that he listened..."


Jacob gave his father an awkward smile.


"Masyadong mapili ang anak kong ito pagdating sa mga nagiging kaibigan niya. There must be something in you na nakita niya," dagdag naman ni Mrs. Marcelo.


Nilingon ni Miisha ang binata at puno ng pasasalamat ang mga matang nginitian ito. "Your son is indeed one of the nicest person I met. Hindi ko na nga po alam kung papaano ko siya mababayaran sa lahat ng mga itinulong niya sa akin," medyo nahihiyang wika niya sa mga magulang ng lalaki.


"I hope that you two can keep your closeness like a family. Tratuhin niyo ang isa't isa ng parang tunay na magkapatid," salita ng ama.


Muntik ng masamid si Jacob. Napatingin siya kay Miisha na noon ay napapalunok ding napatingin sa kanya. Unti-unting namutla ang pisngi ng babae habang napapakurap ang nagtatanong na mga mata nito.


"Dad can Miisha take a rest now? I'll show her her room," agad na pag-iba ng binata sa usapan.


"Okay, help her carry her things," ani Mr. Marcelo.


"You don't need to order me that Dad," ngingiti-ngiting tugon ng anak.


"Miisha, iha. If you need something like mga pampaganda, just tell me okay," may sigla ang mukha ngunit malumanay pa ring pagkakasabi ni Mrs. Marcelo.


"Mom she's not into that kind of things."


Inalalayan ni Jacob si Miisha patungo sa tutuluyan nitong kuwarto na matatagpuan sa ikalawang palapag.


"Your house is big. How many rooms do you have here?" usisa ng dalaga habang palinga-linga sa magarang bahay.


"Nine. But don't you have a big house too?" napapangiting komento ni Jacob.


She smiled. "Ours has eight."


Huminto sila sa tapat ng pinto pangalawa mula sa hagdan. Binuksan ito ni Jacob. "It's the best guest room," anito.


Lumingon muna sa paligid si Miisha bago pumasok. "Nasaan ang kuwarto mo?"


"Downstair."


"Ahh okay."


"Why? Are you disappointed na hindi magkalapit ang kuwarto natin?" biro ng lalaki.


Biglang namula ang dalaga. "Hindi ah!" sabay simangot nito. "Tinatanong ko lang." Saka ito nagmadaling pumasok sa loob.


Inilapag ni Jacob ang mga gamit ng babae sa loob ng silid kung saan malapit sa pintuan nang hindi pumapasok sa kuwarto. Nanatili lang siyang nakatayo sa labas ng pinto habang kinakausap ang dalaga.


"I can't come in so I guess you need to fix your things by yourself now," bigkas niya.


"Yeah. I know." Tumingin ng seryoso si Miisha sa binata at binigyan ito ng taos pusong ngiti. "Thank you."


He smiled back. "Anytime.... Call me if you need anything."

"Okay."


He closed the door.


After Jacob left, Miisha sighed and wandered her eyes inside the room. Off-white paint, spacious yet with minimal displays. Ang tanging takaw-pansing dekorayon dito ay ang isang may kalakihang kulay berdeng abstract painting na nakasabit sa taas ng headboard. Pumikit siya sabay hingang malalim. It has the same feel with her room in Laguna kaya agad siyang naging komportable dito. It also contains an scent that gives unusual warmth and comfort.


Pansamantalang nakalimutan niya ang hiya at pagkaasiwa. Masiglang inayos niya ang mga gamit. Ang mga dinala niyang personal na gamit mula sa dating apartment ay ang mga damit na madalas niyang gamitin, pailan-ilang painting books at mga gamit sa eskwela. Hindi ito kadamihan kaya agad siyang natapos sa pag-aayos. Inilabas niya ang nakaframe na litrato nila ni Kathleen at ipinatong ito sa bedside table. Tinitigan niya ito ng ilang saglit. Pagkuway saka pabagsak na nahiga sa kama.


She almost couldn't believe that her back is lying again on a soft and comfortable bed. Her mind is acting tough but her body is screaming in huge relief. Unti-unti siyang inantok ngunit bago pa man niya maipikit ang mga mata bigla siyang nakaramdam ng pagkulo ng tiyan.


Tok.Tok.Tok.


Agad siyang tumayo at binuksan ang pintuan. It's Jacob.


"Nag-dinner ka na ba?" tanong nito.


Napapalunok na napahawak siya sa kumukulong tiyan. Nahihiya siyang umamin pero hindi niya magawang magsinungaling. She shyly shook her head.


"Join me downstair," utos nito.


Sumunod siya at laking gulat niya nang dalhin siya nito sa kusina. Maraming mga nakahaing pagkain ang naghihintay sa kanya sa hapag kainan.


"I asked the maids to cook for you. Alam kong nagtitipid ka and you starved yourself these past few days kaya kailangan mong bumawi. Eat a lot."


He pulled her chair and she sat hesitantly. Naupo sa tabi niya ang binata at sinandukan siya ng pagkain. Hindi na siya nagpakipot pa at pinagbigyan ang tawag ng sikmura. Nang mapagtantong sila lang dalawa ang nasa dining hall unti-unting nawala ang kanyang inhibitions at bumilis ang kanyang pagsubo.


"Hindi ka ba kakain?" tanong niya sa kasamang nanonood lamang.


"I'm full. Don't mind me. Just eat comfortably."


"Okay," sagot niya sabay subo ulit.


"Your parents are very kind. Ang lambing at napaka-soft spoken ng Mommy mo while your Dad is very understanding. Hula ko sobrang talino ni Congressman Marcelo!" malugod na komento niya.


"Yes, they are very kind and supportive parents," sagot ni Jacob.


"Ilan ba kayo dito sa bahay?"


"Except for the maids, drivers and bodyguards. It's just me and my parents."


Biglang namilog ang mga mata ni Miisha. "Huh? Solong anak ka lang?"


Natawa si Jacob. "No. I have an elder sister. She's living in Italy for almost five years. She's a handbag designer there."


"Ah ganun ba? Ilang taon na siya?"


"Thirty three."



"May asawa na?"



"None but she's engaged to her Italian boyfriend."



"Oh I see..." napapatangong komento ni Miisha na animo'y manghang-mangha.


Muling natawa ang lalaki. "Kita mo na. Kung di ka pa napunta dito sa bahay, you won't have the interest to ask about my family background."


Natahimik ng ilang sandali ang dalaga saka nahihiyang tumingin sa kausap. "Sorry ha. I didn't realize I was that self centered," malumanay na wika nito.


"You're not self-centered. You're not just a nosy person."


Ngumiti ng tipid si Miisha hanggang sa unti-unti siyang nagseryoso. "Jacob your father hope for us to treat each other like siblings, okay lang ba na nililigawan mo ako?" sabay inom niya ng tubig.


"They are free to assume and hope something for our future but we also have our freedom to feel whatever we want to feel," seryoso ngunit may ngising sagot ng binata.


Sumubo ng isa si Miisha. Mabilisang ngumuya saka tila hirap na lumunok. Pag-apak palang pala niya sa bahay ay may nalabag na agad siyang kagustuhan ng ama ng lalaki. It gave her more reasons to try harder in suppressing her feelings.


"Alam ba nilang hiwalay na kayo ni Laarni?" maingat at mahinang na tanong niya.


Umiling ang binata.


"When are you planning to tell them?" nag-aalalang tono niya.


"I already had plan in my mind. I'm just looking for the right timing." He smiled and caressed the tip of her hair. "Stop worrying about my problem, I can deal with it. Ang mas problemahin muna natin ay ang sitwasyon mo ngayon, okay?"


"Okay." Napangiti si Miisha. She was relieved after hearing that he's tough and confident in dealing with his problem. She saw from his eyes that he's not really too bothered by it. Muli siyang ginanahang kumain. Sumubo ulit siya at iginala ang mga mata sa kusina. 


"You have a very warm house and family. You're very lucky to have a peaceful home," may ngiting komento niya.


"Yes. I'm contended and happy growing up in this house..." Nangalumbaba si Jacob. Ngingiti-ngiti itong humarap at tumitig sa kanya. "But I'm far happier now.... since you're living with us."


Muntik na siyang mabulunan. Napatapik siya sa dibdib sabay natatawang tumingin sa lalaki. "Ang OA mo naman! As if naman titira ako dito ng matagal!"


"Maybe it's just temporary this time but I'm pretty sure that in the end of it all we are destined to live together," anito na hindi niya matanto kung seryoso o nagbibiro.


Hindi siya nakasagot. Napakagat siya nang madiin sa kanyang labi upang pigilan ang nagbabadyang pagngiti. Biglang nag-init ang kanyang mga pisngi. Tumingin siya sa kanyang plato at patay malisyang sumubo. Nakakailang nguya pa lang siya ay bigla siyang nasamid. Napaubo siya ng malakas.


Tarantang inabutan siya ng tubig ni Jacob. He tapped her back after she drank the water. She took a deep breath nang makabawi sa paghinga then she grabbed another glass of water.


"Hindi naman kasi masamang amining kinikilig ka, ayan tuloy nauubo ka nang wala sa oras," he kidded while tapping her back gently.


Muli siyang naubo.


"O ayan kinikilig ka naman," he kept teasing.


"Jacob stop it!"



Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 67.4K 60
When Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved
71.3K 1.3K 95
Si Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdam...
754K 26.7K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.7M 59.9K 37
May boyfriend ka na nga, mataba at maldita ka pa rin?! SEQUEL TO THE XL BEAUTY. NOW PUBLISHED UNDER SUMMIT POP FICTION.